Layla P.O.V Pasado alas nuebe na ng gabi ako nakauwi na dapat ay kanina pa ako naka- out dahil sa may sakit si Belle ay ako na muna ang pumalit sa puwesto niya. Sa sobrang dami din ng customer ay hindi ko rin puwede na iwan na lang si Chin at ang isa pa na cashier dahil nakakaawa naman. Nakita ko ang isang maid na paakyat na may dala-dalang tubig. Sinundan ko siya pero patungo siya sa kwarto namin ni Arvel. Mabilis ko na tinungo ang kwarto namin. Nadatnan ko ang pag-inom ng tubig ni Arvel mula sa pagkakahawak ng maid sa baso. napalingon si Arvel sa akin at binigay ang baso sa maid. "Andito na po pala kayo, Ma'am!" sabi ng maid. Mabilis kong nilapitan si Arvel. "Moma," sambit niya nang yakapin ko siya. Parang kakaiyak lang ni Arvel. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tiningnan ko ang ma