Namangha si Jen sa sobrang lawak ng condo ng lalaki. Sa tadya niya sakop nito ang buong floor ng building na ito. Maganda din ang interior design. Napaka manly tingnan at ang sobrang linis nito. Nahiya pa siya ang maalalang sobrang kalat ng silid na nirentahan niya dati nong nag-aaral pa siya.
“Ikaw lang mag-isa dito?” tanong niya sa lalaki.
“Yes. I'm alone but now I can share it with you,” sagot nito sa kanya.
“No,” sabi naman ni Jen at umupo sa sofa na nasa harap niya. “I'm just thinking na maghanap ng apartment na pwede kong rentahan kapag may sahod na ako. Nakakahiya kasing mag-stay na lang kina tita Ethel.”
Why don't you stay with me?” Suggestion ni Racho.
“I want to live independently. Hindi ako pwedeng habang buhay nakadepende sa inyo. Paano na lang kung wala na kayo sa buhay ko? Saan ako pulutin?” Saad ni Jen.
Napatigil naman si Racho sa akmang pagbubukas ng tv matapos marinig ang sinabi ni Jen. Inilapag niya ang remote sa lameseta at tumabi sa dalaga.
“Do you really think, I will abandon you, sweetie?” tanong nito na hindi alam ni Jen kong na-offend ito sa sinabi niya o hindi.
“Hindi. Pero hindi ko rin maiwasan na mag-isip ng ganun,” sagot ni Jen.
“Sweetie, I will never do that to you. Hindi kita hahayaan na mawala ka sa akin,” sabi naman nito. Tumango naman si Jen dito.
“Pero gusto ko pa rin magkaroon ng sariling apartment,” giit niya sa kausap.
“Alright, sweetie. Do as you wish,” saad nito at muling kinuha ang remote saka tuluyang binuksan ang malaking tv sa harap nila.
Nakaramdam naman si Jen na nagtatampo ang nobyo kaya naman ay iniyakap niya ang braso sa tiyan nito at sumandal sa balikat.
“Sweetie, galit ka?” tanong niya dito.
“No,” sagot nito na ang mata ay nakatutok sa pinanood.
“Mukhang galit ka, eh,” sabi pa ni Jen at nag-angat pa ang tingin sa nobyo.
“Hindi nga,” sabi nito ero nakatutok pa rin sa tv ang mata.
Umalis si Jen muna sa pagkasandal sa binata at kumandong dito. Naagaw naman niya ang atensyon nito.
“Galit ka pa rin?” tanong niya dito. Parang batang nag puppy eyes pa siya dito.
Bigla na lang binaliktad ni Racho ang position niya. Napahiga si Jen sa sofa habang nasa ibabaw niya si Racho.
“You really know how to ease my temper, sweetie. Did you know that?” tanong nito sa kanya.
Napakagat na lang ng labi si Jen dahil sa sinabi ni Racho. Ngunit iba ang radar ni Racho, sa halip na umalis sa ibabaw niya ay mas lalo nitong idiniin ang sarili sa kanya.
“Alis na, ang bigat mo kaya,” reklamo ni Jen.
“Ginising mo nananahimik kong kaibigan, sweetie,” sabi ni Racho sa kanya. “Kaya kailangan mo tong paligayahin.”
“Huh? Paano?” Ngunit siniil na siya nito sa halik. Kaya naman ay nalulunod na ang ibang sasabihin niya sana.
Automatic namang gumanti si Jen ng halik sa binata. Kaya mabilis silang dalawa na ang iinit. Hindi na nila pinapansin ang nag-iingay na television.
Kung hindi lang tumunog ang cellphone ni Jen ay hindi maputol ang halikan nila. Dali-dali namang kinuha ni Jen ang bag niyabat kinuha sa loob ang cellphone niya.
“Hello, best,” sagot ni Jen sa tawag ng kaibigan.
“Best, saan ka? Uuwi ka ba ngayon?” Tanong din nito.
Napatingin si Jen kay Racho na nakasandal lang sa likod ng sofa. Gusto ni Jen na umuwi pero sa tingin niya masyado ng gabi para umuwi at magpahatid pa siya sa nobyo.
“Hindi na siguro, best. Masyado ng gabi para magpahatid pa sa kanya. At isa pa kararating lang namin sa condo niya,” sabi ni Jen sa kaibigan.
“Ayee. Baka magkaroon kayo ng little Jen or Racho niyan, best, ha?” Tukso sa kanya ni Laarni.
“Gagi, hindi. Grabi to,” saad ni Jen sa kaibigan.
“Oh, basta. Basta uwi ka bukas. May training na tayo sa susunod na araw,” bilin sa kanya ang kaibigan niya.
“Sige, best. Salamat,” sabi ni Jen dito.
“Okay, best. Enjoy your night with your jowa. Use protection okay?” Bilin pa nito bago tuluyang mawala sa linya. Napailing na lang si Jen at ipinatong cellphone sa ibabaw ng lamesita.
“What did Laarni say?” Tanong nito sa kanya.
“Wala naman. Nagtatanong lang kung uuwi ba ako ngayon,” sagot ni Jen.
“And you said no?” Tanong pa nito.
“Alangan namang sabihin kong uuwi, eh, nandito na tayo,” saad naman ni Jen.
“Good. And because of that, I'll cook dinner for us.” Saad ni Racho at tumayo na. “You can rest in my room while I'm preparing for our dinner.”
“Okay,” tanging wika ni Jen at lalakad na sana ng maalala na hindi niya alam ang kwarto ng binata. “Saan ang kwarto mo?”
“The only door on the right side,” sagot nito.
Tumango na lang si Jen at nagsimula nang lumakad papunta sa pintong tinutukoy nito. Pagpasok palang niya ay parang gusto na lang niyang bumalik sa sala.
Nakakatakot madumihan ang kwarto sa sobrang linis. Hindi mo mapaniwalaan na lalaki ang may-ari ng kwarto na to. Dahan-dahan na lang siyang pumasok at umupo sa gilid ng kama.
Parang gusto niyang humiga sa kama matapos lumapat ang pang-upo niya doon. Kaya hindi na siya nag patumpik-tumpik pa. Agad siyang humiga sa kama nito. Bahala ng madumihan niya ito. Si Racho naman ang may gustong dito muna siya.
Matapos ng ilang sandali nakaramdam ng panglalagkit ng katawan si Jen. Marahil ay dahil sa maghapong lakad nilang dalawa ni Racho. Muling bumangon si Jen at tinungo ang isa pang pinto na sa tingin niya ay banyo ng lalaki.
Akala ni Jen ay banyo na ngunit may nakita pa aiyang dalawang magkatapat na pinto. Naguguluhan siya kung ano ang unang buksan ngunit kalaunan ay mas pinili niyang buksan ang kaliwang pinto.
“Wow,” tanging nasabi na lang ni Jen.
It's a walk in closet. Mas lalong namangha sa laman ng closet ni Racho. Napaka-organize ng mga gamit. Hindi masakit sa mata at syempre, nakakahiyang galawin kung anong meron dito.
Muling lumabas si Jen sa closet at diretso na sa isang pinto na sa tingin niya banyo at hindi nga siya nagkamali. Banyo talaga ang nabuksan niya. Agad siyang pumasok at naghubad ng damit. Nilagay niya ang damit niya sa laundry basket saka naligo.
Huli na niyang narealize na wala pala siyang baon na damit. Buti na lang at may tuwalya na narito. ‘Yun ng ginamit niya pantapis sa katawan niya. Mabilis niyang tinapos ang pagligo niya at bumalik sa closet ni Racho.
Naghahanap siya kung anong pwede niyang maisuot. Wala siyang nakita kaya naman ay ang long sleeves na lang ni Racho ang sinuot niya. Naka-hanger naman kaya hindi nagulo ang ibang damit. Kumuha na rin siya ng pinakamaliit na boxer nito upang gawing panloob niya.
Dalangin niyang hindi magagalit ang lalaki dahil pinakialaman niya ang mga gamit nito. Wala siyang suklay na nakita kaya pinangko lang niya ang buhok kahit basang-basa pa ito saka niya iniisip na lumabas. Hindi na niya inintindi ang buhok niyang tumutulo pa.
Saktong paglabas niya sa banyo ay ang pagpasok ni Racho sa silid. Napatingin si Racho sa kanya mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang tingi sa mukha niya. Medyo nahihiya si Jen dahil alam niyang mag-react talaga ang lalaki dahil sut niya ang damit nito.
“Sorry, wala kasi akong nakikita na pwedeng masuot ko. Wala akong damit. Saka hindi rin naman pwedeng ibalik ko ang damit na suot ko na,” rason ni Jen.
“Bagay sayo ang damit ko, sweetie,” sabi nito sa sakanaglalakad palapit sa kanya.
Namula naman si Jen sa tinuran nito. Hindi niya alam kung nagabi ito ng totoo or binobola lang siya. Agad siya nitong hinapit sa baywang na mas lalong ikapula ng mukha niya.
“Basa pa ang buhok ko,” saad niya dito.
“I don’t care, sweetie. I want to hug you and smell your freshness,” saad naman nito.
“Gago. Sabon lang naman ang naamoy mo,” wika ni Jen sa kanya
“Iba pala pag ikaw ang magsabon ng sabon ko, sweetie. Mas lalong bumabango,” saad pa nito.
Naparolyo na ang ng mata si Jen. Napatanong na lang sa sa isip kung hindi ba ito nauubusan ng matamis na salita. Hinila siya nito pabalik sa closet nito at pinaharap sa salamin. Hindi niya ito nakita kaninang pumasok siya. May kinuha ito sa isa sa mga cabinet dito. Nakita niang kumuha ito ng blower.
“May blower ka?” tanong niya sa lalaki.
“Yes. My sister is using it when she’s here,” sagot nito.
“May kapatid ka?” di makapaniwala na tanong niya sa nobyo.
“Yes, sweetie. I have an older sister,” sagot nito sa kanya.
“Ah okay,” tanging sagot na lang ni Jen. “Pwedeng magtanong pa?”
“Sure. Suit yourself, sweetie,” saad nito habang patuloy nabinu-blower ang buhok niya.
“Hindi mo pa na-ikwento sa akin ang tungkol sa pamilya mo,”
“My father owns a company here and in Japan. My mother is with my father all the time. And my older sister is a stewardess,” sagot nito sa kanya.
“And you're a pilot?” tanong pa ni Jen.
“Yes. I own an airline too,” tanong pa ni Jen.
“Wow. Ang yaman pala ng boyfriend ko. Bilyonaryo,” natatawa na komento ni Jen.
Natawa naman si Racho sa sinabi ng kasintahan. Hindi na lang siya sumagot pa at ipagpatuloy ang pagblo-blower sa buhok nito. Nang matuyo na ang buhok nito ay saka na lang niya tinigilan an ibinalik sa cabinet ang blower. Sinuklay din niya ito bago inayang lumabas ang nobya.
“Let’s go. The table is ready,” wika ni Racho sa kasintahan.
“Okay,” sagot ni Jen at nagpahila na sa kasintahan niya.
Tinignan niya ang mesa at nakita niyang dalawang bowl ng ramen. Maliban sa Ramen ay may nakita din siyang bowl ng boiled egg at longanisa. May salad at slice fruits din na narito. Pero parang may kulang sa mga naka handang pagkain sa mesa.
“Walang kanin?” tanong ni Jen dito.
“Of course, there is. I know you will look for it,” saad ni Racho at kinuha ng bowl na walang laman at nagsandok ng kanin mula sa rice cooker.
Napangiti naman si Jen dito. Talagang alam nito kung ano ang mga gusto niyang pagkain. “Thank you.”
“You’re welcome, sweetie. Tomorrow, I will cook your favorite dish,” sabi nito.
“Talaga? Alam mo ang paborito ko?” tanong ni Jen habang humihigop ng sabaw mula sa ramen.
Ang sarap talaga kumain ng ganito lalo na kapag malamig ang paligid. Oo, malamig talaga ang paligid dahil naka-aircon ang buong unit ni Racho. Iba talaga kapag nasa lugar ka na puno ng karangyaan. Talagang maninibago ka. Buti na lang at hindi pinaramdam sa kanya ni Racho na hindi siya nababagay sa lugar na ito.
“Eat a lot, sweetie. I want you to gain more weight. Masyado kang magaan nang buhatin kita kanina. Para lang akong nagbubuhat ng papel,” saad ni Racho.
Hindi na lang nagkomento si Jen sa sinabi ng kasintahan. Mas ninanamnam niya ang pagkain sa harapan niya kaysa sinasabi ng kasintahan. Alam naman niya kung paano alagaan ang sarili dahil isa siyang volleyball player. May required weight sila para mapanatili ang pagiging manlalaro niya.