CHAPTER 19: Together Again

1721 Words
Habang nasa grocery at namimili si Kim ay hindi mapakali ang isip niya. Hindi mawala sa isip niya yung itsura ni Marc kaninang nakita sila ni Aries sa restaurant. Habang namimili ay nakita niya si Bea kasama ang isang babae. Maya maya ay nakita niya si Dexter. Nakita niyang nag usap-usap ang tatlo maya maya ay humawak sa braso ni Dexter yung kasamang babae ni Bea. "Ano yun kilala ni Dexter yun?!" Maya maya ay umalis na si Dexter. Sinundan niya naman si Dexter. "Huy Dexter ano yun ha. Sino yung kausap mong babae?" Ani Kim paglapit kay Dexter. "Sino? si Bea. Diba kilala mo rin yun" Sagot ni Dexter. "Hindi yung isa yung malaki yung boobs" "Si higad? Tenant ko yun sa kabilang unit. Magpinsan daw sila ni Bea". "Magpinsan? So ano yun, si Marc at si Bea tapos kayong dalawa nung babae na yun. Pinagkakaisahan nyo ba kami ni Leslie?" Asik ni Kim. "Huy huy ngayon ko lang nalaman na magpinsan sila. Huwag mong idamay si Leslie sa kapraningan mo ha. Alam ni Leslie na tenant ko yun!" Agad na sabi ni Dexter. "Kung tenant mo yung babaeng malaki yung dyoga at magpinsan sila ni Bea malamang madalas si Bea dun sa unit niya at malamang nagpupunta din si Bea sa unit ni Marc!" Naisip bigla ni Kim "Oh yan ka na naman sa kapraningan mo eh. Alam mo si Marc ikaw lang ang nag iisang babae sa puso niya. Naging gf niya si Bea dati pero dati yun hindi na niya babalikan si Bea magtiwala ka kasi kay Marc." Mahinahong sabi ni Dexter. Sabay na bumalik sa condo si Kim at Dexter, habang naghihintay ng elevator ay biglang dumating si Marc. "Kim ayusin mo mga gamit mo umuwi ka muna sa bahay papunta na dun sila Dad." Humahangos na sabi ni Marc. "Ha bakit?" "Diba mag i-stay sila sa bahay habang nirerenovate yung bahay nila." Sagot ni Marc "Ngayon na ba yun??" Pagpasok nila sa elevator ay biglang pumasok din si Bea at Bianca. "Hi Marc, Hi Kim." Bati ni Bea sa dalawa. Bigla naman naalala ni Kim yung sinabi nito kanina tungkol sa pagpunta nila ni Marc sa Boracay. Pinakikiramdaman niya ang kilos ng dalawa. Napansin niya na mukhang dedma si Marc kay Bea pero si Bea ay nakikita niyang panay ang sulyap kay Marc. "Hi Dexter. Uuwi ka ba? Tara shot tayo!" pagyaya ni Bianca kay Dexter. "Susunduin ko yung asawa ko sa trabaho." Sagot ni Dexter. "Alam mo Bianca kung sumasama ka lang dati sakin tuwing nanonood kami ni Marc ng laban ni Dexter sa basketball edi matagal na kayong magkakilala" may halong panunuksong sabi ni Bea. "Diba Marc?" Baling pa nito kay Marc. Hindi naman siya sinagot ni Marc. "Kung hindi lang ako uuwi sa bahay parang gusto kong yayain si Leslie uminom." Ani Kim. Napatingin sa kanya si Marc pagkasabi nun. "Lasing ka na nga kagabi eh. Bro yang asawa mo kapag umuwi na sa inyo huwag mo na pabalikin dito ha." Sabi ni Dexter. "Hindi na talaga!" Sagot ni Marc. Naunang bumaba si Marc at Kim sa 8th floor bumaba na din si Dexter na dapat ay sa 16th floor pa. "Magpinsan pala si Bea at Bianca." Ani Dexter habang naglalakad papunta sa unit ni Kim. "Nameet ko sya twice dati." sabi ni Marc. "Dexter tingin ko may gusto sayo yung isa dun. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo lumayo ka sa higad. Huwag mong sirain yung pamilya mo dahil sa higad. Huwag mong gayahin..." Hindi naituloy ni Kim ang sasabihin at napatingin na lang kay Marc. Pagkarating sa unit niya ay agad agad inayos ni Kim ang mga gamit nya. "Kung bakit kasi dinala ko pa yung lahat ng gamit ko dito. Hirap tuloy mag impake" napatingin siya kay Marc na nasa labas ng unit kausap si Dexter. "Pinaguusapan siguro nila yung magpinsang higad" Habang nag iimpake ay naisip ni Kim yung nangyari sa kanila ni Marc kagabi. Tapos ngayong araw ay nalaman niya yung tungkol sa Boracay ni Bea at Marc. At biglang nagalit sa kanya si Marc dahil kay Aries. Ngayon naman ay kailangan nilang magsama uli ni Marc bilang mag asawa. Napapaisip siya kung saan ba talaga sila dadalhin ng tadhana nila. Matapos mag impake ay umuwi na sila ni Marc. Pagdating sa bahay ay sinalubong siya ni Dj. "Mommy you're here. Are you going to live here again with Daddy and me?" "Yes" sagot niya. "Are you happy?" "Opo" masayang sabi ni Dj. Habang nag aayos si Kim ng mga gamit niya sa kwarto ay nagulat siya ng yakapin ni Marc. "Hon!" Niyakap ni Marc si Kim mula sa likod. "Ano ba Marc nag aayos ako!" "Iniisip mo ba yung kanina. Yung Boracay.." Tanong ni Marc. Tahimik lang si Kim na pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit. "Magkasama kami sa Boracay ni Bea pero marami kami. Kasama din namin yung mga kaklase namin nung college." Paliwanag ni Marc. "Magkasama pa rin kayo!" sambit ni Kim. "Saglit lang ako dun. Nagpakita lang ako sa kanila. Hindi nga ako nagpaabot ng gabi eh umuwi din ako agad dahil marami akong trabaho. Hindi ko nga msayadong napansin si Bea dun." Humarap si Marc kay Kim at hinawakan siya sa pisngi. "Please let's fix this. Kagabi sabi mo namimiss mo na ko sabi mo gusto mong magkaayos na tayo sabi mo mahal na mahal mo ko. Do you remember?" Napangiting sabi ni Marc. "Icancel mo na yung petition mo sa annulment kahit anong gawin mong pagbuntot sakin wala kang makukuhang ebidensya. Ikaw nga yung dini-date ko eh." Napatingin si Kim kay Marc pagkarinig niya nun. "So alam mo talagang sinusundan kita?" "Oo" napangiting sabi ni Marc. "Tigilan mo na yun at ayokong nagmomotor ka. Ayoko rin na nakikipagkita ka dun sa Chef" "Kaibigan at mentor ko si Aries. Walang namamagitan samin hindi gaya nyo ni Bea" Sagot niya. "Kasasabi ko lang na hindi kami ni Bea. Matagal ng tapos yung sa amin. Wala na kong planong balikan siya. Ikaw lang ang nag iisang babae sakin eh. Maniwala ka naman!" "Pano ko maniniwala hindi magkatugma yung sinasabi mo sa mga nangyayari." "Panong hindi magkatugma? Don't tell me naniniwala ka sa sinasabi niya. Ano bang gusto mong gawin ko. Sabihin mo lang. Gagawin ko naman lahat para sayo. Naghintay nga ko sayo ng isang taon eh." Natigil ang usapan nila ng may kumatok sa pinto ng kwarto. "Kim nandyan na mga byenan mo!" bungad na sabi ng Mama ni Kim pagbukas niya ng pinto. Lumabas sila ng kwarto at sinalubong ang mga magulang. Habang kumakain ng hapunan ang pamilya. "Lolo are you going to live here with us?" Tanong ni Dj sa Lolo. "Do you want lolo to live here?" Sagot naman nito. "Yes. Mommy just came home and she's going to live here too." Sambit ni Dj Biglang nabilaukan si Kim sa kinakain kaya napainom ng tubig. "Ha?" Tanging nasabi ng Daddy ni Marc. "Hindi. Kasi diba matagal nawala si Kim. Sa France sya tumira ng isang taon kaya ngayon dito na uli siya titira." Agad na sabi ng Stepmom ni Marc. "Tama po!" sagot naman ni Kim. Matapos kumain. Habang nasa kwarto at nagsusuklay ng basang buhok si Kim ay napapasulyap siya kay Marc na nakahiga sa kama. Gising pa ito at nakamasid sa bawat galaw niya. Pakiramdam niya ay hinihintay siya nitong humiga. Napatingin siya sa leeg niyang may bakas pa ng mga halik ni Marc. "Katatapos lang namin kagabi parang gusto niya uli" sa isip isip niya. Naalala na naman niya yung sinabi ni Bea na magkasama sila sa Boracay. Sinabi ni Marc na nandoon rin siya pero hindi niya masyadong napansin si Bea at tama rin naman ang sinabi nito na bakit siya maniniwala kay Bea. Maya maya ay narinig niya ang mga katok sa pinto ng kwarto. Nang buksan niya ay bumungad si Dj. "Ma I can't sleep. I want to sleep with you in my room." sambit ni Dj. "Hey hey Dj ang laki laki mo na ha 9 years old ka na hindi ka na baby. Go back to your room and sleep alone." Agad na sabi ni Marc na napalapit bigla sa pintuan ng kwarto. "I want to sleep with mom." Sambit uli ni Dj. "I want to sleep with mom too. Go to your room." Akmang isasara ni Marc ang pinto ng kwarto ng hawiin siya ni Kim. "Ano ka ba gusto akong katabi ng anak ko." Nainis na sabi ni Kim. "Hon naman gusto kitang katabi." Hinawakan ni Marc sa kamay ni Kim at akmang hihilain. Hindi naman siya pinansin ni Kim. Hinila niya ang kamay niyang hawak ni Marc at nangingiting lumabas ng kwarto. Napakamot na lang ng ulo si Marc sa inis sa anak. Pumunta siya sa balcony na may dalang alak at uminom. Maya maya ay natanaw niya ang sasakyan ni Dexter na papasok sa gate nila kaya tinext niya ito at niyayang mag inom. Pagpasok ni Dexter sa bahay ay nabasa niya ang text ni Marc na nagyayayang uminom ng alak. "Malamang hindi nakaiskor kay Kim to kaya ganito!" Natatawang sabi ni Dexter. Pagpasok sa kwarto ay nadatnan niyang nakadapa ang asawa. "Ipagpapalit ko ba to sa inuman?" Nakangiting sabi ni Dexter sabay yakap kay Leslie. "Mahal gusto mo ng massage?" Malambing na sabi ni Dexter habang minamasahe ang asawa sa likod. Maya maya ay hinimas himas nito ang mga hita at bandang pwetan ni Leslie "Mahal pagod ako!" sambit ni Leslie. "Pagod din ako. Patanggal tayo ng pagod." Nangingiting sabi ni Dexter. Hinimas himas niya ang pwet ni Leslie at maya maya ay tinaas ang suot nitong ni skirt. Dahil sa pagod sa trabaho ni Leslie ay napadapa na lang siya sa kama nang hindi nakapagpalit ng damit kanina. Hinimas himas ni Dexter ang bútt ni Leslie pagkataas ng skirt at maya maya ay hinalik halikan ito hanggang sa mga hita. "Dexter please, pagod nga ko wala ko sa mood!" Nairitang sabi ni Leslie habang nakapikit. "Dumapa ka lang jan ako ng bahala!" sabi ni Dexter habang nagtatanggal ng suot na pants. "Mahal wala nga ko sa mood. Babawi na lang ako next time!" Sagot ni Leslie. Umayos sa pagkakahiga si Leslie at nagkumot. Napakamot na lang ng ulo si Dexter sa inis. Maya maya ay kinuha ang cellphone at nireplyan si Marc. "Tara shot!" ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD