"M-masakit pa ba?"
Titig ko sa kamay niya. Hindi man lang niya nilagyan ng bandage ito at halata ang sugat na natamo niya.
"It's nothing," igting ng panga niya.
Umiiwas sa titig ko at mabilis na inayos ang mga gamit niya rito.
Pinagmasdan ko siya nang tahimik hanggang sa matapos na siya. Ang painting niya ang inuna niyang niligpit at inilagay ito sa loob ng mini golf cart club na sasakyan niya.
Kung ako ay naglakad papunta rito ay iba siya, dahil gamit niya ang mini golf club cart.
"N-naglakad-lakad ako. I have eaten a lot, that's why." I said, looking at him, but he did not even bother to look back at me.
Snob nga naman siya. Tipid magsalita at gustong hulaan ko lang ang nasa utak niya.
"Nanay Austria cooks a lot. Ang sarap niya pa lang magluto ano?" ngiti ko. Tumayo na ako dahil niligpit na niya ang lahat dito. Wala yata siyang plano na makipag-kwentuhan sa akin ngayon.
"D-don't worry about me. I can manage myself. You go ahead," I stutter and swallow hard.
Wala ng natira at ako na lang din na nakatayo sa gilid ng puno. He looks at me, but it seems like he doesn't care at all if I walk alone going back to his place.
"Okay. . ."
Pumwesto na siya at pinaandar ito. Tulala lang din akong nakatitig sa kanya habang papaalis siya rito.
Heck, did and he just left me? What's the big deal if he will offer a ride? Eh, pareho lang naman kami ng patutunguhan? Hindi naman siguro ako mabigat ano? At may isang upuan pa naman. Pero kasi nilagay niya ang basket at fishing gear ay wala na nga naman akong mauupuan.
Snob nga naman siya. Boss ko nga naman ano? Ugh, I hate men like him!
Imbes na bumalik ay hindi muna ako kumibo at tinitigan lang din ang lahat dito.
Tumingala ako. Malaki at matatayog ang sanga ng punong ito. Maganda ang puwesto sa bahaging ito kapag gusto mong magpinta o mangisda, gaya ng ginawa niya kanina.
But what bothers me now is the painting that Alessandro painted.
Aminin ko, hindi ko iyon nakita nang buo dahil mabilis din niyang tinakpan. Pero nakita ko ang kakaibang pintura niya.
It was like a person whose image was messy with blood all over their face. And if you think of it, it was like art and a picture of someone who died brutally.
Hindi ko naaninag nang maayos ito kanina kung babae ba iyon o lalaki ba? Pero ang weird lang din dahil sadyang nakangiti ang labi nito.
Kinilabutan ko nang maalala painting na iyon. at mabilis ko itong inalis sa isip ko at napatingin na ako sa tubig ilog.
Anong klaseng isda ba ang meron dito? E, mukhang matinik ang isang iyon, ang isdang nahuli ni Alessandro.
"Sylvi."
I pause, and I turn around behind me as he calls my name. . . si Alessandro.
Akala ko ba umalis na siya? Bumalik pa? Eh, hindi ko yata narinig ang sasakyan niya.
"I can't left you here on your own. So, let's go." Sabay hawak niya sa palapulsuhan ko at hinila na ako sa pwesto.
And just like a child that couldn't say anything to its master, I walked with him.
----
"I will not repeat myself, Sylvi. So, take note of what I'm about to say," si Tiyo Estefan sa harapan ko.
He's talking non stop but everything that comes out from his mouth doesn't register in my brain. Parang hangin ito na pumapasok sa isang tainga ko at lumabas lang din sa kabila.
After what happened this morning and even after Alessandro left me for the second time, I was puzzled.
Kinuha niya nga ako sa tabing ilog sa may malaking puno pero iniwan niya rin naman ako mga isang daang metro mula rito. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang iniisip niya sa sandaling minuto na magkasama kami kanina.
That wasn't even an hour, but it seemed long enough for me. And that time became so slow when I was with him.
"Tiyo Estefan? Have you been to that part where the huge willow tree was located and it's beside the bank?" Titig ko sa kanya at nahinto siya sa pagsasalita.
"Is Alessandro always go there to paint? And do his fishing?" taas ng isang kilay ko.
Iba ang titig na ginawa ni Tiyo Estefan sa akin at napakurap ako sa sarili. Umiwas ako sa titig niya at naupo na akong bahagya sa sahig.
"You are not listening to me, Sylvi, did you?"
I sigh and look at him. It was a 'forgive me look', and he shook his head. He was looking disappointed in me.
"Hija, don't go beyond that part. Hindi naman sa pinagbabawalan kita. Pero nasa parte na iyon ng mansyon ng mga Ladrosvodski, anak."
"Oh, I see. . . I didn't know, Tiyo. I was about to go back to the winery. But, um, my feet dragged me to that position, and then I saw Alessandro. . . I love the place. It was relaxing, and the huge willow tree was beautiful."
"That willow tree needs to be cut," he said and then turned around.
"And why is that? Ang ganda kaya ng punong iyon, tapos ipapaputol? Mas matanda pa yata ang punong iyon kaysa sa' yo, Tiyo," pabirong tugon ko, at ngumiti lang din ako.
"Alessandro wants it cut. And now that you open that topic, I may as well do the bookings tomorrow. Noong isang linggo pa niya gusto ito, pero dahil pareho kaming naging abala ay nawala ito sa isipan ko."
"Really? Oh, such a pity. That tree is beautiful, Tiyo. How could a person decide to kill it?"
I'm not an environmentalist, but I love to preserve the old ones from generation to witness its beauty. At sa nakikita ko kanina ay matagal na ang punong iyon, at tiyak nasa lagpas isang daan taon na.
"The tree is old, Sylvi. Delikado na."
"Pero andoon si Alessandro, nangisda at nagpinta? Hindi niya ba inisip na delikado ito at babagsakan siya ng sanga?"
Nagtitigan kami ni Tiyo, ni walang ngiti sa labi ko dahil alam kung may punto ako. I will give him a valid reason if needed in order to save that three.
"Do as I told you, Sylvi. Do not go back there."
"At bakit naman, Tiyo?"
"Sylvi," talas na titig niya. Namaywang na siya at umayos na ako.
"Please don't be curious to your surroundings, hija. That's the only way you will survive. I love you as my daughter. Kaya kung puwede lang ay huwag mong gawin ang mga bagay na bawal sa lugar na ito, anak. Just do your job and after two months you are free to go back to England."
Tumalikod na siya at rinig ko ang pagbuntonghinga niya. I pouted as I looked at everything here. Para kaming nasa lumang bodega na tambak sa lahat ng mga papel at kung ano-ano pa.
"Mukhang pagsisisihan ko pa kung bakit ikaw ang nirekomenda ko kay Alessandro," lihim na saad niya at narinig ko ito. Kaya tumayo na ako.
"Tiyo, naman. Ikaw naman hindi na mabiro. Oo, hindi na ako babalik sa lugar na iyon. Babalik lang ako kapag isasama ako ni Alessandro o 'di kaya ikaw," ngiti ko. Hinihintay ko siyang tumitig sa akin at ginawa niya naman ito.
"Sylvi. . . I don't like you here, but I know this is your dream. So, please take care and bear in mind everything I've said."
Mahina akong tumango at ngumiti kay Tiyo Estefan. Ayaw kong mabahala siya, dahil para sa akin ay higit pa sa isang Tiyo ang turing ko sa kanya, dahil para ko na siyang ama.
"Have you called your Mama?"
"Oo, I did last night."
"Good girl," ngiti niya at nagpatuloy na kami sa ginagawa.
FOR THE PAST TWO DAYS, everything was quiet. I saw the person who was supposed to cut the tree, as it will be scheduled today.
Pero kumagat na lang ang dilim ay hindi pa nila nagawa ito. Humarang daw kasi ang nakatatandang kapatid ni Alessandro na si Andrius.
At last, someone stood up as I wanted it, like how I like to preserve the tree.
Nauna na ako sa loob ng library ni Alessandro dahil tinatapos ko ang panghuling pinapagawa niya. At pagkatapos nito ay alam kung wala na, at magsisimula na ako sa totoong trabaho ko sa kanya.
He was probably in a good mood when he entered the room because he was humming a little enough for me to hear it. But when he saw me, he stopped and composed himself. Hindi niya yata inaasahan na nandito pa ako sa oras na ito.
I know today he played golf with his father together with his brother. It was Lorraine who told me earlier. She's one of the maids of the Ladrovodski.
Kung hindi man si Lorraine ang nakakausap ko ay si Berta ito, silang dalawa lang naman ang nakakalabas pasok sa malaking palasyo at nakikita ko tuwing hapon na naglalakad patungo sa winery area dahil dumadaan kasi sila sa bahaging harden in Alessandro.
"I thought you were finished."
Umayos siya at may inalapag lang sa mesa niya rito. Pormal ang tindig at kaakit-akit nga naman ang hitsura.
"Tapos na po ako, Sir Alessandro. Hinihintay ko po talaga kayo, dahil baka bukas hindi ko kayo makita at wala na akong gagawin," ngiti ko sa kanya.
Simula kasi nang dumating ang nakatatandang kapatid niya galing Romanya ay naging abala siya na parang nakasunod sa kanilang dalawa ng Papa niya. Pero sa gabi naman ay parang hindi na siya natutulog at nagsusulat na parang walang hanggan.
Bahagya siyang humarap sa akin at seryoso akong tinitigan. Walang kurap ang mga mata niya na parang may mali akong sinabi kanina. Napaisip tuloy ako, kung may nabitawan ba akong hindi kaaya-aya.
"Sylvi, drop the formality."
"Oh, I see. . . Sorry." Mahinang pagkakasabi ko, at nakangiti pa rin ako. Tumalikod ulit siya at binuksan na ang gilid na drawer sa mesa.
From there, he grabs something that looks like an invitation or something. His brows furrowed, and as he bit his lower lip, his eyes beamed at me, which was only quick.
"Accompany me tomorrow. We have a dinner to attend."
"T-Tomorrow? W-what time?"
"At six, and please wear casual."
Humakbang na siya palapit sa pinto at tipid lang na ngumiti sa akin bago siya lumabas dito.
.
C.M. LOUDEN