Layla P.O.V Pangalawang araw ngayon na hindi ako papasok sa restaurant, nawalan akong gana. Mas gugustuhin ko na lang umalis at maghanap ng ibang trabaho kaysa makita ang lalaking nagpapahirap sa kalooban ko. Mabuti na lang at linggo. Walang pasok si Arvel kaya naman maaga akong nagising.Ginugol ko ang oras sa pag-aayos at paglilinis ng bahay. Si Levi naman ang nag- aasikaso ng pagkain sa kusina. Samantala si Arvel naman ay naglalaro sa labas kasama ang mga kalaro niyang kapitbahay. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa labas para tingnan si Arvel. Masaya siyang nakikipaglaro at ang sarap no'n pagmasdan na masayang masaya siyang nakikipaglaro sa mga ito. "Ate may naghahanap sa 'yo!"Lumapit si Levi at binigay sa 'kin ang kanina ay hawak-hawak niyang cellphone. Napaisip muna ako bago