Pinag-aaralan ni Kim yung mga hakbang na kailangan gawin para sa itatayo niyang restaurant. Naalala niya na may restaurant bar si Ana at Reymund kaya naisip niya na papasyal siya minsan doon at magtatanong. May naituro na rin sa kaniya si Aries at plano niya na puntahan din ito sa restaurant niya. Naisip niya na kaya niyang gawin lahat. Nakahanda na lahat...
"Pera na lang ang kulang. Ang lakas ng loob ko mag isip magtayo ng restaurant wala naman akong pang capital".
Gusto siyang pautangin ni Aries para makapagsimula siya kaya lang nahihiya syang tanggapin yun. Nung umalis siya ay iniwan niya kay Marc yung bank book nilang mag asawa dahil kay Marc naman ang pera na yun. Mabuti at may hiwalay siyang bank account na pera pa niya galing sa sweldo niya sa Chavez Land hindi naman din yun sapat na pang capital sa restaurant.
Sa France dahil training iyon at hindi naman trabaho ay wala syang sinusweldo. May maliit na allowance lang na binibigay sa mga trainee kaya naipon niya yun. Sinagot din ng company ni Aries ang tirahan at pagkain kaya hindi niya yun prinoblema.
Habang nag iisip ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nagtext si Leslie at gusto makipagkita sa kanya. Bigla niya namiss si Leslie kaya pumayag sya agad sa lugar at oras na gusto nito.
Pagdating ni Kim sa restaurant ay nakita niya agad si Leslie. Kinawayan siya nito ng makita siya.
"Namiss kita Kim" sabay yakap ng dalawa.
"Namiss din kita. Kumusta yung kambal"
"2 years old na sila next month. Punta ka sa party ha." Sabi nito.
"Oo ba. Kumusta kayong mag asawa" tanong ni Kim.
"Ayos naman kahit nag aaway kami minsan kasi gusto ni Dexter na magresign nako. Minsan kasi gabing gabi na ko nakakauwi mula ng maging manager at board member ako. Eh gusto ko rin naman yung trabaho ko kaya wala ako plano magresign." Kuwento ni Leslie
"Good for you. Alam mo naman yung father in law natin mas may bilib sayo kaysa sakin" biglang naalala ni Kim yung mga salitang naririnig niya mula sa Daddy ni Marc.
"May bilib rin naman sya sayo nagkakataon lang na parating may problema kaya ganun sya." Sabi naman ni Leslie. "oo nga pala may gustong makipag meet sayo kaya kita niyaya dito"
"Sino?" Tanong ni Kim.
"Yung mother in law natin"
"Mother in law" naisip ni Kim yung stepmom ni Marc.
Maya maya ay bumungad na ito sa entrance ng restaurant. Agad na nilapitan ni Leslie ang byenan ng makita ito at nagbigay galang.
"Ma nandun po si Kim" sabi ni Leslie sabay turo sa pwesto ni Kim.
"Magandang araw po Tita" sabay bless at beso ni Kim.
"Anong Tita? Diba usapan natin tatawagin nyo kaming Daddy at Mama kasi yung mga asawa nyo lumaki ng nakasanayan na Tita at Tito ang tawag samin kaya hindi na mababago yun kaya sa inyong mga manugang kami babawi" nakangiti nitong sabi sa dalawa.
"Ay sorry po nakalimutan ko Mama" nakangiti niyang sabi.
"Isang taon ka lang nawala nakalimot ka na ha. Kumusta ka na ba. Kumusta yung naging buhay mo sa France"
"Okay naman po. Nahirapan lang po ako mag adjust nung umpisa kasi ibang environment tapos parati ko pong naaalala si Dj. Nasanay na lang po ako nung magtagal." Kuwento ni Kim.
"Oo mahirap talaga ang malayo sa pamilya ng matagal" pag sang ayon nito.
"Kaya pala ko nakipagkita sayo kasi may iooffer ako sayo. Yung canteen kasi sa company plano naming palitan ang management eh. Alam nyo naman halos walang kumakain dun dahil hindi nakakagana yung mga pagkain na siniserve kaya yung mga empleyado lumalabas pa ng company para sa labas kumain. Last week meron isang empleyado ang nabangga ng motor dahil doon. Since isa ka ng Chef at ikaw lang naman ang Chef sa pamilya natin pwede bang ikaw na ang magmanage doon. Diba plano mo magtayo ng restaurant gawin mong start up yun. Yung kita sayo naman mapupunta."
"Ganun po. Maganda po sana kaya lang ayoko na pong bumalik sa Chavez Land."
"Bakit naman? Kim yun din yung gusto ng Daddy nyo. Siya yung nagsabi sakin na kausapin ka para doon. Alam nyo naman siya gusto niya kayo kayo din ang mamamahala sa negosyo."
"Ganun po?" Naisip ni Kim na mula ng kinasal sila ni Marc ay ngayon lang humingi ng pabor sa kanya ang Daddy niya. Kahit kailan ay hindi ito lumapit sa kanya at pakiramdam niya ay wala itong kabilib bilib sa kanya. Naalala niya yung narinig niyang sinabi nito na wala siyang ibang kayang gawin.
"Ma actually po nagfile na po ako ng petition for annulment ng kasal namin ni Marc."
"What?" Halos sabay na sabi ng dalawa.
"Hay Kim sana subukan nyo munang ayusin yung problema nyo ni Marc bago ka nagdesisyon sa annulment" inis na sabi ni Leslie kay Kim.
"Kim hindi ako manghihimasok sa kung ano man ang maging desisyon nyo ni Marc ang inaalala ko yung Daddy nyo baka kapag nalaman niya mag isip at mastress alam nyo naman na nagkaron na sya ng mild stroke kaya sana huwag na lang muna niya malaman." Sabi ng Mama nila.
"Actually naghinala na siya dahil nababasa niya yung mga nakapost sa internet tungkol sa inyo ni Marc kaya kung tatanggihan mo yung alok niya for sure mas lalo siya maghihinala. "
"Pag isipan ko po muna Ma" nasabi na lang ni Kim.
"Pag isipan mo mabuti pero umaasa kami na papayag ka. At isa pa gaya nga ng sabi ko huwag kayong magpahalata sa Daddy nyo na may problema kayo ni Marc. Sa Sunday expect niya na pupunta ka sa bahay. Nandoon din si Marc. Sana humarap kayo ng maayos sa Daddy nyo".
Nakareceive si Kim ng text mula sa family court na schedule ng pre trial conference niya. Kung nakareceive na siya ng schedule naisip niya na nareceive na rin ni Marc yung summons at petition. "Ano kayang reaction niya?
Papunta si Kim sa bahay ng magulang ni Marc. Naalala niya yung sinabi ng step mom ni Marc na huwag ipahalata sa Daddy nila na may problema sila ni Marc sa pagsasama nila. Isang taon niyang hindi nakita si Marc at wala silang communication. Iniisip niya kung paano ang gagawin niya para hindi mahalata ng Daddy nila na hindi maganda ang pagsasama nila.
Pagpasok sa gate ay nakita niya agad sa garahe ang kotse nila Leslie at Dexter pati ng kapatid nito.
Nakita din niya yung kotse ni Marc.
Naririnig niya ang mga usapan at tawanan sa loob ng bahay. Naexcite siya ng marinig ang boses ni Dj.
Pagbukas niya ng pinto ay napatingin lahat sa kanya.
"Mommy" agad niyang nakita si Dj ng magtatakbo palapit sa kanya. Hinalikan at niyakap niya ang anak.
"Hon bat ngayon ka lang?" bigla niyang narinig na sabi ng pamilyar na boses sa likuran niya. Hinawakan siya nito sa bewang laking gulat niya ng bigla siya nitong halikan sa labi at yakapin.
Yung hindi pa niya masyadong nakikita ang mukha ni Marc tapos yun agad ang bumungad sa kanya.
Nang maghiwalay ang labi nila ay doon lang sya napatitig sa mukha nito. Nakangiti ito sa kaniya na parang walang nangyari.
"Grabe naman magpanggap to parang totoo" sa isip isip niya.
Dahil biglang nailang kay Marc ay lumayo sya at lumapit sa mga byenan.
"Sorry po nalate ako may dinaanan pa po kasi ako" nagbigay galang sya sa mga iyon.
"Kumusta ka Kim. How's France?"
"Ahm okay naman po Daddy" nasabi lang niya.
Habang kumakain sila..
"Kumusta kayong dalawa. May nabasa ako sa internet na hiwalay na kayo eh. Totoo ba yun. Kaya ba hindi kayo sabay pumunta dito?" Sabi ng Daddy nila na nakatingin sa kanilang dalawa ni Marc na magkatabing kumakain.
"Hindi po totoo yun Dad. Diba Hon?" Sabi ni Marc na napatingin sa kanya.
"Ha opo". Sabi ni Kim na napaiwas sa tingin ni Marc.
"Diba favorite to ni Kim subuan mo nga bro. Wala namang hiwalay na nagsusubuan eh." sabi ni Dexter na tinuro yung relyenong bangus.
Kinuha ni Marc ang relyenong bangus gamit ang kutsara at akmang susubuan si Kim.
"Ako na lang" sabi ni Kim na pinipilit kunin kay Marc yung kutsara.
"Ako na. Isubo mo na lang nakatingin si Dad" pabulong na sabi ni Marc.
Naisip ni Kim na ginagawa yun ni Marc dahil sa pagpapanggap. Wala naman sya nagawa ng ilapit pa yun sa bibig niya kaya sinubo na lang niya.
Nang makita ni Marc na may kumalat sa gilid ng labi ni Kim ay pinunasan niya yun gamit ang daliri.
"Kim subuan mo din si Marc nito" sabay kuha ni Leslie ng caldereta at inabot kay Kim na nakapuwesto sa tapat niya.
Kumuha si Kim gamit ang kutsara at sinubuan si Marc. Hinawakan pa ni Marc ang kamay niya na may hawak na kutsara bago isubo.
Nang makita ni Kim na palihim na tumatawa si Leslie at Dexter ay pinandilatan nya ng mata ang mga yun.
"Siguro kaya may mga ganung balita na hiwalay na itong dalawa dahil nasa France si Kim." Sabi ng Mama nila na nagingiti sa kanilang dalawa.
"Alam nyo yung rule ko dito ha kung may problema kayong mag asawa huwag nyong patagalin. Ayusin nyo kaagad. At walang maghihiwalay. Naiintindihan nyo" Sabi ng Daddy nila na nakatingin kay Marc at Kim pati kina Leslie at Dexter.
"Opo" sabay na sabi ni Leslie at Dexter habang naalangan naman sa pagsagot si Marc at Kim.
"Ngayong nandito na si Kim pwede nyo na siguro subukan uli na bigyan ng kapatid si Dj." Sabi pa ng Daddy nila.
Biglang naibuga ni Kim ang tubig habang umiinom.
"Marc nag iisang anak lang kita kaya gusto kong bumawi naman sa apo"
"Ilan ba Dad gusto niyo mamaya sisimulan na namin?" Napangiti si Marc kay Kim pagkasabi nun.
"Gusto ko sana more than five eh"
bahagyang natawa ang Daddy nila pagkasabi nun.
"Kayang kaya ni Marc yung isang dosena" sabi naman ni Dexter sabay tawanan nila.
"Kim. Sa monday makipagcoordinate ka sa maintenance team para sa renovation ng canteen ikaw na bahala magdecide kung paanong development ang gagawin mo dun". Sabi ng Daddy ni Marc.
"Po?" Sa isip isip ni Kim ay hindi pa sya nakakapagdecide sa tungkol doon. Napatingin siya sa Mama ni Dexter nakita niya na tumatango ito na sumesenyas na mag-agree na lang sya sa Daddy ni Marc.
"Okay po" Naisip niya na since hindi pa naman niya kayang simulan ang restaurant business na gusto niya ay tatanggapin na lang muna niya yun magsisilbing training ground na rin niya yun para mas magamay niya ang negosyo na gusto niyang itayo at makakapag ipon din siya.
May ilang oras pa silang nagstay sa bahay ng mga magulang bago magpasyang umuwi.
"Mommy please come with us. Let's go home" ayaw bitawan ni Dj ang kamay ni Kim at pinipilit syang sumakay sa kotse ni Marc.
"Dj Let's go" pagyaya ni Marc kay Dj sabay sakay nito sa kotse.
"Sige na Dj aalis na kayo. Promise i'll come with you soon" nang pumasok si Dj sa kotse ay pinaandar na ito ni Marc at umalis.
Napatitig na lang si Kim sa papalayong sasakyan naisip niya na ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Marc bago umalis. Hindi man lang nag offer na isabay sya kahit palabas ng subdivision.
Ibang iba sya kaninang kaharap ang mga magulang niya. Naisip ni Kim na nagpapanggap lang talaga si Marc para sa sitwasyon ng Daddy niya. Tinotoo nito ang sinabi noon na magkalimutan na sila.
"Ano bang expect ko na matapos ang lahat ganun pa rin siya gaya ng dati."
Naisip niya na tama lang talaga na nagfile siya ng annulment.
♥️