“MAGANDANG umaga po sa ating lahat, mga kaibigan. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ninyo kung bakit may handaan dito sa loob ng Camp Villamor. Pero bago po tayo magsimula sa programa sa araw na ito, hayaan po nating ang ama ng kampo ang mag-open sa programa. Sir General Artemeo Aguillar, please come forward, sir,” paunang sabi ng hinirang na emcee no’ng araw na iyon.
Masigabong palakpakan at hiyawan ang tanging maririnig nang oras na iyon pero agad ding tumahimik ang paligid nang nagsalita ang opisyal.
“Good morning to all of us, ladies and gentlemen, lalo na po sa inyong mga panauhin namin galing sa labas ng kampo. Mga kapwa ko opisyal na galing sa iba’t ibang kampo, lalo na ang ating panauhin galing sa Camp Crame, magandang umaga po sa inyo, mga sir. Sa mga kapwa na tagarito sa Camp Villamor, maraming salamat sa inyong lahat, guys, dahil kung wala kayo, wala itong programa na ating pinagtitipon-tipunan. At sa inyong lahat na kapwa naming mamamayan, maraming salamat po sa inyong pagdalo sa aming programa.”
“Sir Rauvi Salaum, kindly step forward, sir,” tawag ni General Sablay sa panauhing pandangal nila sa araw na iyon.
Hindi naman nag-alinlangan ang director ng Camp Crame at agad itong lumapit sa nagsasalita.
“And Col. Reynold James De Luna, step forward please?” muli ay sabi ng heneral.
With honor, pride, integrity, and with his full-uniform, nagmartsa papunta sa harap ang taong tinawag sa entablado.
“Hand salute!” aniya nang nasa harap na siya ng mga kapwa niya opisyal na mas nakatataas sa kanya.
“Carry on, Col. De Luna,” magkapanabay namang tugon ng mga ito.
“Today, we all gathered here, ladies and gentlemen, para po tunghayan ang pagbaba sa puwesto ni General Aguillar from his position as a general. Hindi naman lingid sa ating lahat na sa tuwing may nagreretiro sa ating mga puwesto ay may pumapalit. And by the majority votes as well as his dedication and devotion and what he have done for the camp, and as what he have been through during his past years in service, I, Rauvi Salaum, In behalf of Camp Crame, here in front of you, ladies and gentlemen, I proclaimed that this man in front of you is now the new father of Camp Villamor-Baguio. Reynold James Alcantara De Luna is now the new general of the camp. Congratulations, General De Luna. You deserved the promotion, sir,” malakas na anunsiyo ng provincial director.
Malakas at maugong na hiyawan ang sumunod na nangyari no’ng oras na iyon, lalo na ng sariling pamilya ng bagong hirang na heneral. Kasabay ng hiyawan ay siya rinng pag-abot ng dating General Aguillar sa mga dapat ibigay dito saka ito kinamayan.
“Congratulations, General De Luna. I know you can do it more than what I’ve done during my terms in service,” masayang aniya ng dating opisyal.
“Maraming salamat, sir. Ikaw pa rin po ang superior ko, sir. Mangyari mang bumaba ka sa iyong puwesto dahil nasa edad ka na rin, you’re still the best superior I ever had, Sir Aguillar. Hand salute!” sagot ni Rey na isa nang ganap na heneral.
At dahil sa isang malaking programa ang naganap, marami din ang mga taga-media ang dumating. Kislap dito, kislap doon ang nangyari mula sa mga camera ng mga ito.
Nang sa wakas ay tumila na ang hiyawan ng mga tao ay muling nagsalita ang emcee.
“Before we end up our program para makakain na po tayo, alam ko namang karamihan sa atin ay gutom na, mangyari po sanang magsitahimik na po tayo at ating pakinggan ang speech ng bago nating ama dito sa Camp Villamor. General De Luna, kindly step forward for another time, Sir?” ani ng emcee.
Again, tumayo ang bagong hirang na heneral at magalang na inabot ang micropono then he took a deep breath before he speaks.
“Thank you, Sir, and to all of you who came to participate in this event. As the director mentioned, I finished and successfully completed my degree in PMA, though I am a officer since I’m studying, I’m not that good in having a speech, so I will make this very short.
“There are a few people who I would like to thank for helping me have this privilege of becoming a general. First, our Almighty Father in heaven who guided us in our daily lives; my parents, even my late father, who was now in the hands of our Creator; and my family for providing the support and being role models that have helped and inspired me to get here. I have countless old war stories that are not mine but I grew up with. They were told by pilots, MPs, rangers, enlisted officers, and even military spouses, as well as my late father who became the chief of police in our province in our district. I grew up appreciating how incredibly noble it is to serve in the military, and at my early age, I knew that I also wanted that for myself.
“I also want to thank the officers and attorneys I have worked for who have listened and took my service. When they disagreed with me or I didn’t understand them, they thought it was important to take time and effort to explain it to me. It has been an education and a pleasure at all.
“I’d especially like to thank all of my friends, especially to my two buddies; Colonel Terrence Christopher Harden, who’s on the right side of the stage with his family, as well as my buddy, Ace Cyrus Aguillar who luckily happened to be the first child of our retired General Aguillar and now happily living in his wife’s place but now they are here to witness my promotion.
“Finally, I’d like to thank my wife, Dennise Joyce Harden De Luna, and our youngest child, Gabriel Clyde De Luna. Our twins could not be here today but they are my inspirations too to continue to try to make the world a better place too. It just happened that they have educational field trip today.
“I’m not going to be cliché and I will not say that I know exactly what it is that makes people a good leader. Because leadership is not like some object that you can hold on to and tell what color it is. Forms of leadership are as varied as the people who have it. It is one of those qualities that could easily be recognized but hard to duplicate. But I am confident that with the leadership I have, I will be able to lead the military and will be a good example to them.
“Thank you and have a great day to all of us. To God be the glory,” pagtatapos niya sa kanyang speech.
Muling umugong ang masigabong palakpakan matapos ang very adorable speech ng bagong hirang na heneral.
“Very well said, General De Luna. And now, the food for lunch is ready. So, guys, let’s have a prayer for the food as we end up our ceremony,” aniyang muli ng emcee.
Iyon nga ang nangyari, naging busy na ang mga tao sa pagkain matapos magdasal.
“Congratulations, Pare. You deserved it,” masayang pagbati ni Terrence nang lumapit ito sa matalik na kaibigan.
“Thank you, Pare, sa lahat ng suporta sa akin at sa trabaho natin,” masaya ring tugon ng heneral at nakipagpalitan ng tapik sa balikat.
“Kahit wala na ako sa serbisyo, Pare, masaya ako para sa iyo. I’m proud for a buddy like you. Keep it up and congratulations,” masayang sambit ni Ace Cyrus na kagaya ng isa pa nilang kaibigan na si Terrence ay binunggo sa balikat ang kaibigan.
“Maraming salamat, pare. Kasama ko kayong lahat sa tagumpay ko. Ang tagumpay ng isa ay tagumpay nating lahat,” sagot ni Rey saka nakipagbeso-beso sa mga asawa ng mga kaibigan.
“Tara na sa table natin, Kuya Terrence. Yana, Weng, Ace, I’m sure gutom na rin kayo sa hinaba-haba ng seremonya,” singit ni Dennise sa mga ito.
“Iyan ang hindi ko hihindian, Dennise, dahil ako man ay kanina pa nagugutom,” hagikgik naman ni Yana na sinang-ayunan naman ni Weng.
“Ahem! Mga alaga ko as tiyan eh nagwawala na rin kaya tara na,” aniya nito at sumabay na kina Dennise at Yana na nauna nang nagtungo sa lamesa kung saan sila nakapuwesto.
“Mga babae nga naman, oo,” naiiling na aniya ni Terrence pero nakasunod ang tingin sa mga ito lalo na sa mahal niyang asawa of course!
Kung ang magbayaw na magkaibigang sina Terrence at Rey ay nakatingin sa mga misis nila, si Ace Cyrus naman ay sa batang De Luna nakatingin. Titig na titig ito sa kanyang ama lalo na sa mga nakasabit sa uniform nito at sa sumbrero nito na para sa heneral.
“Anak, ilang taon ka na?” tanong niya rito kahit alam niyang halos kasing-edad lang ito ng bunso niyang anak na si Samantha.
“Sampung taon na po ako, Tito. Bakit po?” sagot nito na ikinalingon ng ama at ng tiyuhin.
“Kung hindi ako nagkakamali, anak, ikaw lang ang bata na nandito. Hindi ka pumasok sa school ninyo?” tanong nitong muli.
“Yes po, Tito, tama ka po. Nakiusap po ako kina Mommy at Daddy para isama ako. Nagpunta naman si Granny sa school namin para personal na ipaalam na hindi ako papasok dahil sumama ako dito sa Camp Villamor. Bakit po, Tito?” inosente nitong sagot pero muling ibinalik ang paningin sa ama.
Dahil sa bata pa ito at may kaliitan pa kumpara sa mga magkakaibigan ay hindi nito napansin ang pagtinginan ng mga ito.
“Clyde anak, baka naman matunaw ang Daddy mo niyan? Araw-araw mo na siyang kasama sa inyo, hindi ka pa ba nagsasawa sa katititig sa kanya?” pagbibiro nito pero umiling lang ang bata at mas ikinagulat nila ang sagot nito.
“Hindi po mangyayari iyon, Tito. Mahal na mahal ko po sina Daddy at Mommy kaya hindi po ako magsasawa sa pagtitig sa kanila. Siguro nga po bata pa po ako para mangarap pero at my age, when I grow up and studying in college, gusto ko pong maging katulad ni Daddy at Papa T. Gusto ko pong maging alagad din ng batas.
Araw-araw ko po kasing nakikita at napapanood sa television ang tungkol sa kaliwa’t kanang mga krimen. Gusto ko pong maging katulad nina Daddy at Papa T dahil gusto ko pong tumulong sa mga tao lalo na sa mga mahihirap. At kaya po lagi akong nakatingin kay Daddy at nagpumilit na sumama dito ay dahil siya po ang idol ko. Siya po ang modelo ko sa aking pangarap. Someday, I want to be like him, Tito. It really fits for him what he’s wearing right now,” buo at tapat na sagot nito na siya namang ikinangiti ng magkaibigang Terrence at Ace Cyrus.
They have only one thing on their mind. They nodded to each other and said it in unison.
“Ang batang De Luna with his dream. In God’s will, makakamit mo ang iyong pangarap,” wika ng mga ito pero may pahabol pa ang tiyuhin.
“Keep it up, young man. Alam kong kaya mo iyan. Pero huwag mong tularan ang pagiging torpe ng daddy mo pagdating sa pag-ibig, ha?” nakangiti nitong bulong pero dinig na dinig pa rin ng dalawa kaya’t ang naiiyak sa ligaya na si Rey ay napahalakhak na rin.
“Gag* ka, Pare. Ikaw na ang nagsabi na bata pa siya. But you’re polluting his mind already,” aniya rito na nakatawa.
“What’s happening here, hon?” may pagdududang tanong ni Yana na agad nakalapit sa kanila.
“Wala, hon, kinakausap lang namin si Clyde. Go back to them. Wala naman kasing hilig ang mga anak natin sa linya namin si Clyde. Pangarap daw niyang maging militar paglaki niya,” sagot ni Terrence.
“Siya, doon muna ako. Akala ko naman kung ano na iyon, hon,” nakangiwing aniya ni Yana sa asawa.
“Anak, basta huwag kang magpauto sa loko-loko mong Papa T, ha? Naku, kahit Papa mo iyan, isumbong mo sa granny mo,” sabi ni Yana sabay tapik sa pisngi ng pamangkin ng asawa saka muling nagtungo sa kinaroroonan nina Weng at Dennise.
“’Ayan, kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mo sa pamangkin mo, nasermunan ka tuloy nang wala sa oras. May mga anak na tayo, wala ka pa ring ipinagbago. Sutil ka pa rin,” naiiling na sabad ni Ace Cyrus.
“No, I’m not, pare. Just telling the truth,” nakangisi namang sagot ni Terrence sabay akbay sa pamangkin.
BUT!
THAT was ten years ago. It’s just a part of Clyde’s childhood memory. And today is his graduation in Philippine Military Academy in Baguio City.
As he promised to himself and to everyone, he graduated with flying colors not because his dad is a general but he successfully did it with his own feet!
“Come on, son. Magsisimula na ang graduation ceremony. Like father like son kaya guwapo tayong parehas,” pukaw ng ever handsome niyang daddy.
He smiled to his father. Ganoon pa rin ito kung gaano ito katikas on his full uniform as he was ten years ago.
And remembering his childhood memories made him smile that his two dimples appeared as they marched toward the stage.