Chapter 2

2032 Words
Four Years Later… “Congratulations sa atin, best. Sa wakas, natapos na din tayo,” wika ni Laarni kay Jen. “Congrats, best,” tanging sagot ni Jen sa kaibigan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Jen sa araw na ito. Masaya siya na nakapagtapos na ngunit nalungkot din dahil wala man lang ni isa sa pamilya niya ang nakarating sa graduation niya. Naintindihan naman niya sa hirap ba naman ng buhay nila ng pamilya niya ay talagang walang ibang pwedeng makarating dito sa Manila. Sa layo ba naman ng Negros kung saan ang probinsya niya. Wag nang umasa na makarating pa sila. Mabuti na lang at super accommodating ang mga magulang ng kaibigan niyang si Laarni at hindi siya hinahayaang mag-isa. Parang sila ang tumayong magulang niya dahil super proud din ang mga ito sa kanya. “Congratulations, Hija,” sabay na bati ni Ethel at Ramon sa kanya. “Thank you po,” sagot ni Je. Sa mga magulang ni Laarni. “Your welcome, hija. Sana nagsabi ka na wala pala ang mga magulang ng magagawan natin ng paraan na makarating dito,” sabi ni Ethel kay Jen. “Okay lang po. Hindi nyo naman po obligasyon yon,” sagot ni Jen sa ina ni Laarni. Napangiti naman si Ethel at niyakap siya. “Hayaan mo na, pag may kailangan ka magsabi ka lang ha?” “Opo,” sagot ni Jen dito. “Buti pa at kakain na lang tayo sa restaurant bilang celebration na nakapagtapos kayo,” sabi ni Ethel. “Gusto ko yan, mom. I want to eat in some Japanese restaurant,” ungot naman ni Laarni. “Tita, I know some Japanese Resto. Let’s go there?” suggestion ni Kyre sa kanila. “Sure, Hijo. I like the idea,” sabi ni Ethel kay Kyre. Paalis na sana sila ang makaramdam ngpnunubig si Jen. Kaya nag paalam muna sya na pupunta ng comfort room. “Best, Cr muna ako.” “Sige, hintayin ka namin dito,” sagot ni Laarni sa kanya. Tanging tango lang ang sagot ni Jen at naglalakad na palayo sa kanila paramakapuntang comfort room ngunit wala bakante dahil punuan ang bawat Cr ng University nila. Kaya naisip ni Jen na sa locker room nalang nila sa varsity dahil siguradong wala namang tao doon. Nasa kanya naman ang susi noon dahil laging siya ang unang nakarating tuwing may training sila. Paliko na siya na siya patungong locker room nang may nakasalubong siyang lalaki. May dala itong bulaklak. Lalagpasan lang sana niya nang bigla na lang itong tumigil sa harap niya. Kaya napatigil din sya sa paglalakad dahil naharngan siya nito. “Excuse me po, padaan lang,” sabi niya dito. “Miss Jennifer Calijan?” tanong nito sa kanya. “Yes po?” naguguluhan na sagot niya sa lalaki. “Para sayo po,” sabi niya. At ibinigay sa kanya ang dala nitong bulaklak. “Sa akin?” turo ni Jen sa sarili. “Yes,” sabi nito at patuloy na iniumag ang bulaklak sa kanya.Nag-aalangan man ay tinanggap niya ito, “Kanino galing?” tanong niya. Ngunit tumalikod na ang lalaki matapos niyang tanggapin ang bulaklak. Hindi na nito sinagot ng tanong kaya naman ay tiningnan ni Jen ang bulaklak baka may makita siya card kung kanino galing. Ang ganda pa naman ng bulaklak na ito halatang galing sa mamahaling flower shop. Tulad ng inaasahan niya ay may card nga sa loob. Kinuha niya ito at binaasa ang nasa loob. Napakunot ang noo niya sa nakasulat nito at sa initial na hindi mahulaan kung kaninong pangalan ito. “Congratulations, sweetie. I’m so proud of you. Love, RT,” basa niya sa nakasulat ng card. Hindi niya mawari kung handwritten ba ito o hindi dahil sa ganda ng pagkakasulat nito. Napaisip talaga siya kung kanino galing ito. Wala siyang maalala na may kaibigan siyang RT ang Initial at kung bakit siya tinawag nitong ‘sweetie’. Hindi ganito ang tawag ng magulang niya sa kanya. Kaya gulong-gulo siya kung kanino ito galing. Napailing na lang si Jen at tumuoy na sa locker room. Inilagay na lang n ang bulaklak sa locker niya bago pumunta sa CR upang magbawas. Nang matapos ay muli siyang lumabas at sinarado ang locker room. Wala siyang balak dalhin ang bulaklak baka makita pa ito ng kaibigan niya at tuksuhin na naman siya nito. S Laarni pa namn ang kaibigan niya may pagkakalog at mahilig manukso sa kanila. Nang mkabalik sa pwesto ng kaibigan kasama ang magulang nito at ang boyfriend nitong si Kyre ay nag-aya na itong umalis na sila. Nakisakay lang siya sa kotse ng magulang ni Laarni papunta sa japanese restaurant na sinasabi ng boyfriend. Pag-apak pa lang niya sa restaurant ay parang may kakaiba na siyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi niya inaasahan. Halos ayaw niyang uasok ngunit hinila na siya ang kaibigan niyang si Laarni. “Let’s go, best. Masarap kumain pag libre,” sabi nito sa kanya. Napailing na lang siya at nagpaakay na sa dalaga.Hinayaan ni Jen na sila ang om-order ng pagkain nila. Wala naman siyang pambayad kaya naman ay hindi na nakialam pa si Jen. “Anong sayo, Hija?” tanong ni tita Ethel sa kanya. “Kahit ano lang po,” tanging sagot niya. “Okay, sige.” sagot nito. Di nagtagal ay dumating ang order nilang mga Japanese food. Isa-isang inilapad ng waiter ang mga pagkain nila. Hindi na tininggnan ni Jen ang waiter dahil busy siya sa cellphone niya. Tumawag kasi siya sa bahay nila sa Negros dahil nangangako siyang tatawag sa mga ito pagkatapos ng graduation nila. Muntik pa nga niya ng akalimutan na tatawag siya sa bahay kung hindi nag text ang kapatid niyang si Aife.Hanggang sa matapos ito sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa nila. “Enjoy your food, ma’am, sir,” sabi ng waiter. Saka pa lang nag-angat ng tingin si Jen sa waiter. Halos mamula ang mukha niya ang mapagtantong sa kanya ito nakatingin. Mairin itong nakatingin s kanya. Sobrang tangkad nito at may itsura na Japanese ngunit hindi maipagkakaila na may may lahi itong filipino. Ang gwapo nito at sbrang familiar sa kanya. Indi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita. Pakiramdam niya ay bigla siyang kinakabahan kaya nag baba na lang siya ang tingin. Hindi na niya napansin ang biglang pagngisi ng lalaki. Mabuti na lang at nagsasalita si Kyre a siyang nakilala sa lalaki. “Bro, naubusan ka ba ng waiter at ikaw na mismo ang nag-serve?” may pagka-pilosopong tanong ni Kyre sa lalaki. “Nag-change career na ako ngayon, bro. Waiter na ako ngayon,” sagot nito na tumatawa pa. “Dami mo namang career,” sagot ni Kyre. Natawa naman ang lalaki sa sinabi ni Kyre. Halos silang lahat sa table ay nakamata lng sa dalawang binata nanag-uusap. “Hindi mo ba kami ipakilala sa kaibigan mo, Hijo?” singit ni Ethel sa usapan ng dalawa. “Tita, this Mr. Tahamashi, ang may-ari ng restaurant na ito,” sagot ni Kyre sa tanong ni Ethel. “Ganun ba? Hello, Mr. Tahamashi. It’s nice meeting you,” eika ni Ethel sa lalaki. “It’s not to meet you too, madam,” sabi naman ni Mr. Tahamashi. “Why don’t you join us?” nakangiting alok ni Ethel dito. “Sure,” sagot nito at umikot sa likod ni Jen. Laking gulat ni Jen sa tabi pa talaga nito ito umupo. Hindi naman siya makaangal dahil wala naman siyang karapatan na wag itong paupuin kasama nila dahil tulad nito ay inimbitahan lang din siya para makasama sa dinner na ito. Tahimik na lang siyang kumain dahil hindi naman siya maka-relate sa topic ng mga ito. “Here, eat this. You’re too skinny. Masyado mo tinipid sarili mo,” sabi ni Mr. Tahamashi sa kanya. “Ganito na talaga ang katawan ko, kahit anong kain ko pa. Saka ano naman sayo kung skinny ako? At least, hindi ako mataba tulad ng ba dyan,” bwelta naman ni Jen sa lalaki. Parang wala lang sa lalaki ang sinabi niya at nilagyan pa siya pagkain sa plato niya. “Hoy! Hindi ko mauubos yan,” reklamo ni Jen. “Just eat slowly. Pasasaan ba at maubos ko din yan,” wika naman nito. Napailing na lang si Jen at sumubo ng pagkain. Saka lang niya na-realize na nakatingin lang sa kanila ang mga kasama niya sa table. Nakita pa niya ang mapanuksong tingin ni Laarni sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin na siyang tinawanan lang nito. “So, Mr. Tahamashi, aside from being the owner of this Japanese resto, what else did you do?” curious ni Ramon sa binata. “Well, I do drive a plane,” kaswal na sagot nito sa tanong ni Ramon. “Really? Wow,” na-amaze na wika ni Ethel. “And he has own plane too,” pambibida ni Kyre. “Makakalibre pala tayong sakay nito kapag uuwi tayo sa inyo, best,” bulong ni Laarni sa kaibigan. Na siniko lang ni Jen. “Tumahimik ka nga,” ganting bulong ni Jen dito. Napa Bungisngis lang si Laarni sa kaibigan. Napailing na lang si Jen ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos sa pagkain si Jen ay tahimik lang siyang nakaupo sa upuan niya. Hindi pa kasi tapos ang usapan ng mga kasama. Tungkol pa rin sa business kaya hindi pa rin siya maka relate. Kung volleyball lang siguro to ay baka kanina pa siya sabat ng sabat pero dahil wala namang siyang alam ay tahimik na lang siya sa tabi. “Are you bored?” tanong ni Mr. Tahamashi sa kanya. “No. Hindi naman,” sagot niya ngunit mukhang traydor talaga ang katawan niya at napahikap pa siya. Natawa tuloy si Mr. Tahamashi sa kanya. “Your body say it's all, sweetie,” bulong nito sa kanya at dumukwang pa sa kanya na nagpatindig ng balahibo niya. Biglang nag-echo sa isipan ni Jen ang sinabi ng estranghero sa kanya apat na taon ang nakaraan. “Sweetie, you are mine from this moment. So, enjoy yourself for now because by the time that I see you again, I will claim what's rightfully mine.” Napa Kurap-kurap si Jen ng maalala ang eksenang yon. Parang narinig pa niya ang boses ng lalaking iyon. Napailing-iing iling na lang si Jen. Mukha namang walang kilala ang lalaking yon sa lalaking ito. “Ah, CR muna ako,” paalam ni Jen sa mga kasama. Umilag pa siya upang hindi maglapat ang mga katawan nila ni Mr. Tahamashi. Mabilis siyang tumayo at maglalakad sana pakanan nang tawagin siya ni Mr. Tahamashi. “Bakit?” tanong ni Jen dito. “The comfort room is in there,” sagot nit sabay turo sa kaliwang bahagi ng restaurant. “Ah, okay,” sagot na lang ni Jen at bumalik sa dinaan para makapunta doon sa sinasabi nito. Hiyaang hiya saya sa nangyari na parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa. Mabuti na lang at agad niyang nakita ang CR na tinutukoy nito. Agad siyang pumasok sa isa sa mga cubicle na narito. Walang tao kaya malaya siyang makapili. Ang totoo, hindi naman talaga nakaramdam ng panunubig. Hindi lang talaga niyama-take ang presensya ng lalaking katabi niya kanina. Mga ilang minuto pa ang tinagal niya sa loob bago niya naisipan na lumabas na. “So, you are just meditating here?” Nagulat pa si Jen nang may nagsasalita sa gilid niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya pagkatapos noon. Napatingin pa siya kaliwa at nakita niyang nakasandal lang si Mr. Tahamashi habang nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Balak mo bang patayin ako?” Bwelta niya sa lalaki. “Tutubuan ako ng sakit sa puso dahil sa ginawa mo.” “Of course not. Hindi ko pa nakuha ang dapat sa akin,” sabi nito sa kanya. “Ano?” naguguluhan tanong ni Jen. “This,” wika nito at walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa labi. Hindi nakapalag si Jen sa ginawa ng lalaki. Nais niyang humiwalay ngunit mas diniin siya nito sa dingding. Kaya wala nang magawa si Jen kundi ang hayaan na lang ito. Napapikit na lang si Jen dahil sa sensasyong dulot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD