CHAPTER 4: BEA

1421 Words
"Noong isang gabi lang sabi ko hindi ako dapat mangamba na maaagaw si Marc pero ngayon napapraning na naman ako!" sa isip isip ni Kim habang nasa gilid at nagsusulat ng minutes ng meeting nina Marc at Bea kasama ang ibang Marketing team. Bakit ba kasi ang ganda niya?? Nakatitig siya kay Bea habang nagsasalita katabi si Marc na hindi makurap sa pagkakatitig naman kay Bea. Last time ako naayusan at namake-upan ng ganun noong may pictorial para sa billboard at noong kasal namin ni Marc. Eh kung araw arawin ko din kaya ang ganung ayos. Pero hindi na ako yun. Sabi ni Marc isa sa nagustuhan niya sa akin yung pagiging simple ko. Pinipilit ni Kim na intindihin ang pinaguusapan sa meeting para may maisulat kahit na distracted sya kay Bea at sa klase ng tingin ni Marc para sa kanya. Maya maya ay naisipan niyang sumilip sa ilalim ng mesa nang maalala ang napanood sa tv na naghahaplusan ng paa ang asawa at ang kabit nito sa ilalim ng mesa. Sinadya ni Kim na ilaglag ang ballpen sa sahig para masilip ang ilalim ng table. Nakahinga sya ng maluwag ng makitang malayo ang mga paa ng dalawa. "Mabuti naman!" Mahinang sabi niya. Napatingin siya kay Marc na nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa kinikilos niya kaya nginitian niya na lang ito. "But my wife doesn't want to do the modeling na" Narinig niyang sabi ni Marc "What? why? Mrs. Chavez ayaw mo na maging face ng Chavez Land. Sayang naman maganda pa naman ang impact sa mga tao ni Nancy Alcantara lalo nung nagpakasal kayo ni Marco." Ani Madam Silver. Naalala ni Kim yung pinagusapan nila ni Marc na ayaw na niyang magmodel at gusto na rin niyang burahin sa isip ng mga tao si Nancy Alcantara. Magmula kasi ng magkaroon sya ng billboard ay hindi na naging normal ang buhay niya. Ayaw niyang pumunta sa matataong lugar dahil may nakakakilala sa kanya may mga nagpapapicture na hindi niya matanggihan at worst ay dudumugin pa sya. Dahil doon kaya deactivated na din niya ang mga social media accounts nya. "Si Samantha hindi na rin nagrenew ng contract eh." Maya maya ay napatingin si Madam Silver kay Bea. "Alam mo bet na bet ko yung beauty mo. Hindi ko naman sinasabing bet kitang maging model namin ha alam ko naman na hindi ka papayag eh" sabay tawa ng matinis ni Madam Silver. "For how much ba? Kung magkakasundo tayo sa price i'll think about it." Humahalakhak na sabi ni Bea. "Ay kayo ni Mr. Chavez ang mag usap about that" agad na sabi ni Madam Silver sabay tawa. "I'll do the modelling pa rin." Agad na sabi ni Kim pagkarinig sa mga pinaguusapan nila. "Are you sure hon akala ko ayaw mo na?" "Hindi pa naman final ang decision ko that time na nagusap tayo. Ahm kasi... sige I'll do it. It's for the company naman" "Final na yan ha Mrs. Chavez. Ikaw Ms. Bea huwag mo na pag isipan. Mas gusto ko ang beauty mo kaysa sa mga artistang nandito sa list natin." "Matagal na kong hindi nagmomodel eh. Yung last ko nung bago yung graduation natin." Sabi ni Bea na bumaling kay Marc. "You may try it again. Wala naman mawawala." Nakangiting sabi ni Marc kay Bea. "Let me see it first mahirap pagsabayin yung ako na yung may handle ng ads nyo eh ako pa yung model tsaka baka magkaconflict sa company ko." "Oo kaya huwag na" sa isip isip ni Kim. "Pero kung magkakasundo tayo sa presyo pwede din." Humawak si Bea sa braso ni Marc. "Name your price!" nakangiting sabi ni Marc. "Okay deal. I think wala namang conflict yun sa company ko." nakatingin ito kay Marc pagkasabi nun. "Good wala ng bawian yan ha" napapalakpak sa tuwang sabi ni Madam Silver. "Tingin ko pa lang ang ganda ng combination nyo ni Mrs. Chavez" "We'll email you the contract" agad na sabi ni Marc. Napansin ni Kim na hindi mawala ang ngiti ng asawa ng mapapayag si Bea. "Don't worry hindi naman ako mahal magpresyo kahit isang condo unit lang pwede na." Natawa si Bea sa naisip. "Inclusive talaga yung unit sa contract fee" nakangiting sabi ni Marc Pagkatapos ng meeting dahil saktong lunchbreak ay nagyaya si Madam Silver na kumain sa labas. Sa isang restaurant sa greenbelt sila nagpunta. Pagbaba ni Kim sa sasakyan ay napatingin sya sa katabing sasakyan ni Bea. Habang naglalakad papasok sa restaurant ay naramdaman niya ang kamay ni Marc sa bewang niya na parati nitong gesture sa tuwing naglalakad sila. Napalingon siya kay Bea nakita niyang nakatingin ito sa kanila. "Marc do you remember?" sabi ni Bea kay Marc pagkaupo nila sa table. "Ha..yes" sagot ni Marc ng maalala na madalas nilang kainan ang restaurant na yun dati. "Nagexpand sila kaya lumaki" sabi ni Bea na napatingin sa paligid. "Bakit may reminiscing kayong dalawa? Wait. Did you..." Hindi naituloy ni Madam Silver ang itatanong ng mapatingin kay Kim. "Close kasi kami dati kaya marami kaming memories" Agad na sabi ni Bea. Naisip ni Kim na kaya siguro sinuggest ni Bea ang restaurant na yun para kainan nila ay dahil madalas sila dito dati ni Marc. Naisip niya na gusto siguro nitong ibalik sa alaala ni Marc yung dating pinagsamahan nila. "Gaano kaclose?" yung hindi na napigilan ni Madam Silver ang matabil na dila kaya napatanong. Sabay tawa niya ng matinis. Natawa na lang din si Bea sa sinabi ni Madam Silver. Napatingin naman si Marc kay Kim ng mapansing tahimik ito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil pisil. "You have a kid na diba how old is he?" Usisa ni Bea. "8 years old" sagot ni Marc. "8?" Maya maya ay napansin ni Kim na may binibilang si Bea sa daliri. "Kailan ka ba nagpunta noon sa US nung dinalaw ni Darwin si Suzet diba dinadalaw mo din ako noon dun". "I don't remember. Maybe let's not talk about that" biglang nakaramdam ng pagkainis si Marc kay Bea. "4 to 5 years ago yun. Nakwento sakin ni Suzet na dinadalaw siya ni Darwin ng hindi niya alam nung nasa US sya." Biglang sagot ni Kim. "8 years old na yung anak namin pero 2 years pa lang kaming together. He didn't know na nagkaanak kami dati later na lang niya nalaman." Naisip ni Kim na baka sumakit ang ulo ni Bea sa kabibilang at kaiisip na may anak na si Marc noong time na nagkikita sila sa US kaya hindi niya mapigilang ikwento. "Oh really" nasabi na lang ni Bea. Napatitig naman si Marc kay Kim sa sinabi nito. Tahimik na lang na nakikinig at nakamasid sa nagaganap habang panay ang sipsip sa icedtea si Madam Silver. "That's for my wife" sabi ni Marc sa waiter sa hawak nitong pagkain. Binigay naman ito ng waiter kay Bea na nasa tapat ni Marc. "I'm not the wife" nabiglang sabi ni Bea ng iabot sa kanya ang pagkain. "Ay sorry po" agad na sabi ng waiter. Kinuha na lang ni Marc ang pagkain at binigay kay Kim. "Siguro nakilala tayo na dating kumakain dito kaya akala ako yung napangasawa mo" natawang sabi ni Bea. Bigla namang nasamid si Madam Silver na panay ang ubo sa narinig. "Excuse me" sabi nito sabay inom ng tubig. "Mas mukha ba syang asawa ni Marc kaysa sakin" sa isip isip ni Kim. Bigla niyang naalala na hindi lang isang beses na mapagkamalan syang assistant ni Marc at hindi asawa. Madalas ay kapag may mga business meeting si Marc at kasama sya na kung hindi pa sya ipakilala ni Marc na asawa niya ay hindi iyon maiisip ng mga kaharap. "Dapat yata hon magsuot ako ng nameplate na may nakalagay na Marco Chavez wife para alam ng lahat na may wife ka na at ako yun" sabay tawa ni Kim. "Bright idea Mrs. Chavez" sabay tawa ni Madam Silver. "Ikaw Ms. Bea are you in a relationship ba? I dont think you are single sa ganda mong yan malamang maraming lalakeng naghahabol sayo" "Maraming naghahabol. Pero after namin maghiwalay nung ex husband ko naniniwala na talaga ko sa sabi sabi na walang forever." Tumatawa niyang sabi. "Meron naman. Look at us" sabi ni Kim na napatingin sa asawa. "Yeah i know. I think everything works fine to the both of you. Congrats" Hindi nakawala sa paningin ni Kim ang mapait na ngiti ni Bea sa kanila. "We hope so. Thank you" binigyan ni Kim ng matamis na ngiti si Bea. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD