CHAPTER 5

2654 Words
Chapter 5 Arwel P.O.V "Sebastian!" pumasok ang bestfriend kong si Trajis may dala-dalang case. Siya ang taong pinagkakatiwalaan ko. My right hand, the more business I run the more illegally I do. That's where I got up so I can't stop that illegal activity. The exchange of drugs for money. I have one manufactory for drugs. A bar and Restaurant and one ship. Inilapag niya ang case sa mesa. Then he open it. Inutusan ko siyang i deposit 'yon sa banko. I don't need it I have a lot of money in my pocket. Nang makalabas siya ay naalala ko na naman ang mukha ni Layla habang inaangkin ko siya while ago. She's crying na parang siya 'yong nasaktan sa 'min dalawa. She's nothing but a gold digger. Pera lang ang mahalaga sa kaniya. That's why she left me. Damn it! Hindi niya alam ang dinanas ko nang iniwan niya ako. She left me a letter that broke my heart damn it! Mas pinili niya ang matandang may pera, kaysa sa akin. doon siya masaya sa pera, pera lang mahalaga sa kanya. That f*****g money. She's a low class woman and now she's working on a club. I took her back but I saw her with a man in their house. Nang malaman ko na umuwi siya galing Manila kaya umuwi ako nang mga ilang araw pero 'yon lang pala ang tatambad sa 'kin. Ang makita siyang kausap at kasama ang lalaki niya. Gusto niya ng lalaking may pera. Ang may maipagmamalaki sa kanya, pareho lang sila ng Mama niya sobrang mapagmaliit at mukhang pera. Sa araw na 'yon kinalimutan ko siya nagpakalasing at naghahamon nang away walang araw na wala akong pasa sa mukha. Until I found out myself, nagbebenta na ng drugs hanggang sa natutuhan ko na kung paano palaguin ang pera. Mabilis ang pera sa pagbebenta ng drugs. Nang dahil sa kanya nagsikap ako. That maybe someday maipagmamalaki niyaa ako. but now, hindi ko na kailangan pa 'yon. madumi na siyang babae. She's working on a club na halos makita na kaluluwa niya nang una namin pagkikita. "Boss natapos na po namin ang inutos niyo." Biglang sulpot sa harapan ko ang dalawa kong tauhan na inutusan kong ipadala ang mga drugs sa ibang bansa. Mas malaki ang bayad, much money. "Good!" "Did you pay the guards at the pier?" kapag hindi nabayaran ang mga nagbabantay ay maaring magsusumbong sila. Tumango-tango lang ang dalawa. "Then good! You can go out now!" utos ko. Gusto kong mapag-isa. Layla P.O.V Laglag balikat kong pumasok sa bahay. Sinalubong agad ako ni Levi, ang sabi ko sa kaniya na daanan na lang niya si Arvel pagkauwi niya galing sa school kaya hindi na ako nag atubili pang dumaan sa bahay ni Devine dahil alam kong sa ganitong oras ay nasa bahay na sila. It's already 7pm. "Ate si arvel po may lagnat!" salubong niya agad sa 'kin. Halos takbuhin ko na kung saan nakahiga si Arvel at mabilis na hinipo ang kanyang noo at totoo nga na may lagnat ito. "Levi mag ayos ka ng dadalhin na gamit at e papa-check ko sa hospital si Arvel," mabilis kong utos na agad naman siyang pumasok sa kwarto para sundin ang utos ko. Napakainit ni Arvel paulit-ulit ko 'yon hinahawakan ang kanyang noo. "Ma-ma!" mahina niyang tawag sa akin. "Ssshhh! Andito na ako, andito na si Mama ha!" bulong ko sa kanya. Lanta at namumutla siya habang karga ko. Nang makalabas si Levi ay agad na kaming lumabas para pumara ng trysicle. Mabuti na lang at may pera na ako sa panahong nagkasakit si Arvel dahil kung wala ay hindi ko alam kung saan na naman ako aapuhap ng pera. Hindi ko pinakialaman ang perang tinapon sa harapan ko ni Arwel itinago ko 'yon sa wallet at wala akong balak na gamitin 'yon dahil sapat na ang kita ko sa binayad niya sa 'kin halos kalahati din ang binigay sa 'kin ni madam. "Miss ikaw ba ang ina ng bata na si Arvel Sebastian?" agad naman lumapit sa 'kin ang doctor na siyang tumingin kay Arvel. "O-opo, a-ano po kalagayan niya? A-ano po sakit ng anak ko?" nauutal kong tanong. "Hindi naman malala, lagnat lang. Wala akong nakikitang sakit sa kanya. It is just a fever don't worry pinainom ko na siya ng gamot. At baka mamaya-maya lang ay maging okay na rin pakiramdam niya," nagpakawala ako ng mahabang hininga sa sinabi ng doctor. "S-salamat doc," ngumiti siya at labas ang pantay-pantay niyang mga ngipin na halatang alagang-alaga 'yon ng doctor. "Sige, miss maiwan ko muna kayo," paalam niya. Tuluyan na nga akong iniwan nito. Agad akong pumasok kung saan natutulog si Arvel. "Mabuti na lang ate at lagnat lang," Dinama ko ang noo ni Arvel na ngayon ay medyo nawala na ang init nang noo niya. Mahimbing siyang natutulog. Pinagmasdan ko lang siya, naalala ko na naman ang lalaking kanina lang ay minaliit ako. At binaboy ang p********e ko.  Ang sabi ng doctor ay pwede ko nang ilabas si Arvel. Doon na rin kami natulog sa hospital 10am nang makauwi kami sa bahay. Nasa labas na ang mga gamit namin hindi ko alam kung bakit nasa labas ang mga 'yon. Nakita kong mula sa loob ng bahay ay lumabas si Aling Dina ang may-ari ng bahay na inuupahan namin nakapameywang siyang nakatingin sa amin. "Oh, ayan ha! Tinulungan ko na kayo mag impake nang mga gamit niyo hindi na kayo mahihirapan pa," masungit niyang sabi nang makita kami. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Aling dina magbabayad naman po ako. Sa katunayan nga po magbabayad na ako ngayon pero na hospital lang si Arvel kaya ngayon lang kami nakauwi," paliwanag ko. "Ay, hindi. L umayas na kayo hindi ko kayo kailangan dito, may iba nang uupa sa bahay na 'to," masungit pa rin niyang sabi. Napakawalang awa at napakamasyadong mapagmataas. "Ano pa hinihintay mo umalis na kayo," aniya na parang mga aso lang kaming pinapaalis sa lugar na 'yon. Laglag balikat ko habang naglalakad palapit sa kapatid at anak ko. Pinulot ko ang mga damit na nakakalat sa sahig. Tumawag ako ng trysicle para sa mga gamit namin. Kaunti lang naman 'yon kaya madali kong naipasok 'yon sa trysicle. "Ate, saan tayo pupunta ngayon?" si Levi habang katabi niya si Arvel tiningnan ko silang dalawa na awang awa ako sa kalagayan namin. "Huwag ka mag-alala may pera naman ako, makakahanap din tayo nang mauupahan." "Layla may alam akong paupahan ng bahay banda sa'min gusto ni'yo ba?" biglang nagsalita si Manong Victor ang trysicle driver na sinasakyan namin ngayon. Mabuti na lang at nakahanap kaagad kami ng bahay na mauupahan malaki siya sa dating inuupahan namin kaya mas malaki ang buwan. Hindi ko na alam kung papasok pa ako sa club pagkatapos nang nangyare. Napagdesisyunan kung hindi na muna papasok sa araw na 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na dulot nang marahas na hawak sa 'kin ni Arwel nang gabing marahas niya akong inangkin. Napahawak ako sa aking braso at may bakat pa 'yon nang hawak niya ganoon siya ka rahas na hawakan ako. Narinig ko na lang ang pagtawag ni Levi sa 'kin mula sa salas. Hindi ko alam kung sino ang bisita namin, bago lang kami at hindi pa alam ni Devine ang bagong nalipatan namin. Kaya sino naman kaya ang bibisita sa amin? Hindi ko kilala ang babaeng nasa labas ng pinto "hi! Ako nga pala si Kim ang friendly niyong kapitbahay. May dala akong ulam para sa inyo,"aniya na nakangiti. Kabaliktaran ang mga tao ngayon sa lugar na nilipatan namin kung dati ay palaging galit ang mga tao sa dati namin tinitirahan ay ngayon naman napaka-friendly nang mga taong nasa paligid namin. Pinapasok ko si'ya at pinakilala sa kapatid ko sa tingin ko si kim ay magkasing tanda lang kami,maganda si'ya at simple na parang may pagka boyish ang dating. "Sana magustuhan niyo ang luto ko," aniya pagkatapos niya ibigay ang dala niyang ulam Ngumiti ako sa kanya. "Salamat, nag abala ka pa." "Wala 'yon. Day off ko kasi kaya nagluto ako nang maraming ulam kaya naisipan kong magbigay sa inyo. Cook kasi ako sa isang restaurant," mahabang paliwanag niya. "Restaurant?" bigla kong tanong "Oo restaurant, ikaw may work ka na ba? Pwede kita e recommend kung sakali naghahanap ka pero parang may trabaho ka naman ata" sobrang natuwa ako sa sinabi niya "W-wala," agad kong sabi hindi ko alam kung bakit naging interesado ako na pumasok doon kahit man lang diswasher ay okay na. Kahit ngayon lang kami nagkakilala ni kim ay naging magaan ang loob ko sa kanya sinama niya ako kung saan siya pumapasok bilang cook. Ang buong akala ko ay isang maliit na restaurant lang ang pupuntahan ko kaya naman ay simpleng shirt at pantalon lang ang suot ko ganun din si Kim kapag naglakad siya lakad lalaki at galaw lalaki din siya kapag nakilala mo siya nang matagal ay maiisip mong boyish siya. Pinakilala niya ako sa ibang mga staff mga waitress at waiter maging sa loob din ng restaurant na 'yon hindi ko akalain na mababaet silang lahat at magalang. Dinala niya ako sa main office kung saan ang may mag iinterview sa akin. Sinuswerte ata ako sa araw na 'to at lahat nang nakakasalamuha ko ngayon ay mababait maging ang interviewer ay mabait halos magtatalon ako sa tuwa nang sinabi ni'yang tanggap na ako bilang isang waitress, hindi ko akalain na matatanggap ako bilang waitress sa isang mamahaling restaurant. "Sabi ko naman sa 'yo matatanggap ka, sa ganda mo kasi na yan, ganyan ang mga hinahanap nilang waitress matangkad maputi at higit sa lahat maganda siguro nagustuhan ka nung may-ari at tinanggap ka kaagad, " tukso ni ni kim habang papalabas kami sa restaurant na 'yon. "Ang akala ko ba manager lang ang nag-enterview sa'kin tsaka babae 'yon. Paano naman ako magugustuhan?" naguguluhan kong sabi. Bigla siyang lumapit at bumulong. "Lalaki ang may ari at napakasungit, kung gaano ka bait ang mga empleyado sa restaurant na 'yon katumbas naman ng kapangitan ng ugali ang may ari ng restaurant na 'yon wag ka maingay ah,"bago tuluyan siyang lumayo sa 'kin."Gaano kaya kapangit ang ugali niya," sa isip ko. Ulit siyang lumapit at bumulong ulit sa 'kin "Masungit pero gandang lalaki," bulong niya ulit "yon ang sabi nila pero ako never na napupugian kasi nga babae ang gusto ko."sabay tawa siya at lumayo sa 'kin. Sa wakas ay naipahinga ko rin ang katawan lupa ko pagkatapos kasi ng hospital na halos wala akong tulog ay may problema naman na sumalubong sa'kin at kanina naman ay umalis ako para sa interview at ngayon sa wakas nakahinga ng maluwag at nakahiga na rin sa malambot na kama. Pasado alas dyes na nang gabi pero hindi parin ako nakakatulog masyado ako'ng na excite na pumasok sa restaurant kung saan ang bago kung trabaho. Mabuti na lang at naintindihan naman ako ni Devine at ni madam na may ari nang club, naka ilang tawag pa sila sa'kin kung papasok pa ba ako pero pinili kung hindi na pumasok mas mabuti pa rin kahit maliit ang sweldo ay hindi ko na na bebenta ang katawan ko. Tama nang laitin ako ng lalaking minahal ko at hinintay ko nang ilang taon pero puro lait lang pala ang maririnig ko mula sa kanya. Gaya nang nakasanayan ay iniwan ko si Arvel kay Tita Devie bago tuluyan nang pumasok sa bagong trabaho. Hingang malalim ang ginawa ko bago tuluyan nang pumasok sa restaurant na bago kung pagtatrabahuan. Hindi ko napansin ang mga uniform nang waitress kahapon ngayon ko lang napansin na ngayon ay suot ko na kakabihis ko lang galing sa locker isang maikling skirt at longsleeve na may ribbon sa kwelyo na parang mga anime ang style, feeling ko tuloy ako si sailor moon. Bawat nadadaanan ko ay nakangiti ako.kailangan sa trabaho ko ang pagiging friendly look Nasa counter ako at kausap ko si manilyn ang bago kung nakilala isa din siyang waitress.medyo maaga pa kaya naman wala pa masyadong kumakain. Sa umaga ay anim kami na waitress ang naka assign sa baba at anim din sa itaas sa second floor Sa gabi naman ay meron din mabuti nalang at hindi ako na assign nang gabi,mas gusto ko pang umaga para naman sa gabi ay makakatabi ko pa si arvel ang baby ko. Maya-maya lang narinig ko ang pagtawag nang customer sa'akin Agad ako'ng lumapit sa babaeng maputi at may kasama si'yang lalaki na foreigner . Binigay ni'ya sa'kin ang kanyang cellphone "can you take a picture of us?" maarte nitong  sabi na agad naman akong tumango bilang sagot, hindi ako masyado marunong sa ganoong klaseng cellphone ang alam ko lang gamitin ay may keypad. Naghihintay na sila na kuhanan ko pero kanina pa ako hanap nang hanap hindi ko makita ang camera. "What happened?" maarte niyang tanong hindi paman ako nakapagsalita ay hinablot na niya yon mula sa'kin pero dumulas 'yon sa kamay ko kaya nahulog 'yon.  "You b***h!" galit ni'yang baling sa'kin mabilis ako'ng yumuko at pinulot ang nagkahiwa hiwalay ni'yang cellphone at pilit kung pinagkakabit 'yon. "You son of a b***h!" galit ni'yang sigaw sa'kin dahilan para pagtinginan kami nang mga ibang customer. Nahihiya ako'ng yumuko "S-sorry po ma'am, s-sorry!" nauutal kong sabi. "sorry? Boba ka, bakit ka ba nakapasok sa restaurant na 'to kukuha ka lang nang picture hindi mo pa magawa."galit na galit parin ni'yang sigaw sa'kin wala ako'ng ginawa kundi ang yumuko lang. "Honey."rinig ko ang pag saway nang foreigner sa babae pero hindi si'ya tumitigil sa pagsasalita. "Now,what?"ipinakita ni'ya sa'kin ang phone ni'ya na may basag na 'yon sa screen mas lalo ako'ng kinabahan ramdam ko ang pagtapik sa balikat ko ni manilyn na agad lumapit sa'kin. "Ma'am pasensya na po!bago lang po kasi si'ya."si manilyn. "I don't care? Ang gusto ko bayaran mo ang nabasag mo'ng screen nang phone ko .,gosh!! you know how much is this ?" Inilapit pa ni'ya yon sa mukha ko. "Sorry po!babayaran ko nalang po !"sagot ko na maiiyak na sa hiya at sa panliliit ko sa sarili. "Babayaran mo? huh! Bakit magkano ba sahod mo?" galit pa rin niyang sabi sa'kin. "I'm s-sorry,unti unti ko na lang babayaran ang damage," nauutal kong sabi habang pinipigilan ko ang luha ko na malapit nang bumagsak. Sasampalin na niya ako pero may biglang kamay na humawak sa kamay nang babae. "How much?"baritonong boses na hindi ko makakalimutan walang iba kundi si arwel. Nanlaki ang mga mata ko "Bakit si'ya nandito?" sa isip ko. "Who are you?" maarte pa rin na tanong nang babae nanatili lang akong nakatingin kay Arwel na ngayon ay binitawan na ang kamay nang babae. Imbes na sagutin ay gumalaw ang kamay nito at may kinuha si'ya sa kanyang bulsa at wallet 'yon, mabilis ni'ya binigay yon sa babae ang pera na hindi manlang nag atubili na bilangin 'yon. Nanlaki ang mga mata nang babae na parang hindi makapaniwala. "I think it is enough for that f*****g screen!" huling sabi ni'ya bago tuluyan na iniwan ni'ya kami at naglakad kung saan ang counter nang restaurant."you,"bago tuluyan naglakad ay lumingon pa si'ya sa'kin at tinuro ako"follow me." Nanatili ako'ng nakasunod ang paningin sa kanya nakanganga at hindi makapaniwala sa ginawa ni'ya. "Pinagtanggol ba ni'ya ako?" may saya akong naramdaman sa ginawa ni'yang pagtanggol sa'kin. "Sumunod ka daw kay sir." Tinulak ako ni Manilyn dahil sa tulala na ako. "Pasalamat ka at may nagbayad na sa kabobohan mo." muling nagsalita ang babae sa'kin si'ya nakatingin habang hawak ang pera na kanina lang ay binigay sa kanya ni arwel. Bumalik ang isip ko sa sinabi ni manilyn "S-sir?"di makapaniwalang tanong. "Si sir Arwel, siya ang may-ari ng restaurant na 'to, kaya sumunod ka na baka magalit pa 'yon palagi pa naman galit 'yon," bulong ni Manilyn na tinulak pa ako nang mahina. hindi ako makapaniwala na sa laki nang mundo ay dito ako mapunta At makapag trabaho sa pagmamay-ari pa niya. To be continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD