CHAPTER 8: Pictorial

1541 Words
Hindi na naman makapagfocus sa pagsusulat si Kim dahil sa mga ngiti at tingin ni Marc kay Bea. Napansin niya na ngayon na lang uli niya nakitang ngumiti at tumawa si Marc makaraan ang ilang araw na stress ito sa problema sa trabaho at nadagdagan pa nung nag away sila. "So it's final na ha next week ang pictorial at interview nyo sa magazine. Then, in 2 weeks pictorial sa billboard." Naputol ang pagiisip ni Kim sa sinabi ni Madam Silver. Nang maglunch sila sa isang resto napansin din ni Kim na nakikipag kwentuhan at mukhang komportable na si Marc kay Bea. Unlike sa last time na bihira lang niya ito kausapin. Pagbalik sa office. Habang nasa table at nagiisip. Napatingin si Kim sa brochure na binigay sa kanya ni Aries. Biglang gumaan ang pakiramdam niya ng makita at mabasa yun. Naisip niya na may klase siya sa culinary mamayang hapon at bigla siyang natuwa. Bigla syang nakaramdam ng relief. Ilang segundo lang ay nawala naman agad ang tuwa na yun ng may mabasang email na schedule ng meeting ni Marc. Pakiramdam niya ay bigla syang napagod. Parang nakakapagod na yung ganung trabaho na dati ay hindi naman niya nararamdaman dahil masaya sya na si Marc ang pinaglilingkuran niya. Inalok siya nito sa ibang mas mataas na posisyon sa kumpanya pero inayawan niya dahil mas gusto niya ang pagiging sekretarya ni Marc. Pero ngayon ibang iba na. Pakiramdam niya ay hindi na sya masaya sa trabaho na yun. Naalala niya yung narinig niyang sinabi ng Daddy ni Marc na pagsesekretarya lang ang alam niya at wala ng iba. Naisip niya na marami pa syang kayang gawin pero mas ginusto niya ang trabaho na yun dahil kay Marc na sobra sobra ang pagmamahal niya. Napatingin si Kim sa office ni Marc nang pumunta doon ang isang Board of Director na si Mr. Mendoza. Sa tingin niya ay may pinagtatalunan ang dalawa. Nang lumabas ay tinawagan siya ni Marc at pinapunta sa loob. "Hon nakalista na ba dito lahat ng schedule ngayong araw" tanong nito kay Kim pagpasok. "Oo ayan na lahat. Bakit?" Tanong ni Kim. "May nagrequest ba ng meeting under Mr. Mendoza with Zuñiga group." "Zuñiga" naisip ni Kim na pamilyar yung pangalan. "Wait" dali dali syang pumunta sa table at tinignan ang email. Nakita niya na meron request doon pero hindi niya yun naisali sa notes niya. Bumalik siya sa office ni Marc "Meron nga hon. Hindi ko nainclude sa list" "Hon naman sana chineck mo mabuti. Nagkaconflict sa schedule namin ni Mr. Mendoza. Halos isang oras daw naghintay si Mr. Zuñiga umalis na lang dahil walang sumipot sa meeting niya." Inis na sabi ni Marc sa kanya. "Sorry dinodouble check ko naman yan eh hindi ko alam kung bakit namiss ko yun." "Hindi mo na naman alam" halos pasigaw na sabi ni Marc sa kanya. Umalis siya sa harap ni Kim at humarap sa computer. Natigilan naman si Kim sa narinig kay Marc. Nasaktan sya nung narinig ang salitang yun sa Daddy ni Marc pero mas masakit na galing yun kay Marc. "Sorry wala talaga kong alam eh kalat nga ko diba" sabay labas ni Kim sa office ni Marc dumiretso sya sa CR nang hindi mapigilan ang pagiyak. Ilang minuto siyang nag stay sa cubicle at nilabas ang sama ng loob na nararamdaman. Nasasaktan sya at naaawa sa sarili. Feeling niya ay biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nilang dalawa ni Marc. Maaga siya umalis sa opisina para pumunta sa klase niya. Nakita niyang may kausap si Marc kaya hindi na siya nagsabi at umalis na lang. Nagtaxi siya papunta sa school. Nang matapos ang klase niya. Paglabas niya ay expect niya na nandoon si Marc para sunduin siya pero wala ito kaya nagtaxi na lang siya pauwi. Gabing gabi na pero wala pa si Marc. Naisip niya na baka may kameeting pa ito o biglang may inasikaso sa office o kaya baka doon na naman sa kwarto sa office nagstay ng gabi. Wala din ito text o tawag sa kanya kaya hinayaan na lang din niya at natulog. Nagising sya ng madaling araw ng dumating si Marc. Nakita niyang papasok ito sa CR. Tinignan niya ang oras alas dos ng madaling araw. Naaamoy niya ang alak. Sino kayang kainuman niya naisip niyang baka si Darwin at mga kaibigan. Nagpanggap syang natutulog. Humiga ito sa kama ng patalikod sa kanya. Nakita niyang nagse-cellphone ito parang may tinetext. Maya maya ay nilapag na ang cellphone sa side table. Hindi na nakatulog si Kim sa pag iisip. Bumangon siya ng may masilayang konting liwanag galing sa labas. Napatingin siya sa cellphone ni Marc. Hindi naman siya palatingin ng cellphone ni Marc pero dahil iba ang pakiramdam niya ng mga oras na yun ay natemp sya na tignan. "Are you home" nabasa niyang text sa pinakaunahan ng conversation sa messages ni Marc. Number lang at walang pangalan na nakaregister. "Yes" sagot ni Marc "Okay goodnight" sagot ng katext ni Marc. Napaisip si Kim kung sino yun. Kinuha niya ang number at sinave sa cellphone niya. "Naginom ka ba kagabi? Sinong kainuman mo? Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni Kim habang nasa byahe sila papasok sa office. Tinitignan niya kung magsasabi ng totoo si Marc. "I think 2am na yun" sagot ni Marc "Si Darwin at architect team" "Si Darwin? Umuwi si Darwin ng ganung oras?" Tanong niya na nagtaka dahil alam niya ay ayaw nito nagpapagabi dahil buntis si Suzet at anumang oras ay manganganak na. "Nauna si Darwin umuwi" sagot ni Marc. "Bakit nagpaiwan ka? Buti nakapagmaneho ka pa pauwi?" Usisa ni Kim. Hindi na sumagot si Marc sa tanong na yun. Habang sinusuotan niya ng necktie si Marc ay bigla sya nitong niyakap. "Nagtampo ka ba sa sinabi ko kahapon? Sorry" sabi nito at niyakap sya ng mahigpit. "Hon. May sasabihin sana ko sayo eh" kinakabahang sabi ni Kim. Buo na yung pasya niya na aalis bilang secretary nito at pumunta ng France para magtraining. Gusto niyang gawin ngayon ang bagay na makakapagpasaya sa kanya. "No!" agad na sabi ni Marc nang sabihin niya ang bagay na yun paguwi nila ng bahay. "Pagbigyan mo naman ako ngayon lang ako hihiling sayo" "Lahat naman ng hilingin mo binibigay ko sayo pero hindi yan." "Hon..Marc" mangiyak ngiyak si Kim ng tutulan nito ang gusto niya. "Ayoko. Hindi ako papayag. Tapos!" Sabi ni Marc at padabog na sinara ang pinto ng kwarto. Araw ng pictorial nila para sa advertisement ng Chavez Land sa isang magazine na part ng Zab Multimedia na handle na Bea. Isa din siya sa modelo. "Ang ganda pala sa Aseanna Ville" sabi ni Bea kay Kim na ang tinutukoy ay yung condo na kasama sa TF niya bilang modelo ng Chavez Land. Magkatabi silang inaayusan sa dressing room ng studio ng Zab Multimedia. "Nakita mo na?" Usisa ni Kim. "Oo tinour ako dun ni Marc nung isang araw" "Isang araw" napaisip si Kim dahil hindi naman umalis si Marc sa opisina ng araw na yun dahil sunod sunod ang schedule nito ng meeting. "Isang gabi pala" sabi uli ni Bea. "Isang gabi" sa isip isip ni Kim ay yun yung gabi na nalasing si Marc na ang sabi nito ay si Darwin at architect team ang kainuman at umuwi ng 2am. Naisip niya na si Bea yung katext ni Marc ng gabi na yun na nakauwi ito ng bahay. "Mr. Chavez akala ko mamaya ka pa. Sabi kasi ng misis mo may meeting ka eh" naputol ang pagiisip niya ng marinig ang sinabi ni Madam Silver. Pagkakita kay Marc pakiramdam ni Kim ay gustong kumawala ng sama ng loob na namuo sa puso niya ng marinig ang sinabi ni Bea. Ang sakit sakit ng nararamdaman niya. Nagsinungaling sa kanya si Marc. Magkasama sila ng gabi na yun. Si Bea ang katext niya nung gabi na yun. Ang mga tagpong yun ang sumisiksik sa isip niya. "Masakit ba yung eyelash extension" sabi ng makeup artist ng mapansin na naluluha siya. "Ha. Medyo" nasabi na lang niya. Binigyan siya nito ng tissue para mapunasan niya ang luha sa mata niya. Napatingin siya kay Marc sa salamin. Inaayos nito ang suot na tuxedo. Maya maya ay lumapit doon si Bea at inayos ang kuwelyo ng suit niya. Napatingin sa kanya si Marc sa salamin. Maya maya ay parang hinawi ni Marc ang kamay ni Bea sa suit niya. Lumapit doon si Madam Silver at maya maya ay nakita niyang nagtatawanan ang mga yun. Ilang minuto pa ng tapos na syang ayusan ay lumapit sa kanya si Madam Silver. "Nabuhay na naman si Nancy Alcantara" natuwa ito pagkakita sa kanya. Suot niya ang maroon na evening long gown. Spaghetti strap ito at may hanggang half legs na slit. "You're so beautiful talaga. Look at your wife Mr. Chavez." Sabi pa nito at tinawag si Marc na kausap yung isang Executive ng Zab Multimedia. Nakatitig sa kanya si Marc at nakangiti pero hindi siya makatingin dito ng diretso dahil sa halo halong nararamdaman niya para rito. "Bakit ka nakasimangot?" Sabi ni Marc ng lapitan siya. "May galit ka pa ba sakin. Ayoko lang talagang umalis ka. Gusto ko nasa tabi lang kita parati!" niyakap siya ni Marc at hinalikan sa noo. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD