“Anak! Buti naka uwi ka?” salubong ng nanay ni Jen nang umuwi siya ng Negros kasama ang kaibigan niyang si Laarni at si Racho na akala mo buntot niya at sunod ng sunod kung nasaan siya.
Ang totoo, wala naman sana siyang plano na umuwi ngunit mapilit ang kaibigan dahil minsan na lang daw makakahanap ng chance na umuwi at ng malaman ng jowa nito at ni Racho ang plano nila ay nagpumilit ang mga ito na sumama pero ang nangyari ay si Racho lang ang natuloy dahil may biglang conference ang boyfriend ng kaibigan niya.
“Mano po, nay, tay. Kumusta kayo?” Bati ni Jen sa magulang at nagmano sa kanila.
“Okay lang, nak. Pasensya na nak, hindi kami nakarating sa graduation mo,” hinging paumanhin nito.
“Okay lang yon, nay. Saka narito na ako. Hindi nyo na kailangan pumunta doon,” sabi naman ni Jen. “Nga pala nasaan ang mga kapatid ko?”
“Nasa kusina tinulungan ang tatay nyong magluto,” sagot nito sa kanya.
“Si Dodong, hindi na rin ba umuwi dito?” tanong ni Jen.
“Hayaan mo ang kapatid mong iyon. Malaki na yon,” sagot ng nanay niya.
Nalungkot naman si Jen sa balita. Matapos niyang umalis papuntang Manila para mag-aral ay umalis din ang kapatid niya. Masyado daw paborito si Jen ng magulang at hinayaang makaalis ng bahay nila. Tapos sila nabulok lang sa probinsya nila.
“Nga pala nay, tay, si Laarni, best friend ko at si Racho-”
“Hello, tita, tito, I'm Racho, Jen’s boyfriend,” putol nito sa pagpapakilala niya sa magulang.
Napaubo si Laarni at parehong nanlalaki ang mga mata ni Jen at ng nanay niya. Napa Bungisngis ang mga kapatid niya na nasa likod lang ng magulang.
“May boyfriend kana, anak?” hindi makapaniwala na tanong ng tatay niya.
“Ahm-” sasagot sana si Jen nang muli itong putulin ni Racho.
“Yes po. I'm her boyfriend. Right, sweetie?” tanong sa kanya ni Racho at inakbayan pa siya sa tiningnan siyang maigi. “Hmm?”
Pinaningkitan niya ito ng tinging ngunit parang wala lang dito ang awra niya. Sa halip ay mas hinalikan siya nito sa noo sa harap mismo ng magulang at mga kapatid niya.
“I love you, sweetie,” wika pa nito na mas lalong nagpalaki ng mga mata niya.
Narinig pa niya ang impit na hagikhikan ng mga kapatid niya at ni Laarni. Kaya hindi na lang siya nag react pa. Bagay na ikatuwa ng lalaki. Inismiran na lang niya ang lalaki.
“Oh, s’ya, pasok kayo. Sana nagsabi kayong darating kayo pa makapaghanda naman kami. Hindi pa naman kami nKa pamalengke,” sabi ni Milagros.
“Don’t worry, tita. We buy something before coming here,” sagot ni Racho sabay abot ng basket na punong-puno ng groceries.
Napailing na lang si Jen. Halatang pinaghandaan ng lalaking ito ang pagpunta nito sa probinsya nila.
“Nako, nag-abala ka pa, hijo. Pero salamat dito,” naluluhang wika ng nanay ni Jen.
Parang alam na agad ni Jen kung bakit ganun ang reaksyon ng nanay niya. Malamang kinapos na naman ito sa budget. Bagay na ikinalulungkot niya.
Simula kasi noong nagtapos siya ay hindi pa siya nakapag padala ng pera. Wala na kasi siyang allowance na nakukuha sa pagiging varsity niya dahil tapos na siya at hindi pa nagsisimula ang pro volleyball career niya.
Kaya wala siyang maibigay sa pamilya niya ngayon. Napa buntong hininga na lang si Jen na agad napansin ng lalaki.
“What's with the deep breath?” tanong nito sa kanya.
“Wala,” tanging wika ni Jen saka naisipan sundan ang nanay niya sa kusina. “Upo muna kayo sa upuan. Pasensya na gawa sa kahoy lang ang mga upuan namin dito.”
“It's okay, sweetie. There's nothing wrong with the chair,” sanlala ni Racho sa kanya at nauna ang umupo doon.
Hindi na lang ito pinansin ni Charlie at binalingan si Laarni. “Best, diyan ka muna ha? Tulungan ko lang si nanay sa kusina. Feel at home.”
Yun lang at diretso na siya sa kusina. Naabutan niya si Aife at ang nanay na hinalughog ang laman ng basket.
“Nay,” tawag niya sa nanay niya.
“Oh, anak. Bakit narito ka? Asikasuhin mo na lang ang mga bisita mo,” utos ng nanay sa kanya.
“Hindi, nay. Okay lang naman sila. Kaya na nila sa sarili nila,” sagot ni Jen dito.
“Anak, pasensya ka na, ha? Pabigat lang talaga kami sayo,” sabi ni Milagros sa anak.
“Nay, hindi. Swerte nga ako at ikaw ang nanay ko. Nagawa ko kung ano ang mga pangarap ko,” sagot ni Jen at niyakap ang ina mula sa likod. “Hayaan nyo, nay. Ngayong tapos na ako, ipaparanas ko sa inyo ang maginhawang buhay. Hindi man kasing gaan ng buhay na meron ang mga mayamang tao pero pangako hindi na tayo mahihirapan pa.”
“Salamat, anak. Salamat,” naluluhang ni Milagros. “Sana wag dumating ang araw na tinalikuran mo kami.”
“Nay, kahit anong mangyari, di ko kayo tatalikoran,” madamdaming sabi ni Jen sa ina.
“Sinasabi mo yan, ha? Paghahawakan ko ang sinabi mo,” sabi pa ni Milagros sa anak.
“Nanay talaga parang sure na sure na talikuran ko kayo,” natatawa na wika ni Jen. “Oh, s’ya, ano bang gagawin nyo at nang matulungan ko kayo.”
“Ano bang luto ang kinakain ng kaibigan at ng boyfriend mo?” tanong ni Milagros sa anak. Palihim na lang napairap si Jen sa sinabi ng ina tungkol kay Racho.
“Di naman sila mapili, nay. Kahit ano kinakain nila,” sagot ni Jen kahit hindi sure kung tama ang sagot niya tungkol sa lalaki.
Kay Laarni sigurado siyang kakain yun ng kahit ano kasi nakakasama na niya ito ng matagal at nakikita niyang hindi ito maarte. Ewan lang niya sa lalaking kasama nila.
“Sige mag luto na lang ako ng adobong manok at nilagang manok. Mamaya mag dakip si tatay mo para may ulam tayo. Sa ngayon ay gawan mo natin ng meryenda ang mga kasama mo,” sabi ni Milagros sa anak.
“Sige po,” sagot ni Jen.
“Sige, sigurado kang si mo muna balikan ang mga kasama mo? Kaya na namin dito,” paninigurado ni Milagros.
“Opo, nay. Alam naman nila kung saan ako hanapin,” sagot ni Jen.
“Sige, ito na lang balatan mo para mapadali. Gawin nating kamote que yan,” utos ni Milagros dito at inilapag sa harap niya ang mga kamote na kailangan niyang babalatan.
Agad naman itong sinunod ni Jen. Matapos balatan ang lahat ng kamote ay siya na rin ang nag-chop at naghugas nito. Si Milagros na ang nagsalang nito sa kawali.
Samantalang si Jen ay bumalik sa sala pa tingnan kung ano nang nangyari sa mga kasama niya. Ngunit si Laarni lang ang nadagnat niya doon.
“Best, asan si Racho?” tanong ni Jen dito.
“Oi, pumasok ka lang sa kusina pagbalik mo si Mr. Tahamashi na pinghanap mo?” tukso ni Laarni sa kaibigan.
“Gagi, tiningnan ko lang kung buhay pa yon,” bwelta naman ni Jen. Natawa ai Laarni dito.
“Lumabas siya, best. Magpahangin daw,” sagot ni Laarni.
“Ah, okay, ikaw hindi ka ba magpapahinga? Alam kung pagod ka sa byahe,” wika ni Jen sa kaibigan.
“Pwede? Pero hindi pa naman ako pagod,” sagot ni Laarni dito.
“Sige, halika. Dito tayo sa kwarto ko,” sabi ni Jen at nauna ng naglalakad papunta sa kwarto niyang maliit lang.
Sumunod naman si Laarni dala ang mga gamit niya. Mabuti na lang at may sariling kwarto si Jen kahit maliit lang. Iwan ba miya sa magulang niya at hinihiwalay siya sa mga kapatid.
Ayun tuloy, mainit sa kanya ang dugo ng kapatid niyang si Dodong. Masyado daw aiyang paborito ng magulang kaya masyado din daw aiyang makasarili.
“Best, pasensya kana ha? Maliit lang tong kwarto ko. Ikaw na lang sa kama at ako dito sa sahig,” sabi ni Jen dito.
“Okay lang best. Pero saan mo patulugin si papa Racho mo?” Tanong ni Laarni kay Jen.
Napaisip sin si Jen kung saan niya patulugin ang binata. “May hotel sa bayan doon na lang siya.”
“Ang tanong papayag ba yon?” tanong ni Laarni dito.
“No choice siya. Siya naka isip na sumama sa atin,” napaismid na sagot ni Jen.
“Bahala ka,” sagot ni Laarni at umupo sa kama niya.
Hindi naman talaga matatawag na kama yon dahil foam lang yon at gawa sa kawayan ang higaan niya. Sanay naman ang kaibigan niya sa ganong higaan kaya walang problema dito.
“Sige, dyan ka muna best. Hanapin ko lang si Racho at medyo hapon na. Baka kung anong nangyari sa kanya sa labas,” wila ni Jen.
Nang tumango ang kaibigan ay muli siyang lumabas sa kwarto at lumabas ng bahay para hanapin ang binata. Ngunit nakasalubong niya ang kapatid niyang si Dodong na mukhang kararating.
“Nakauwi ka na pala,” wika ni Jen .
“Natural. Bahay ko rin to. At higit man sa ating dalawa , may mas karapatan ako kaysa iyo!” bulyaw nito sa kanya.
“Wala naman akong sinabing mas may karapatan ako kesa sayo. Ang sinabi ko lang nakauwi ka na pala,” sagot ni Jen. Konti na lang ubos na pasensya niya dito.
“Daming satsat. Ikuha mo nga ako ng tubig nang may silbi ka naman,” wika pa nito.
“Ano na naman yan, Dodong. Kakauwi mo lang ganyan agad ang sinalubong mo?” singit ng tatay nila na kakakapasok lang kasama si Racho na may dalang manok. Tig-isa pa sila ng hawak na manok.
Gulat na gulaT ai Jen ng tingnan ang lalaki. Dahil mukhang sanay iyong humawak ng manok ni hindi nga nandidiri sa hawak nito.
“Ayan, dumating lang yong sampit nyong anak pinaboran nyo agad,” sabi ni Dodong at pabalyang umalis sa harapan nila. Napailing na lang ang tatay nila.
“Hijo, pasensya kana sa anak kong yon. Ganon talaga yon,” hinging paumanhin ni Gary sa binata.
“Okay lang po,” sagot ng lalaki.
“Tara sa kusina. Katayin natin ang manok na nahuli mo,” sabi ng tatay niya. Nanlaki ang mata ni Jen sa narinig.
“Ikaw nakahuli niyan?” hindi makapaniwala na tanong ni Jen kay Racho ngunit kindat lang ang sagot nito sa kanya bago sumunod sa tatay niya sa kusina.
Napailing na lang siya at sumunod na rin sa kusina upang obserbahan kung ano pa ang kayang gawin ng lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala na kaya nitong magdakip ng manok. Not to mention na naka-white three fourth ito na polo at naka-slacks with leather shoes pa.