Chapter Three
FIVE YEARS LATER...
"Mama, bakit ka malungkot?" tanong ng aking anak. Habang nakaupo ako sa sala at nag-iisip kung paano ulit makahanap ng trabaho, dahil sa pangyayari sa karinderya na muntikan pa akong gahasain ng asawa ni Aling Minda, ang may-ari ng karinderya na tinatrabahuan ko.
Matagal ko nang alam na kursunada ako nang walang hiya na matandang iyon. Pero pilit kong tinitiis iyon, para lang may trabaho ako. Kapag nasa banyo ako, maging sa kusina ay kinukulit niya ako. Hanggang sa dumating sa punto na kami na lang dalawa ang naiwan sa karinderya. Doon niya ginawa ang kaniyang balak sa akin. Mabuti na lang at may lakas ako, nahampas ko siya sa ulo. Sa akin pa nagalit si Aling Minda. Kung bakit ko daw nagawa sa asawa niya.
Lahat ng kapintas-pintas na salita ay sinabi na niya. Mabilis akong umalis sa karinderya na iyon. Walang kaalam-alam ang kapatid at anak ko sa nangyari.
"Wala, baby. Meron lang iniisip si Mama." gusto kong maiyak pero pilit kung pinipigilan iyon. Ayaw kong makita ng aking anak na umiiyak ako. Gusto kong maisip ng anak kong matapang at malakas ang Mama niya.
"Kumain ka na ba, baby?" Inilapit ko ang mukha sa mukha ng anak kong five years old pa lamang.
"Yes, po! Kumain na kami ni Tita Levi." sagot niya. Si Levi ay ang bunso kong kapatid.
Mula kasi ng umuwi ako sa bahay noon pinagbubuntis ko pa lang ang anak kong si Arvel ay walang araw na hindi nagagalit sa akin si Mama. Araw -araw niya sinusumbat sa akin ang lahat. Ang Papa ko naman ay palaging lasing. Dahil sa paglalasing ni Papa ay na stress si Mama at dahilan iyon nang pagkamatay niya. Si Papa naman, simula nang mamatay si Mama ay iniwan na rin niya kami.
Kaya ako ang lahat nang umako nang lahat, pinag-aral ko si Levi sa public school. Gamit ang pagtatrabaho ko sa karinderya. Kahit buntis ako ay nagta-trabaho pa rin ako para sa kanila hindi ako sumuko. Mabuti na lang at tinutulungan din naman ako ni Devine. Gusto niya na pumasok na rin ako sa club, pero hindi ako pumayag sa gusto niya nagtiis ako sa karinderya. Ngayon nawalan na ako ng trabaho hindi ko na alam kung saan mag-aapply.
Nagbukas ako ng f*******: gamit ang cellphone ni Levi. Wala akong cellphone at tanging si Levi lang ang meron. Nag search ako ng trabaho pero sa lahat ng hiring ay hindi ako qualified. Napa buntong-hininga na lang ako, sabay titig sa anak kong mahimbing na natutulog. Nakuha niya ang mukha ni Arwel ang kaniyang ama. Sa tuwing tinitingnan ko si Arvel ay naaalala ko si Arwel. Five years na ang lumipas ay hindi ko man lang siya nahanap at hindi na siya bumalik pa sa bahay kung saan ang bahay ng tita niya. Still, siya pa rin hindi napapalitan iyon. Kahit pa nga ilan na ang nanliligaw sa akin ay hindi ko sinagot ang mga iyon, dahil umaasa akong magkikita pa kami. Pero malabo na ata mangyari ang lahat nang ilusyon ko. Walang Arwel na nagpapakita at bumalik nang ilang taon kong paghihintay sa kaniya sa probinsya.
Kinaumagahan, nabulabog kami sa malalakas na katok mula sa pinto.
"Ate, si Aling Dina nasa labas na naman. Kahapon pa siya pabalik-balik dito," nakukulitang saad ni Levi, na inaantok pa habang nagsasalita. Nagising din siya sa mga katok nito. Si Aling Dina ang may-ari ng bahay na tinitirahan namin.
Isang buwan na rin akong hindi naka pagbayad sa bahay. Kaya siguro malakas na katok ang ginagawa niya ngayon sa pinto.
Binuksan ko iyon pagkatapos nang maraming katok sa pinto.
"Hoy! Layla! Hindi ka pa ba magbabayad ng renta mo?" Bungad agad sa akin ni Aling Dina, habang nakaharang ang mga kamay nito sa pintuan. Magsasalita na sana ako nang sunod-sunod na naman siyang nagsalita.
"Sabagay, ibebenta ko na ang lupa na 'to. Pero kahit na, dapat magbayad pa rin kayo sa akin at dapat magbalot-balot na rin kayo, dahil sa lalong madaling panahon ay may bibili na sa lupa na 'to." mataray niya na sabi.
Kahit kailan ganito talaga siya makipag-usap sa mga nangungupahan sa kanila. Hindi naman maganda ang bahay pero grabe kung makapag singil.
"Ano, meron ka na ba pambayad?" dagdag pa niya,
"P-pasensya na po, Aling Dina. Hindi pa kasi ako nakakuha ng sahod." pagsisinungaling ko kahit nakakuha na ako ng sahod sa karinderya ay kulang pa ang sahod ko sa gastusin namin.
Ngayong wala na akong trabaho at kailangan na rin makahanap ng matirahan.
"Pambihira na buhay naman! Diyan ka na nga! Wala naman akong mapapala sa'yo. Hala sige magbalot-balot na kayo at umalis na sa lugar na ito. Wala naman pala pambayad ang kapal nang mukha mag renta ng bahay." Tuluyan na siya tumalikod sa akin.
Nagpadausdos ako nang upo at doon napahilamos nang sariling palad sa aking mukha. Hindi ko na alam kung anong kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Mabuti na lang at may mga tao pa na nagpapalakas sa akin. Ang kapatid at ang anak ko.
"Mama, bakit ka po umiiyak?" Hindi ko namalayan ang paglapit ni Arvel. Nakita niya akong umiiyak. Hinila ko siya at mabilis na niyakap at doon ko nilabas ang lahat nang luha ko.
"Mama!" pag-aalala sa boses niya. Sa panahon na ito ay anak ko lang at kapatid ang aking lakas.
"Wala ito baby, meron lang naiisip si Mama. Bakit gising ka na? Maaga pa naman matulog ka pa baby ko." Paglalambing ko at mabilis na pinunasan ang luha ko. Ayoko na nakikita niya akong umiiyak pero huli na nakita na niya ito.
"Nagising po ako sa ingay, hindi na rin po ako inaantok kaya tumayo na ako." Pinisil ko ang kaniyang ilong at agad na tumayo.
"Ipagluluto ka na ni Mama, ah! Wait mo 'ko riyan." Pinaupo ko siya sa sala at agad na nagtungo sa kusina para magluto.
Wala pa isang oras ay natapos na rin akong magluto. May kumakatok nanaman mula sa labas. Ang buong akala ko ay si Aling Dina nanaman, pero laking gulat ko ng makita si Devine, ang pinsan kong nagtatrabaho sa club. Katulad nang dati bonggang-bongga ang mga alahas at suot nito na damit. Hindi pa man siya nakakaupo ay may binulong na siya sa akin.
"Nabalitaan ko ang pagtanggal sa iyo ni Aling Minda, saan ka na ngayon? Naisip mo na ba, kung saan ka magtatrabaho?" pag-aalala niyang tanong. Kahit papaano may nag-aalala pa rin sa amin. Hinila ko siya papasok sa kwarto, habang kumakain ang dalawa. Ayaw kong marinig ng dalawa ang pinag-uusapan namin.
"Huwag ka maingay, hindi pa alam ni Levi na wala na akong trabaho. Baka mag-apply nalang siya bigla, Bata pa siya para magtrabaho." sabi ko.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa kapatid ko. Dahil noon pa ay gusto na niya magtrabaho para lang matulungan ako, pero hindi ako pumayag. Ako ang nakakatanda kaya, obligasyon kong pag-aralin siya.
Tinarayan naman ako ni Devine.
"Bakit hindi ka na lang doon sa trabaho ko. Kung gusto mo lang naman, may bidding ngayong Sunday sa mga bagong pasok ay dinadaan sa bidding. Malay mo makabingwit ka ng mayaman." aniya.
Ano pa nga ba ang ipinaglalaban ko hindi na rin naman ako virgin at may anak na rin ako. Sa isip-isip ko, sandaling katahimikan.
"Ano, payag ka na ba? Sasabihan ko na ang may-ari ng club." tanong niya ulit sa akin.
"Pag-iisipan ko," pagdadalawang isip ko. Ayoko lang pagdating ng araw ay susumbatan ako ng anak ko at ikakahiya niya ako. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko pumasok sa club, kung saan madali ang pera.
"Okay sige! Pag-isipan mo, ah! Basta kapag pumayag ka na dapat sa Sabado text mo na agad ako. Para naman makasama ka sa bidding ngayong Linggo," aniya.
"Aalis na ako, may date pa kasi ako." Paalam ni Devine, akmang lalabas na siya ng kwarto pero bumalik ulit siya.
"Ito nga pala tanggapin mo na 'to, dagdag sa panggastos mo. Bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na. Oh, hindi 'yan libre, ha. May bayad 'yan, baka hindi mo na naman tanggapin," panloloko pa ni Devine.
"Salamat!" Mabuti na lang at may pinsan akong mabait at tumutulong sa'kin, sa isip ko.
"Oh, siya! Aalis na ako," paalam niya ulit. Sabay na kaming lumabas, nadatnan namin ang dalawa na nanonood ng telebisyon. Lumapit si Devine kay Arvel.
"Ito naman ang para sa napakaguwapo kong pamangkin." Binigyan rin niya ito ng pera, sabay tingin sa akin.
"Thankyou po, Tita!" masayang turan ng anak ko.
"You're welcome my handsome niece." Ginulo-gulo pa niya ang buhok nito at tuluyan na nga nagpaalam sa amin. Binigyan niya rin ng pera si Levi.
"Ate, hindi ka ba papasok? Kasi may aasikasuhin pa akong project sa bahay ng kaibigan ko," paalam ni Levi
May balak nga akong maghanap ng trabaho, pero kailangan ni Levi iyon. Kaya napagpasyahan ko na lang na hindi na lang muna lalabas. Ang akala niya ay may trabaho pa rin ako.
"Sige, umalis ka na. Baka mamaya na lang ako aalis, iiwan ko muna sa iyo si Arvel. Umuwi ka nang maaga," sabi ko.
"Hindi ka ba papasok, ate?" tanong niya na may pagtataka. Mabilis naman akong tumalikod at nagkunwari na may ginagawa.
"Hindi na, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Umalis ka na para maaga ka makakauwi."
Narinig ko pa ang kaniyang buntong-hininga.
"Ate, puwede naman hindi na muna ako papasok, para naman matulungan kita." aniya, Napakabait ng kapatid ko. Ang swerte ko pa rin at nagkaroon ako ng kapatid na katulad niya. Mabilis akong humarap sa kaniya at lumapit.
"Alam mo, hindi mo kailangan magtrabaho agad para matulungan mo ako." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Mag-aral ka lang nang mabuti ay sapat na para makatulong ka sa akin," sabi ko sa kanya.
"Opo, Ate gagawin ko po iyon. Kahit 'di niyo sabihin sa'kin ay gagawin at gagawin ko iyon at pagdating ng araw, magagantihan din kita sa lahat nang pagpapakahirap mo para sa amin ng pamangkin ko," aniya.
Ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Lakad na asikasuhin mo na project mo." Pagtataboy ko sa kaniya.
Paglilinis at pag-aasikaso ng bahay ang ginawa ko maghapon. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpunta na naman si Aling Dina at pinagtatabuyan na kami na umalis bukas o sa pangalawa na lang ang palugit namin. Napatingin ako sa kawalan at malakas na buntong-hininga ang aking binitawan.