Expect ni Kim na magwawala ang asawa dahil nasermunan ito ng Daddy tungkol sa isang condominium project na simula pa lang ng construction ay marami ng problema. Kameeting ni Marc ang development team at iba pang involve doon at sinisermunan niya ang mga iyon. Pakiramdam ni Kim ay hindi sya makahinga sa tuwing nagkakaganun ang asawa ay siya ang unang una na natatakot.
Magmula ng araw na yun na dumalaw sila sa bahay ng Daddy ni Marc ay parati na itong wala sa mood parating nakaharap sa computer at parating tulala na siguro ay iniisip kung pano reresolbahin ang issue sa isang project. Pati si Dj ay napagalitan nito at napalo dahil sa sinabi ng Daddy niya tungkol sa hindi nito pagsasalita sa tuwing kinakausap at hindi pagkain ng gulay.
Kinahapunan ay hinatid sya ni Marc sa klase niya.
"Pwede naman sana ako magtaxi eh. Alam ko busy ka ngayon sa work may meeting ka pa ng alas kwatro." Sabi ni Kim habang nasa byahe sila.
"Okay lang naman gusto ko din magroad trip sumasakit ang ulo ko sa trabaho" napahawak si Marc sa batok habang nagmamaneho.
"Relax ka lang maaayos din yang problema natin. Ikaw pa ba kayang kaya mo yan" nasabi ni Kim sa asawa para kahit papano ay gumaan ang loob nito.
"Baka hindi kita masundo mamaya ha magtaxi ka na lang pauwi baka gabihin na din ako sa office"
"Okay lang" sagot ni Kim.
Pagkarating sa School ay nagpaalam na si Kim. Habang naglalakad papunta sa gate ay nakasabay niya si Aries.
"Nancy" tawag nito sa kanya. Sinabayan siya nito maglakad papasok sa gate. Dumistansya naman siya kay Aries ng mapansing tumigil ang kotse ni Marc na umandar na kanina. Naisip ni Kim na pinapanood sila ngayon ni Marc habang magkasabay na papasok sa gate.
Pagkatapos ng klase nang makita ni Kim si Aries na papaalis na din ay naalala niya yung sinabi nito kanina sa training tungkol sa isang recipe na natutunan niya sa France.
"Aries pupunta ka ba sa resto mo ngayon?"
"Oo. Gusto mo sumama? May sundo ka ba?"
"Wala. Sige ipagyabang mo sakin yung mga natutunan mo sa France" natawang sabi ni Kim.
"Namiss ko rin panoorin kang magluto".
"Talaga. Namiss din kita" napangiting sabi ni Aries.
Dahil naisip ni Kim na hindi siya masusundo ni Marc dahil may trabaho pa ito at alam ni Marc na uuwi na siya pagtapos ng klase ay tinext na lang niya ito para sabihin na pauwi na siya.
May inayos pa si Aries sa office nito kaya naghintay pa sya ng ilang minuto. Nang matapos ang ginagawa ni Aries ay umalis na sila. Pinagbuksan siya ni Aries ng pinto sa kotse.
Papasok na sya sa loob ng makarinig ng busina pagtingin niya ay nakita niya ang kotse ni Marc.
"Akala ko hindi ka susunduin" sabi ni Aries ng makita din ang kotse ni Marc.
"Sige Aries next time na lang" umalis si Kim at nagpunta sa kotse ni Marc.
Bigla syang kinabahan ng maalala na nagtext sya dito kanina na pauwi na sya tapos ngayon ay makikita syang pasakay sa kotse ni Aries.
Pagsakay niya ay masamang tingin ni Marc ang bumungad sa kanya.
"Akala ko hindi mo ko masusundo dahil may meeting ka" yung hindi alam ni Kim kung pano uumpisahan ang sasabihin kaya yun ang nasabi niya. Bigla siyang napaisip kung tama ba yung nasabi niya dahil lalong sumama ang mukha ni Marc. Ikikiss sana niya si Marc pero umiwas ito.
"Kanina pa ko nandito. Nagtataka nga ko dahil hindi naman kita nakitang lumabas ng gate pero nagtext ka na pauwi ka na. Lumabas na lahat ng mga kaklase mo ikaw wala pa. What else did you do inside. What the fvck are you doing?? Sasama ka dun? San kayo pupunta?" Halos pasigaw na sabi nito.
"Papunta kami sa resto niya gusto ko lang sya na ano.. na panoorin na..." Hindi na naituloy ni Kim ang sasabihin ng hawakan ni Marc ng mahigpit ang braso niya.
"Are you trying to deceive me? Bakit ang sabi mo pauwi ka na. Putngina naman Kim ginagago mo ba ko?"
"Hindi. Sorry hindi ko na sinabi sayo alam ko naman hindi ka papayag eh gusto ko lang naman makita syang.."
Mangiyak ngiyak si Kim dahil nasasaktan siya sa naririnig na salita kay Marc at dahil sa takot.
Ilang segundo silang natahimik sa sasakyan. Panay ang mura at hampas ni Marc sa manibela. Maya maya ay pinaandar na nito ang sasakyan at umuwi. Hinatid lang niya si Kim sa bahay at bumalik uli sa opisina.
Hindi alam ni Kim kung anong oras sya nakatulog ng gabi. Nakatulugan niya ang paghihintay sa asawa. Paggising niya ay wala si Marc naisip niyang sa kwarto sa opisina na ito nagpalipas ng gabi. Agad agad syang nag ayos at pumasok sa trabaho.
Pagdating sa office ay nandoon si Marc at nagkakape.
"Dito ka natulog?" Tanong niya pero hindi siya nito sinagot.
Hinanda niya yung niluto niyang pagkain kanina para makakain si Marc. Iniwan lang niya yun pantry sa isang kwarto at umalis. Alam niyang hindi kakain si Marc kapag nandoon siya. Iniisip niya kung pano niya susuyuin si Marc para mawala ang galit sa kanya.
Maya maya ay dumating ang tatlong kaibigan nilang lalake. Habang nagkukwentuhan ang mga ito sa loob ng opisina ay dumating ang HR Assitant na si Klarisse na dating nakadate ni Dexter.
"Si Dexter papirmahin mo" panunukso ni Darwin kay Dexter ng iabot ni Klarisse kay Marc ang papel na pipirmahan nito.
"Pag si Dexter pumirma jan may puso pang kasama" sabi ni Reymund sabay tawanan nila.
"Oh Dexter ikaw na pumirma. Bahala ka na jan" nakangiting sabi ni Marc sabay abot ng papel kay Dexter.
"Saan mo ba gustong pirmahan ko to?" Tanong ni Dexter kay Klarisse para sakyan ang mga kaibigan.
"Dexter nandyan si Leslie yari ka" sabi ni Reymund ng masilip si Leslie sa glass window ng opisina.
"Magtago kayo dun sa loob" tinulak nito ang dalawa para makapasok sa loob ng kwarto.
"Bakit kami magtatago wala naman kaming ginagawang masama." Sabi ni Klarisse na walang nagawa ng itulak sa loob.
Dahil parating pinagseselosan ni Leslie si Klarisse ay nagtago na lang Dexter para wala silang issue. Pumasok si Leslie sa loob ng office ni Marc nang sabihin ni Kim na nasa loob si Dexter
"Si Dexter" bungad nitong sabi pagkapasok sa loob.
"Wala dito" sabi ni Marc
"Oh sabi ni Kim nandito"
"Lumabas nagCR yata" sabi ni Reymund
"NagCR? Diba may CR jan sa loob. Nanjan yata sa kwarto eh" sabi ni Leslie na akmang bubuksan ang pinto ng kwarto.
"Wala jan Leslie. Baka nasa smoking area" sabi naman ni Darwin
"Smoking area. Bwisit talaga yun sabi ko huwag ng magyosi eh" sabay labas ni Leslie sa office.
"Kim wala naman sya sa loob" sabi ni Leslie pagbalik kay Kim.
"Anong wala kalalabas ko lang doon nandun silang apat."
"Nagyosi daw eh. Sige itext ko na lang sya" Umalis na lang si Leslie at bumalik sa opisina.
"Hindi ko naman sya nakitang dumaan sa harap ko" sa isip isip ni Kim. Pumasok sya sa loob para tignan.
"Huy anong ginagawa nyo" sabi ni Kim ng makitang lumabas sa kwarto si Dexter at Klarisse.
"Wala kaming ginagawa Kim ha" agad na sabi ni Dexter.
"Nagpapirma lang ako kay Sir Marc Ms Kim" sabi ni Klarisse sabay kuha ng papel at umalis.
"Hinahanap ka ni Leslie Dexter. Tinaguan mo sa kwarto may kasama kang babae" inis na sabi ni Kim.
"Nagtago lang kami nung dumating si Leslie alam mo naman yun magiisip ng kung ano ano. Huwag ka na lang maingay Kim" sabi ni Dexter.
"Kalokohan nyo talaga ha" lumabas na lang si Kim sa opisina.
Habang nasa sasakyan pauwi...
"Dapat hindi nyo kinukunsinti si Dexter eh." Sabi ni Kim ng maalala ang nangyari kanina.
"Anong kinukunsinti wala naman siyang ginagawa naglolokohan lang naman kami eh"
"Hindi magandang lokohan yung ganun pamilyado na yung tao eh"
"Kahit totohanin ni Dexter ang importante sa asawa pa rin siya uuwi."
"You mean okay lang na magcheat yung lalake basta sa asawa pa rin uuwi ganun. Ganyan na ba point of view mo ngayon" inis na sabi ni Kim.
"Ang hindi okay yung babae ang cheater" binigyan ni Marc ng makahulugang tingin si Kim.
"Hindi pa rin ba tapos yung issue mo sakin kay Aries. Gusto ko lang naman talaga makita..." Hindi niya naituloy ang sasabihin ng magsalita si Marc.
"Without telling me? I'm your husband i should know everything."
"Dahil hindi ka papayag"
"Alam mo yung sagot kung bakit hindi ako papayag. Let's not talk about it. Siguraduhin mong hindi na mauulit yun. I'm warning you."
Naiirita si Kim sa tingin sa kanya ng isang amerikanong investor na kameeting ni Marc. Alam niyang napapansin ito ni Marc dahil napapatingin din ito sa kanya at nawawala ito minsan sa pagsasalita. Panay ang taas ni Kim sa blouse na suot dahil mababa ang neckline nito at pansin niyang panay ang tingin doon ng foreigner.
"Your Secretary is so pretty" Natigil ang discussion ni Marc ng biglang magsalita ang foreigner. Nakatingin ito kay Kim habang sinasabi iyon kay Marc. "I like her. I wanna take her out."
"She's my wife" sabi ni Marc na napahinga ng malalim para mapigilan ang kanina pang namumuo na galit.
"Oh really. Are you serious?"
Tumawa lang ang foreigner sa sinabi niya at maya maya ay tumingin na naman ng malagkit kay Kim.
"I said she's my wife"
Dahil hindi na nakontrol ang sarili ay tumayo si Marc hinawakan sa kwelyo ang lalake at itinayo din iyon.
"Fvcking asshole!" sinuntok nito ng malakas sa mukha ang foreigner na kinatumba nito sa sahig. Hindi pa nakuntento si Marc nilapitan niya ang lalake at pinagsusuntok ito sa sahig. Maya maya ay nilapitan na sya ng mga kasama ng foreigner at inawat sya.
"Marc tama na" Lumapit si Kim kay Marc para umawat. Dahil ayaw paawat ay niyakap na lang niya ito para hindi na makakilos at makasuntok. Maya maya ay tila natuhan na si Marc at umalis na lang doon sa meeting. Humingi ng paumanhin si Kim sa iba pang investor na kameeting ni Marc at sumunod na kay Marc na umalis.
Kinagabihan habang nasa kwarto ay tumawag ang Daddy ni Marc sa kanya. Dahil naka loud speaker ay naririnig ni Kim ang paguusap ng dalawa.
"Dad binastos nung tarantdong yun yung asawa ko" narinig ni Kim na sabi ni Marc ng pagalitan ito dahil sa nangyaring gulo sa meeting niya sa mga investor
"Dahil doon nagcancel yung mga investor. Bakit ba hanggang ngayon Secretary mo pa rin yung asawa mo. Wala ba syang ibang kayang gawin?" Natigilan bigla si Kim sa tinutuping damit pagkarinig nun. Agad na pumunta sa balcony si Marc nang makita ang reaksyon ni Kim sa sinabi ng ama.
Pagbalik ni Marc sa kwarto ay napansin ni Kim ang namumula nitong mukha na siguro ay dala ng galit. Naisip niya na galit siguro sa investor o sa Daddy niya. Maya maya ay hindi sinasadyang natabig ni Kim ang babasaging baso na may lamang tubig. Agad niyang pinulot ang nagkalat na bubog sa sahig. Maya maya ay nasugatan sya sa hinawakang maliit na bubog. Tinignan niya yun at nakitang nagdugo. Napatingin din si Marc.
"Why you're always a mess?" Napatingin siya kay Marc pagkasabi nun hindi siya sigurado kung galit o dissapointment ang nakikita niya sa mukha nito hanggang sa lumabas ito ng kwarto.
"Ano daw? Gulo.. kalat..makalat...parati akong makalat o ako yung kalat" pinilit na lang alisin ni Kim sa isip ang sinabi ni Marc at ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan yun kahit may ibang sinasabi ang isip niya.
♥️