CHAPTER 10: 1 Year Later

1578 Words
Pagkaraan ng isang taon. Napatingin si Kim sa malaking billboard na nakadisplay sa EDSA ng huminto ang sinasakyang taxi. Iniisip niya kung hanggang kailan kaya ididisplay doon ang picture niya na kasama si Marc. Noong dumating sya tatlong araw na ang nakakaraan galing France ay doon sya sa condo nag stay. Araw araw siyang pumupunta sa bahay nila ni Marc para dalawin si Dj at Mama niya at tinataon niya na meron pasok si Marc para hindi sila magpang abot. Naalala nya yung araw na nagtalo sila noon ni Marc sa kotse at pinababa siya nito. Hindi niya alam na binalikan siya ni Marc kaya lang ang naabutan nitong eksena ay yung inaakay siya ni Aries papasok sa kotse. Dahil hindi nabitbit ni Kim ang bag nya noong pinababa siya ni Marc ay wala syang dala na kahit na ano. Nagdecide sya na sa hotel muna tumuloy. Hinatid siya doon ni Aries at nagpresinta din ito na sya na ang magbayad ng kwarto para sa kanya. Sinundan sila ni Marc at nakitang bumaba sila sa isang Hotel. Dala ng selos ay hindi napigilang mag isip ito ng kung ano ano. Pagbaba ni Aries at Kim sa kotse sa parking ay biglang sumulpot si Marc. Hinawakan sa braso si Kim at hinila. "What do you think you are doing?" sabi ni Marc habang hinihila si Kim papunta sa kotse niya. "Pare huwag naman ganyan nasasaktan si Nancy eh" sabi ni Aries habang nakasunod kay Marc at Kim. Natigilan bigla si Marc sa narinig binitawan si Kim at hinarap si Aries. Agad agad niyang sinuntok si Aries sa mukha ng makalapit. "Tangna ka". Bumagsak si Aries sa sahig. Agad bumangon si Aries ng makitang papalapit uli sa kanya si Marc at tinadyakan ito sa tyan hanggang sa magbugbugan na ang dalawa. Hindi naman malaman ni Kim kung pano aawatin ang dalawa. Sa tuwing nakakalapit siya ay nahahagip sya ng mga ito. Mabuti ay may dumating na guard kaya naawat ang dalawa. Hinila ni Kim si Marc sa kotse nito para tuluyan ng tumigil at umuwi. Pagkauwi ay nag away pa rin sila kaya nagdesisyon si Kim na umalis na lang sa bahay nila at pumirmi sa condo niya na tinirahan niya noon. Paalis na si Kim papuntang France. Paglabas nya ng condo bitbit ang mga bagahe niya ay nabungaran niya si Marc. "Hon aalis ka ba talaga?" agad na sabi ni Marc. "Oo" tanging nasabi ni kim. "Please huwag ka ng umalis. Sorry na sa mga nasabi ko. Si Bea hindi naman kami eh. Walang nangyayari samin. Ikaw yung mahal ko asawa kita. Ayusin natin to. Please huwag mo naman akong iwan." Mangiyak ngiyak na sabi ni Marc habang hawak ang kamay niya. Maya maya ay lumuhod ito at niyakap sya sa bewang. "Sorry na honey. Kung ayaw mo ng maging Secretary ko okay lang. Gusto mo ng restaurant diba pwede ko naman ibigay sayo. Hindi mo kailangan pumunta pa sa France." Sabi pa ni Marc habang nakayakap kay Kim. "Kailangan. Isang taon lang naman Marc. Pagbigyan mo na ko. Kung talagang mahal mo ko iintindihin mo din yung sitwasyon ko." Napahawak si Kim sa ulo ni Marc at hinaplos ang buhok nito. "Mahal kita kaya nga kita pinipigilan eh hindi ko kayang mawala ka ng ganun katagal." "Sorry decided na talaga ko. Bahala ka na muna kay Dj. Madalas naman akong tatawag eh tsaka..." Hindi niya natuloy ang sasabihin ng magsalita si Marc. Tumayo si Marc sa pagkakaluhod at hinawakan siya sa braso. "Kapag umalis ka wala ka ng babalikan. Sinasabi ko sayo Kim. Kalimutan mong may asawa ka kung aalis ka" sabi ni Marc na agad nagbago ang reaksyon ng mukha. "Marc" "Sige subukan mong umalis hindi ako nagbibiro Kim. Maghiwalay na lang tayo" "Marc huwag mo naman gawin sakin to" Tumingin lang sa kanya si Marc at naghihintay ng susunod niyang gagawin. "Sorry". Kinuha niya ang bagahe niya at umalis. Expect niya na pipigilan pa sya ni Marc pero wala na syang narinig na kahit na ano mula rito. Tanging pag iyak na lang ang nagawa niya habang papalayo. Hindi maiwasan ni Kim na maiyak ng maalala ang pangyayaring yun. Naisip niya na tinotoo ni Marc ang mga banta nito na magkalimutan na sila dahil blinock siya ni Marc sa lahat ng social media sites. Ayaw din siya nito kausapin sa tuwing tinatawagan niya ang Mama niya at si Dj. Napatingin siya sa brown envelope na nasa kandungan niya. Nasa loob nun yung mga requirements na kakailanganin niya para mapawalang bisa ang kasal nila ni Marc. Desidido na sya sa plano niya na magfile ng petition para sa annulment nila ni Marc. Wala na rin naman direksyon ang relasyon nila. Isang taon na silang hiwalay at walang communication. Pagdating sa RTC (regional trial court) ay hinanap niya ang family court. May mga form na binigay sa kanya na kailangan niyang pirmahan. Matapos nun ay inexplain sa kanya ang mga hakbang sa proseso ng annulment. "Padadalhan yung asawa mo ng summons at maghaharap kayong dalawa para sa trial. Maghintay ka na lang ng tawag kung kailan" sabi ng may edad na babae na nakausap ni Kim. Naisip niya na mahaba habang proseso pala yun. Kailangan pa niya magsubmit ng ebidensya na magpapatunay na hindi na maayos ang pagsasama nilang dalawa. Pagkauwi niya sa condo ay binuksan niya ang laptop. Naisip niya na na pwede niya gamiting ebidensya yung mga picture ni Bea at Marc na nagkalat sa f*******:. Mga stolen shot yun ng dalawa na kuha sa kung san sang lugar ng mga taong nakakakilala sa dalawa at pinopost sa f*******: na nagiging viral naman. Hindi niya alam kung legit ba ang mga iyon may iba pa na blur ang kuha. Mula ng maging model si Bea sa Chavez Land at nagkaroon ng billboard ay nagkaroon na rin siya ng iba pang endorsement kaya ngayon ay sikat na syang modelo. Isa isa nyang sinave sa laptop yung mga picture na yun at planong ipaprint para yun ang isasubmit niya sa trial. Bigla na niyang pinatay ang laptop ng makaramdam ng kung ano sa puso niya habang tinitignan ang mga picture na yun. Iniisip niya kung may relasyon ang dalawa. "Malamang meron" bigla niyang sabi. Naalala niya na kapag nakakachat nya si Leslie at mapagusapan si Marc ay parati nitong ginigiit na walang relasyon si Marc at Bea. Ganun din nung nakachat niya si Ana at Suzet. Naisip niya na malamang hindi magpapahalata si Marc sa mga kaibigan o kaya alam din ng mga kaibigan niya at hindi lang nagsasabi ng totoo ang mga yun sa kanya para pagtakpan si Marc. Napatingin si Kim sa oras. Naalala niya na oras ng uwian ni Dj sa school at gusto niya itong sunduin. Gusto niyang bumawi sa isang taon na hindi niya to nakasama. Pagdating sa school ay nakita niya ang Mama niya sa gate na syang taga hatid at sundo kay Dj sa eskwela. Nang makita sya ng Mama niya ay agad itong pumasok sa kotse na service nila ni Dj. Alam nyang masama ang loob sa kanya ng Mama niya nung umalis siya. Sa tuwing tatawagan niya noon si Dj ay bihira siyang kausapin ng Mama niya. "Mama sorry na po" sabi niya ng buksan ang pinto ng kotse at makita ang Mama nya na nakaupo. Inirapan naman sya ng Mama niya at tumingin sa ibang direksyon. "Dapat hindi ka na lang umuwi kayang kaya naman ni Marc palakihin mag isa si Dj." Pagalit na sabi ng Mama niya sa kanya. "Mama" "Alam mo kahit kailan ka talaga hindi ka marunong mag isip ng tama parati kang pasige sige sa desisyon mo. Nangyari na yan dati nung nagpunta noon sa US si Marc kung ano ano yung mga inisip mo tungkol sa kanya. Ngayon inulit mo na naman umalis ka nang hindi mo man lang inisip yung anak mo. Ilang taon pa lang nakakasama ni Dj yung ama niya makikipaghiwalay ka na. Kapag naghiwalay kayo ng asawa mo at papiliin si Dj kung kanino sasama huwag kang umasa na sayo. Eh syempre ako kung nasan si Dj nandun ako at mas gusto kong kasama si Marc kaysa sayo kaya mabuhay kang mag isa " inis na sabi ng Mama niya sa kanya. "Mama naman eh." Dahil hindi alam kung ano pang irarason sa Nanay ay wala na lang nasabi si Kim. Ilang minuto pa ay lumabas na si Dj. "Ma" agad siyang niyakap ng anak pagkakita sa kaniya. "How's your study?" tanong niya kay Dj. "Mommy when will you come home?" Tanong naman sa kanya ni Dj. " "Soon baby" nasabi na lang niya para hindi na ito mag isip. "We miss you so much" malungkot na sabi ni Dj habang nakayakap sa ina. "We?" Tanong niya sa sinabi nito "Me and Dad" sagot naman ni Dj. "Halika na Dj baka matraffic pa tayo" pagyaya ng Mama ni Kim. "Mommy let's go home na" hinawakan ni Dj ang kamay niya at akmang hihilain papasok sa kotse. Dahil nasa office ng ganung oras si Marc ay sumama na lang si Kim para mapagbigyan ang anak. Ilang oras siya nagstay sa bahay at umalis lang nung makita ang oras ng paguwi ni Marc. Umiiyak naman si Dj dahil ayaw siya nito paalisin. Hindi din niya tuloy napigilan ang maiyak. Bigla siyang napaisip kung tama ba ang landas na gusto niyang tahakin. Naisip niya na sira na sila ni Marc kaya wala na syang choice kundi panindigan ang sinimulan na niya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD