CHAPTER 6: Father in Law

1844 Words
"Good morning" bati ni Marc kay Kim habang naghahanda ito ng almusal. Niyakap niya si Kim mula sa likuran at hinalikan sa leeg. "Good morning" mahinang sabi ni Kim na abala sa pagluluto. "Bakit ikaw ang nagluluto. Nasan si Tessie?" Tanong ni Marc na ang tinutukoy ay ang cook nila sa bahay. "Diba kapag weekend at walang pasok ako naman talaga ang nagluluto." "Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh hindi kita katabi. Bakit kasi dun ka sa kwarto ni Dj natulog. Galit ka pa ba? Sorry na alam mo namang sobra ang selos ko sa Chef na yun." Sabi ni Marc na hinigpitan pa ang yakap kay Kim "Ilugar mo din kasi!" "Panong ilugar. Nakita kong nakaakbay sayo kung wala lang tao kagabi dun nakatikim sakin yun." "Oh magsisimula ka na naman eh." "Hindi na. Sorry!" Hinalikan ni Marc sa pisngi si Kim. "Schedule ng pagpunta natin kila Daddy ha" sabi ni Kim ng maalala ang araw na yun na pagbisita nila sa bahay ng magulang ni Marc. "May schedule din tayo ngayon diba" sabay halik ni Marc sa leeg ni Kim. "Ano ka ba nagluluto ako" "Mamaya na yan" naramdaman ni Kim ang malikot na kamay ni Marc. Mula sa tyan ay inakyat nito ang mga kamay sa dibdib niya at hinimas himas iyon. "Ano ba honey baka may makakita satin" Napatingin si Kim sa pinto ng kitchen ng maisip na baka biglang may pumasok doon. "Dun tayo sa kwarto" In-off ni Marc ang induction cooker at binuhat si Kim. Pagdating sa pinto ay biglang dumating si Dj. "Ma i'm hungry i want to eat" sabi nito. Bumaba si Kim mula sa pagkakarga ni Marc at bumalik sa niluluto. "We're going to eat na" sabi ni Kim na minadali ang pagluluto. "Pano ko i want to eat din" makahulugang ngumiti si Marc kay Kim. "Mamaya ako naman pakainin mo ha" dagdag pa nito. Nagmadali na sa pagbibihis si Kim ng makita ang oras. "Hindi naman aalis yung bahay nila Dad bakit ka ba nagmamadali" sabi ni Marc habang nagpupunas ng towel sa basang katawan "Kapag natraffic na naman tayo past lunch na tayo makarating doon. Diba last time pinagalitan tayo ng Daddy mo dahil tapos na sila maglunch nung dumating tayo. Kanina pa nga nakaalis sila Leslie eh" sabi ni Kim habang binubutones ang suot na dress. "Yung schedule muna natin. Mabilis lang" niyakap ni Marc si Kim mula sa likod at hinalikan sa leeg. Tinaas nito ang kasusuot pa lang na dress ni Kim at hinimas ang ibabang parte nito. "Hon nakaayos na ko mamaya...." Hindi na naituloy ni Kim ang sasabihin ng ipasok ni Marc ang kamay sa loob ng panty niya at paikutin ang daliri sa kaselanan niya. Napasinghap siya ng ilabas masok iyon sa loob niya habang hinahalik halikan sya sa leeg. "Mabilis lang. Umupo ka na lang sakin para hindi magulo yung buhok mo" hinila ni Marc si Kim at naupo sa sofa. Hinubad ni Kim ang panty at umupo sa nagagalit na parteng yun ni Marc. Ilang ungol ang pinakawalan ng dalawa hanggang sa narating nila ang rurok. Habang nasa byahe papunta sa bahay ng magulang... "Dj huwag ka malikot jan" saway ni Kim sa anak na nakaupo sa likuran. "Bakit nagpaiwan si Mama?" Tanong ni Marc kay Kim. "Nahihilo daw sya sa byahe eh medyo malayo kasi" sagot ni Kim. "For sure hon magtatanong na naman ang Daddy at step mom mo kung buntis na ko. Mapepressure na naman ako" "Eh anong magagawa natin kung wala pa. Hayaan mo na lang" "Mabuti nalilibang sila sa kambal ni Dexter at Leslie kaya last time hindi tayo masyadong napansin" Pagdating sa bahay ng magulang. Palabas pa lang ng kotse ay naririnig na nila ang halakhakan sa loob. Nakita nila ang nakaparadang kotse ni Dexter at kapatid nito. "Dj magbless ka sa lolo at lola ha" sabi ni Kim habang papasok sa loob ng bahay. Pagpasok ay napatingin sa kanila ang mga taong nandoon. Karga karga ng magulang nila ang kambal ni Dexter at Leslie habang panay ang tawanan ng mga ito. Nakita ni Kim na napatingin ang Daddy ni Marc sa oras pagdating nila. "It's almost lunchtime" bungad na sabi nito. Lumapit sila sa dalawang matanda at nagbigay galang. "Dj come here" tawag ng Daddy ni Marc kay Dj. Hindi naman kumilos si Dj na nagtago sa likuran ni Kim. Dahil bihira lang makita at sa tuwing makikita ni Dj ang lolo nito na strikto kaya magkahalong hiya at takot ang nararamdaman ng bata doon. "Dj go to your lolo." halos itulak ni Kim ang anak para lang lumapit doon. "Dj come here" lumapit naman agad si Dj sa lola na mas madaling makagaanan ng loob dahil parating nakangiti. Matapos magbless at yumakap sa lola ay napilitan din itong lumapit sa lolo niya. "Do you have a baby sibling na rin ba ha like this?" Tanong ng lolo nito sabay turo sa isang kambal na nasa kandungan. Umiling lang si Dj at nilaro ang baby na nasa kandungan ng lolo. Habang kumakain ng pananghalian naisip ni Kim na simula na ng recitation nila sa Daddy ni Marc... "Leslie how's your new job?" Tanong ng Daddy ni Marc kay Leslie "Okay naman po nasa adjusting pa rin po dahil mas critical ang job ko ngayon" nasabi na lang ni Leslie. Mula sa pagiging accountant ay prinomote sya nito bilang Accounting Manager nang magresign ang dating nakaposisyon doon kaya malaking adjustment ang kinailangan niyang gawin. "I want to include you as board member." "Po?" Nagkatinginan sila ni Dexter pagkasabi nun. Naisip niya yung pinag usapan nila noon ni Dexter. Gusto ni Dexter na magresign na sya sa trabaho para matutukan ang kambal at magnegosyo na lang. Naudlot yun ng mapromote si Leslie at kapag naisali sya as board member ay mas lalo siyang mahihirapan na makaalis. Sumunod na kinausap nito ay si Desiree. "Congrats Desiree on your first project, i heard almost 80% na ang sold na unit kahit wala pang 50% ang construction." Nakangiti ito habang kausap si Desiree. Ang tinutukoy nito ay ang condominium na joint project ng Chavez Land sa Lorenzo Realty na pag aari naman ng family ni Kiel. Masaya sya na naging successful ang outcome nun. "Thank you po Tito" masayang sagot ni Desiree. Sumunod naman si Dahlia na kagagraduate lang sa kursong tourism. "Dahlia how's your application sa PAL nainterview ka na ba ni Mr. Serrano. Kausap ko sya last week eh. "I have schedule with him on Monday po" sagot ni Dahlia na excited maging flight stewardess. Final interview na niya sa Monday kay Mr. Serrano. Nang si Marc na ang kakausapin ay napansin ni Kim na nag iba agad ang expression ng mukha ng Daddy nito. "Marc what's the update on the problem with the new project in Valenzuela? Nawala na ba yung tubig baha dun sa hinukay. Paumpisa pa lang ng construction puro problema na yan. Ang sabi ko kasi bahain yung lugar na yun kaya nga walang masyadong nagtatayo ng residential sa lugar na yun dahil bahain pero pinilit mo. You choose that place. Ngayon yung tubig dun ilang araw na nandoon pa rin. Nasira na yung ibang materials na nakatambak dahil sa baha. Malaki na agad nawala satin. Ilang araw na kong kinukulit ng DPWH para ayusin yun. How do you solve that?" "The team is trying their best to solve that. Hindi naman Dad basta basta mawawala yung tubig dahil ilang araw ng umuulan." Sabi ni Marc. "That's what I'm telling you, dapat noong una pa lang kinonsider mo na yan ang magiging problema but you took a risk. What happened to you? Dati pinagiisipan mo muna lahat ng aspeto bago mo gawin. Ngayon pasige sige ka na lang sa desisyon mo. Nawala ka na sa konsentrasyon mo mula ng..." hindi na lang itinuloy ng Daddy ni Marc ang sasabihin ng mapatingin kay Kim. "Mula ng nag asawa!" Itinuloy ni Kim sa isip niya ang gustong sabihin ng Daddy nito. Naisip niya na maayos na sila ng Daddy ni Marc dahil ramdam niya na tanggap siya nito pero sa tuwing nangyayari yung ganitong sitwasyon na nagkakaron ng problema ay parang nag iiba ito bigla. Bumalik tuloy sa isip ni Kim yung encounter nila noong pinaalis siya nito sa company at nagpunta si Marc at Samantha sa US. Yung takot na naramdaman niya noon dito ay nararamdaman niya uli ngayon. "That's my fault Dad please don't blame others." Napatingin si Kim kay Marc ng magsalita ito. Alam niya na masama ang loob ni Marc lalo sa huling sinabi ng Daddy niya na parang siya ang gustong sisihin. Panay ang iling nito habang kumakain. Napatingin din siya sa paligid. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Leslie na parang nakikisimpatya sa nararamdaman niya. Si Dexter naman ay tahimik lang na kumakain pero halatang nakikiramdam sa nangyayari. Maging ang dalawang kapatid nitong babae. Kinuha ng Mama ni Dexter yung isang kambal at kinarga inilapit ito sa Daddy ni Marc para siguro mag-iba ang mood nito. At maya maya nga ay ngumingiti na ito. "You like carrot? Very good!" sabi ng Daddy nila kausap ang baby na may hawak na manipis na slice ng carrot. "How about you Dj, why you not eat vegetables?" Umiling lang si Dj habang kumakain ng fried chicken. "Dapat baby pa lang sinasanay ng kumain ng gulay para hindi maging pihikan sa pagkain" sabi pa nito. "Dati po kumakain sya ng gulay. Hindi ko po alam kung bakit bigla pong nagbago ang appetite niya" nasabi na lang ni Kim "Hindi mo alam?" Agad na sabi ng Daddy nila kay Kim. Nagkatinginan na lang si Marc at Kim. "Ganun naman talaga ang bata yung ganyang edad mahirap talaga pakainin ng gulay. Magbabago din yan habang lumalaki" sabi ng Mama nila Dexter. "Turuan nyo din yung bata na sumagot kapag tinatanong hindi yung puro tango ang ginagawa niya" sabi ng Daddy ni Marc na nainis sa kaiiling at tango ng anak ni Marc. "Nahihiya po kasi siya Dad" agad na sabi ni Marc. "Siguro wala din siya masyadong makausap kapag naiiwan sa bahay. Dapat kasi may kapatid na yung ganyang edad para may nakakalaro siya" Naisip ni Kim na sa pagbubuntis na naman niya mapupunta ang usapan. "Madalas po sa bahay si Dj dinadala siya amin ng lola niya para makalaro yung kambal" sabi ni Leslie ng maalala na halos araw araw ay nasa bahay nila si Dj. "Dalasan nyo din yung pagpunta dito para nasasanay siya samin. Kung ayaw nyo pumunta mag asawa kahit ipasama nyo na lang si Dj kay Dexter at Leslie. Mabuti sila every sunday nandito." Nang matapos kumain ilang minuto pa silang nagusap usap bago magpaalam na umuwi si Marc at Kim. "Maaga pa, kayo yung huling dumating kayo unang aalis." Agad na sabi ng Daddy nila. Habang nasa byahe pauwi ay tahimik lang si Marc na mukhang may iniisip kaya hindi na lang ito kinausap ni Kim. Pag uwi sa bahay dahil umuwi na din sila Dexter ay nag inuman na lang ang dalawang lalake kasama ang mga kaibigang si Darwin at Reymund. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD