bc

His Sweet Desire ( TAGALOG )

book_age18+
44.0K
FOLLOW
264.4K
READ
billionaire
possessive
second chance
playboy
badboy
drama
sweet
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

--BLURB--

Kailangang iwan ni Layla ang asawa para sa kagustuhan ng ina. Walang maipagmamalaki na kayamanan sa kanya si Arwel. Nagtitinda lamang ito ng isda sa palengke. Sa kanyang pag-alis ay huli na nang malaman niya na may nabuo sa kaniyang sinapupunan. Nagdesisyon siyang bumalik ngunit hindi na niya nadatnan pa ang kaniyang asawa. Paano kung ang dating nagtitinda lamang ng isda sa palengke ay naging isang bilyonaryo na ngayon?Mabubuo pa kaya silang muli kung ang nararamdaman na lang ni Arwel kay Layla ay galit at tanging katawan na lamang niya ang gusto nito?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One   Dala ang sakit at alaala, umalis ako ng bahay na hindi na muli sinulyapan ang asawa kong mahimbing na natutulog.Tama sila hindi ako mabubuhay sa pag-ibig lamang. Kailangan kong sundin ang sinabi ni Mama na layuan siya. Marami pa akong pangarap at mga bata pa kami. He's just twenty years old and I'm just sixteen.   Hindi ako nakatapos ng pag-aaral dahil sumama na ako kay Arwel. Ang lalaking mahal na mahal ko pero sa bandang huli, naisip ko pa rin ang magiging kapalaran ko sa kaniya.   Isa siyang anak sa labas na hindi alam kung sino ang kaniyang mga magulang. Tanging tiyahin lamang niya ang bumuhay sa kaniya simula pagkabata.   Hindi siya nakatapos ng high school. Pero kahit mahirap si Arwel ay hindi mo mahahalatang mahirap ito, dala nang mapupulang balat, matangos na ilong at matipunong katawan.   Pareho naman naming ginusto na magsama na kami ngunit sa loob ng dalawang buwan, wala pa rin naman nagbago, wala pa rin siyang trabaho. Pinilit ako ni mama na iwan ko siya at kahit labag sa loob ko ay sinunod ko pa rin siya. Mahal ko siya pero kailangan ko siyang iwan.   "Miss, dito na po tayo." Napatulala ako sa aking iniisip. Agad naman akong tumayo at naglakad pababa palabas ng Bus.   Lumuwas ako ng Manila, nagbabakasakali na makahanap ng trabaho. Palingon-lingon ako sa paligid. Ang alam ko ay susunduin ako ng pinsan kong si Devine na siyang tutuluyan ko. Si Devine ay pinsan ko.   Napansin ko sa 'di kalayuan ang kumakaway-kaway na babae na alam kong si Devine na iyon. Ang aking pinsan na nakulangan ng tela ang damit dahil sa sobrang iksi nito at nabalot din siya ng makapal na make up at mapulang labi gamit ang lipstick nito.   "Wow! Ikaw na ba iyan, pinsan? Hindi ko akalain na magdadalaga ka na ganyan ka ganda," manghang sabi ni Devine.   "Sobra ka naman, siyempre mana lang ako sa iyo." Pilit kong ngiti.   Niyaya na niya ako para makarating na kaagad sa kanilang bahay. Isang makipot na iskinita ang aming binaybay at siksikan ang mga bahay. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay nila Devine ay parang gusto ko nang bumalik sa probinsya, kung saan nandoon ang aking asawa.   "Magagalit kaya siya sa akin?" Sa isiping iyon ay bigla na lamang tumulo ang aking luha. Napadungaw sa aking mukha si Devine.   "Hoy, umiiyak ka ba?" Hinawakan  niya ang aking mukha at iniharap sa kanya. Kaagad naman akong yumuko.   "Ganyan talaga kapag bago ka lang dito sa Manila, mami-miss mo talaga ang buhay-probinsya. Naku! Naku! Kita mo ako." Itinaas pa niya ang halatang mamahalin na shoulder bag.   "Regalo ito sa akin ng nobyo kong Hapon. 'Di ba, sosyal?!" Nagtatrabaho si Devine sa isang club, kaya gano'n na lang siguro siya kung manamit at ganoon na lang kadali nakahanap ng nobyo na Hapon.   Alam ko kung bakit pinadala ako ni Mama dito, para makahanap ng mayamang lalaki. Sinunod ko ang utos nila dahil kailangan din namin ng pera. Dalawa lang kaming magkakapatid at nag-aaral pa si Levi, ang aking kapatid sa private school. Siya ang favorite ni Mama. Kahit ayaw ng kapatid ko na doon mag-aral ay pinilit pa rin siya ni Mama.   Nandito ako para magtrabaho pero ang isip at puso ko ay naiwan sa probinsya. "Bukas ay magsisimula ka na sa Karinderya ni Manang Loling. Gusto ko sana sa club ka eh! Kaso..." sabi ni Devine habang kumakamot sa kaniyang ulo at pinagmamasdan ang aking hitsura.   "Kaso, mukhang hindi mo kakayanin. Tsaka na lang siguro kapag nasanay ka na dito. Tiyak, madami ang magkakagusto sa 'yo na bigatin sa club." Nauna na siyang maglakad sa akin.   Ayaw ko rin naman pumasok doon sa club na sinasabi niya. Okay na ako kahit maliit na sahod, atleast hindi ko binabalandra ang aking katawan. Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Naiisip ko siya, naiisip ko si Arwel kung paano kami noon kapag natutulog na sa gabi. Sobrang bait niya at maasikaso. Alam kong mahal na mahal niya ako pero sadyang ayaw lang talaga sa kaniya ng aking mga magulang. Mataas ang pangarap nila para sa akin pero napunta lang ako sa lalaking walang maipagmamalaki sa buhay. Si Arwel ay isa lang tindero ng isda sa palengke at doon ko din siya nakilala.   "Ahm... Kuya, isang kilong isda nga po." Napasulyap ako sa mukha ng lalaking kumukuha ng isda, upang kilohin ito. Matangkad at maputi siya, kaya hindi siya nakalampas sa aking paningin.   Kung hindi lang siya nagtitinda ng isda ay mapagkakamalan siyang isang modelo.   "Ahm... Miss, ito na ang isda mo. Miss... naririnig mo ba ako?" Winagayway niya ang kaniyang kamay sa aking harapan.   Iniling-iling ko ang aking ulo. Natulala na pala ako sa kaniyang kaguwapuhan, nakakahiya.   "Alam kong guwapo ako, Miss pero hindi ako ipinagbibili. Ang isda ko lang ang ipinagbibili ko," nakangisi niyang sabi sa akin. Nabalik naman ako sa aking katinuan.   "Kung naging isda ka naman, hindi rin naman kita bibilhin." Inirapan ko kaagad ito, pagkatapos ay mabilis na hinablot ang isang supot ng isda kasabay ang pagbayad ko sa kaniya. Narinig ko pa ang kaniyang tawa.   Kaagad akong nagmartsa palayo sa kaniyang tindahan.   "Bakit nakabusangot 'yang pagmumukha mo, Layla?" tanong kaagad ni Mama nang makarating ako sa bahay.   "Wala, Ma!" tanging sagot ko lang at inilagay sa lababo ang isda.   Sa edad na thirteen hanggang mag-sixteen ay halos ako na ang gumagawa sa lahat ng gawain sa bahay.   Simula nang makita ko ang lalaking nagtitinda ng isda na antipatiko ay hindi na ako dumadaan pa sa tindahan niya. Hindi na rin ako sa kanya bumibili ng isda. Sa tuwing nakikita ko siya ay umiinit lang ang ulo ko dahil malayo pa lang ako ay nakangisi na kaagad ito.   "Miss, ako nga pala si Arwel. Wel for short," pagpapakilala niya nang mapadaan ako. Wala na talaga akong choice kung ‘di ang dumaan sa tindahan niya.   Nakangisi na naman siya sa akin. Ang kulit niya! "Hindi ako interesado," walang gana kong sagot. Dinaanan ko lang siya pero sumunod naman siya sa akin.   "Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi ang pangalan mo. Nakasunod pa rin siya sa akin kahit malayo na kami sa tindahan niya. Sa inis ko ay hinarap ko na siya.   "Hoy, tindero ng isda! Wala akong pakialam kung ano ang pangalan mo at wala rin akong balak na ibigay sa 'yo ang pangalan ko. Kaya pwede ba? Tumigil ka sa kasusunod sa 'kin. Bantayan mo na lang ang tinitinda mo na isda!" masungit kong litanya pero ngumiti lang siya at lumitaw ang pantay-pantay niya na mga ngipin na mas lalong nagpapaguwapo sa kaniya. Siya lang ang tindero ng isda na halos perfect na ang lahat sa kanya.   "Ang sungit mo naman. Araw-araw ka siguro may dalaw, 'no? Nagpapakilala lang naman ako, baka kasi type mo rin ako. 'Di ba, Miss?" turan niya sabay kindat sa akin.   ***  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
548.2K
bc

My Son's Father

read
586.1K
bc

The Ex-wife

read
216.4K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
202.3K
bc

A B***h Virgin (TAGALOG)

read
526.4K
bc

OWN ME, MR. PLAYBOY

read
288.2K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
439.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook