"Talaga ate? Lilipat tayo sa bahay ni Kuya Arwel?" biglang sigaw ni Levi na nanlalaki ang mga mata. Bigla naman sumilay ang panunukso sa mukha ni Levi "Uy... si Ate, kinikilig. Kayo na ba ulit ni kuya Arwel, Ate?" patuloy na panunukso ni Levi sa kanya. "Tumigil ka nga Levi! Hindi naman dahil sa kami ay lilipat ako. Ayaw ko lang na ibigay sa kanya si Arvel na hindi ako kasama, gusto niya nga kunin sa 'kin si Arvel. Muntikan pa kami magtawagan sa korte," paliwanag niya kay Levi ang akala siguro nito ay okay na sila ni Arwel which is hindi. Ngumuso naman agad si Levi at patuloy na sa pag- iimpake. "Mama, sa big house na ba tayo titira?"Biglang lapit sa kanya ni Arvel. Agad niya kinabig at nilapit sa kanya. "Yes baby," sagot niya dito. Masaya naman si Arvel sa sagot niya. "Yehey! Makaka