CHAPTER 5: Aries

966 Words
"Hon i think you already know who Bea is?" Sabi ni Marc habang nagmamaneho ng kotse. "Nakuwento sakin ni Leslie." "Ayoko magkaron tayo ng issue sa kanya ha past ko na siya. Nandiyan siya dahil sa trabaho. But if you're not comfortable pwede naman natin icancel ang business sa kanya." "Komportable ako. Baka ikaw ang hindi?" Bahagyang natawa si Kim. "Oh kasasabi ko lang na ayokong may issue eh. Icancel na lang natin kakausapin ko si Madam Silver." "Bakit mo icacancel? Transaction ni Madam Silver yun alam mo naman sya basta nagustuhan niya ipipilit niya." "Marami namang advertising agency. Marami ring pwedeng maging model." "Diba isa ka din sa nagconvince kay Bea na pumayag maging model" "Dahil gusto sya ni Madam Silver. Pero kung... " Hindi naituloy ni Marc ang sasabihin ng magsalita si Kim. "Yun nga kaya hindi mo pwedeng basta basta icancel." "Okay fine. But promise me na hindi sya magiging issue satin?" "Kung walang magiging issue edi wala." Nasabi na lang ni Kim. Hinawakan ni Marc ang kamay ni Kim. "Are you jealous Mrs. Chavez?" "Slight. Syempre 5 years kayo nun tapos ang ganda pa niya" "Asawa naman kita kasal tayo. Wala ng mas gaganda pa sayo para sakin. Kaya wala kang dapat pagselosan." Hinaplos ni Marc sa pisngi at baba ni Kim. Hinatid ni Marc si Kim sa Culinary School nito. Nang matapos noon ni Kim ang 6 months short term course sa culinary ay nagdecide siya na kumuha na ng full course para mas marami syang matutunan na magagamit niya sa restaurant business na gusto niya itayo. Pagkahatid sa kanya ni Marc ay bumalik na ito sa opisina at babalikan uli siya para sunduin after 3 hours. Pagkatapos ng klase ni Kim. Habang naghihintay kay Marc sa labas ng gate ng Culinary School ay nakita niya ang isang pamilyar na tao na pababa sa kotse. "Nancy!" Pagtawag ni Aries sa kanya ng makita sya sa gate. "Chef Aries!" Naexcite bigla si Kim pagkakita kay Aries na isang taon niyang hindi nakita dahil nagpunta ito sa France para sa training. "Kailan ka pa bumalik?" Tanong niya pagkalapit nito sa kanya. "Yesterday lang. Kumusta? How's it being Mrs. Chavez?" "Okay naman. Masaya" "Obvious nga. Actually babalik din ako sa france next month. Alam mo naghahanap ako ng marerecruit eh ikaw na lang kaya. Yung 2 years mong pagaaral dito equivalent yun ng 1 year sa France mas marami kang matutunan. Dont waste the opportunity" "Ha talaga. Kaya lang for sure hindi papayag ang asawa ko." Pagkasabi nun ay narinig niya ang busina ng paparating nitong sasakyan. "Sige Aries. Nanjan na siya. Nice to see you again" paalam ni Kim. "Okay. Wait take this baka sakaling magbago ang isip mo" sabay abot sa kanya ni Aries ng isang brochure." "What's this?" Sabay tingin ni Kim sa binigay ni Aries. "Yung planning ng culinary training course sa france baka maengganyo ka kapag nabasa mo" "Okay. Sige basahin ko. Thank you." Papunta na sana si Kim sa sasakyan ni Marc na nakaparada sa tapat ng may magdatingang mga tao at dumugin siya para magpapicture. "Wait lang guys. Pasensya na po wala munang picture ngayon." Agad na humarang si Aries ng makitang hindi makakilos si Kim sa mga taong biglang sumulpot sa harap niya. Hinawakan niya to sa balikat at sinamahan papunta sa sasakyan. Nakita naman iyon ni Marc kaya dali daling pinuntahan si Kim. Sumama ang mukha nito ng makitang nakaakbay sa asawa si Aries. Biglang bumitaw naman si Aries kay Kim ng makitang papasalubong si Marc sa kanila. "Bye Nancy!" Paalam ni Aries pagkalapit kay Marc. "What's that?" Tanong ni Marc pagsakay nila sa kotse. "Biglang sumulpot yung mga tao gustong magpapicture." "Hindi yun yung tinatanong ko. Bakit kailangan kang akbayan nun. Akala ko nawala na yun buhay pa pala." Nainis na sabi ni Marc. "Eh kasi nga biglang nagdatingan yung mga tao. Siguro nasanay sya kasi dati kapag nangyayari yung ganun ginagawa niya yun para mailayo ako sa mga tao." "So nag aakbayan pala kayo dati" lalong nainis si Marc sa nalaman. "Hay honey. Bahala ka na nga" hindi na lang pinansin ni Kim ang sinabi ng asawa at binuklat ang brochure. "Ano yan?" Tanong ni Marc ng makita ang binabasa ni Kim "Course training plan sa France" "Bakit? plano mo magtraining dun?" "Papayag ka ba?" Tanong ni Kim na nanatiling nakatingin sa brochure "Alam mo magiging sagot ko jan" "Alam ko naman hindi ka papayag. Binabasa ko lang." "Tingin ko hindi mo na kailangan magtraining. Pwede ka na nga magstart ng restaurant business kung gusto mo. " "Marami pa ko kailangang matutunan. Tignan mo yung mga courses dito. Walang ganito sa Pilipinas" biglang natuwa si Kim ng mabasa yun. "So plano mo pumunta? Tapos kasama mo yung chef na yun. Hanggang ngayon nga naiinis akong tinatawag ka niya ng Nancy eh." "Eh yun kasi yung nakalagay kong pangalan sa billboard. Yun din yung tawag sakin ng mga tao" "Nabuhay yung pangalan na Nancy dahil yun yung pakilala mo sakin nun. Ako lang may karapatang tawagin ka nun." "Ano yun pati pangalan ko may issue?" Nilagay ni Kim ang brochure sa loob ng bag ng mawalan ng gana sa pagbabasa. "Kanina pinopoint out mo sakin na huwag ka lagyan ng issue kay Bea pero ngayon ikaw ang gumagawa nun sakin." "Magkaiba yun. Malamang may gusto pa din sayo yung lalakeng yun hanggang ngayon kaya gusto kang isama sa France." "Parang si Bea kaya doon sa restaurant na yun nagyaya kanina para ibalik sayo yung past niyo. May reminiscing pa kayong dalawa. Malamang inlove pa din yun sayo. Tuwang tuwa ka pa nga eh" "So i was right na magiging issue yun. Damn it!" hinampas ni Marc ang manibela. Pinigilan na lang ni Kim ang magsalita para hindi na lumala pa ang pagtatalo nila. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD