Saktong pagpasok nila sa kusina ay nakahain na ang kamote que na niluto ng nanay niya.
“Oh, ang bilis nyo namang naka dakip ng manok,” puna ni Milagros sa asawa niya.
“Abay, eh, magaling pa lang manghuli tong boyfriend ng anak mo, Mil,” may pagmamalaki na wika ni Gary sa asawa.
“Talaga? Ikaw ang nakadakip dito?” tanong ni Milagros dito habang nakatingin sa dalawang manok na nasa lababo.
“Nagtulong-tulong lang po kami ni tito Gary, tita,” sagot ni Racho dito
“Ganun ba? Mabuti kung ganon,” sagot ni Milagros dito.
“Ahm, tita. If you don't mind, pwede gumamit ng kusina nyo?” tanong ni Racho.
“Huh?” Medyo nag-loading pa si Milagros sa kung ano ang nais ipahiwatig ng binata samantalang si Jen ay halos manlaki ang mga mata.
“I mean, pwedeng ako ang magluluto nito?” pakiusap ni Racho
“Abay, marunong ka ba dito?” tanong ni Milagros sa binata. Duda kasi soya kung marunong ito. Lalo pa at kahoy lang ang gamit nila.
“Opo. Don’t worry po. Kaya ko pong magluto sa ganun,” sagot nito.
Napataas na lang ng kilay si Jen. Hindi niya alam lung nagpa-bilib lang ito sa mga magulang niya o ano basta ang hindi lang niya maintindihan kung bakit pinilit nitong pahirapan ang sarili.
“Oh, sya bahala ka dyan basta ang sabi monay marunong ka,” sagot ng nanay niya.
Sige po,” sabi nito at sinimulan na nito ang gawain.
Dahil nagboluntaryo si Racho ma siya ang magluluto ay umalis sa kusina ang nanay at tatay niya. Si Jen ay nagpaiwan na lang sa kusina dahil hindi talaga si confident sa gagawin ng binata.
Ngunit mukhang nagkamali siya ang sipanta sa lalaki at experto ito sa ginagawa niya. Mula sa pagkatay ng manok hanggang sa paglalagay ng mainit na tubig para madaling makuha ang mga balahibo nito. Pati sa paglilinis sa lamang loob nito ay expertong-experto siya. Namangha tuloy siya sa ginawa nito.
Sino ba namang hindi kung alam niyang sobrang yaman ng lalaki. May sariling eroplano, may restaurant at higit sa lahat ay billionaryo. Sinong mag-aakala na marunong ito sa ganon kung siya mismo ay hindi marunong magkatay ng manok?
Yes, laki siya sa hirap pero ni minsan ay hindi niya naranasan ang dumakip at magkatay ng manok. Ang tanging alam lang nya ang pagpapainom ng mga baka. Napailing na lang si Jen at naisipan na tumulong na lang sa binata.
“Anong maitutulong ko?” tanong niya dito.
“Nothing, sweetie. Just watch me how I do it,” sagot nito at kinindatan siya.
Napailing na lang si Jen at naisipan na siya na ang maglinis ng mga kalat nito. Hinayaan naman siya ang binata na gawin ang nais niya. Nang sa tingin niya ay wala na siyang liligpitin ay pinagmasdan na lang niya ang binata na ngayon ay nagluluto na sa kawali.
Hindi niya alam kung anong klaseng luto ang ginawa ng binata basta ang alam niya ay masarap ito dahil amoy na amoy agad niya ang nakakatakam na amoy ng niluto niya. Parang sweet and sour chicken with pineapple chunks.
Nagsalang din ito sa kaldero at nilagay ang isang buong manok at pinapakuluan. Palagay ni Jen ay tinolang manok ang gagawin nito. Napahanga siya sa galing ng binata sa kusina. Hindi katulad niya na hanggang prito lang ang alam.
“Paano ka natuto sa ganito?”Hindi nakatiis na tanong ni Jen dito.
“Well, hindi ko magtayo ng sariling restaurant kung hindi ako marunong sa mga ito, sweetie,” sagot nito sa kanya.
“Talaga? Akala ko ba ay pang-japanese lang yon?” tanong Jen dito.
“Yes. It’s japanese, but it doesn't mean na hindi ako marunong magluto ang Pilipino food,” sagot ni Racho dito.
“Ah, okay,” tanging sagot ni Jen dito.
“Don’t you know that in Japan I have a Filipino restaurant there?” tanong nito sa kanya.
“Really? Wow. Sana all,” tanging wika ni Jen.
“Don’t worry, one of these days, I’ll bring you there,” sabi ni Racho dito.
“Asa,” naatawang wika ni Jen.
“It’s true, sweetie. Kahit ngayon ay pwede kitang dalhin doon,” sabi naman ni Rancho.
“Nah, saka na pag may rason ako para pumunta doon,” sagot ni Jen dito.
“Of course, I’ll give you a reason to be there,” sagot na ni Rancho at kumindat sa kanya.
Umirap naman si Jen sa lalaki at nakahalukipkip. Alam naman niyang atik lang yon ng lalaki sa kanya. Asa naman siyang dadalhin siyang dadalhin siya doon ng lalaki na walang rason.
Binaliwala na lang niya ang sinabi ng lalaki. Tumayo siya at tiningnan kung may laman pa ba ang rice cooker. Ang makita kang konti na lang ay nagsalang na rin siya buti na lang ay may bigas pa sila.
Matapos masalang ang rice cooker ay bumalik siya sa kinauupuan nya kanina. Pinagmasdan niya ang likod ng binata na busy sa kakahalo ng niluto nito. Kahit nakatalikod ang lalaki ay kitang kita pa rin niya ang hubog ng katawan nito. Sigurado siyang babad sa ito sa ehersisyo.
“Done checking me out, sweetie?” tanong ni Racho na nakaharap na pala sa kanya. Napakurap-kurap naman si Jen. Hindi naiya namalayan ang pag-ikot ng binata paharap sa kanya.
“Hindi ah. Purket nakatulala, tini-check na kita? Asa ka,” pagtanggi ni Jen dito. Natatawa naman si Racho sa kanya.
“Come here,” utos nito sa kanya.
“Bakit?” tanong niya.
“Just come,” sabi pa nito.
Kaya tumayo na lang si Jen at lumapit sa binata. Agad naman na pinulupot ng binata ang braso niya sa baywang ng Jen at iniharap sa kawali. Muntik pang mapasigaw si Jen kung hindi lang niya naalala na nasa kusina lang sila at maaaring maririg ng magulang niya kung sigaw siya.
“Ano ba?! Palagi ka na lang nanggugulat,” reklamo ni Jen dito.
“I just want you to taste my cooking,” saad nito at kumuha ang isang kutsarang sabaw sa niluto niyang sweet and sour Chicken at inilapit sa bibig niya. “Here, Taste it.”
Wala nang magawa si Jen kundi tikman ang niluto nito. Halos napapikit siya sa sarap. Parang kakaiba ang lasa nito kaysa iang natikman niyang sweet and sour chicken. Kng e-rate niyaang luto nito ay talagang 10 over 10 ang score niya dito.
“How is it?” nong nito sa kanya.
“Masarap,” sagot niya dito.
“Like me?” tanong nito.
“Oo,” sagot ni Jen pero agad na siyang napatakip ng bibig nang ma-realize kung ano ang tanong ni Racho. “I mean, yung lto mo masarap.”
Napahalakhak naman si Racho sa sagot ng dalaga. Ang sarap nitong tuksuhin dahil napatulala sa tuwing binibiro niya. Hindi naman nakakapagsalita ang dalaga.
Kaya mas lalo niya itong idiniin sa sarili niya at hinalikan ng mariin sa sentido bago niya pinakawalan. Namumulang humiwalay si Jen mula kay Racho.
“Alright, sweetie. Help me prepare the table,” sabi ni Rancho sa kanya. Tumango na lang si Jen sa sinabi ng binata.
Tahimik n inaayos ni Jen ang mesa. Malapit na rin namang mag-aala sais kaya saktong sakto ang paghahaing nila. Para silang mag-asawa na pinagtutulungan na ayusin ang mesa. Saktong pagpasok ng magulang ni Jen ay nakahanda na ang mesa.
“Wow, ang bango naman ng luto mo, Hijo. Siguradong mapasarap ako ng kain nito,” puna ni Gary.
“Salamat po. Bakit hindi nyo tikman para malaman nyo kung masarap nga ba talaga,” wika ni Racho sa mga ito.
“Hindi na. Sigurado naman akong masarap yan,” sagot ni Gary dito. Napatango na lang si Racho sa sinabi dito.
Maya-maya ay nagsidatingan naman ang mga kapatid ni Jen kasama si Dodong na hanggang ngayon y masama pa rin ang awra nito. Lalo na nang makita si Racho. Hindi na lang ito pinansin pani Jen baka dto pa sila magkasagotan sa harap ng mesa.
“Gisingin ko lang si Laarni, nay,” paalam ni Jen.
“Ako na, sweetie,” sabat ni Racho.
“Sigurado ka?” tanong ni Jen dito.
“Of course, sweetie,” sagot nito na kahit na sa harap ng pamilya niya ay napaka-sweet pa rin niya.
“Okay,” tanging sagot na lang ni Jen. Matapos umalis ni Racho ay saka lang nagsasalita ang kapatid niyang si Dodong.
“Mayaman ba ang boyfriend mo?” tanong ni Dodong kay Jen.
“Sssh, marinig ka nong tao,” saway ni Milagros sa anak.
“Nagtatanong lang naman ako para alam ko kung paano patutunguhan yon,” rason ni Dodong.
“Kahit na. Hindi tamang pag-uusapan yong tao,” wika ni Milagros.
Hindi na sumagot pa si Dodong at nagsisimula nang kumain kahit hindi pa nakabalik si Racho. Napailing na lang si Jen dito. Pakiramdam niya ay parang nakulangan sa kanya ang kapatid at hindi siya nirerespeto nito. Pati ng mga magulang niya ay napailing sa ginawi ng lalaki. Di nagtagal ay bumalik na si Rancho kasama ang kagigising lang na si Laarni.
“Halika na kayo ng makapag simula na tayong mag hapunan,” sass ni Gary sa mga bagong dating.
“Salamat po,” sagot ni Laarni at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Aife.
Samantalang si Racho ay sa tabi ni Jen umupo. Parang signature na talaga ang lalaki na kung saan siya nakapwesto ay sa kanya ito lalapit.
“What do you want, sweetie?” tanong ni Rancho kay Jen.
“Yun na lang,” tanging sagot ni Jen sabay turo sa sweet and sour chicken.
“As you wish,” sagot nito sa kanya saka nilagyan siya ng pagkain sa plato niya. Hindi na pinansin pa ni Jen ang mapanuring tingin ng kapatid niyang si Dodong.
Mabuti na lang at hindi na muling nagsalita pa si Dodong kaya tahimik na natapos nila ang pagkain nila. At nang matapos basta-basta na lang din ito umalis ng walang paalam. Samantalang si Aife nang naiwan sa kusina para magligpit. Samantalang sila ay sa sala dumiretso.
“So, dito kayo matutulog?” tanong ni Gary sa mga bisita ang anak.
“Ako, tito, dito na lang. Napag-usapan namin to ni Jen kanina. Sa kama daw ako at siya sa lapag,” sagot ni Laarni na parang sinadyang iparinig na sa lapag siya matutulog.
“Ikaw, Hijo. Saan ka matutulog?” tanong ni Gary dito.
“Ahm, tita, tito, canI ask permission?” tanong ni Racho sa kanila.
“Ano yon, hijo?” tanong ni Gary dito.
“Can I bring Jen with me? Hanap kami ng matutuluyan sa bayan,” paalam ni Racho sa mga ito. Napa bungisngis si Laarni sa tinuran ng lalaki samantalang hindi makapagsalita ang nanay at tatay niya. Nais na Jen na magreklamo ngunit nauna ng umu-oo ang ama niya.
“Sige, para naan may kasama ka,” sagot nito.
“Tatay,” reklamo ni Jen.
“Anak, hindi kabisado ng boyfriend mo ang lugar na to. Baka maligaw pa yan. Isa may tiwala naman ako sa kaya walang problema,” sagot naman ama niya.
Walang magawa si Jen kung ang sundin ang ama niya. Isa pa, tama naman ito. Hindi kabisado ng lalaki ang bayan nila baka sa kanya pa ang sisi kung may mangyaring masama sa lalaking ito.
Konsensya pa niya pag nagkataon. Kaya ang gabing iyon ay pumunta silang bayan pero nangangakong babalik kinabukasan para maglibot sila sa mga tourist spot ng probinsya nila. Naiwan sa bahay nila si Laarni na siyang umuukupa ng kwarto niya.