Kapwa sila hinihingal matapos ang halikang yon. Hindi makapagsalita si Jen sa nangyari. First time niyang may humalik sa kanya ng ganun at sa labi pa talaga. Hindi niya alam kung sasampalin ba niya ang lalaki o hindi. Mas pinili na lang niyang itulak ang lalaki para makadaan siya ngunit hindi siya pinagbigyan nito.Sa halip ay pinagdikit pa nito ang mga noo nila.
“Sweetie, I want to taste more of you. You lips is to sweet,” bulong nito sa kanya na apgpatindig ng mga balahibo niya.
“Oo na lang. Kaya paadaanin mo ako,” sagot ni Jen.
“Alright,” wika nito. Akala niya papadaanin siya nito ngunit hindi ito gumalaw sa pwesto nito kaya muli siyang napakunot ng noo..
“Did you forget what I said before? The moment I see you again I’m going to claim what’s mine. So from now own you are mine,” wika nito at muling inangkin ang labi niya. Tumagal pa ang ilang minuto ang halikan nila bago siya muling pinakawalan.
Tinulak niya ito. This time ay hinayaan na siya ng binata. Kaya naman ay mabilis siyang umalis mula sa pagka sandal sa dingding at dali-daling lumabas sa Cr. Pinagmasdan na lang ni Racho ang dalaga habang papalabas sa comfort room. Mabuti na lang at walang ibang pumasok sa CR baka may makakita pa ginagawa nila.
Samantalang pulang-pula si Jen habang pabalik sa upuan nila. Ngayon na lang niya napagtanto na ang lalaking nakausap niya noon sa opisina ng principal nila at ang lalaking may-ari ng restaurant na ito ay iisa. Parang gusto tuloy niyang magpalamon sa lupa dahil hindi niya agad nakilala ito. Napainom tuloy siya ng tubig matapos makabalik sa mesa nila.
“Best, okay ka lang? Bakit pang hinabol kanang multo?” tanong ni Laarni sa kaibigan niya.
“Okay lang ako, best. Nauuhaw lang. Hindi kasi ako nakainom ng tubig bago pumunta ng CR,” sagot niya na tuyong-tuyo ang lalamunan.
“Okay,” tanging sagot ni Laarni at hindi na nagtanong pa.
Saktong pag-inom nya muli ng tubig ang siyang pagdating ng lalaki kaya nasamid si Jen sa inimum niya. Nagulat pa ang lahat ng bigla na lang siyang punasan nito ng panyo.
“Are you okay?” tanong ng lalaki sa kanya.
“Oo, okay lang ako. Salamat,” sagot ni Jen saka kinuha ang panyo.
“You sure?” tanong pa nito. Tumango na lang siya at mukhang hindi siya titigilan nito hanggat hindi niya sinabing okay lang siya.
“Alright, since narito na rin lang kayo, I think we have to go na?” tanong ni Ethel.
“You're right, Tita. Para makapag pahinga na rin itong mga bagong graduate natin,” sabi ni Kyre at itinataas ang kamay para siguro kunin ang bill pero pinigil ito ni Mr. Tahamashi.
“It’s in the house, bro. Don’t worry about i,” sabi nito.
“You sure, bro?” tanong ni Kyre.
“Yes,” tanging sagot nito.
“Thanks, bro,” sagot ni Kyre at tinapik sa balikat ito.
Tango lang ang sagot nito. Kanya-kanyang paghahanda na sila upang makaalis na sila sa restaurant. Nang akmang aalis na ang lahat ay bigla na lang nagsalita si Mr. Tahamashi. Kaya napatingin ang lahat sa kanya.
“I’ll be the one who will bring Jen home,” sabi nito.
“Ah, hindi na may masakyan pa naman ako. Di ba, best?” tanong ni Jen kay Laarni.
Sumenyas pa sya sa kaibigan na saklolohan siya. Akmang magsasalita naman si Laarni nang maunahan siya ni Kyre.
“Sure, bro. Just drop her in tita Ethel’s house,” sabat ni Kyre.
“Ano?!” Nanlalaki ang mga mata ni Jen ng sabihin yon ni Kyre. “Best, diba sabay ako sa inyo?”
“May pupuntahan pa ka after this,” si Kyre pa rin ang sumagot.
“Parang wala naman ah?” Sabat din ni Laarni. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang kaibigan. Baka tuluyan itong sumama ang loob sa kanya.
“Meron. Let's go, sweetie,” wika ni Kyre at inakay na si Laarni palabas.
“Best…” tawag ni Jen sa kaibigan ngunit hindi na ito nakalingon pa sa kanya. Pinalubo na lang ni Jen ang magkabilang pisngi niya.
“Alright, mauna na rin kami. Since may maghahatid naman sa iyo, hija,” sabi ni Tita Ethel kay Jen.
“Ah, tita, baka pwedeng sa inyo na lang ako sasabay,” pakiusap ni Jen.
“As much as we want to. Baka sasama ang.loob nitong si Racho. Nilibre pa naman tayo ng pagkain baka mamaya singilin tayo bigla,” sagot ni Ethel sa kanya na hindi niya alam kung nagbibiro o nangugunsensya ba.
“Okay po,” tanging sagot na lang ni Jen.
“Okay, una na kami. Hijo, please take care of her,” bulin ni Ethel sa lalaki.
“Of course, tita,” sagot nito.
Tumango lang ang mag-asawa at nauna ang lumabas sa restaurant. Hinatid na lang ito sa tingin ni Jen. Saka napailing-iling.
“Let's go?” tanong sa kanya ni Mr. Tahamashi. Napatingin naman si Jen dito at umiling.
“Kahit wag mo na akong ihatid. Kaya kung mag-commute.” Wika niya at nagsimula ang maglakad. Hindi na niya pinansin pa ang lalaki.
“Hey, wait!” sigaw nito sa kanya.
Ngunit tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya sa restaurant. Diretso siya sa kalsada para makahanap ng masakyang jeep na papunta sa bahay nila Laarni.
Saka lang niya na-realize na wala pala siyang pamasahe dahil nasa sasakyan ni Kyre ang mga gamit nito. Pinatid na lang niya ang maliit na batong nakita niya sa daanan.
“Buhay nga naman oh,” monologue niya sa sarili.
Nagulat na lang siya ang biglang may bumusina sa tabi niya. Nakita niyang lumabas si Mr. Tahamashi sa driver's seat at umikot sa kabila. Binuksan niya ito saka humarap sa kanta.
“Come, I bring you to where you want,” sabi nito sa kanya.
Gustuhin man ni Jen na mag-inarte ay pinili na lang niyang aumakay. Baka magbago ang isip nito at hindi siya ihatid. Baka lakatin niya ang kahabaan ng kalsada para lang marating ang bahay ng kaibigan niya.
“Thank you,” tanging wika niya sa lalaki.
“Welcome, sweetie,” nakangiting wika nito.
Napailing na lang ai Jen at hindi na magsalita pa. Hindi na niya pinapansin kung anong tawag nito sa kanya. Baka mga lahat ng babae nito ay ‘sweetie’ ang tawag.
Agad nitong sinarado ang pinto sa side niya at bumalik sa driver's seat. Tahimik lang si Jen at nagtingin-tingin sa labas ng sasakyan.
Paglingon niya sa gawi ng binata ay laking gulat niya na nasa harap na niya ang mukha nito. Muntik pang maglapat ang mga labi nila kung hindi siya nakaurong.
“Anong ginagawa mo?” Nauutal na tanong niya sa lalaki.
Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay pinaglakbay nito ang mga daliri sa mukha niya.
“You really have the beautiful face, pointed nose, kissable red lips,” mahinang wika nito sa kanya na nagpatindig ng balahibo niya. Sinubukan niyang umurong ngunit hindi siya nito binagyan ng pagkakataon.
“Mr. Tahamashi-”
It's Racho for you, sweetie,” putol ni Racho sa sasabihin ng babae.
“Okay, Racho-”
Naputol ulit ang sasabihin niya ng tuluyang tawirin ni Racho ang pagitan nila. Nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa ang lalaki. Hindi siya makaimik ar mukha na nararamdaman ng lalaki na hindi siya gumalaw kaya kinagat nito ang ibabang labi niya dahilan upang mapasinghap si Jen.
Agad naman itong kinuhang pagkakataon ni Racho at ipinasok ang dili nito sa loob. Kaya napapikit na lang ai Jen at sinabayan kung ano ang ginawa nito kahit na hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya.
“Sweet,” wika nito matapos putulin ang halik.
Namumulang napabitaw si Jen mula sa batok ng lalaki. Hindi niya namalayan na napahawak pala siya sa batok nito habang naghahalikan sila. Muli siyang napaurong nang akala niya ay hahalikan muli siya ng binata.
“I'm just going to fasten your seatbelt,” anas nito na nagbibigay kiliti sa tainga niya.
“Ah, okay,” sagot niya at napakurat kurap pa siya.
Umayos lang siya ng upo matapos bumalik si Racho sa upuan nito. Wala siyang maisip na sasabihin kaya tumahimik lang siya sa pwesto niya.
“When do you want to go back to your province?” maya-maya ay narinig niyang tanong nito.
“Pag may pamasahe,” sagot niya.
“I can drive you there,” suggestion nito. Napataas na lang ng kilay si Jen. Kaya natawa ito. “What? I have my own place to bring you there.”
“Huh! Thank you na lang pero hindi na kailangan,” sagot ni Jen.
Nagkibit balikat na lang si Racho at di na nakipag-argumento pa. Kaya hindi na rin nagsasalita pa si Jen. Hinayaan na lang niya mag-drive ang lalaki. Hanggang sa makarating sila sa bahay ng kaibigan niya na walang salitang namagitan sa kanila.
Akmang lalabas siya nang pigilan siya ang lalaki. “Bakit?”
“May I have your phone?” sabi nito sa kanya at nilahad ang palad nito sa kanya.
“Bakit?” naguguluhan tanong nito.
“Just give it to me,” ulit nito. Kaya wala nang magawa si Jen kundi ibigay ang cellphone niya. “Password.”
“369085,” sabi na lang niya.
“Ang dali namang tandaan ng password mo,” kommento nito.
“Bakit alam ba nila na yon password ko?” balik tanong naman ni Jen.
Nagkibit balikat lang ito at hindi na nagkomento pa. Ipinagpatuloy lang nito kung anong pinaggagawa nito sa cellphone niya. Di nagtagal ay narinig niyang tumunog ang cellphone nito ngunit saglit lang. Agad din niyang pinatay ito.
“Here, thank you, sweetie,” sabi nito at ibinalik sa kanya ang cellphone niya.
“Sige, baba na ako,” sagot ni Jen sa lalaki. “Salamat sa paghatid.”
Hindi na siya pinigilan pa ang lalaki. Kaya malaya siyang makalabas sa sasakyan nito. Hindi na siya nag-abala pang lingonin ito kung nakaalis na ba o hindi. Basta na lang siya pumasok sa bahay ng kaibigan niya ang pagbuksan ito ng kasambahay nila.