Third Person P.O.V Kapag nalaman 'to ni Arwel baka magalit yun at paalisin ako sa bahay niya. Iba magalit si Arwel, kapag ayaw nito dapat ay sinusunod niya pero hindi naman siya pag mamay-ari nito para pagbawalan siya uminom at mag barkada. Buhay niya 'to kaya gagawin niya kahit minsan lang ang hindi niya naranasan noon. Sunod -sunod niya nilagok ang alak. Ngayon malaya siya walang magbabawal sa kanya. Minsan lang niya magagawa ang gusto niya kaya lulubusin niya ito ngayon. "Layla, hinay hinay lang meron pa mamaya ah," sabi ni Chin. Isa pang lagok ang ginawa niya at sumanib na agad sa kanya ang ispiritu ng alak. Tumayo siya at tinanggal ang jacket. Winagayway at pina ikot ikot sa kanyang kamay habang sumasayaw. Nagkatinginan si Chin at Belle sa ginawa niya "Grabe naman 'to si Layla