Nagising kinabukasan si Kim na masakit ang ulo. Napatingin siya sa mga bote ng alak na nakakalat sa sahig. Naalala niya na matapos niya ubusin ang isang bote ng alak na kinuha niya sa unit ni Marc ay kumuha pa siya sa nakastock na alak sa ref niya.
Maya maya ay nakarinig sya ng sunod sunod na notification sa cellphone.
Agad agad niyang kinuha ang cellphone na nasa bed side table. Nakita niyang sangkaterba na naman ang reaction at comment sa t****k sa pinost niyang sayaw sa pagtitiktok kagabi habang lasing siya.
Nacurious siyang panoorin ang isang video niya na maraming reactions at comment.
Nagulat sya na habang sumasayaw ay biglang sumingit si Marc.
"Tama na yan?" Sabi ni Marc na bigla syang niyakap para tumigil na sya sa kasasayaw.
Maya maya ay makikitang kinuha ni Marc ang cellphone at pinatay ang video. Binasa niya ang ibang mga comment.
'how sweet'
'ang sweet naman ng husband'
'ang sweet ni Marco Chavez'
"Pumunta dito si Marc?" Pinilit niyang alalahanin sa isip yung oras na nandoon si Marc sa unit.
"Bakit ka ba nakekealam sa sayaw ko diba wala ka ng pake sakin ngayon?"
Biglang pumasok sa alaala niya ang sinabi niyang yun kagabi.
Dahil tinatamad pa bumangon ay pumikit uli si Kim. Maya maya ay naramdaman niya na parang wala siyang suot.
Nang hawiin niya ang kumot nagulat sya ng makita ang sarili na nakahubad.
"Oh my gosh. Ano nangyari. May nangyari ba samin ni Marc??"
Pinilit niyang alalahanin sa isip ang sandaling yun. Bigla niyang naalala na panay ang suka niya. Nasukahan din niya si Marc. Maya maya ay nasa CR na sila at sabay na naliligo.
Pumasok din bigla sa alaala niya yung nakapatong sa kanya si Marc sa kama habang hinahalik halikan siya nito. Naalala niya yung mga titig nito sa kanya habang nasa ibabaw niya at pinag-iisa nito ang katawan nila.
"May nangyari samin?"
Nagimbal si Kim ng maalala ang mainit na pinagsaluhan nila ni Marc kagabi.
Habang nasa CR sa canteen at naghuhugas ng kamay napatingin si Kim sa suot na turtle neck na blouse. Maya maya ay binaba niya ang tela na nasa leeg niya.
Tingin niya ay nanggigil sa kanya si Marc kaya tinadtad siya ng kissmark sa katawan.
Habang naliligo siya kanina ay nagulat sya ng makita ang mga kissmark sa katawan niya. Bukod sa leeg ay meron din sa dibdib niya, sa tyan, maging sa mga hita. Bahagya siyang natawa na pati sa parte na yun sa pisngi ng p********e niya ay meron din.
"Naka ilang round kaya kami?" Bigla din niyang inalis sa isip niya yun.
Nanghinayang siya na wala siya masyadong naalala sa nangyaring yun sa kanila kagabi.
Iniisip niya kung anong oras umalis si Marc. Nang magising siya kaninang umaga ay wala ito sa kwarto. Wala din sa condo unit niya. Naisip niyang puntahan si Marc sa office.
Nagpunta siya sa office ni Marc pero wala ito doon. Pabalik na siya sa canteen ng masalubong si Madam Silver.
"Mabuti nakita kita ipapatawag na sana kita sa office mo sa canteen eh" sabi ni Madam Silver.
"Bakit po?" Nagtataka niyang tanong.
"Hindi mo ba nabasa yung email ko?"
"Ano pong email?"
"Diba may meeting tayo with Zab kay Bea para sa ads ng bagong project natin" sagot ni Madam Silver.
"Hindi ko po nabasa. Kung about po sa modeling gusto ko na po magquit"
"Ganun. Bakit naman? Halika sumama ka muna sa meeting." Hinawakan ni Madam Silver si Kim sa braso at sinama sa meeting room. Wala naman nagawa si Kim kaya sumunod na din siya.
Pagpasok sa loob ng meeting room ay nadatnan niyang masayang nagkukwentuhan si Marc at Bea magkatabi sila at nakahawak pa si Bea sa braso ni Marc.
Pagkakita sa kanya ni Marc ay tumayo ito at niyakap siya.
"How do you feel now? Are you alright?" Bulong nito sa kanya.
Tumango lang siya at umupo.
"Hi Ms. Kim" bati sa kanya ni Bea.
"Hi" bati din niya dito.
"Start na tayo?" Agad na sabi ni Madam Silver pagkaupo nito.
Pagkarinig nun ay tumayo na si Bea at nagpresent. Pinapaliwanag nito yung magiging tema nila sa gagawing photoshoot na ipa-publish sa magazine. Wala naman masyadong maintindihan si Kim dahil naglalakbay ang isip niya. Nakatingin lang siya sa papel na nasa harap niya na kunyari ay binabasa yun pero wala doon ang isip niya.
"Since beach-resort inspired ang theme ng amenities sa bagong project. Maganda sana kung sa beach with white sand tayo magphoto shoot eh huwag na sa studio. Mas maganda kung realistic ang background." Ani Bea
"Ah ganun ba. I think mas maganda nga. I suggest sa boracay doon lang naman ang may magandang white sand eh. Kaya lang hindi ba crowded?" sambit ni Madam Silver
"Crowded lang naman doon kapag summer and holidays. Last Valentines day nandoon kami ni Marc medyo crowded." Napangiting sabi ni Bea.
Biglang napaangat ng mukha si Kim at napatingin kay Bea ng marinig ang sinabi nito.
"Last valentines day nasa France ako nun. So sila talaga?" sa isip isip niya. Naisip niya yung mga sinabi ni Marc na parati nitong pinagdidiinan na walang namamagitan sa kanila ni Bea.
Napatingin siya kay Marc na nakatingin sa proposal na nasa table.
Nang mapatingin siya sa paligid ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Madam Silver maging ang team nito na kasama sa meeting na yun. Siguro ay tinitignan ng mga ito ang magiging reaction niya sa sinabi ni Bea. Naisip niya na siguro ay gusto ni Bea na maging lantaran na talaga sila ni Marc kaya niya sinabi yun. Na kahit alam ng lahat na mag asawa sila ni Marc ay pinangangalandakan talaga nito ang tungkol sa kanila na parang wala syang pake kahit magmukha siyang kahiya hiya na pumatol siya sa may asawa at maging kerida ang tingin sa kanya ng lahat.
"So huwag na lang natin itaon na peak season ang photoshoot para hindi crowded" sabi ni Madam Silver. "Mrs. Chavez are you sure na ayaw mo na talaga mag model" tanong pa nito sa kanya.
"Opo. This time sure na po." sabi ni Kim na pinilit ngumiti.
"Sayang naman so let's pick na lang sa mga artistang nandito sa list." Sabi ni Madam Silver na napatingin sa isang papel.
"Sa male model. Aside kay Mr. Chavez magdadagdag din tayo ng isa pa." Dagdag pa nito.
"Magdagdag ka ng dalawa. If my wife quits. Of course I'll do the same." Agad na sambit ni Marc.
Matapos ang meeting ay agad bumalik si Kim sa office niya. Habang nasa elevator ay hindi niya napigilan ang luha na kanina pa gustong bumuhos. Naisip niya na isa sa rason niya ng pag file ng annulment ay dahil sa pakikipagrelasyon ni Marc kay Bea.
Kahit iniisip niya na may namamagitan sa dalawa umaasa pa rin siya na mali siya. Umaasa siyang totoo yung mga sinasabi ni Marc na wala silang relasyon at walang nangyayari sa kanila.
Pero ngayon na pinapamukha na talaga sa kanya ang katotohanan at halos ipagduldulan yun ni Bea ay napakahirap din pala tanggapin.
Pagdating sa office ay naisip ni Kim na desidido na talaga siya sa annulment. Ayaw na niyang makasama pa si Marc. Ngayong sigurado na siya na may namamagitan talaga kay Marc at Bea ang kailangan na lang niya ay ebidensya na magpapatunay doon. Naisip niya na kahit araw arawin niyang sundan si Marc ay gagawin niya makahanap lang ng ebidensya.
Habang nag iisip nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Marc.
"Hon!" nagulat si Kim ng bigla syang yakapin ni Marc.
Maya maya ay hinalikan siya nito sa noo at niyakap uli ng mahigpit.
"Anong oras ka nagising kanina? Hindi na kita ginising ang sarap ng tulog mo eh. May meeting ako ng 8am kaya umalis na ko."
Hinalikan ni Marc sa pisngi si Kim. Hinawakan pa niya ang mga kamay nito at hinalikan.
"Uuwi ka na sa bahay ha miss na miss na kitang makasama..." hindi naituloy ni Marc ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto. Agad naman yun tinignan ni Kim.
"Ms. Kim dumating na po yung vegetables" sabi ng isang staff niya.
"Sige na Marc marami pa kong gagawin." Agad na sambit ni Kim para umalis na si Marc.
"Mamaya na yan!" lumapit si Marc kay Kim at akmang yayakapin uli nang umiwas si Kim.
"Hindi pwede. Sige na pupunta na ko sa kitchen." Umalis na si Kim at pumunta sa kusina.
Agad agad na nagpunta si Kim sa parking. Naisip niya na sa isang araw na yung trial nila ni Marc sa annulment case kaya kailangan na nyang paspasin ang pagkuha ng ebidensya.
Nanghinayang siya ng maisip na sana ay vinideohan niya si Bea kanina habang nagsasalita sa meeting edi sana ay nakunan niya yung sinabi nito tungkol sa pagpunta nila ni Marc sa boracay.
Maya maya ay nakita na niyang dumating si Marc at sumakay sa kotse nito. Ilang minuto na ang nakakaraan pero hindi pa rin nito pinapaandar ang kotse.
Maya maya ay bumaba si Marc sa kotse. Nakita ni Kim na nakatingin ito sa direksyon niya akala niya ay lalapitan siya nito pero biglang tumalikod at bumalik sa loob ng sasakyan. Maya maya ay pinaandar na nito ang kotse. Kagaya ng nakaraan ay mabagal lang ang takbo nito. Ilang minuto pa ay tumigil ito sa isang restaurant.
Sumunod naman si Kim sa loob at pumwesto uli sa bandang likuran nito. Maya maya ay nakita niya ang paglapit ng waiter kay Marc".
Pagkaraan ng ilang minuto ay may lumapit sa kanya na waiter at may inaabot na pagkain.
"Wala akong inoorder na ganyan." Sambit niya.
"Meron po nagpapabigay." sabi ng waiter na umalis naman agad
"May nagpapabigay? Sino?" Tanong niya. Hindi niya napansin na umalis na ang waiter.
"Si Marc ba. Alam ba niya na ginagawa ko to?" Bigla niyang naalala yung unang beses na sinundan niya si Marc. Meron ding pagkain na binigay sa kanya ang waiter at nang babayaran niya ay bayad na daw ito.
Sumunod sa mall nang sundan niya si Marc ay wala naman itong ka-date at parang sila pa ang nagmistulang magka-date noon dahil sila ang magkasama hanggang sa condo. At ngayon naman ay wala na naman itong kasama. Naisip niya na kaya siguro wala siyang mahuli huli kay Marc dahil alam niya na sinusundan siya.
Napatingin siya sa kay Marc na may hawak na cellphone. Napatitig siya sa cellphone nito at nakita niya na naka camera ito.
"Tinitignan niya ko sa camera" hindi alam ni Kim kung matatawa o maiinis na naisahan siya ni Marc. Akma siyang tatayo para lapitan ito sa table nang biglang may tumakip sa mata niya. Napahawak siya sa kamay nito na nakatakip sa mata niya.
"Sino to?" Tanong ni Kim habang pinipilit na tanggalin ang kamay sa mata niya
"Hulaan mo" Bulong nito sa kanya.
"Aries!" sabi niya ng mabosesan ito.
Hinila ni Aries ang isang upuan at inilapit sa tabi ni Kim.
"Bakit mag isa ka lang?." Tanong ni Aries na umupo ng paharap kay Kim.
"Diba sabi ko sayo may utang kang isang date sakin dahil hindi ka pumunta nung birthday ko."
"Bakit nandito ka?" tanong ni Kim.
"Nakita kita sa counter. Diba nakwento ko nun sayo na makikipag partner ako sa pinsan ko sa restaurant. Ito yun." Napangiting sabi ni Aries.
"Ah talaga!" napatingin si Kim kay Marc na masama ang tingin sa kanya.
"Kailan ka ba magsisimula sa restaurant mo? Kumusta yung canteen? Ayaw mo naman kasi makipag partner sakin eh" Sabi ni Aries.
Naririnig ni Kim na nagsasalita si Aries pero wala syang maintindihan sa sinasabi nito.
"Masarap ba yang pagkain ako ang gumawa niyan. Gusto mong makita kung pano gawin?" Nagulat si Kim ng biglang hawakan ni Aries ang kamay niya at hilahin. Napasunod naman siya bigla.
"San tayo pupunta?" Agad na tanong niya ng hilahin ni Aries.
"Sa kitchen."
Binuksan ni Aries ang isang pinto at pumasok sila doon.
Bago pumasok ay nakita niyang tumayo si Marc at umalis ng restaurant.
♥️