Simula
I couldn't be more excited while reading the magazine I was holding. At last, I will be working under the wings of one of the most famous bestseller authors in the country, Alessandro.
My smile widens, recalling the conversation I had with my Uncle Estefan.
He's been working as a butler for the Ladrosvodski family for three decades.
He has never been married and dedicated his life to serving Monsieur Perdu Ladrosvodski. He once told me that he is like a brother to him and is thankful for the Ladrosvodski family.
I finished my degree in journalism with the help of Uncle Estefan. He's the only brother my mother had and the family we have.
My father passed away when I was ten during the war in Afghanistan. He served the country and died for it. I'm proud of him and will love him forever.
I was born in the Philippines and migrated to England when I was two years old with Mama, and until now, I haven't been out of the country.
It is my first time travelling to Nairn, Scotland, at twenty-four.
Kahit pa hindi ako lumaki sa Pilipinas ay nagsasalita si Mama ng wikang tagalog sa akin at naiintindihan ko ito. Nakakapagsalita ako ng parehong lingwahe at madalas ay ito ang ginagamit ko sa pakikipag-usap ko kay Tiyo Estefan.
"Sylvi? Tawagan mo ako kapag nasa estasyon ka na," si Tiyo Estefan sa kabilang linya.
"Sure, Tiyo. Siguro mga isang oras pa." Tingin ko sa relo na suot.
"Okay. Ihahatid ko lang si Monsieur Perdu at susunduin na kita pagkatapos ko rito."
"Sige, Tiyo. Salamat." Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy na sa binabasa ko.
The Happy Prince. Ito ang isa sa mga nobelang isinulat ni Alessandro.
Wala akong alam sa kwentong ito, pero noong sinabi sa akin ni Tiyo Estefan na nanalo ito at nakakuha ng award sa iba't-ibang larangan dito sa Scotland ay naintriga na ako.
I have read it and ended up loving the story.
It's mysterious, with a heart, a twisting faith, and an unpredictable outcome.
The happy prince is a hero but, at the same time, a villain. The story has some loopholes, but that's how Alessandro liked it. This book will have its sequel soon.
Inunat ko na ang sariling kamay sa ere at napatingin ako sa katabing upuan. Wala akong katabi at hindi rin puno ang tren na ito. Maraming bakante at hindi ko makita ang mukha ng iilang pasahero. Kinse minutos na lang at mararating na namin ang Nairn.
Pinikit ko muna ang mga mata hanggang sa hindi ko namataan na huminto na ang tren at nakarating na kami sa destinasyon.
Panay ang tingin ko sa bawat sulok habang naghihintay kay Tiyo. Wala pa siya. Mali yata ang oras na sinabi ko sa kanya.
I told him it would be an hour away, but that was twenty minutes ago, and I was standing outside the station.
Naglalaban ang isip ko kung tatawagan ko ba si Tiyo. Pero naisip ko rin na maghintay na lang.
I ended up inside the small bookstore just a few meters from the station. I have no plan to buy any books, but I always carry one or two inside the bookstore.
Living with the highlands and When the night creeps in. . . Ito ang dalawang libro na binili ko. Sa huli, ay bumili ulit ako ng libro.
"Sylvi?"
Napalingon ako mula sa likod at ang nakangiting mukha ni Tiyo Estefan ito.
"Tiyo!" Humakbang ako na hila-hila ang maliit na bagahe ko at niyakap siya.
"Por santo pabor, kung saan-saan ako nag-iikot bata ka." Titig niya sa kabuuan ko.
"For some reason, I had a bad feeling that I would find you here," pagpatuloy niya.
Nakatingin na siya ngayon sa harapan ng bookstore. Napansin din niya ang libro na hawak ko at napailing siya.
"Huwag ka masyado magmana sa akin, hija. Baka hindi ka na mag-aasawa," pabirong tugon niya.
"Tiyo, alam mo naman na mahilig ako magbasa ng libro," ngiti ko. Napailing na lang din siya.
Kinuha niya ang maleta na hawak ko at pati na sa isang supot na puro snacks ang laman. Nabili ko ito sa kabilang syudad bago ako sumakay ng tren patungo rito.
"Sa mansyon ba tayo, Tiyo?"
"Hmm, hindi na. Ihahatid na kita sa mansyon ni Alessandro. From there, I will explain everything."
Nahinto ako at tinitigan lang din siya. Humakbang na siya at hila-hila ang bagahe ko.
Hindi naman siguro ako titira sa iisang bahay na kasama si Alessandro ano?
"T-Tiyo! T-teka lang. T-titira ba ako kay Alessandro?" kabadong tanong ko sa kanya.
Hindi ko yata inaasahan ito. Ang buong akala ko kasi ay sa kanya ako titira, Mukhang may mali yata.
"Don't worry, hija. I made the arrangements, and you are safe." Kindat niya.
Nagpatuloy na siya sa hakbang at natulala ako sa sarili. Mahigpit kong niyakap ang dalawang libro na binili ko at napabuntonghininga ako.
Okay, here we go, Sylvi. . . this is your dream, and you are walking towards it. So, walk with no fear. My mind speaks.
.
C.M. LOUDEN