Four Years Ago…
“Anak, bakit ikaw na naman ang nag-aasikaso ng mga ito? Nasaan si Dodong?” sita ni Milagros sa anak na si Jennifer.
“Nay, okay lang naman. Wala naman akong ginagawa,” sagot ni Jen sa ina niyang kagagaling lang sa tubuan.
“Aba, kaya namimihasa yang mga kapatid mo dahil ikaw lahat ang gumawa ng mga gawain,” wika naman ni Milagros.
“Hayaan mo na, nay. Mga bata pa naman yon,” rason no Jen.
“May bata bang mas malaki ang katawan kaysa katawan mo?” sabi pa ni Milagros kay Jennifer.
“Nay, okay lang naman. Kaya ko naman. Saka, yakang-yaka ko namang huhatin kahit dalawang balde na to,” sagot ni Jennifer.
“Ewan ko sayong bata ka. Pasok ka na pagkatapos mo dyan. Para makapag pahinga ka na rin,” wika pa ni Milagros.
“Opo, nay. Last na to,” sagot ni Jennifer.
Tumango lang si Milagros at naunang pumasok sa loob ng maliit nilang bahay. Samantalang si Jennifer ay pinagpatuloy ang pagpapainom ng mga baka.
Ganito naman talaga ang gawain niya pagdating ng hapon at pagkagaling sa skwelahan. Wala naman ibang pwedeng gagawa noon kundi siya lang. Pagod na ang nanay at tatay niya sa maghapon nagtatrabaho sa tubohan. Siya ang panganay kaya siya ang naatasan sa mga gawaing bahay. Hindi rin naman pwede na iaasa sa mga kapatid ang mga gawaing bahay dahil kapag sila lang ang hahayaan niyang gagawa noon ay walang matinong matatapos ang mga ito.
Nang matapos painumin ang mga baka at masigurong nasa ayos na ang mga pwesto nla ay saka palang pumasok sa bahay si Jennifer. Naabutan niyang pinagsabihan ng nanay Milagros niya ang mga kapatid dahil hindi man lang nakapag saing.
“Hindi man lang kayo nakapag saing man. Paano na lang kung wala na ang ang kapatid nyo dito. Ano na lang ang kakainin nyo na ultimo hindi nyo magawa?” sermon pa ng nanay nila.
“Hindi naman yan mawawala sa atin dahil walanaman yang ibang mapupuntahan kung kundi dito lang din,” sagot ng kapatid niyang Dodong.
Isang taon lang ang agwat niya sa kapatid niyang ito. At kung maka asta ay parang ito ang panganay sa kanila. Wala itong ibang ginawa kundi ang utusan siya ng utusan. Siya naman ay walang magawa kundi sundin ito dahil mabigat ang kamay nito. Mabilis ang kamay nitong manakit ng mga kapatid. Kaya hanggat maari ay si jen na lang ang sasalo sa mga utos nito na para sana sa mga tatlo pa niyang nakababatang kapatid upang wala nang masaktan pa.
“Aba’t sasagot ka pa. Wag mong hintayin ang araw na tuluyang mawala ang kapatid o dto ago mo ma-realize ang mga maling ginawa mo,” sermon pa ng nanay nila.
Hindi na lang ito pinansin pa n Jennifer at diretso na lang sa kusina para siya na lang magsaing upang matigil na rin ang ingay nila. Agad namang sumunod ang isa pa nyang kapatid sa kusina para tulungan siya sa ga gawain sa kusina.
“Ate, ako na magsaing,” pag-volunteer nito sa kapatid ni Aife sa nakakatandang kapatid.
“Sige, Fe. Isalang ko lang tapos bantayan mo ha?” sagot ni Jen sa kapatid niya.
“Opo,” sagot ni Aife.
Matapos isang ng kaldero sa apuyan ay hinayaan na niyang kapatid na siyang magbabantay nito. Pumunta siya sa likod bahay upang manguha ng mga gulay para may sabaw siya mamayang hapunan. Nanguha siya ng dahon ng malunggay at saluyot. Pat na rin ang nakikita niyang ilang pirasong talong. Nang matapos ay bumalik siya sa kusina at sinimulang himayin ng nakuha niyang mga gulay.
Saktong natapos sa pagsaing ang kapatid kya siya naman ang pumalit upang lutuin na ang mga gulay. Laswa Na gulay lang naman ang gagawin nya kaya madali na lang. At pagkatapos ay nag-prito na rin siya ng tuyo pamares sa gulay na nito niya. Saktong dumatng ng tatay niya matapos niyang maluto ang gulay at tuyo kaya naman ay diretso na silang maghapunan.
“Nay, tay, may sasabihin po sana ako,” mahinang sabi ni Jennifer sa magulang.
“Ano yon, anak?” curious na tanong ni Milagros sa anak.
“May school po sa Manila na nag-offer po sa akin ng scholarship,” mahinang sagot niya.
“Sa Manila? Huh! Gagasto kalang doon,” sabat naman ni Dodong.
“Anong scholarship naman yon anak?” tanong ni Gary sa anak na hindi pinapansin ang sinasabi ni Dodong.
“Varsity po, tay. Pero hindi pa naman sur kung makakapasok kasi sabi need ng mag-tryout,” sagot ni Jennifer.
“Ang tanong, makakapasok ka kaya?” may pag-uuyam na sabat ng kapatid niya na si Dodong.
Ewan ba ni Jen kung bakit mainit ang dugo ng kapatid niyang ito sa kanya. Wala naman siyang matatandaang may ginawa siya dito. Kaya kung bakit mainit ang dugo nito sa kanya ay hindi niya alam. Hindi na lang niya to pinatulan pa para wala ang gulo.
“Sige, anak. Kung ano man ang nais mo. Nandito lang kami susuporta sayo,” sabi naman ni Milagros.
“Ano? Papayagan nyo yang aalis dito?” pag-alma ni Dodong. “Sino na lang ang mga gagawa ng gawain dito kung papayagan nyong aalis yan?”
“Dodong, mag-tryout pa lang naman. Hindi pa sigurado kung makapasa siya hindi,” sagot ni Gary sa anak. Napailing naman si Dodong sa sagot ng ama.
“Nagsasayang ka lang ng oras non,” sabi pa nito.
Hindi na lang ito pinansin pa ang mag-asawa at sinabihan si Jen na ipagpatuloy lang nito kung ano ang gusto nitong mangyari. Nakangiting tumango naman si Jen sa sinabi nang ina.
“Salamat, nay, tay. Pangako, gagalingan ko po. Hindi ko po kayo bibiguin,” sabi naman ni Jen.
“Tsk,” narinig pa niyang wika ni Dodong.
Hina na lang ito pinansin ni Jen dahil sobrang saya niya na pinayagan siya ng magulang na mag-try out para sa varsity scholarship na iyon. Sigurado naman siyang hindi siya mapahiya dahil alam naman siya sa larong volleyball. In fact ay isa siya sa mga players na pinapadala ng school para sa regional competition. Hindi nga lang sila pinalad na makaabot sa national. Ganun pa man ay malaking achievement na sa kanila ang maiuwi nila bronze medal.
******
Kinabukasan ay maagang nagising si Jen. Aalis siya ngayon may klase pa sia kaya naman ay kailangan niyang asikasuhin ng bahay bago siya aalis dahil walang ibang pwedeng gagawa non kundi siya lang. Nagluto siya ang agahan, naglilinis ng bahay, at nang matapos ay saka niya nya dali daling ayusin ang sarili dahil mali-late na siya ang pasok sa paaralan.
“Nay, tay, alis na ako. Kao na ang bahala dito. Tapos na akong magsaing.” Sigaw ni Jen habang nag tatakbo sa labas ng bahay nila. Hindi na nito iniinda ang tawag ng tatay niya para sa baon niya. Diretso siya sa eskwelahan nila at saktong pagpasok pa lang niya sa classroom niyaay sinalubong siya ang class president nila.
“Jen, tawag ka ni principal sa office niya,” sabi nito sa kanya.
“Bakit daw?” tanong n Jen.
“D ko alam. Bsta ang sabi pag dumating ka raw ay diretso ka na sa opisina niya.” sagot nito.
“Sige, punta na ako doon,” sabi na lang ni Jen at niagay sagit ang bag niya sa upuan niya.
Wala naman siyang iportante bagay a loob maliban sa mga notebook at papel kaya lang na iwan niya. Hindi naman nakikialam ang mga kaklase niya ang mga bag ng iba ay okay lang na maiwan. Muli siyang lumabas sa silid at pumunta sa principal’s office. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto.
Nadagnat niya ang principal na may kausap pa sa loob. Hindi lang isa kundi dalawa pa. Hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng mga ito dahil nakatagilid sila. Ganun pa man ay pinili niya na magpaka-formal.
“Good morning, sir. Pinatawag mo daw ako,” sabi ni Jen.
“Good morning, Miss Calijan. Have a seat,” sagot ng principal nila.
Napatigin si Jen sa bisita ng principal nila na nasa kabilang upuan lang. Tumingin din ang isa sa kanya at sininyasan siyang umupo sa kabila. Medyo may edad na ito at parang japanese ang features nito.
Napalunok si Jen at naglalakad patungo sa upuan na katapat lang ng dalawang bisita. Pag-angat niya ang tingin sa kaharap ay para siyang namaligno dahil sa sobrang gwapo ng kaharap niya. May pagka japanese din ito pero parang may halong pinoy.
Sa tandya niya ay nasa early 30’s na ang lalaki. Halatang alagang-alaga nito ang katawan dahil maskuladong mga braso nito. Makinis ang balat, matangos ang ilong. Wala yatang pangit sa katawan nito.
Napabalik lang siya sa realidad ng muling magsalita muli ang principal nila. Napa Kurap-kurap siya at napailing-iling pa upang mawala sa imahinasyon niya ang lalaki.
“Miss Calijan, pinatawag kita dahil sa scholarship na possible mong mapasokan,” sabi ng principal kay Jen.
“Ano po ang tungkol dyan, sir?” naguguluhan na tanong Jen.
“I received a call from the school and you're automatically added to their varsity scholarship grant. Congratulations,” masayang bati ng principal sa kanya.
“Talaga po? Hindi na kailangangang mag-try out?” pagka-klaro ni Jen. Kapag kasi magiging part ka ng scholarship ay kailangan mong mag-comment bilang isang varsity player ng school na papasokan niya.
“Yes,” wika ng principal nila at may ibinigay sa kanya. “Here's the condition and benefits of your scholarship grant. Read it carefully and if that's okay with you,sign it.”
“Okay po,” sagot ni Jen at halos mapatalon siya sa tuwa.
“You may now go,” wika ng principal sa kanya. Tumayo si Jen para sana makaalis ngunit tumayo din ang dalawang nasa harap niya.
“Congrats, Miss Calijan,” bati sa kanya ang mas matandang lalaki.
“Thank you po,” tanging sagot ni Jen dito.
“Congrats,” wika din ng isa pa at inilahad ang palad sa kanya na para bang nakipag-handshake.
Tinanggap naman ito ni Jen bilang respito ngunit na lang siyanang bigla siyang hilain nito palapit sa lalaki. At mas lalo siyang magulat sa ibinulong nito sa kanya.
“Sweetie, you are mine from this moment. So, enjoy yourself for now because by the time that I see you again, I will claim what's rightfully mine.”
Yun lang at binitiwan na siya nito na parang wala lang nangyari. Namumulang yumuko na lang si Jen at deritsong lumabas sa principal’s office at hindi na nagtangkang lumingon pa. Hanggang sa nakabalik siya sa classroom niya ay parang nag-echo pa rin ang sinabi ng lalaki kani-kanina lang.
“Baliw yata yon, ni hindi ko nga siya kilala tapos sa kanya ako? Nagpapatawa yata siya,” naiiling na wika ni Jen sa sarili. “Adoy, bakit ko ba problemahin yon eh, hindi ko na rin naman siya makikita pa.”