May meeting sya hanggang alas singko?? Ani Kim ng pumunta sa office ni Marc para tignan ang schedule nito ngayong araw. Tinaon niya na may meeting si Marc ng oras na yun para hindi siya nito makita.
"Salamat!" Inabot niya ang schedule sa assistant ni Marc na si Luis. "Bakit kaya lalake na ang kinuha ni Marc na Secretary. Sawa na siguro sa babae?" sa isip isip ni Kim.
Habang naglalakad papunta sa elevator ay nadaanan ni Kim ang meeting room kung saan nandun si Marc. Dahil wall glass yun ay nakita niya itong nakaupo habang may mga kausap.
"Mahuhuli din kita!" Sambit niya. Nakita niyang napatingin sa kanya si Marc. Bigla siyang napairap ng makita niyang sinusundan siya nito ng tingin habang naglalakad.
Bago mag alas singko ay nasa parking na si Kim. Nakaupo sya sa motor habang naghihintay sa pagdating ni Marc.
Pumwesto siya sa hindi kalayuan kung saan nandoon ang kotse nito. Pagtingin niya sa relo ay 5:20 na.
Maya maya ay nakita na niya tong dumating at sumakay sa kotse. Ilang segundo pa bago nito patakbuhin ang kotse. Nang tumakbo ay dumistansya lang sya ng ilang metro buhat sa likuran nito. Bukod sa suot na helmet at itim na jacket at pants naisip niya na hindi siya makikilala at mapaghihinalaan ni Marc dahil hindi naman nito alam na marunong sya magmotor.
Ilang minuto lang ay tumigil si Marc at nagpark sa isang bangko. Sa katabing establishment naman tumigil si Kim para maghintay. Habang naghihintay ay kinuha ni Kim ang cellphone naisip nya na baka doon pa lang ay makahanap na sya ng ebidensya kaya dapat ay alert siya.
Habang nakatingin sa kalsada ay may nakita syang matandang patawid na hindi makatawid dahil sa mga sasakyan.
Bumaba si Kim sa motor para tulungan ang matanda. Pabalik na si Kim sa motor niya nang makitang palabas si Marc sa bangko. Bigla niyang naibaba ang suot na helmet ng biglang mapatingin si Marc sa lugar niya. Pagbalik ni Kim sa motor ay maya maya lang nakita na niyang umandar ang kotse ni Marc. Mula Makati ay napansin niya na papunta ito sa BGC
"Ano kayang gagawin niya dun?" Maya maya ay huminto ito sa isang jewelry boutique.
"Bibili siya ng jewelry. Baka singsing. Magpopropose na sya kay Bea?" Biglang nanikip ang dibdib niya sa naisip.
Huminto siya sa likod ng kotse ni Marc. Ilang minuto siyang naghintay. Paglabas ay may bitbit itong maliit na paper bag. Palaisipan kay Kim kung ano ang binili ni Marc naisip niya na hindi naman mahilig sa alahas si Marc kaya malamang ay para sa iba ang binili nito.
Napansin ni Kim na bago pumasok sa kotse ay napatingin ito sa kanya. Ilang minuto bago patakbuhin ni Marc ang kotse. Nang umandar yun ay may sumingit sa harapan niya na isa pang kotse maya maya ay may sumingit na dalawang motor at biglang may nag overtake na isa pang kotse. Hindi naman inaalis ni Kim ang paningin sa kotse ni Marc kahit medyo malayo na ang distansya niya dito.
Madilim na din kaya biglang kinabahan si Kim. Naisip niya na sanay siya magmotor sa France pero sa gabi ay hindi niya ginagawa dahil natatakot siya. Maya maya ay napansin niyang gumilid si Marc at biglang bumagal ang pagtakbo siguro ay hihinto uli ito sa isa sa mga establishment. Pero dire diretso yun sa pagtakbo hanggang sa makaabot siya sa likuran nito. Napansin niyang mabagal ang pagtakbo nito hindi gaya ng kanina kaya nakahinga siya ng maluwag na hindi niya to kailangan habulin. Maya maya ay tumigil ito sa isang restaurant.
"Magkikita sila dito kaya ba siya bumili ng jewelry" biglang parang may tumarak sa puso ni Kim ng maisip yun.
Naisip ni Kim na sumunod hanggang sa loob restaurant. Tinanggal niya ang suot na helmet at nagsuot na lang ng sumbrero. Pagpasok sa loob nakita niyang nakaupo sa pandalawahan si Marc. Pumwesto naman siya sa bandang likuran nito na ilang mesa ang distansya naisip niyang baka mapansin siya nito kung nasa malapit siya.
"May ka-date talaga sya" Kinuha ni Kim ang cellphone naisip niya na kailangan ready sya sa kung ano man ang magaganap. Pakiramdam ni Kim ay nanginginig ang kamay niya habang hawak ang cellphone. Kaya niya sinusundan si Marc para makakuha ng ebidensya na ipepresent niya sa trial pero hindi pala ready ang puso niya sa kung ano man ang masasaksihan niya.
Maya maya ay lumapit ang waiter.
Nakita ni Kim na pumipili ng pagkain si Marc sa menu. Naisip niya na siguro ay parating na si Bea o kung sino man ang ka-date nito. May lumapit din kay Kim na waiter sinabihan na lang niya ito na mamaya sya mag-oorder ng pagkain. Wala naman din siya planong kumain dahil hindi yun ang ipinunta niya dun. Ilang minuto pa napansin ni Kim na panay ang tingin ni Marc sa cellphone siguro katext nito ang ka-date niya. Maya maya ay nagulat si Kim ng may iabot sa kanya na pagkain ang waiter.
"Wala akong inoorder na ganyan" sabi ni Kim sa waiter.
Maya maya ay napatingin ang waiter sa papel. "Dito po kasi sa table nyo naka assign" sabi ng waiter. Maya maya ay naamoy ni Kim ang pagkain na nasa harapan.
"Sorry po mam" kukunin sana ng waiter ang pagkain ng pigilan ni Kim.
"Sakin na to ako na lang magbabayad" biglang nakaramdam ng gutom si Kim kaya agad niya yun kinain.
Nang umalis ang waiter napansin ni Kim na kumakain na si Marc. "Nasan yung ka-date niya? Hindi siya sinipot".
Habang kumakain noon lang napansin ni Kim na ito pala ang restaurant na kinakainan nila ni Marc kapag napupunta sila sa BGC at yung kinakain niya ang madalas niya kainin. Naisip niya na ilang beses na siyang nagtry magluto ng ganun pero hindi niya makuha ang saktong lasa. Ninanamnam niya at kinikilatis ang kinakain para malaman kung ano ba ang kulang o baka may sumobra sa luto niya. Maya maya ay pinicturan niya yun. Pinicturan din niya si Marc naisip niya na baka pwede yun ipresent na evidence. Naisipan din niya magselfie.
Natigilan si Kim ng marinig sa instrumental music na tinutugtog ng banda sa restaurant ang madalas kantahin sa kaniya ni Marc gamit ang gitara nito.
(Title: Just the way you are)
Don't go changing to try and please me
You never let me down before, mmm
Don't imagine you're too familiar
And I don't see you anymore
I would not leave you in times of trouble
We never could have come this far, mmm
I took the good times, I'll take the bad times
I'll take you just the way you are
Don't go trying some new fashion
Don't change the color of your hair, mmm
You always have my unspoken passion
Although I might not seem to care
I don't want clever conversation
I never want to work that hard, mmm
I just want someone that I can talk to
I want you just the way you are
I need to know that you will always be
The same old someone that I knew
Oh, but what will it take till you believe in me
The way that I believe in you
Hindi maiwasan ni Kim ang maiyak ng maalala yung panahon na yun na masaya pa sila ni Marc at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito.
Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit na nararamdaman. Nakita niyang pinagtitinginan siya ng mga taong malapit sa pwesto niya pero wala syang pakealam. Napatingin siya sa pwesto ni Marc na nakatingin sa cellphone. Naiisip at naaalala din kaya ni Marc yung mga panahon na yun. Malamang ay walang wala na sa kanya ang mga alaala na yun.
Nang makitang tumayo si Marc at palabas ng restaurant ay agad tinawag ni Kim ang waiter para bayaran ang kinain.
"Bayad na po!" sabi ng waiter.
"Ha. Bayad na?" Taka niyang sabi. Hindi na yun inintindi ni Kim nang makitang nakalabas na si Marc kaya agad na din syang lumabas. Sinuot muna niya ang helmet paglabas sa restaurant. Matagal uli bago paandarin ni Marc ang kotse.
Nang paandarin ni Marc ang kotse ay agad agad na sumunod si Kim.
Napansin ni Kim na pauwi na sa bahay ni Marc ang way na tinatahak nila pero sa kabilang way sila dumaan. Dahil madadaanan nila ang condo niya naisip niya na umuwi na lang sya at ipagpapatuloy na lang sa susunod ang planong pagbuntot kay Marc. Nang madaan sa entrance gate ng condo ay lumiko na doon si Kim. Nilingon niya muna ang kotse ni Marc na diretso sa pagtakbo bago siya tuluyang pumasok sa gate.
♥️