Pawis na pawis si Jen matapos ng training nila ngayon kasama ang mga ka-team nila sa M & Berries Flying troops. First time time nilang makakasama ang mga kasamahan nila sa team. Noong una ay medyo kabado si Jen baka hindi sila papansinin ng mga kasamahan nila. Pasalamat na lang siya at nasa team din si Laarni at Shamma na kasama niya noong college pa sila.
“Girls, chowking tayo,” pag-aya n Shamma sa kanila.
“Sure, libre mo?” sagot ni Laarni dito.
“Oo naman. Mag-aya ba ako kung hindi ako manlibre?” patanong na sagot ni Shamma.
Napangiti na lang din si Jen. Si Shamma ay ang dating team captain nila sa university na mahilig din manglibre. Tulad ni Laarni ay lumaki din ito sa marangyang buhay. Swerte niya at napasama sa grupo nila kahit na mahirap lang siya. Tulad ni Laari ay simple lang din itong si Shamma.
“Sorry, guys. Pass muna ako,” tanggi ni Jen sa kanila.
“Bakit?” nakataas ang kilay ni Shamma na tanong sa kanya.
“May lakad ka, best?” tanong naman ni Laarni.
“Nag-text kasi si Racho, may lakad daw kami,” saad ni Jen.
“Sana all na lang ako sa may mga jowa dyan," sabi ni Shamma.
"Parang siya wala,” saad naman ni Laarni sa huli.
“Wala naman talaga." Giit ni Shamma.
Naiiling sina Jen at Laarni. Nais pa sana nilang tuksuin ang kaibigan ngunit hindi na lang sinimulan baka kung saan na naman mapunta ang tuksuhan nila. Binalingan na lang ni Laarni si Jen
"Saan na naman kayo magpunta? Panay na lang labas n’yo, ah?” puna ni Laarni.
"Ewan ko ba kay Racho, nabasa ko na lang ang text niya nang mag-open ako ng cellphone,” saad ni Jen.
Nagtanguhan naman sina Shamma at Laarni. Pero hindi nakaligtas si Jen sa panunukso ng dalawa. Aangal pa sana si Jen ng namataan si Racho na naghihintay sa kanya paglanas nila sa gym kung saan sila nag-training.
Prenting-prente itong nakasandal sa sasakyan nito. Nagsikuhan naman si Laarni at Shamma. Ti poonulak-lulak pa nila ang kaibigang si Jen na hindi naman nagalit ang huli bagkus ay lang nito.
“So, paano ba yan, best, una na kami, may sundo ka pala,” ani ni Laarni.
"Saan ba kayo? Pwede siguro naming ihatid kayo?" Offer ni Jen sa mga kaibigan.
Hindi na, best. Baka may iba kauo h pupuntahan. Nakaka-disturbo pa kami,” sagot ni Laarni.
“Bahala kayo, basta nag-offer ako," saad naman ni Jen.
“Asus, doon ka nga sa jowa mo,” nagtataboy ni Laarni kay Jen. Sabay tulak nito palapit sa lalaking nakatayo lang sa gilid ng sasakyan nito.
Hindi na rin nagpipigil pa si Jen. Agad siyang lumapit sa lalaki matapos makapagpalam ng maayos sa dalawang kaibigan. Agad namang tumuwid ng tayo si Racho ng ng makita siya.
“Hi, kanina ka pa?” tanong ni Jen nang makalapit siya dito. Tumango lang si Racho sa kanya.
“Mga tatlong pung minuto siguro, sweetie,” sagot nito.
“Sorry, sana tumawag ka na lang,” saad ni Jen.
“It's okay, sweetie. I can wait for you,” sagot nito.
Yumakap na lang si Jen sa kasintahan at isiniksik ang ulo sa dibdib ni Racho. Natatawang gumanti ng yakap sa kanya ang huli.
“How was your day, sweetie?” tanong nito sa kanya.
“Kapagod,” sagot naman ni Jen.
“Do you want to rest now?” tanong nito sa kanya.
“Wala ba tayong lakad?” Tanong ni Jen.
“There is. But if you're tired, then just rest at my condo,” sagot naman Racho.
“Dapat pala sumama na lang tayo kina Laarni. Kakain daw sila ng chowking. Gusot ko ding kumain non. Tagal na hindi nakakain nom,” nakasimangot na wika ni Jen.
“Where are they? Susunod na lang tayo sa kanila but after this let's go to my condo, okay?” sabi sa kanya ni Racho.
Nakangiting tumango naman si Jen sa kasintahan. “Okay.”
Kinuha ni Jen ang cellphone niya at tinawagan si Laarni. Nakailang ring pa bago ito sinagot ng kaibigan.
“Best, napatawag ka?” tanong ni Laarni sa kanya.
“Saan kayo?” balik tanong ni Jen dito.
“Nasa kabilang kanto lang. May nakita kasi kaming chowking dito kaya dito na lang muna kami habang wala pa ang bodyguard/driver nitong si Shamma,” sagot ni Laarni.
“Sige, best. Puntahan namin kayo,” sagot ni Jen.
“Sige, best. Hintayin namin kayo. May order na ba kayo? Kami na lang ang oo-order para sa inyo para di na kayo pipila pa pagdating dito,” suggestion ni Laarni.
“Sige, best. Kung anong order nyo, yun na lang din,” sagot ni Jen sa kaibigan. “Thanks, best. Papunta na kami.”
Matapos ang tawag ay agad niyang hinila si Racho. Hindi naman naka-angal si Racho kundi ang sundin ang kasintahan. Naiwan sang sasakyan nila sa harap ng gym kung saan nag-training sina Jen.
Agad naman silang nakarating sa chowking na sinasabi ng kaibigan ni Jen. Pagpasok nila ay agad nilang napansin si Laarni na kumakaway sa kanila. Kumaway naman pabalik si Jen sa muling hinila ang nobyo. Hawak kamay silang naglalakad papunta sa mga kaibigan niya.
“Sana all HHWW,” parinig ni Shamma sa kanila.
“HHWW?” nalilitong wika ni Racho.
“Holding hand while walking, ganun,” sabi naman ni Shamma na natatawa pa.
Napailing na lang si Jen na sinabi ng kaibigan. Hinila na lang niya paupo si Racho sa upuan. Katapat si Laarni at Shamma.
Buti na lang ang may na-order na sila Laarni kaya wala ng problema at kumain na la lang sila. Hindi napigilan ni Shamma ang magtanong paano naging magkasintahan si Jen at Racho.
“Sweetie, say ahhh,” saad ni Racho kay Jen sabay subo sa kanya ang isang kutsarang chowpan. Wala nang choice Jen kundi ang isubo ang kutsara.
“Ahem, ahem, girl, say ahh,” panggagaya ni Shamma sa ginawa ni Racho. Kaya napatawa ng malakas si Laarni sabay hampas kay Shamma.
“Ano ka ba, girl. Sinira mo moment ng magkasintahan,” saway sa kanya ni Laarni.
“Ang sweet kasi, girl. Nilalanggam tayo,” sabi naman ni Shamma.
“Kumain ka nga, dami mong alam,” saad sa kanya ni Laarni.
Natawang tumango na lang si Shamma. Samantalang parang wala kina Racho at Jen ang presensya ng dalawa kahit pa nasa harap lang nila.
Di nagtagal ay pumasok na ang bodyguard ni Shamma na nagpasimangot sa huli. Pansin tuloy ang pagkawala sa mood ni Shamma.
“I've been looking for you, nandito ka lang pala. Hindi ka man lang nag-text,” bungad na wika ni Oliver kay Shamma.
“Mag-text naman ako pero mamaya. Kapag uuwi na kami,” rason naman ni Shamma.
“Why later? Kung pwede naman ngayon? Buti na lang may nakapag turo sa akin na nandito kayo,” sabi pa nito.
“Edi, mabuti,” nakarolyong wika ni Shamma.
Natatawa naman ang si Jen at Laarni sa inasal ng kaibigan. Para talagang aso at pusa itong dalawa kapag nasa isang lugar lang.
“Anyway, since narito na rin lang tong driver, alis na rin kami.” Wika ni Shamma sa mga kasama. “Ikaw girl, hindi ka sasama?”
“Hindi na. Parating na din si Mang Simon,” sagot ni Laarni.
“Sige, una na kami, bye.” Wika ni Shamma saka na hinila si Oliver palabas.
“Bro, una na kami mukhang gusto na agad niya akong ma-solo,” wika ni Oliver na kay Racho nakatingin bago tuluyang nagpahila sa dalaga.
Napatingin naman si Jen kay Racho. “Magkakilala kayo?”
“Short of, sweetie,” sagot nito na nakangiti pa.
“What a small world,” saad ni Laarni.
“Yeah, kasi madali na lang kayong mahanap, incase, naisipan nyong maglayas,” wika ni Racho na natatawa pa.
Maya-maya ay nagpaalam na rin si Laarni na aalis nasa labas na daw si Mang Simon. Kaya naiwan si Jen at Racho sa loob. Nakatinginan na lang silang dalawa at parehong nagkibit balikat na lang.
Maya-maya ay hawak kamay na nan silang lumabas sa chowking at halos mapamura si Racho ng maalalang masa parking ng gym ang sasakyan niya. Wala silang choice kundi maglakad pabalik doon.
“Sana pala dinala na lang natin ang sasakyan ko doon. Hindi na sana tayo naglalakad ngayon,” reklamo ni Racho. Natawa naman si Jen.
“Ang lapit-lapit lang naman. Para kang pinaglakad ng ilang kilometro kung maka-reklamo,” sabi ni Jen. “Exercise din to.”
“Sweetie, I have my own gym in my unit. Hindi ko na kailangang maglakad ng ganito,” saad naman ni Racho.
“Talaga? Bakit parang hindi ko alam to,” namanghang wika ni Jen.
“I will show it to you when we arrive home,” sagot ni Racho sa kanya.
“Talaga? Sige, sige. Gusto ko yan,” masayang wika ni Jen.
Pinagbuksan siya ni Racho ng makarating sila sa sasakyan nito. Agad naman nitong sinarado ang pinto bago umikot sa driver's seat. Samantalang si Jen ay kinabit ang seatbelt niya upang makaayos ng upo.
“Let's go, sweetie. So you can rest.” Wika ni Racho sa kanya. Tumango lang si Jen at di na nagsasalita pa.
Hanggang sa makarating sila sa condo unit ng binata. Agad dumitso si Jen sa banyo ni Racho ang makapasok sila sa loob ng unit.
Sobrang lagkit kasi ng nararamdaman niya kanina pa dahil sa matinding training na ginawa nila kanina sa court. Ibang-iba ang training nila ngayon kaysa training nila noong college pa lang sila.
Dati, chill lang sila ngayon ay parang humarap sila sa hukuman dahil sa training. Or baka nanibago lang siya sa mga kasama niya kaya ganon na lang siya kung maka-judge sa training nila.
“Sweetie, are you done?” tanong ni Racho habang kumakatok sa labas ng banyo.
“Malapit na. Bakit?” tanong ni Jen.
“Get this towel, first. Walang towel sa loob,” sabi nito sa kanya.
Nilibot naman ni Jen ang kabuuan ng banyo at napagtanto na wala nga talagang towel. Kaya pinatay niya ang shower at nagsimula ng maglakad. Sadyang dinapuan siya ng pagiging clumsy at bigla na lang siyang nadulas sa walang kadahilanan.
“Aray ko po!” napasigaw na lang si Jen sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang balakang.
“Are you okay, sweetie?” nag-alalang tanong ni Racho.
“Ang sakit!” Saad ni Jen at napangiwi pa.
Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa yon ni Racho. Nanlaki ang mga mga mata nitong nakatingin sa kanya. Halos hindi ito makagalaw nang makita siya.
“Ano ba?! Di mo man lang ako tulungan?” tanong ni Jen dito.
Saka pa lang parang natauhan si Racho . Mabilis itong lumapit sa kanya at pinalibotan siya ng tuwalya. Saka lang na-realize ni Jen na hubad baro pala siya. Namula tuloy ang mukha niya.
“You're not yet done taking a bath, right, sweetie?” tanong ni Racho habang buhat siya.
“O-oo,” nauutal na sagot ni Jen.
Napakapit pa siya sa leeg ng lalaki sa takot na baka mahulog siya. Hindi pa naman naibsan ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang balakang.
Ibinaba siya nito sa bathtub at binuksan ang faucet. Ramdam kaagad ni Jen ang lamig na hatid non. Buti na lang at marunong magtimpla si Racho biglang naging maligamgam ang tubig.
“You're okay now, sweetie?” tanong niya.
“Oo. Salamat,” sagot ni Jen.
“Nextime, be careful, okay?. Not all the time may kasama ka. So please, be careful. Lalo na at may balak pa pang kumuha ang apartment. Paano na lang kung mangyari ulit to na wala ako,” sermon nito sa kanya.
“Opo, mag-iingat na po sa sunod,” sabi na lang ni Jen.
“Good. Because if this will happen again. I will not let you have your own apartment,” sermon pa nito.
Tumango na lang si Jen at hindi na sumagot pa. Hindi na rin nagsalita si Racho at pinaliguan siya. Para siyang batang inasikaso nito at hinayaan lang niya. Nang matapos ay muli siyang nilagyan ng towel at pinangko papunta sa kama nito.