CHAPTER 2 - UNANG MISYON

2258 Words
“HINDI na siguro lingid sa inyong lahat ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag. Pero bago natin simulan ang meeting, nais ko munang ipakilala sa inyo ang bago ninyong kasama sa trabaho,” panimula ng superior ng kapulisan ng Baguio City. “He graduated in PMA last week and actually he got a flying colors in his graduation, but he decided to start as an ordinary policeman. Mr. Gabriel Clyde De Luna, they are all your co-workers,” pakilala nito sa kanya. Inisa-isa naman ni Clyde na kinamayan ang mga ito, lalo na ang mga may katungkulan—mga hepe ng iba’t ibang distrito, mga sarhento, mga tinyente, at mga PO. “Thank you, Sir,” masayang sagot ng binata. “We are in the same field, Mr. De Luna. And besides, we know you can do what we can because you’re the son of General De Luna. He’s a brave and a man of his words, that’s why we know you can,” masayang tugon ng superior pero napangiwi siya binata dahil dito. Kaya siya nagsimula sa mababang puwesto dahil ayaw niyang laging nakadikit sa anino ng kanyang ama. Pero iyon na, eh. Malaki ang expectations ng mga ito sa kanya dahil sa kanyang ama. “Maraming salamat for your warm welcome sa inyong department. Isa lang po ang ipinapakiusap ko. Hangga’t maaari eh huwag n’yo nang idikit lagi ang daddy ko sa akin. Tama na ang apelyido ko bilang patunay na anak niya ako. Maraming salamat po,” tugon ni Clyde. “’Tol, ayaw mo n’on, katatakutan ka ng iba dahil ang daddy mo ay general? Harden pa, eh ’di kamag-anak mo rin si Col. Harden? Aba, saan ka pa, ’tol? Bongga! Compared to us na hirap kaming nakapasok sa trabaho namin dahil wala kaming backup,” ani ng isa ring pulis. He’s so humble that he just smiled as an answer. “Iyan ang ayaw ko, ’tol, dahil ang prinsipyo ko, mararating at makakamit ko ang pangarap ko sa buhay nang hindi umaasa sa iba. Yes, I need their guidance pero ayokong may masabi ang iba at unfair din sa kanila na kapwa ko naghirap sa pag-aaral, paghahanap ng trabaho parang maging lamang ako. No, hindi ako ganyan, ’tol,” sagot ni Clyde dito. “Tsk! Tsk! Tsk! Ang dami mong satsat, De Luna. Pa-humble effect pa, gustong-gusto mo naman. Heto ang unang misyon mo,” ismid ng isang pulis na halatang mabigat ang loob sa kanya na bagong pasok. Nagulat at nainis man si Clyde sa inasal ng kapwa niya ay pinili pa rin niya ang manahimik dahil unang araw niya sa departamento at ayaw niyang patulan ang kagaya nito. Pinulot niya ang folder na ibinigay nito dahil hindi man lang inayos nito ang pag-aabot sa kanya. Luminga-linga siya sa mga kasamahan niya pero parang walang gustong magsalita kaya’t tumingin siya sa nag-abot nito. He was about to talk pero inunahan siya nito. “Kahit PMA graduate ka, De Luna, hindi ka makakaporma rito sa departamento. Nasa ilalim ka ng pamumuno ko kaya’t dapat lang na sumunod ka sa lahat ng gusto ko. At iyang unang misyon mo, I want you to do it immediately. Is that clear?!” Gusto mang sapakin ni Clyde ang isip-batang nasa harap niya ay todo pigil ang ginawa niya. “Who will be working with me? Don’t tell me that I will do this alone and will be credited to the whole department?” he said instead. “Problema mo na iyan,” sagot nito at iniwan na sila ng mga kasama niya dahil ang superior nila ay nakaalis na. “Hayaan mo na iyan, ’tol. Ganyan iyan dahil may bago at alam niyang mas magaling ka sa kanya. Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka lang sa amin,” ani ng nagbiro sa kanya. “Isa lang ang masasabi ko, p’re. Ang batas dito sa departamento natin ay what you see, what you hear, when you leave, leave it here. Iyan ay kung gusto mong manatili dito sa ating trabaho,” segunda naman ng isa. “What do you mean, Pare?” maang na tanong ng binata. “’Tol, hindi ka baguhan when it comes to our profession kaya alam naming alam mo ang ibig naming sabihin. Malalaman mo iyan sa mga susunod mong mga araw dito lalo at may misyon ka na. Good luck sa iyo dito, pare. Sige na, magtrabaho na tayo bago pa tayo pag-initan ni Boss.” On his first day of work, he met new friends. That’s Randy, Niel, and Leonard. Hindi na siya sumagot pero naging palaisipan sa kanya ang lahat ng mga salitang binitiwan ng mga ito. KAHIT alam na nilang gano’n ang mangyayari ay halos hindi pa rin makapaniwala ang Pamilya Harden lalo na ang mag-asawang Ralph Raven I and Princess Hanxi sa naging pasya ni Clyde na mag-umpisa sa baba. “Tumawag na ba ang pinsan mo, apo? Kung bakit doon pa siya pumasok, puwede namang deretso na siya sa Camp Villamor, eh,” tanong ni Hanxi. “Wala pa, grandma. Saka nagtaka pa kayo kay Bunso, eh may pinagmanahan ’yon bukod kay Grandpa na dating FBI at abogado. Gano’n din si Papa Terrence, and most of all, ang kanyang ama na siyang kasalukuyang heneral ng Camp Villamor. I was young then pero all of us witnessed his bravery as well as his sacrifices kaya huwag kang magtaka, grandma. Kaya iyan ni Bunso. Let’s just pray for his safety,” tugon ni Ralph Angelo. “I agree on that, apo ko. Ang katatagan at paninindigan ni Rey bilang isang alagad ng batas ay hindi natatapatan ng pera. Well, sa circle of friends that we built before ay ganyan din kami way back then. Kung sino pa ang bunso, siya pa ang nakamana sa pagiging alagad ng batas. Kaso ang sinasabi ko lang, apo, bakit doon siya napunta? Puwede siyang pumasok as a beginner sa PMA too, as well in Camp Villamor,” ani naman ni Ralph Raven. Tuloy, hindi maiwasan ni Ralph Angelo ang mapangiti. Mukhang tumatanda na talaga ang mga ninuno nila dahil sa kakulitan ng mga ito. Though wala siyang hilig sa bokasyon na napili ng pinsan niya ay may tiwala siyang kaya nito ang pinasok na trabaho. Hindi na siya nakasagot dahil siya namang paglabas ng isang senaryo sa telebisyon na naging libangan na yata ng mga ito simula nang magretiro ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. “My God! Si Bunso, nasa oper—” “Magandang umaga po sa inyong lahat, kapamilya. Narito po tayo sa isang alanganing sitwasyon dito sa isang liblib na lugar dito sa Tabuc, Kalinga. Ayon sa nakalap naming impormasyon, nagpapatrolya ang grupo ng Pulis Baguio na kasalukuyang nakadestino rito nang makasagupa nila ang grupo ng mga rebelde sa kabundukan ng Cordillera. Ayon sa nakapanayam namin na isang concerned citizen ay nasa sampung minuto na ang palitan ng putok ng baril pero hindi pa rin ito tumitila. Ang nasabing grupo ay tinambangan umano kaya’t naisipan ng mga ito na magsagawa ng pagpapatrolya na nauwi sa bakbakan,” ani ng reporter at biglang nawala ang tinig nito nang pumalit ang malakas na butok ng baril. NAGULAT ang tropa nina Clyde kung bakit ang patrol nila ay nadali rin. Nagawa pa rin nila ng grupo nila ang lumaban sa mga rebelde. “P’re, tumawag kayo ng backup!” “Si Samonte, taga-dito iyon. Siya ang papuntahin ninyo dito, alam niya ang lugar!” “Anak ng p*t*ngina nila! Hindi nila tayo titigilan, ah.” “Men, be careful and be ready on what might happen! Alam ko na kung bakit lahat ng lakad natin ay nasasabotahe! Isa sa ating grupo ang may kontak sa mga rebelde! Guys, sorry for this but we need to defend ourselves from them or else tayo ang mamamatay! Men, attack!" malakas na sigaw ni Clyde saka binunot sa tagiliran ang dalawang kalibre kuwarenta y singko at iniwan ang M-16 niyang hawak. “De Luna! Are you out of your mind? Come back here!” sigaw ni Randy at akmang hahabulin ang kaibigan pero siya namang pag-ulan ng bala sa kinaroroonan nila kaya’t hindi na nila nakita kung saan napunta ang bago nilang kasama. “PANSAMANTALA po muna nating pinuputol ang report natin mula dito sa Tabuc, Kalinga, dahil na rin sa umiinit na labanan. Patuloy po tayong nakaantabay sa mga pangyayari sa ating paligid. Ito po si Joanna Ortegas, nagpapatrol,” ani ng reporter at nawala na sa linya. Pumalit na ang announcer kaya’t labis ang pag-aalala ng Pamilya Harden no’ng oras na iyon kaya’t sumugod sila nang wala sa oras sa Camp Villamor para kausapin ang manugang nila tungkol dito. “Pare, hindi pa daw tumitigil ang labanan sa kinaroroonan ni Bunso. Baka naman may magagawa tayo diyan?” kabadong aniya ni Rey sa kaibigan. “Of course, mayroon, pare. Ang tanong, paano? Ginamit na ng mga tauhan natin ang dalawang helicopter sa Camp Oasis,” tugon ni Terrence dahil kahit siya ay nag-aalala na rin para sa grupo ng pamangkin niyang nagmana pa yata sa ama nitong napakamaprinsipyong tao. “Mga wala kayong isip, General De Luna and Col. Harden! Anak at pamangkin na ninyo ang nasa bingit ng labanan. You, Terrence, are you out of your mind? We have a private chopper, what if you go and take it. Baguhan si Bunso sa labanang iyan kahit pa sabihing galing siya sa pamilya ng mga alagad ng batas! Move now!” histerikal na aniya ng bagong sulpot na padre de pamilya ng mga Harden. “Hon, calm down. Hayaan mo—” “Kumilos na kayong dalawa kung ayaw ninyong ako mismo ang magpapababa sa inyo sa inyong puwesto! I mean it! Now!” utos pa nito. Hindi na nga nag-atubli ang magkaibigang Terrence at Rey dahil kahit nasa puwesto sila ay kailangan pa rin nilang sumunod sa law of protocol. Aba, ama at biyenan na nila iyan. One of the members of circle of friends na pioneers sa Camp Villamor. Agad silang nagpatawag ng kasamahan nila at sumugod sila sa lugar na kinaroroonan ni Bunso gamit ang chopper ng mga Harden at kusa na ring ipinagamit ni Grandpa B sa manugang ang private chopper nila kaya’t dalawang chopper ang sumugod sa Tabuc, Kalinga. Hindi rin nagtagal sina Ralph I, Ralph Angelo at Princess Hanxi sa Camp Villamor dahil umalis na rin naman ang mga sadya nila. Nagkataon lang din na wala ang anak nilang si Dennise dahil na kay NC ito dahil due date na ng manugang nilang si Jezzabelle. KUNG sa pelikulang Mindanao ay naubusan na sila ng bala at tauhan, sa engkuwentro ng magkakaibigang pulis ay ubusan na ng bala at kasama. Karamihan sa kanila ay nasawi sa engkuwentro. Hindi nila napigilan ang bago nilang kasamang si Clyde dahil hindi na nila nakita kung saan ito nagtungo. At kung kailan kumunti ang putok galing sa kabilang panig ay saka naman may dumating na backup. The two private choppers from Baguio City! “God, salamat at may dumating para tulungan tayo!” hindi mapigilang sambit ni Niel. “Pero si De Luna, nawawa—” “Sige, subukan ninyong tumakas at ito ang makakatapat ninyo!” dinig nila ang boses ni Clyde kaya dali-dali silang nagpunta sa pinagmulan nito. Kaya pala hindi nila ito nakita at kaya pala kumonti ang mga nagpapaulan ng bala sa kinaroroonan nila ay ito ang umubos sa mga kalaban nila. “Ang tapang mo, bata! Pero ito lang ang masasabi ko sa iyo. Naubos n’yo man kami ngayon dito, mayroon pa ring susunod at kahit ano’ng gawin ninyo ay malalaman namin ang bawat kilos ninyo!” sagot ng isa sa mga rebelde. “Tarant*do! Sige sabihin mo kung sino ang mata at tainga ninyo sa loob! Hayup kayong lahat! Mga dati pa naman kayong alagad ng batas pero ngayon kayo mismo ang kalaban namin!” namumula sa galit na sabi ni Clyde. “Gag* ka rin, bata! Hindi mo alam alam ang pinasukan mo! Mga kapwa mo nasa puwesto ang nakaantabay sa bawat kilos ninyo dito. Ang superior ninyo ang siya ring naka-monitor sa inyo!” nakangising sagot nito. At bago pa man nito masabi ang pangalan ng superior nina Clyde ay muli silang nakarinig ng putukan. “Bunso!” sigaw ng mga ito dahil tatlong bala ang tumama rito. Ang kanina pa nakatutok na baril sa likuran ni Clyde ay kinalabit na. Their superior pulled the trigger and shot him. Pero bago pa man may masawi sa kanilang muli ay parang pelikula na galing sa taas ang bala at granada na nagwakas nang tuluyan sa madugong labanan sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga rebelde. Iyon nga lang, karamihan sa mga ito ay nasawi at nasugatan, kasama na rito ang batang De Luna. Agaw-buhay na ito nang lumapag ang chopper na kinaroroonan ng ama. “Anak! Please take him to the chopper bago pa siya maubusan ng dugo,” pakiusap ni Rey sa mga tauhan nila pero dumilat ang naghihingalong si Clyde. “Hand salute, General, Col. Harden, tapos na po ang laban. With the help of my friends and co-workers, we did my first mission a success. Hand salute!” nakuha pa nitong sabi kahit nanghihina na. Hindi na nito nahintay ang tugon ng ama at tiyuhin dahil tuluyan na itong nawalan ng malay-tao. Ang unang misyon ni Clyde ay naging madugo dahil bukod sa nabunyag na ang superior nila ang nasa likod ng lahat ng pangyayari ay nagtamo rin siya ng tatlong tama ng bala, dahilan para mawalan siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD