Chapter 10

2207 Words
“Best, gising.” Pukaw sa kanya ni Laarni. “Bakit?” tanong ni Jen na naalimpungatan dahil sa pag gising sa kanya ang kaibigan. “Gusto ko pang matulog.” “Ano ba kasing pinaggagawa mo kagabi at parang lantang gulay ka,” puna sa kanya ni Laarni. Hindi na sumagot si Jen at mas lalong isiniksik ang mukha sa unan niya. Dinambahan naman siya ang kaibigan upang magising ang diwa niya. As usual, magkasama pa rin sila sa kwarto ni Laarni. Hindi naman nagreklamo ang kaibigan na magkasama sila. Ayaw rin kasi ni Jen na bigyan siya ng sariling kwarto dito sa bahay ng kaibigan kahit pa mas gusto ni Ethel na magkaroon siya ang kwarto. Katwiran ni Jen ay hindi naman kailangan dahil hindi naman siga permanente dito. Kaya walang nagawa si Ethel kundi pagbigyan ang gusto ng dalaga. “Ang aga ng jowa mo. May lakad daw kayo ngayon,” sabi ni Laarni. Dahil sa narinig ay agad napabalikwas ng bangon si Jen. “Nandito na siya?” tanong niya sabay tingin sa wall clock. Agad siyang napangiwi ng makitang alaa nuwebe na ng umaga. “Asan siya?” “Nasa sala. Kausap si mommy,” sagot ni Laarni. “Ah, sige. Pakisabi, hintay lang. Maligo lang ako,” sabi ni Jen. “Sana all may naghihintay,” saad ni Laarni. “Gagi! Tawagan mo nga si Kyre at sabihing naghihintay ka sa kanyang pagbabalik,” ganti ni Jen. “Bahala siya sa buhay niya,” tanging sagot ni Laarni na ikatawa ni Jen. “Babalik din yon, tiwala lang,” sabi naman ni Jen. “Kahit wag na,” saad ni Laarni. Di na lang pinapansin pa ni Jen at diretso na siya sa banyo upang makaligo. Nilinis niyang mabuti ang sarili bago niya tinapos ang pagligo. Ayaw niyang maghintay pa ang matagal ang nobyo baka ma-bored pa sa kahihintay sa kanya. Wala ang kaibigan ng makalabas siya sa banyo kaya naman ay nagbibihis na siya ng panlakad at komportable na damit dahil naalala niyang may lakad sila ang kasintahan. Agad siyang bumaba at napakunot ang noo ng makitang walang tao sa sala. Mabuti na lang at may nakita siyang kasambahay na naglilinis dito kaya tinanong niya ito. “Ate, may bisita daw kanina?” tanong niya dito. “Opo, ma’am nasa kusina po,” sagot nito sa kanya. Napatango naman si Jen at naglalakad patungo sa kusina. Nadagnat niyang kumakain silang tatlo ni Laarni, tita Ethel, at ng boyfriend niya. Hindi muna siya lumapit at pinagmasdan niya ito. Napangiti siya ang makitang nakangiti din din. Pansin niyang halos nawawala ang singkit na mata nito sa tuwing tumatawa ito. Kaya aliw na aliw siyang pagmasdan ito. “Ai, tulala?” Napa kurap-kurap siya nang marinig ang boses ng kaibigan. Saka lang niya namalayan na nasa harap na niya ito at nakangisi sa kanya. Namumula ang mukhang tinampal niya ang kaibigan. “Best, naman,” reklamo ni Jen kay Laarni dito na siyang ikatawa ng huli. “Lika ka na nga, lumalamig na ang pagkain. Wag kasing mag-daydreaming. Nasa harapan mo lang naman siya kaya pwede mong totohanin kung anong nasa isip mo,” sabi ni Laarni sa kanya. “Gagi,” natatawang sabi na lang ni Jen. Nagpatianod na lang si Jen nang hilain siya ng kaibigan papunta sa mesa kung saan ni tita Ethel at Racho. “Good morning, tita,” bati ni Jen sa ina ni Laarni. “Good morning din, hija,” sagot ni Ethel kay Jen. Dinaanan niya ito upang halikan sa pisngi bago umikot sa tabi ni Racho. Tumayo naman ang huli upang ipaghila siya ng upuan. “Good morning, sweetie,” sabi ni Racho. Sa pagkagulat ni Jen ay niyuko siya nito at hinalikan sa labi. Hindi nito inaalala na nasa harap lang sina Ethel at Laarni na parehong na-amaze sa ginawa ang binata. “Good morning din,” namumulang saad ni Jen sabay kurot sa gilid ng binata. Ngumiti lang ang binata sa kanya. Hinimas pa nito ang pisngi niya bago bumalik sa upuan nito. Napailing na lang si Jen. Ang showy naman ng boyfriend niya. Hindi nahihiya kahit may tao pa sa harap nila. “Ang sweet naman ng dalawang to,” mahinang saad ni Ethel. “Sana all, sweet,” sabi naman ni Laarni. “Asan na ba kasi ‘yung boyfriend mo, nak?” baling ni Ethel sa tabi niya. “Mom, nasa ibang bansa may conference,” sagot naman ni Jen. “Kailan ba balik non?” tanong pa ni Ethel. “Ewan ko, sana wag na siyang bumalik,” nakangusong wika ni Laarni. Natawa naman si Ethel sa anak. “Na-miss mo na agad, noh?” tukso pa nito sa anak. “Mommy naman,” reklamo pa ni Laarni. Natawa naman si Jen at Racho sa kulitan ng mag-ina. Close talaga ang dalawang to. Para lang din silang magkakaibigan kung magkakasama. “Kaya kayong dalawa wag kayong gagaya kay kina Laarni at Kyre na magkahiwalay ng matagal. Baka ma-miss nyo ang isa’t-isa,” sabi naman ni Ethel sa magkasintahang nasa harap niya. “Paano ba yan, tita. May mga times na wala ako dahil alam mo naman ang trabaho ko,” sagot naman ni Racho. “Oo nga, tita. Ako din minsan may mga out of town games,” segunda ni Jen. “Eh di, kapag nagkita, babawi sa isa’t-isa,” sagot ni Ethel. “Right, sweetie. Babawi ako kapag makabalik ako sa mga flight ko,” saad ni Racho sa kanya at hinawakan pa siya sa pisngi. “Tama,” sagot ni Jen at binalingan si Laarni na nakasimangot na. “Kaya, best, wag mag-alala. Babawi si Kyre pagdating niya.” Nagkibit balikat lang si Laarni at hindi na nag komento pa. Binalingan na lang nito ang pagkain at kumain na tila hindi apektado sa walang paramdam na boyfriend. “Saan ang punta nyong dalawa?” tanong ni Ethel sa magkasintahan. “We’re just going to roam around the city, tita. You know, jowa’s time. Habang wala pang schedule for my flight, same as Jen, wala pa rin siyang training for her games,” sagot ni Racho. “Tama. Habang free pa kayong dalawa, go lang. Kasi itong mga ito,” turo nito sa kanilang dalawa ni Laarni. “Minsan, hindi na naka-uwi ng bahay. Kung saan na lang sila abutan ng gabi doon na sila matulog dahil sa games and training nila,” wika ni Ethel. Hindi na komontra pa si Laarni at Jen sa sinabi nito. Totoo naman. Minsan sa locker room or sa hotel na sila natutulog dahil masyado ng gabi para umuwi pa sa kani-kanilang bahay. Matapos kumain ay nagpaalam na sina Jen at Racho na umalis na. Umakyat lang sandali si Jen sa kwarto ng kaibigan upang kunin ang gamit niya at pagkatapos ay bumaba agad. “Tita, alis na kami,” paalam ni Jen dito. “Sige, ingat kayo,” sagot ni Ethel. “Hijo, alagaan mo tong si Jen ah? Wag hayaan na may mangyaring hindi maganda sa kanya.” “Of course, tita. Auto note na yan,” sagot ni Racho at kumindat pa sa kanya. Nagaalubong naman ang kilay ni Jen dahil sa sinabi nito. “Nambola pa,” mahinang wika niya ngunit rinig naman ng katabi. “Of course not, sweetie. What I feel for you is genuine,” wika nito na ikatili ni Laarni. Siya ang kinilig para sa kaibigan. “Alis na nga kayo. Masyado ng maraming langgam dito dahil sa sobrang sweet ‘nyong dalawa,” pagtataboy ni Laarni sa magkasintahan. “Tse!” tanging sagot ni Jen at nauna nang pumasok sa sasakyang ni Racho. Hindi na niya hinintay pa na pagbuksan Jen na pagbuksan siya ng huli. Agad namang sumunod sa kanya ang binata. Diretso na rin ito sa sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Kumaway na lang si Jen sa mag-ina matapos magsimula ng tumakbo ang sasakyang menaneho ni Racho. “So, saan tayo ngayon?” tanong ni Jen dito. “Nothing particular. Basta kung saan lang tayo aabutin,” sagot ni Racho sa kanya. “Gagi. Baka kung saan mo lang ako dadalhin ah?” patanong na biro ni Jen dito. “Of course not, sweetie. Hindi kita ipapahamak. Trust me,” saad nito. “Magiging masaya ang araw mo ngayon.” True to his word, nag-enjoy si Jen sa gala nilang magkasintahan. Kung saan-saan sila nakarating. Napadpad sila sa peryahan, naglalaro. Kumakain sa restaurant, at ito sila ngayon sa isang mall. Namimili ng kung ano-ano para sa kanya. “Okay ba?” tanong ni Jen. Nasa isang boutique sila ngayon. Nagsusukat ng damit si Jen ayon sa kagustuhan ng binata. Ayaw sana niya Kasi sobrang mahal ngunit pinilit siya ni Racho. Halos mapatulala si Racho sa babaeng nasa harapan niya. Simple lang ang damit na pinili niya para sa babae pero lumutang pa rin ang ganda nito. “Gorgeous,” tanging sagot ni Racho sa babae. “Okay na ba? Magpalit na ako ng damit,” sabi ni Jen. “No,” napa ‘huh’ na lang si Jen sa sinabi ng kasintahan. “I mean, we’ll just pay for your dress. No need to change that.” “Bilhin mo to? Ang mahal kaya,” saad ni Jen dito. “Kasi mahal din kita. Kaya kahit gaano pa yan ka mahal, bibilhin ko ito para sayo,” nakangiting wika ni Racho at tumayo pa sa kinauupuan para lapitan ang dalaga. Hindi naman nakaimik si Jen ng hawakan siya magkabilang balikat nito. Pinaharap siya dito saka hinalikan sa noo. Namula ang mukha ni Jen dahil sa nakatingin sa kanila ang mga sales lady ng boutique. “I love the dress. But I love the lady who's wearing it now,” sabi pa nito. Para namang nag rambulan ang mga bulati sa tiyan ni Jen dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi niya akalain na napaka tamis pala ng dila nito kung magsasalita. “Sus,” tanging wika niya na ikatawa ng binata. Pinaupo naman siya nito sa upuan na kina uupuan nito kanina. “Wait me here. I pay for your dress,” saad nito bago siya iniwan para bayaran ang damit na sinuot niya. Napangiwi na lang si Jen dahil alam niya na sobra sa kinse mil pesos ang damit na sinuot niya. “Ma’am, asawa mo ba yon?” tanong ng isang sales lady na naiwan sa tabi niya. “Hindi. Boyfriend pa lang,” sagot ni Jen. “Ang sweet at ang gwapo niya,” sabi nito na parang kinilig pa ito. Napangiti naman si Jen dito. “Oo nga eh,” tanging sagot ni Jen. “Paano ka niligawan non, ma’am?” chika pa ng sales lady. “Niligawan? Hindi ako niligawan non. Inangkin lang niya akong girlfriend,” nakakatawang sagot ni Jen. “Ganun?” Hindi makapaniwalang tanong nito na tinanguhan lang ni Jen. “Sana all, inangkin.” Ang lakas ng tawa ni Jen dahil sa reaksyon ng kausap. Aliw na aliw si Jen habang kausap ito dahil sa kakikayan at genuine kung kausapin mo. Hanggang sa makabalik si Racho saka pa lang natapos ang chikahan nila. “Let's go?” Tanong nito sa kanya. Sa isang kamay nito ay ang paper bag na ang laman siguro ay ang damit niya na sinuot kanina. “Okay,” sagot ni Jen at kumapit na sa sa braso nito. Kumaway pa siya sa sales lady bago sila tuluyang lumabas sa boutique. Diritso na silang lumabas ng mall at nagtungo sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya. “Saan tayo ngayon?” tanong ni Jen pagkapasok nila sa sasakyan nito. “Let's go to my place,” sagot nito. “But-” You promise me last time, sweetie,” pagpapaalala nito sa kanya. “Okay,” sagot na lang ni Jen. “Thanks,” sagot ni Racho saka hinalikan ang kamay niya. Ngumiti naman si Jen dito at hinayaan lang ang kasintahan na gawin ang nais niya. Nagsimula na itong magmaneho ng sasakyan. At dahil gabi na, mabagal ang daloy ng trapiko. Ipinikit na lang ni Jen ang mata dahil nakaramdam siya ng antok. Nagising na lang siyang buhat-buhat ng binata. “Hoy, ibaba mo ako,” sita ni Jen dito. “Later, sweetie. Tulog ka na lang ulit,” sagot nito sa kanya. “Ibaba mo ako,” sabi pa niya dito. Ngunit hindi siya sinunod nito kaya sinubukan niyang bilangan ito. “Isa.” Napa buga naman ng hangin si Racho saka ibinaba siya. “Kapag talaga ikaw ang mag-demand, hindi talaga ako mananalo sayo, sweetie.” Ngumiti naman si Jen dito at kumapit sa braso. “Sweetie, hindi mo naman kasi kailangan na buhatin ako. Pwede naman akong hawakan o kaya ako ang kakapit sayo anytime, di ba? Hmmm?” Ngumiti naman si Racho sa kanya at pinitik ang ilong niya ng mahina sa tumango-tango. Hindi naman nag-react si Jen sa ginawa ng binata dahil nagustuhan naman niya kung paano siya tratuhin nito. Saktong bumukas ang elevator kaya sabay na silang pumasok na hindi naghihiwalay. Sila lang naman ang laman ng elevator kaya solo nila ang lugar at nagagawa pa nilang mag kulitan hanggang sa makarating sila sa condo unit ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD