Gamit ang matutulis na bagay ay maingat niyang tinangal ang dalawang mata nito. Hindi pa siya nasiyahan sa ginagawa at hiniwa ang bahaging gilid nang labi ng biktima.
"You don't deserve to live." He silently said, smiling, slicing the part of the lifeless victim's face.
"I will sell all your organs, especially your eyes and heart. Be useful instead before you rot in hell," huling bulong niya sa biktima.
Gusto niyang matawa nang malakas pero ayaw lumabas nito sa bibig niya. Kaya tanging ngiti na lamang ang makikita sa mukha niya.
He seems happy, looking at the smiling face of his lifeless victim.
.
Mabilis kong naimulat ang mga mata at ang maliit na ilaw sa gilid ng kama ang unang natitigan ko. Napabangon ako.
Anong klaseng panaginip iyon? Nanaginip ako.
Kinuha ko ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesa rito. Ininom ko ito. Bakas pa din ang kaba sa puso ko, pero unti-unti nang kumalma ito.
Why that dreams seems real. Parang totoo, dahil magpahangang ngayon ay bakas pa rin sa isipan ko ang preskong mukha ng biktima at ang madugong mukha niya. Pero sa kabila nito, ay nakangiti ito at ito ang mas nagpataas ng balahibo ko.
My god, Sylvi. Put it away and throw that dream somewhere in the back of my mind. Isip ko. Ayaw ko itong isipin pero paulit-ulit lang itong tumatak sa isipan ko.
I walk back and sat down on the side of the bed. I need to forget it. Hindi naman sa hindi ako sanay sa mga ganitong eksena dahil ito naman ang madalas na binabasa at pinapanood ko.
I love to write romance. Ilang romance na ba ang naisulat ko? Marami na. Pero sadyang mahilig ako sa mga madugong estorya at pinapanood pa ito.
I love how twisted the story is, and it gives me the utmost interest in that field.
Saludo ako sa mga writers na may kakaibang imahinasyon pagdating sa mga bagay na ganito. Na parang totoo.
Napabuntonghininga ulit ako sa sarili at naalala ko lang ang maliit na papel sa mga lumang gamit ni Alessandro. Ito yata ang nagpapagalaw sa kakaibang imahinasyon ko. Ito ang dahilan nito.
Alas tres 'y medya pa, kaya mas mabuting matulog na muna.
-
"Good morning, Sylvi," masiglang bati ni Nanay Austria. Siya ang unang namataan ko sa magarbong kusina ng bahay na ito.
"G-good morning po, Nay," ngiti ko. Humakbang ako palapit sa kanya at kinuha ang isang tasa mula sa kampunan nito.
Today is the weekend and the last week of the month. Naalala ko lang na sa ganitong araw bumibisita si Nanay Austria rito.
Nagluluto siya at mukhang pang-isang linggo ang ginagawa niya. Nakalapag ang maraming bakanteng plastic container at dalawang malalaking kaldero ang nakasalang sa gas. May iilan pa siyang niluto sa loob ng oven.
"I have to cook a lot starting today," ngiti niya sa akin. Naupo na ako at ininom ang kape ko.
"Here, try this. And tell me, what do you think?" Lapag niya sa lemon slice. Tinikman ko agad ito.
"Hmm, masarap, po."
"Good." Tumalikod siya at mabilis ang bawat kilos niya sa ginagawa.
"Nay, ilang taon na po ba kayo?"
"I'm on my fifties, dearie. Soon, I will be sixty," sagot niyang hindi humarap sa akin. Abala kasi ang mga kamay niya sa ginagawa. Natahimik lang din ulit ako.
"And what is your plan for today?"
"I will sort all Alessandro's file, Nay. Rinig ko kasi may bago siyang nobela na gagawin. Tiyo Estefan told me. So, he might be busy for a while."
"I see. . . Hindi na talaga nagpapahinga ang batang iyan. Hindi ko na nga namalayan na isang matipunong nilalang na siya. I did not even notice it, dearie. Time flew so fast really," buntonghininga niya.
"W-wala po bang kapatid si Alessandro, Nay?"
"Kapatid? Meron, half-brother, si Andrius."
Napakurap ako. Ba't 'di ko agad naisip ito? Andrius is famous like his father, Monsieur Perdu. They have the same traits, and Andrius is like a shadow to his father.
"Nakatira rin ba siya sa palasyo?"
"Oo, at huwag ka ng magtanong tungkol sa kanya, dahil ayaw ni Alessandro na marinig ang pangalan niya. It's f*******n to speak his name inside Alessandro's house, Sylvi."
Humarap na siya at ngumiti sa akin. "Here, try this. It's hot, okay."
"Salamat, Nay."
Tinikman ko ito at masarap nga naman ang ginawa niyang putahe.
"Masarap po."
"Good. I'm glad that I have you here as my food taster. I'm sure Alessandro will love this," kindat niya.
AFTER a heavy breakfast which I don't usually do because I was forced to eat beyond my limit, I could not say 'no' and was thoroughly exhausted.
And instead of going back to the library to start my job, I walked again around the garden.
Napatingin pa ako sa unahang bahagi na kung nasaan ang ubasan.
I don't know what it is, but my feet wants to walk in that direction. Pinagsabihan na ako ni Tiyo Estefan na huwag ng bumalik sa bahaging iyon. Pero parang gusto nang mga paa ko ang bumalik doon.
Ganoon pa din naman. Nakatulala akong nakatitig sa maliit na shed stopper na nandito. Bahagya ang ginawa kong paglingon sa kabilang banda na kung nasaan ang ubasan. Pero imbes na tahakin ang daan patungo roon ay parang may humila sa katawan ko sa kabilang banda.
I could say that this place cater a lot of my interest. Wala kang ibang maririnig sa paligid kung 'di ang huni ng ibon, lagaslas ng puno at ang hangin. Kaya gustong-gusto ko ang ganito dahil kakaiba ito sa pinanggagalingan ko.
This place somehow gives you the most interest if you are an author.
Ngayon, naiintindihan ko na si Alessandro. Kaya pala lahat ng mga akda niya ay makatutuhanan dahil may pinaghuhugutan siya sa mga nakikita niya rito.
Inunat ko ang bawat kamay at ngiting humakbang habang nakatingin sa lahat ng nandito. Maaga pa naman. Kaya okay lang. Mas maganda maglakad para naman matunawan ako sa kinain ko kanina.
After ten minutes of walking around, my feet took me to the most beautiful scenery on this farm.
Kumikinang ang tubig mula sa ilog at ang kakaibang puno na halos humalik na sa tubig ay ang kumuha ng interest ko.
Maraming malalaking puno rito, at napapalibutan ng mga makakapal na d**o. Pero naghalo ang iba't-ibang klaseng bulaklak at makukulay pa ang mga ito.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang mamataan ko ang tayo niya. Malaking-malaki siya at nakamamangha.
"Ang ganda. . ." lihim na tugon ko sa sarili habang nakatitig ang mga mata ko sa akit niyang ganda.
Sa lahat ng puno rito ay ang willow tree na ito ang siyang kakaiba. Mapangahas kasi ang ganda niya.
Humakbang ako para mas mapalapit sa puno, pero nahinto akong saglit nang mamataan ko ang likod ni Alessandro.
At first, I thought he was fishing, but he wasn't because he was doing something on a small board.
I smile secretly while looking at his behind. May hitsura nga naman siya at medyo nakakaakit ang pangangatawan niya.
Napansin ko rin ang fishing rod na 'di kalayuan sa kanya. Mukhang naghihintay lang ito na makakuha ng isda.
I was about to step closer to him, but I stopped when he stood up and checked his fishing rod. Gumalaw kasi ito at mukhang may isdang nahuli.
I just stood stiff in silence, and my mind was blank at the moment. Alessandro's movements were fast enough, and his grip while reeling the rod was like a pro.
Iba na ang tinitigan ko ngayon, ang bahaging braso niya patungo sa kamay niya.
Okay, he's the perfect frame at his age, and I couldn't disagree more with his looks. My lips parted when I saw the fish flicking up in the air at its decent size.
"Dammit!" Mura niya at napakurap ako sa sarili.
Sa sobrang abala nang mga mata ko sa katawan niya ay hindi ko napansin na mabilis niyang hinawakan ang isda na wala man lang gloves na suot sa kamay.
"s**t," he swore again, but in silent. Inilagay na niya ang isdang nahuli sa basket at kinuha ang puting panyo niya. Bakas ang dugo na galing sa kamay niya at napakurap ako.
Gusto ko sanang lumapit, pero nang makita ko ang painting niya ay napawaang lalo ang labi ko.
What is that? Anong klaseng painting ito? Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko rito. At hindi ko na napansin si Alessandro.
"Sylvi?" baritonong boses niya, at nataranta akong bigla. Nagtitigan kaming dalawa at kunot-noo ang ginawa niyang pagtitig sa akin.
I'm staring at him, moving my eyes in both ways. . . at him and his painting.
.
C.M. LOUDEN