Chapter 9 Warning! warning! Layla P.O.V Tahimik lang kami sa byahe. Kaming dalawa lang ng driver. Bakit nga ba ako kinakabahan pagkatapos kong maibigay sa kanya ay aalis din naman ako kaagad. Maya-maya lang ay inihinto 'yon ng driver at pumasok sa gate. Sa loob napakalaking bahay ang bumungad sa akin. Namangha ako at napanganga. Wala akong masabi kung 'di 'WOW' "Eto na kaya ang bahay ni Arwel? Grabe hindi ako makapaniwala na nakatira na siya ngayon dito." Mangha na mangha ako habang nakatingin sa palibot. Mula sa kinaroroonan ko ay natatanaw ang malaking swimming pool. "Layla, aalis na ako! Ang sabi kasi ni Mr. Sebastian na iiwan na daw muna kita, may iuutos pa ata siya sa 'yo." Dumungaw ang driver sa bintana ng kotse Mas lalo pa ata akong kinabahan. Ano pa kaya iuutos niya? Nakat