CHAPTER 17: Honey I Miss You!

1112 Words
"Kim pinapabigay ni Suzet!" Inabot ni Darwin kay Kim ang paper bag na galing kay Suzet nang makita ito sa canteen. "Thank you!" matamis na ngumiti si Kim. Tumalikod na sya para bumalik sa counter. "Bro ano sama ka mamaya?" Narinig ni Kim na tanong ni Darwin kay Marc pagtalikod niya. "Pass muna ko. May date ako mamaya eh." Nagpanting bigla ang tenga ni Kim pagkarinig sa sinabi ni Marc. "May date sya??" Naalala niya nung sinundan niya si Marc nung isang araw na wala naman syang napala dahil hindi sumipot si Bea o kung sino man ang ka-date nito. Nagmadali si Kim na lumabas ng canteen ng makita ang oras. Alas sais ang nakita niyang oras sa schedule ni Marc na tapos ng conference nito. 6:20 na, naisip niya na baka umalis na si Marc. Pagdating sa parking ay nandoon pa ang kotse ni Marc kaya nakahinga siya ng maluwag. Ilang minuto pa ay dumating na si Marc. Naisuot bigla ni Kim ang helmet ng makita itong dumating. Maya maya ay pumasok na ito sa kotse at pinaandar yun. Bumuntot naman agad si Kim sa kotse nito. Saan naman kaya siya makikipagdate?? Nakita niya na pumasok sa isang mall si Marc. Nagpark si Kim sa malapit na natatanaw niya ang kotse ni Marc. Pagkababa ni Marc sa kotse may suot itong jacket at cap naisip ni Kim na siguro ay para walang makakilala sa kanya dahil sikat na personalidad din ito. Ang lakas ng loob niya makipag date sa mall na maraming makakakilala sa kanya!! Naisip ni Kim na hindi naman mahilig mag-mall si Marc at napipilitan lang ito kapag niyaya niya. Nagsuot din si Kim ng cap at sumunod kay Marc papasok sa mall. Dire diretso si Marc sa cinema. Manonood sila ng sine.?? Nakita niyang pumila ito sa bilihan ng ticket kaya pumila din si Kim. Naexcite siya ng makita ang palabas sa sine na pinilahan nito. "Confidential Assignment 2" Naalala niya na napanood nila ni Marc yung part 1 nun kaya naexcite siya na nagkaroon ng part 2. Nang makabili siya ng ticket ay sumunod siya kay Marc sa loob. Pumuwesto siya sa likuran ni Marc nang makaupo ito sa upuan. Napansin niya na tumitingin tingin sa gilid si Marc na parang may tinitignan o hinahanap. Nasa kalagitnaan na ng palabas ng makaramdam ng lamig si Kim. Napatingin siya kay Marc na seryosong nanonood. Bigla niyang namiss yung yakapan nila kapag nanonood ng sine. "Grabe gusto ko syang katabi". Maya maya ay nakita ni Kim nang umalis ang magkasintahang katabi ni Marc. "Madilim naman hindi niya siguro ko mapapansin". Dali daling umalis si Kim sa pwesto at tumabi kay Marc. Nakaharang ang mga hita ni Marc sa dadaanan niya pero mabilis na hinawi yun ni Marc para bigyan siya ng daan. Pinigilan ni Kim ang tignan si Marc pagdaan niya sa harap nito. Nang makaupo sa tabi ni Marc ay dinantay niya ang braso sa armchair. Bigla niyang tinakpan ang bibig ng bahagyang matawa ng mapadikit siya sa balikat at braso ni Marc. Nasa ganun silang posisyon hanggang sa matapos ang palabas. Nang buksan ang ilaw ay biglang napayuko si Kim at dali daling tumayo at lumabas. Sa labas na lang niya hihintayin si Marc para sundan uli. Dire diretso si Marc hanggang sa parking. Paglabas ng mall ay dumaan ito sa take out counter ng isang fastfood. Naisip niyang bibili ito ng pasalubog kay Dj. Maya maya ay huminto ito sa convenient store. Paglabas doon ni Marc ay napatingin siya sa plastic na bitbit nito. Pansin niyang may bote ng alak doon. Habang sinusundan si Marc napansin niya na pauwi na sa bahay yung way na tinatahak nila. Nagulat sya ng lumiko ito sa entrance ng condo niya. "Anong gagawin niya? Pupunta siya sa condo ko?" Naisip niyang baka sa unit ni Dexter ang punta nito, pero sa gabi ay umuuwi si Dexter sa bahay nila. Pagpasok ni Marc sa elevator ay marami ring nakasakay doon kaya pumwesto siya sa likuran. napansin niyang 8th floor ang pinindot ni Marc. "Sa unit ko nga siya pupunta!" Pagbaba sa 8th floor ay naabutan niyang pumasok si Marc sa katabi ng unit niya. Naalala niya na kay Marc nga pala na unit ang katabing unit niya. Nang makapagpalit ng damit si Kim ay pumunta si Kim sa balcony. Nakita niyang may liwanag ng ilaw na nanggagaling sa kwarto. Lumabas siya ng unit at nagpunta sa tapat ng unit ni Marc. Nang makitang nakabukas ng bahagya ang pintuan ng unit nito ay sumilip siya. Nakita niya na nagpapalakad lakad ito sa kusina at may inaayos sa mesa. Maya maya ay nakita niyang pumasok si Marc sa kwarto at paglabas ay nakatapis na ito ng tuwalya habang may kausap sa cellphone. Nang ibaba ni Marc ang cellphone ay pumasok na siya sa CR. Naisip ni Kim na pumasok sa loob pagkapasok ni Marc sa CR. "Hindi kaya may babaeng tinatago yun dito?!" Sinilip niya ang dalawang kwarto para tignan kung may babaeng nandoon. Nakahinga siya ng maliwag ng makitang wala. Napansin niya yung pagkain sa table na para sa dalawang tao. Naisip niya yung kausap ni Marc sa cellphone. Malamang ay pupunta din doon yung babae. Pinicturan niya yung mga pagkain naisip niyang baka pwedeng gamitin na ebidensya yun. Palabas na siya ng unit nang maisip na kunin yung pagkain na para sa isang tao. Kinuha din niya yung isang bote ng alak. "Bahala kang mabaliw kahahanap ng pagkain?" Pagdating sa unit ay kinain niya agad ang pagkain at pagkatapos ay uminom ng alak. Makaraan ang ilang minuto ay nakarinig siya ng tunog ng gitara sa balcony. Pumwesto si Kim sa pinto ng balcony at umupo sa sahig. Habang umiinom ng alak ay pinakikinggan niya si Marc na kumakanta habang naggigitara. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at kiligin habang pinakikinggan ito pakiramdam niya ay hinaharana siya ni Marc. Adik Sa'yo Awit sa akin Nilang sawa na saking Mga kuwentong marathon Tungkol sa 'yo At sa ligayang Iyong hatid, sa aking buhay Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw! Sa umaga't sa gabi Sa bawa't minutong lumilipas Hinahanap-hanap kita Hinahanap-hanap kita Sa isip at panaginip Bawat pagpihit ng tadhana Hinahanap-hanap kita. "I miss you Marco Chavez my husband. Honey I miss you." Hindi mapigilan ni Kim ang maiyak. Bigla siyang nakaramdam ng pagkamiss sa asawa. Mahal na mahal niya si Marc at hindi niya inakala noon na sa ganito mauuwi ang lahat sa kanila. Ramdam rin niya yung wagas na pagmamahal sa kanya ni Marc. Sa dami ng pinagdaanan nila ay sa wala rin pala mauuwi ang lahat. Dinantay niya ang ulo sa tuhod habang nakaupo sa sahig at humagulgol ng iyak. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD