Third person P.O.V Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ay sinalubong na agad sila ng mga maid. Kanya kanya nito kinuha ang mga dala nilang bag. Kahit maliit na bag lang ang kanilang dala ay kinuha pa rin 'yon ng maid, para maihatid sa kung saan ang kanilang tutulugan. "Son, are you hungry?" agad na tanong ni Arwel sa anak na ngayon ay masayang masaya na nakatanaw sa loob ng bahay. Hindi naman ito ang first time ni Arvel sa bahay na 'to, pero kita pa rin ang pagkakamangha niya. "Hindi po, Papa, kumain na po ako kanina, kami nila Mama." Bumaling sa kanya ang anak na hindi man lang siya binalingan ng tingin ni Arwel. Simula kanina ay hindi siya kinikibo nito. Tanging si Arvel lang ang kinakausap at si Levi. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito kay Levi pero sa kanya ni hindi man lang si