Chapter 6

2220 Words
Chapter 6 Layla P.O.V Hindi ko siya nahabol hindi ko rin alam kung saan ang office niya sa restaurant na 'to, kaya bumalik ako para tanungin si Manilyn. Lahat sila nakatingin sa 'kin na parang may ginawa akong masama. Si Manilyn lang ang close ko sa waitress siya 'yong pinaka-friendly sa lahat. 'Yong iba naman nginingitian ako pero alam kong hindi totoong ngiti. "Nakausap ka na ba ni sir? Bakit ang bilis naman ata?" Habang nag-aayos siya ng pagkain na ilalagay sa tray para ready na to serve for customer. "Hindi ko kasi alam kung saan ang office niya dito. Hindi ko siya nasundan." Napakamot ako ng ulo. "Bilisan mo na Layla, sumunod ka na agad don, magagalit 'yon kapag matagal," aniya na agad naman tinuro sa 'kin kung saan ang office ni Arwel. talagang nagbago na talaga siya. Sa isip-isip ko habang pababa. Hindi ko alam na may underground pa pala ang restaurant na 'to at doon ang office ni Arwel. Ang sabi ni Manilyn 'yon daw ang favorite tambayan ni Arwel sa tanghali at kapag sa hapon ay umaalis na ito kaya malaya silang makakakilos. kapag daw kasi nasa underground office niya ito ay naka bantay ito sa kanila gamit ang CCTV monitor sa office nito. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa amin dalawa pero wala akong lakas na loob sa sobrang galit niya sa 'kin baka pag-iisipan lang niya ako nang masama. Sa nangyari noong nakarang gabi ay sinasabi kong nagbago na siya. Hindi na siya ang Arwel na minahal ko at ginagalang ako. Nahinto ako nang makita ang pinto sa dulo na ayon sa description ni Manilyn sa tingin ko 'yon na ang kaniyang office. Sunod-sunod na kaba ang nararamdaman ko nang unti-unti na akong humakbang palapit sa pinto na 'yon. Huminga ako nang malalim bago tuluyan na dahan-dahan kong kinatok ang pinto. Nakailan katok na ang gawa ko pero wala pa rin sumasagot mula sa loob. Dahil sa wala naman nagsasalita ay tuluyan ko pinihit at malaya kong nabuksan 'yon. Ang akala ko naka-lock 'yon. Naglakad ako papasok sa loob hindi ko akalain na ganoon ka lawak 'yon at kaganda sa loob kung titingnan kasi sa labas napaka simple lang ng pinto na halos di mahahalatang pinto 'yon at dahil 'yon ang sinabi ni Manilyn kaya dito ako pumasok. Nakailan hakbang na ako nang makita ko siyang nakatutok at seryosong nakatingin sa kaniyang laptop. Tumikhim ako para mapansin niyang nandito na ako. Kaya naman napasulyap siya sa akin. Hindi ko alam kung anong tingin ang binibigay niya sa'kin ngayon. Nanatili lang siyang nakatitig sa 'kin. Naisipan kong yumuko na lang. Ayaw kong maalala ang gabing sobrang liit nang tingin miya sa sarili ko. Tumikhim ulit ako. Alam ko na ang dapat kong sabihin. Kailangan kong magpasalamat sa kaniya dahil sa ginawa niya, tumigil ang galit ng babaeng customer sa 'kin na halos maluha-luha na ako sa mga sinabi ng babae kanina sa 'kin, mabuti na lang at dumating siya. "S-salamat nga pala sa pagtatang---" Hindi ko naituloy ang sasabihin nang magsalita siya at dahan-dahan na tumayo mula sa inuupuan niyang swivel chair. "You don't need to be thankful," seryoso ang kanyang mukha at unti-unti na naglakad palapit sa 'kin. Kung noon ay maganda na ang katawan niya dahil sa banat siya sa trabaho noon sa mabibigat. Mas lalong gumanda ngayon ang katawan niya na alam kong complete exercise at gym ang ginagawa niya. Hindi na dahil sa pagbabanat ng buto kung 'di dahil siguro sa mga ginagawa niyang excercise. Noon pa mahilig na siya sa ganoon bagay. Hindi rin nakakaligtas ang kagwapuhan niya sa paningin ko na dati mapula-pula ang kanyang mukha dahil sa naiinitan ito ng araw. Ngayon ay mas lalo lang siyang kuminis at mapula-pula pa rin ang kaniyang mukha. Mestiso si Arwel at 'yon ang nagustuhan ko sa kanya at maging ang ugali niya. Ayaw akong tantanan ng isip ko, hanggang sa magsalita ulit siya At huli na para umatras nang ma corner niya agad ako. Naikulong niya ako sa kaniyang bisig sa sandaling pag iisip ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na siya at na corner na niya ako. Umatras ako pero mali pala ang ginawa ko ahil napaupo ako sa kaniyang mesa. "Walang libre sa panahon ngayon Layla. Everyone has a replacement." Ikinagulat ko ang paghapit niya sa aking bewang. NApalunok ako sa kaniyang mga titig. "Until now your size has not changed. Your waist still fits in my hand." Unti-unti naman niyang ibinaba ang kaniyang kamay palababa sa aking mga hita. Napasulyap siya sa aking hita na nahilis na pala ang suot kong maikling uniform. "Hindi naman kasi bagay sa 'yo ang uniform na 'yan. It's better for you to almost see your soul and to dance among many men, you are so dirty." Halos maikuyom ko ang kamao ng sabihin niya sa 'kin 'yon. Gusto ko siyang sampalin gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Ipinapamukha niya sa aking napakadumi kong babae. Kakasimula ko lang sa trabaho na 'to at kailangan ko ng trabaho. Okay lang na apakan niya ang pagkatao ko at kahit anong masasakit na salita, sanay na ako, sanay na ako sa mga taong nasa paligid ko noon pa man ay marami na akong naririnig na masasakit na salita pero pinakamasakit ay ang masakit na salitang galing mula sa kaniya. Pumikit ako at pilit na nilalabas sa kabilang tainga ang lahat ng sinabi niya "W-wala ka nang sasabihin? Lalabas na a-ako," nauutal kong sabi na hindi nakatingin sa kaniya. "Like what i said. Walang libre sa akin. Lahat may kapalit." Mas lalo pa siyang lumapit sa 'kin na halos mahahalikan na niya ako sa ginagawa niya. "You're a prostitute. kaya hindi na siguro bago sa'yo 'to." Nabigla ako sa sunod niyang ginawa hinawakan niya ako sa magkabilang pulso at mabilis niyang kinuyumos ng halik. itinulak ko ito pero malakas siya kaya hindi ko magawang tanggalin ang mga kamay niyang nakahawak sa aking magkabilang pulso. Pumapalag ako sa bawat halik niya Mas gumapang pa 'yon pababa sa dibdib ko na mabilis niyang natanggal ang butones ng long sleeve kong uniform. Nawasak niya 'yon at narinig ko ang pagkahulog no'n sa sahig. Hindi na talaga siya si Arwel na halos ayaw akong halikan noon dahil ayaw niyang mag-take advantage sa 'kin. Pilit akong nagpupumiglas at nanlaban. "A-arwel ano ba?" inis kong bulyaw sa kaniya. "I am your boss!" mariin niyang sagot at pagtatama sa akin. Malakas ko siyang tinulak kaya nakaalis ako sa mga kamay niya at agad na lumayo sa kanya. "f**k!" pagmumura niya. "You can not reject me! You need money? Only money is important to you, isn't it?" Galit niyang bulyaw sa akin at may inilabas sa kaniyang wallet na alam kong pera 'yon. Sa pangalawang pagkakataon ay itinapon niya 'yon sa aking pagmumukha. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. Ano bang ginawa ko at ganito siya makapagmayabang sa kaniyang pera? Sa kayamanan niya. Talagang nagbago na siya. "Hindi ko kailangan ng pera mo Arwel," mahina at maluha-luha kong sagot. "Correction! Mr. Sebastian! " mariin at may pag-uutos niyang sabi. "Remember, I am your boss. I am not your friend nor boyfriend not at all, we're strangers or I will say I am your customer!" pagtatama niya sa pagtawag ko sa kaniya. Isang beses lang akong nagbenta ng katawan at sa isang beses na 'yon ay sa kaniya pa ako napunta. Pero ngayon pinag-iisipan niya ako na matagal na ako sa trabahong 'yon. Na halos hindi ko nga makalimutan ang gabing binaboy niya ako. Sa oras na 'yon sobrang nandidiri ako sa sarili na sarili kong asawa ay magagawa sa 'kin 'yon. Pero sabi nga niya hindi na kami magkakilala at hindi ko na rin siya asawa pa. Pilit kong inaayos ang aking boses "Lalabas na ako," paalam ko. "Umalis ka na. Umalis ka na rin sa buhay ko Layla. Umalis ka na rin sa restaurant na 'to ayaw na kitang makita pa kahit kailan." Sunod-sunod na pumatak ang luha ko sa sinabi niya at patakbong lumabas. Dumiretso ako sa locker at doon inilabas ang lahat ng luha ko. Napahawak ako sa 'king dibdib at pinukpok 'yon nang mahina. Gusto kong kalimutan lahat ng mga sinabi niya gusto kong umalis na lang at wag ng magpakita pa pero kailangan ko ang trabaho kapag umalis ako dito ay baka sa club na naman ako pupulutin. Huminga ako nang malalim at pilit na pinapatigil ang mga luha. Bawat patak ay pinupunasan ko kaagad 'yon. Ayaw kong makita ako nang ibang mga waitress at iba pang mga nagtatrabaho sa restaurant baka ano pa ang isipin nila. Inayos ko ang butones na kanina lang ay natanggal dahil sa marahas na ginawa ni Arwel sa 'kin. Inayos ko 'yon mabuti na lang at may sinulid akong nakita sa locker tinahi ko 'yon na hindi hinuhubad. Laglag balikat kong lumabas ng restaurant kasama si Kim. Alas siete ang out namin simula nang nangyare kanina ay hindi ko na rin nakita pa si Arwel. "Masanay ka na Layla sa mga customer. Talagang may mga ganoon ugali, napaka-social climber,"sabi ni Kim na inaayos ang kaniyang bag. Tahimik lang ako hindi na ako sumagot pa sa mga sinasabi ni Kim. Patuloy lang din siya sa pagkukwento "Mabuti na lang talaga at niligtas ka ni sir Arwel. Usap-usapan kasi kanina na pinatawag ka raw niya. Naku! Layla baka type ka no'n. Naku 'wag ka magpadala sa mga karisma ni sir Arwel madaming babae 'yon tsaka may fiancee na raw 'yon," dun nakuha ni Kim ang aking atensyon. "F-fiancee?" hindi ko alam kung bakit naging interesado ako kahit pa nga may kirot akong naramdaman nang marinig ko 'yon. "Sabi nila may fiancee na siya at baka nga daw sa susunod na araw ay nandito na 'yon. Baka makita na lang natin kasama na ni sir Arwel 'yon kapag pumupunta sa restaurant. Hindi ko nga alam sa boss natin na 'yon, may fiancee na pero dala pa rin nang dala ng ibat-ibang babae sa restaurant at doon niya dinadala sa lungga niya," sabay tawa ni Kim. Nasasaktan ako. Bigla akong nanlambot sa nalaman ko.Hindi lang pala ako ang naikama niya pero iba-ibang babae. Hindi ko naitago ang luha ko bigla na naman tumulo na siyang gulat ni Kim. "H-hoy! Ba-bakit ka ba umiiyak? Hala! Hindi naman kita inaaway," aniya na naguguluhan. Pinunasan ko 'yon kaagad gamit ang aking kamay. "Ah, ha! Wala, naaawa lang ako sa mga babaeng naikakama niya," pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti. "Hay! Naku!" Nagkamot ng ulo si Kim "Huwag ka maawa sa kanila, kagustuhan nila 'yon." Hindi na ako umimik pa at nagkanya-kanya na kaming nagpaalam sa isa't isa . Nadatnan kong tulog na ang dalawa nang makauwi ako pasado alas otso. Sinulyapan ko si Arvel na mahimbing na natutulog hinaplos ko ang kaniyang buhok. Kapag sinabi kong may anak kami baka kunin lang niya sa 'kin si Arvel at wala akong magagawa kapag nagkataon. Mapera siya wala akong laban. Hinding-hindi niya malalaman na may anak kami, sa ugali niya ngayon baka ilayo lang niya sa 'kin si Arvel at hinding-hindi ko makakaya 'yon. Arvel is my only treasure, siya ang dahilan kung bakit ako nagtitiis sa lahat. Gusto ko siyang bigyan nang magandang buhay. Kapag sa ama naman niya ay nakaka sure na ako na maganda ang magiging buhay niya pero ayoko rin na malayo sa kanya. Ayokong mangyari 'yon lalo na at ikakasal na rin siya. Bigla na naman akong nalungkot pero kailangan ko nang mag move on. Move on lang ang kailangan ko. Lumipas ang tatlong araw na hindi ko na rin naman nakikita pa si Arwel na pumupunta sa restaurant at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko na siya nakikita pero na mimiss ko rin siya pero pilit kung nilalabanan 'yon. Nararamdaman ko sa kanya, wala na siyang pagmamahal pa sa 'kin. Isa na rin ako sa mga babaeng kinakama niya, hindi ako special isa na ako sa mga babae niya. "Hoy! Tulala ka diyan Lay?" si Manilyn na biglang sulpot na lang sa harapan ko. Kakatapos lang niya mag-take ng order "Hindi naman," sagot ko at agad na tumalikod sa kanya para mag-take ng order sa ibang customer. Nakailang customer na rin ako nang magpahinga sa locker may oras kami para mag break. Kumain na rin ako pagkatapos ay bumalik na ulit sa utensil. "Nasa baba daw pala si Mr. Sebastian," biglang bulong sa akin ni Manilyn. Wala na akong pakialam kung nasa baba siya. Hindi ko na dapat pang isipin siya. "Umayos ka ah, baka mapatawag ka na naman no'n." bulong niya ulit. Ayaw niya ako'ng makita kaya alam kung wala siyang panahon para panoorin pa ang galaw ko sa CCTV monitor. Katulad nang sinabi ni Manilyn binalewala kung nasa baba lang siya at baka pinapanood niya lang kami. Naka-ilan take order na ulit ako. Nagdadagsaan ang mga customer ngayon sa unang pagpasok ko ay marami na talagang pumapasok sa restaurant na 'to. Kaya medyo nasanay na rin ako, nasanay na ako sa mataas na takong at sa suot kong maikli. To be continue..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD