Nakahiga si Jen sa kama ni Racho habang nag-scroll sa social media habang nasa banyo si Racho, naliligo. Pagkatapos nilang maglinis sa kusina ay napagpasyahan nilang magpahinga na. Kaya ito siya ngayon nasa kwarto ng binata, parang tangang nakatulala lang sa screen ng cellphone niya. Kahit naka-on naman ang Tv sa harap niya.
Inilapag ni Jen ang cellphone niya sa gilid at umikot para matulog. Nakaramdam na kasi siya ng antok. Ipinikit niya ang mga mata, hinayaan lang niyang maka-on ang tv. Namalayan na lang niya ang paglundo ng kama at ang pagtabi sa kanya ni Racho.
Ramdam niya ang pagyakap ng nobyo mula sa likod niya at ang paghalik nito sa balikat niya. Napalingon naman siya sa kasintahan.
“Sleep, sweetie. I know you're tired,” sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.
Umikot naman si Jen at isiniksik ang ulo sa dibdib binata. Itinanday din niya ang isang braso niya sa tiyan nito na namumutok sa katigasan. Ramdam pa niya na hinalikan iya sa noo nito bago siya tuluyang lamunin ng antok.
Naalimpungatan si Jen dahil sa ingay ng tumutunog na cellphone. Kinapa-kapa niya ang gilid niya upang makuha kung saan nakalagay ang cellphone niya. Nakapikit na sinagot niya ang tawag ng sinuman. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumawag.
“Hello,” paos na wika nya sa kabilang linya.
“Best, saan ka na?” tanong agad ni Laarni pagkasagot ni Jen sa tawag.
“Kagigising lang,” sagot ni Jen.
“Ai, ano ba yan. Naka-score jowa mo sayo, noh?” tukso sa kanya ni Laarni.
“Gagi, wala,” sagot ni Jen.
“Haha, nag-expect kang may mangyari noh?” sabi pa nito.
“Hindi. Ang aga ko ngang nakatulog,” sagot ni Jen. Totoo naman. Maaga siya kagabi na natutulog.
“Okay, sabi mo, eh,” sabi naman ni Laarni na halatang di naniniwala sa kanya. Napailing nalang si Jen sa kaibigan. “Anong oras ka nga pala uuwi?”
“Mamaya na siguro. Depende kung walang ginagawa si Racho,” sagot ni Jen.
“Okay, sige. Mag-chat ka pag pauwi na kayo. Baka kung saan na naman kayo lulusot.”
“Tse,” tanging saad ni Jen at ibinaba ang tawag.
Nilibot ni Jen ang paningin niya at napansin na wala sa kwarto si Racho. Napakunot tuloy ang noo ni Jen. Napilitan siyang bumangon upang hanapin ang binata. Tiningnan niya sa banyo at closet ngunit wala naman. Kaya lumabas siya sa kwarto at nadagnat niya ito sa kusina na busy sa kakaluto ng kung ano.
Napalunok siya nang makitang naka boxer short lang ito. Hindi man lang ito nag-abalang magsuot ng kahit apron man lang. Parang mas lalo siyang na in love dito nang malamang na kaya nitong magluto ng kahit ano. Minsan lang siya nakikita ang lalaking marunong magluto. Lalo na sa isang tulad nito na alam niyang laki sa marangyang buhay.
Naglalakad siya palapit dito at naamoy kaagad niya ang paborito niyang chicken caldereta. May nakita rin siyang lutong chicken cordon sa mesa. Napangiti na lang si Jen at niyakap ito mula sa likod.
“Good morning,” bati niya dito. Napatingin naman ito sa kanya at ngumiti. Humarap ito sa kanya matapos isara ang cooking pan.
“Good morning, sweetie,” ganting bati nito sa kanya at akmang hahalikan siya nito sa labi. Ngunit tinakpan ni Jen ang bibig niya.
“Di pa ako nag-toothbrush,” sabi niya sa nobyo
“I don’t care, sweetie,” sabi nito at kinuha ang kamay niyang nakatakip saka hinalikan siya ng mariin sa labi. “Hindi naman mabaho, sweeti. Matamis pa nga.
“He! Ang aga-aga nambola ka na naman,” sabi na lang ni Jen. “Luto na ba yan? Gutom na ako saka tumawag si Laarni. Kailangan ko ng umuwi.”
“You two are very close with each other,” puna ni Racho sa closeness ni Jen at Laarni.
“Naman. Ang swerte ko at naging kaibigan si Laarni. Siya lagi ang tinakbuhan ko kapag may problema ako,” saad ni Jen.
“Oh, I see?” Saad ni Racho at hinahalo ang kalderetang niluto nito habang nakapulupot pa rin ang isang braso nito sa baywang niya.
“Oo. Parang tingnan lang niya ang mukha ko, alam na agad niya na may problema ako,” sabi pa ni Jen.
“That is why hindi talaga kayo pwedeng mapahiwalay?” tanong pa ni Racho.
“Oo, hindi kumpleto ang araw namin kapag hindi kami nagkikita or kahit nagkausap man lang,” sabi pa ni Jen.
“Right. You have each other’s back when everything gets worse,” conclusion ni Racho.
“Yes. Kaya kahit anong mangyari. Hindi kami dapat mawalay sa isa’t-isa,” sagot ni Jen.
“Me too. I don’t want to be separated from you,” biglang sabi ni Racho.
“Sana nga, Racho. San nga,” sabi na lang ni Jen.
“Of course, sweetie. I’ll make sure of that.” May paninindigan na wika ni Racho na ikatango ni Jen.
Maya-maya ay pinatay na ni Racho ang stove at inilipat sa bowl ang niluto niyang chicken caldereta. Experto nitong inihanda ang mesa habang nakamata lang sa kanya si Jen.
“Let’s eat, sweetie. So, I can drive you home. Baka na-miss ka na ang kaibigan mo,” saad ni Racho. Natawa naman si Jen.
“Sige,” sagot ni Jen at umupo na sa upuan.
Hindi na niya hindi na niya hinintay pa si Racho na pagsilbihan siya. Siya na mismo ang nagsandok para sa sarili. Pinagsandok din niya si Racho ng pagkain niya sa plato nito. Natuwa naman ang binata sa ginawa niya.
“Thanks, sweetie,” saad n Racho sa kanya.
“You’re welcome,” nakangiting wika Jen. “Kain na.”
Tumango lang si Racho at nagsisimula ng kumain. Minsan nagsusubuan pa sila naging dahilan kung bakit mas lalong natagalan ang pagkain nila. Pinagtulungan din nilang ligpitin ang pangkainan habang naghaharutan. Syempre hindi nawawala sa kanila ang isang mainit na eksena.
Nang matapos sa ginagawa ay sabay na silang pumasok ulit sa kwarto at naghahanda para umalis na. Sabay silang naligo at nagbihis. Buti na lang at napa-laundry pala ni Racho ang damit na sinuot niya kahapon kaya naman ay mapalit siya sa longsleeves ni Racho na sinuot niya kagabi.
“Sweetie, are you done?” tanong ni Racho kay Jen ng silipin siya nito mula sa bodylenght mirror na narito sa closet ng lalaki. Nagsusuklay pa kasi siya ng buhok. Hindi na sya gumamit ng blower dahil matutuyo rin naman ang buhok niya.
“Oo, tapos na,” sagot ni Jen. “Tara na?”
“Sure, let’s go. Baka bombahan na talaga ako ng kaibigan mo. Ang tagal kitang hindi naisauli sa kanila,” biro nito na ikatawa ni Jen.
“Ikaw talaga. Ang dami mong alam. Lika ka na nga,” natatawang sabi din ni Jen sabay hila sa binata palabas ng walk in closet niya.
Diretso na silang lumabas sa unit nito matapos makuha ang mga gamit nila at naghihintay na bumukas ang elevator. Agad silang pumasok ng tumunog at bumukas ito. Ngumiti lang sila sa mga taong nasa loob na nang pumasok sila. Tahimik lang ang buong paligid hanggang sa makarating sila sa basement ng condominium.
Agad silang nagpunta kung saan naka-park ang sasakyan ni Racho. Pinag Buksan pa siya ng pinto ni Racho sa front set bago ito umikot sa driver’s seat. Hindi na lang nagreklamo pa ang dalaga dahil mukhang normal na kay Racho ang gagawin ito kahit hindi siya ang kasama nito. Halata naman sanay na ito sa ganitong gesture.
Mabilis naman silang nakarating sa bahay ng kaibigan dahil walang traffic. Bababa pa sana ang binata upang ihatid siya sa loob ngunit biglang nag-ring ang cellphone nito. Kinuha ito ni Racho upang tingnan kung sino ang tumawag bago suminyas kay Jen na sagutin muna nito ng tawag na tinanguhan lang ng huli.
“Yes, dad?” sagot ni Racho sa tawag ng ama.
“Where are you? I’m here at your company,” sagot ng ama niya.
“What are you doing there?” tanong ni Racho sa ama.
“Just come here and I’ll be waiting for you. We have something to discuss,” sagot nito.
“Alright, I’ll be there in an hour,” sagot ni Racho sa alam sa ibinaba ang tawag.
“Ang papa mo yon?” tanong ni Jen dito.
“Yes. I’m sorry, sweetie. I can't go inside. I have something to do with my father,” hinging paumanhin ni Racho.
“Ano ka ba? Okay lang. Alam kong importante yan kaya walang problema,” sagot ni Jen.
“Thank you, sweetie. Babawi ako sa sunod. I promise,” pangako ni Racho sa kanya.
Ngumiti naman si Jen at hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata. “Sweetie, it’s okay. Naintindihan ko. Hindi mo kailangan mag-explain.”
“I really love the way you called our endearment, sweetie,” saad ni Rachp na arang kinilig pa. Natawa na lang si Jen sa sinabi ng kasintahan.
“Ikaw talaa. Ang hilig mambola,” saad niya dito at pinisil pa ang magkabilang pisngi. “Sige, baba na ako. Wag ka nang bumaba pa para diretso kana after kong makababa.”
“Alright, sweetie. As you wish,” natatawang wika ni Racho.
“Bye. Ingat ka sa pagmamaneho,” sabi ni Jen at hinalikan pa ang nobyo sa labi.
Hindi pumayag si Racho na hanggang damp lang ang gagawin ng kasintahan. Kinabig nya ito at mas pinaka malalim pa ang halik. Hindi naman umangl si Jen bagkus ay taos puso niyang sinabayan ang nais ng nobyo.
“I love you, sweetie. I love you so much,” wika ni Racho matapos ang halikan nila ang nobya
“I love you too, now and forever,” sagot naman ni Jen. “Sige, baba na talaga ako. Baka hindi ka pamakaalis. Kasalanan ko pa kung ma-late ka.”
“Alright, sweetie. You take care, okay?” bilin ni Racho sa kanya.
“Okay. Ikaw din, ingat,” sabi ni Jen at tuluyan ng bumaba sa saskyan ni Racho.
Kumaway pa si Jen sa binata bago siya tuluyang pumasok sa gate habang si Racho ay tuluyang minaniobra ang sasakyan paalis.
Nagulat pa si Jen ng pagharap niya sa entrace ng bahay nakita niyang nakasandal ang kaibigan na tila binabasa ang buong pagkatao niya.
“Best, kanina ka pa dyan?” tanong ni Jen dito.
“Oo, best. Pagdating na pagdating n’yo ay nandito na ako,” sagot ni Laarni. “Kaya sagutin mo ang tanong ko, “Ano pang ginawa nyo sa kotse at ang tagal mo lumabas?”
“Ang mosang mo talaga, best. Magtigil ka nga,” kunwari galit na wika ni Jen. Pero sinundot-sundot lang siya ng kaibigan.
“Ayeee, best. Babae kana talaga,” sabi pa nito habang nakasunod sa kanya.
“Parang ikaw, hindi babae?” balik niya dito.
“Magkaiba nman tayo ng sitwasyon,” hirit din niya.
Naiiling na natatawa na lang din si Jen. Itong kaibigan niya ay makulit pa sa lahat ng makulit. Pero nakakatakot din pag ito’y masagad. Hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin.
“Nga pala best, bukas na training natin, excited ka na ba?” tanong ni Laarni sa kanya pagkapasok nila sa kwarto ng huli.
Kabado ako, best. Paano pag hindi tayo bet ng mga kasama natin?” tanong ni Jen.
“Hayaan na, gawin na lang natin ang best natin at kung anong kaya natin para matulungan ang team,” saad ni Laarni.
“Tama,” segunda naman ni Jen at lumundag sa kama.
Ganun din ang ginawa ni Laarni. Pareho na sila ngayon na nakadapa sa kama habang nagkukulitan.
“Pero, alam mo, best? Super thankful talaga ako na ina-adopt nyo ako dito. Baka kung saan na ako pulutin ngayon,” maya-maya ay biglang sabi ni Jen.
“Haha, gagi. Alangan namang pabayaan kita? Para na rin kitang kapatid. Saka malaki naman ang naitulong mo sa akin, kaya binalik ko lang,” sabi ni Laarni.
“Kaya nga, salamat dahil nandito kayo. Handang tutulong sa akin kapag kailangan ko,” pasasalamat ni Jen sa kaibigan.
“Thank you din, best. Kasi parang may kapatid na rin ako sa katauhan mo. Basta kung may problema ka, magsabi ka sa akin. Kundi, kurutin talaga kita sa singit kapag manyari yon,” paalala sa kanya ni Laarni.
“Noted, ma’am,” sagot ni Jen at naka-salute pa talaga.
Kalaunan ay pareho silang natawa sa ka-corny-han nila. Naisipan na lang niyang maglaro ng volleyball sa likod bahay. Exercise na din nila dahil ilang araw din nilang hindi nagagawa ito dahil sa nagbabakasyon sila.