CHAPTER 9: ?

948 Words
Nang matapos ang pictorial at pauwi na sila. Habang nasa parking napansin nila si Bea na namomroblema sa kotse nito. "Bakit" tanong ni Marc na natigil sa pagdadrive at binaba ang bintana ng kotse para tignan ang nangyayari. "Hindi ko mapaandar eh. Ewan ko kung anong problema" sabi ni Bea. Napatingin sa kanya si Marc na parang nagpapaalam sa kanya na kung pwede niya yun tignan. "Check mo" nasabi na lang ni Kim. Bumaba si Marc at sumakay sa sasakyan ni Bea. Naririnig niya ang tunog ng makina na sinusubukan paandarin ni Marc. Ilang segundo niya yun narinig. Maya maya ay tumahimik. Napatingin si Kim sa kotse kahit wala naman sya makita dahil tinted iyon. "Ano kayang ginagawa ng dalawa dun" sa isip isip niya. Ilang segundo pa ay lumabas na si Marc sa kotse ni Bea. Pansin ni Kim na paglabas nito ay palagabag nitong sinara yung pinto ng kotse. "Ano kayang nangyari". Pagsakay sa kotse nila ay umiiling iling si Marc. "Bakit?" tanong ni Kim Hindi siya sinagot ni Marc. Pinaandar nito ang kotse at umalis. Dahil hindi mapakali ay tinanong uli ni Kim si Marc. "Nag away kayo? LQ?" Bahagya syang natawa kahit deep inside ay durog na durog na sya. Tinignan naman sya ng masama ni Marc "Bakit ka nagagalit. Masama ba magtanong kung anong ginawa nyo sa loob ng kotse at paglabas mo iba na reaksyon mo" bahagyang tumaas ang boses niya pagkasabi nun. "Wala kaming ginawa. Bakit ba ganyan ka magtanong?" Sabi ni Marc habang nagmamaneho "Gusto ko lang malaman kung anong ginagawa nyo ni Bea. Bakit tinour mo sya ng gabing gabi sa condo anong ginawa nyo. Nakainom ka nun eh. Bakit kayo magkatext. Anong ginawa nyo sa loob ng kotse? Ano bang meron sa inyo" pasigaw na sabi ni Kim hindi na din niya mapigilan ang sariling maiyak sa sakit na bigla nyang naramdaman. "Ano bang sinasabi mo". Maya maya ay hininto ni Marc ang sasakyan sa gilid. "Sabi ko diba hindi ko kayo bibigyan ng issue kung wala naman talaga. Eh sa nakikita ko ngayon meron eh. Binalikan mo na ba sya kayo na ba uli. Kasal tayo Marc. Pano hihiwalayan mo na ko ganun ba?" "San mo ba nakukuha yang mga sinasabi? Mali naman lahat yan eh." "Eh ano nga." Panay ang iyak ni Kim. "Hindi ko babalikan si Bea bakit ba nagiisip ka ng ganyan. Lalong hindi kita hihiwalayan dahil sa kanya." "Sabi ni Bea tinour mo sya sa condo nung gabing gabi ka na umuwi na sabi mo kainuman mo si Darwin. Sabi ni Darwin natapos din kayo ng 11 eh. Alas dos ka na nakauwi nun. Nagkita kayo ni Bea tapos ano? Nagsex kayo?" "Hindi. Tangna naman bakit ganyan ang iniisip mo" napakamot ng ulo si Marc sa inis. "Ayoko na maging Secretary mo Marc. Ayoko na dahil hindi na ko masaya at hindi lang naman yun yung kaya kong gawin eh ayoko ng maging kalat mo. Gusto ko sundin kung ano talaga ang gusto ko may sarili din akong gustong gawin para sa sarili ko." Nahihikbi sa pagsasalita si Kim "Ano? May sarili kang gustong gawin. Kim may asawa't anak ka na. Ngayon mo pa iisipin yung sarili mo. Hindi ka na masaya.. Bakit bigla bigla kang nakaisip ng ganyan. Gusto mo pumunta sa France. Dumating lang yung chef mo ganyan ka na mag isip. Gusto mo sumama sa kanya. Sige na sumama ka na sa kanya. Ngayon pa lang umalis ka na." "Buksan mo naman yung isip mo para sakin." "Bukas na yung isip ko. Hindi ka na masaya sakin kaya umalis ka na lang. Bumaba ka na ngayon sa kotse ko." Tumuro si Marc sa labas. "Ano?" "Bumaba ka. Get out" pasigaw na sabi ni Marc. "Umalis ka na at huwag ka ng bumalik." Sabi pa nito. "Get out!" pasigaw uli na sabi ni Marc at hinampas ng ilang beses ang manibela ng kotse. Bumaba si Kim sa kotse. Pagkababa niya ay pinaharurot ni Marc ang sasakyan. Naiwang nakatayo lang si Kim sa gilid ng kalsada. Gusto niya maglakad pero parang walang lakas ang mga binti niya para gawin yun. Iyak lang sya ng iyak habang nakatayo. Wala syang pake kahit pinagtitinginan siya ng mga taong napapadaan sa harap niya. Pinilit niya maglakad ng maramdaman ang paunti unting patak ng ulan. May nakita syang waiting shed at pumirmi sya doon. Iniisip niya kung saan sya pupunta. Ayaw nyang umuwi dahil ayaw niyang makita si Marc. Bigla niyang naalala na hindi niya nabitbit yung bag niya kaya wala syang kahit na ano. Napaupo na lang siya sa upuan ng waiting shed. Biglang lumakas ang ulan kaya kahit may bubong doon ay nababasa din siya. Nakawhite dress sya ng hanggang tuhod at sleeveless yun kaya nakaramdam sya ng lamig. Naisip niya na ngayon lang ginawa sa kanya yun ni Marc. Ngayon lang sya nito pinabayaan. Siguro ay dahil sobra din itong nasaktan sa mga sinabi niya. Naputol ang pag iisip ni Kim ng marinig ang busina ng sasakyan sa tapat niya. "Nancy" napatingin siya sa kotse sa tapat ng marinig ang pamilyar na boses ni Aries. Bumaba ito ng sasakyan at lumapit sa kanya. "Sabi ko na ikaw yan eh. Anong ginagawa mo dito bat ganyan ang itsura mo" tanong nito ng makita syang basang basa sa ulan at umiiyak. Hinubad niya ang suot na coat at sinuot kay Kim. "Nag away kayo?". Tanong ni Aries at lalong umiyak si Kim. "Halika". Hinawakan siya ni Aries sa braso at inakay papasok sa kotse nito. Binigyan siya nito ng towel pagkapasok sa kotse. "San kita ihahatid?" "Kailan ang balik mo sa France?" "Next week" sagot ni Aries. "Isama mo ko." "What? Sure ka?" "Oo" ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD