MATAPOS maideklarang ligtas na sa panganib si Clyde ay isinama na rin ito ng magkaibigang Terrence at Rey pauwi ng Baguio para doon na magpagamot. At dahil sa nasukol na ang mastermind ng nangyari sa Tabuc, Kalinga ay nagdeklara ang superior nina Clyde na magkakaroon ang mga ito ng bakasyon.
“Paano iyan, Pare? Pagaling ka, mami-miss ka namin,” ani Niel nang binisita nila ito sa hospital.
“Eh, masyado naman kasing matapang ang De Luna na ito. Sukat-akalain ba namang lumusob, eh kalagitnaan ng putukan,” ani naman ni Randy.
“Lol! Eh, tungkulin natin iyon eh, kaya lang ’di ko carry ang ginawa niya,” pabakla effect naman ng isa pa nilang kaibigan na ikinatawa nilang apat.
Pero hindi pa man nakapagsasalita ang binata ay dumating ang Tita Florida niya kasama ang kakamot-kamot niyang tiyuhin.
“Hand salute, Sir!” mabilisang tugon ng tatlo.
Tatlo lang kasi naka-dextrose si Bunso.
“Maupo kayo, guys, saka tito na lang, wala naman tayo sa serbisyo. As far as I know, on leave kayong apat,” ani Terrence sa mga ito pero napangiwi siya nang maramdaman ang pinong kurot ng asawa.
“Ilang beses kitang sinabihan, ha? Naku, pamangkin mo iyan. Kung hindi pa sila nalagay sa alanganing sitwasyun sa lugar na iyon, hindi pa kayo kikilos ng kaibigan mo? Hoy, Terrence Christopher Harden, maghunos-dili nga kayo ng super duper maprinsipyo mong kaibigan,” anito na nakapamaywang.
“Hon, naman. Alangan namang makigulo kami, eh nasa ibang department sila saka buhay na buhay naman ang tao—”
“Naku, isa pa, hon. Talagang makakatikim ka na sa akin, humanda ka,” putol ni Florida Bryana na ikinaubo ng mga magkakaibigan lalo at unang beses lang nilang makilala ang ginang.
“Masanay kayo sa Tita ninyo, guys. Ganyan lang siya maglambing,” ani Terrence sa mga kaibigan ng pamangkin bago bumaling dito.
“Nasaan pala ang Daddy mo, anak? Aba, wala ang mommy mo tapos wala rin siya? Nasaan ang hustisya, anak?” tanong niya rito.
“Lumabas, pumunta yata sa cashier para ayusin ang bill ko. Ang hustisya, nasa Supreme Court pa yata, eh,” sakay naman nito sa biro ng tiyuhin.
“Diyaheng bata ito, eh. Wala ka talagang ipinagkaiba sa Daddy mo, napakasutil,” tugon ni Terrence dahil nasukol siya ng pamangkin.
“Iyan ang napapala mo, hon. Anyway, guys, take care sa bawat laban ninyo. Marami pa kayong pagdadaanan when it comes to your profession,” ani naman ni sss sa kanila.
“Salamat po, Tita,” sagot naman ng magkakaibigan.
Akmang sasagot sana ito pero eksakto namang pagdating ni Rey na hindi malaman kung naiinis o ano.
“What happened, Dad?” tanong ni Clyde dito na akmang babangon pero pinigilan ito ng mga kaibigan.
“Dahan-dahan lang, ’tol. Gusto mo yatang mapatagal ang bakasyon mo, ah.”
“Ba’t mukhang sinabugan ng granada ang mukha, pare?” dagdag naman ni Terrence sa tanong ng pamangkin.
“Anong nasabugan ng granada, Pare? Nasabon ni Misis ’ka mo. ’Ayan, imbes na bantayan ang apo mo na bagong silang. Bakit daw natin pinabayaan si Bunso?” para namang bata na sumbong nito na ikinahalakhak ni Terrence.
“What's so funny, Harden?” yamot na tanong muli ni Rey.
“Wala, Pare. Magkaibigan nga tayo, may mga anak at may apo ka na rin pero para tayong mga bata. Ikaw nasabon nang walang banlaw, ako kahit itanong mo sa kanila, kinurot pa talaga ako ni Misis. Bakit daw natin pinabayaan si Bunso?” nakangiwing sagot ni Terrence.
Dahil nakataas na naman ang kilay ng asawa. Pigil ang tawa ng magkakaibigan dahil sa tanang buhay nila ay nakasaksi sila ng biruan ng mga opisyal na parang mga ordinary citizen lamang.
“Okay na ba, Daddy? Makakalabas na ba ako today?” muli ay singit ni Clyde sa ama.
“Oo, anak. I paid the bill already kaya be ready na. Nandiyan na rin sa labas ang escort natin which I really don’t like sana kung maaari.”
“Hmm . . . Sorry for the interruption, general. Iyan po ang hindi puwedeng mangyari, ang wala kang escort. Kami ngang mga daga ay in danger pa rin, ikaw pa kaya, Sir, na isang agila? Mas mabuti na rin po ang nag iingat,” biglang sabad ni Randy sa ama ng kaibigan niya.
“Correct pa sa tama, young man. Dahil sa maprinsipyong tao ang tulad ni General De Luna ay marami nang bagyo ang dumaan diyan,” segunda naman ni Terrence.
“Bagyo agad, hon? Baka naman puwedeng death threat muna?” biro ni Yana na totoo naman kaya’t muling humagalpak nang tawa ang mga kaibigan ni Clyde. Pero bago pa man mauwi sa harutan ang hindi nagbabagong ugali ng magkakaibigan ay dumating na ang nurse para iyayos ang pagdischarge kay Clyde.
ILANG sandali pa matapos ang maraming pasikot-sikot sa paglabas ng binata ay sa wakas nakauwi na rin sila.
“Gusto ka man naming samahan sa bakasyon mo, pare, on duty naman kami. Some other times na lang at babalik na rin kami sa headquarter’s,” aniya ng mga kaibigan ni Clyde bago sila sumakay pauwi sa kanilang tahanan.
“Okay lang iyon, mga ’tol. Basta balitaan n’yo ako, ha,” tugon ng binata.
“Oo naman, ’tol. Don’t worry, mayaman sa load si Randy kaya matatawagan ka namin araw-araw,” pabirong sagot ni Niel.
“Lol! Ikaw nga diyan ang may ka-telebabad eh, nanuro ka pa,” batok naman ni Randy dito.
Naiiling namang pinagmamasdan nina Terrence at Rey ang mga ito. Iisa lamang ang nasa kanilang isipan. Nakikita nila ang kanilang kabataan sa magkakaibigan.
SAMANTALA naisipan ni Whitney ang dumaan sa tahanan ng mga De Luna sa Paratong lalo at nabalitaan niya ang nangyari sa pinsan niya.
“Good morning po, Lola Naty. Mukhang you have a busy day, ah,” pukaw niya sa may katandaan na ring ina ng asawa ng Mama Dennise nila.
“Aba’y maganda ka pa sa umaga, anak. Pasok ka muna at nang makapagkape tayo,” tuwang-tuwa namang sagot ng matanda.
“Gusto ko iyan, Lola. Pero baka naman puwedeng tulungan muna kita sa ginagawa mo bago tayo magkape?” sagot ni Whitney na labis na tinutulan ni Aling Naty.
“Hindi, anak. Iyan na lang ang ginagawa ko. Alam mo namang ayokong walang pinagkakaabalahan, eh. Kaya huwag na, tara na sa loob,” sagot nito saka sila sabay na lumakad patungo sa kusina at nagtimpla ng kape at siya namang pagdaan ng nagtitinda ng pandesal kaya’t nagpresinta na ang dalaga na siya na ang bibili.
“Keep the change po, manong,” nakangiting aniya sa tindero at bumalik na uli sa kusina kung saan nakahanda na rin ang kape nilang dalawa.
“Lola, kumusta na raw si Bunso?” tanong niya sa matanda.
“Nakalabas na raw siya sa ospital kahapon, anak. Tumawag nga kagabi na palinisan ko raw ang kuwarto niya dahil on leave daw siya sa trabaho nang isang buwan at dito siya magbabakasyon. Baka on the way na rin ang mga iyon,” tugon ng matanda at muling lumagok sa kape.
“Wow! Hindi ko na kailangang umuwi ng Baguio para bisitahin siya, Lola. Dito ko na lang siya hihintayin,” tugon ng dalaga.
“Mukhang may pinagtataguan ka sa inyo, anak, ah? Alam mo, anak, kung anuman iyan, harapin mo lalo na kung problema. I remember your parents, naging saksi kami noon kung paano nila hinarap ang kanilang nga problema sa buhay kaya kung anuman iyan ay huwag mong pagtaguan, anak,” pangaral naman ni Aling Naty.
“Si Lola talaga. Opo, tamad lang akong umuwi sa bahay. Alam mo naman si Mommy eh, para pa rin akong baby kung ituring. Mas lalo pa sina Grandma at Grandpa. Hay naku, Lola. Kaya minsan ayokong umuwi doon dahil ayokong bini-baby ako. Kung hindi naman ako makadalaw kina Grandpa, nag-e-emote sila. Mas gusto ko dito sa province, nandito naman po kayo kahit ’di ninyo ako kadugo, eh. You love me as your own,” nakapangalumbaba sa lamesang sagot ng dalaga.
Napangiti tuloy si Aling Naty dahil sa inasta nito. Kagayang-kagaya ito ng ina noong nasa Ilocos pa ang mga ito. Tama naman kasi ito. Kung gaano niya kamahal ang mga pinsan nito na mismong apo niya ay gano’n din ang magkapatid na Bryan Christopher at Whitney Pearl na mga pamangkin ng manugang niya. Pero bago pa siya nakasagot ay may nagsalita na sa likod ng dalaga.
“Alam mo, Perlas ng Silanganan, ang sabi ng mga matatanda, ang mga taong nakapangalumbaba sa hapagkainan ay hindi nakakapag-asawa, at kung makapag-asawa man ay isang pangit na matandang madaling mamatay,” aniya nito.
“Jhyne!”
“Yne!”
Sabay na sambit nina Aling Naty at Whitney nang malingunan ang kaibigan ng huli.
“Bakit kailangang sabay pa kayong dalawa? Ahem, Lola Naty, huwag mo akong idemanda, ha? Trespassing na ako. Galing ako sa kabila kaso wala doon si Perlas kaya dito na lang ako dumiretso,” aniyang muli ni Jhyne.
“Feel at home, hija. Kuha ka ng mug diyan at saluhan mo na kami dito,” tugon ni Aling Naty.
Aliw na aliw naman kasi siya sa mga ito na kahit hindi niya kadugo ay itinuturing niyang sarili niya lalo at mahirap hagilapin ngayon ang kaisa-isang babaeng apo niya. Kung bakit pa kasi ang pag-aabogada ang ninais nito, kung saan-saan tuloy ito napupunta. Ang maganda nga lang, simula nang magtapos ito sa pag-aaral at nagkaroon ng trabaho sa sikat na law firm sa siyudad ng Baguio hanggang sa kasalukuyan ay wala pa itong hindi naipanalong kaso. Pero bago pa makarating sa Nueva Viscaya kung saan isinilang ang unang apo niya sa tuhod ang kanyang isipan ay binulabog siya ng tinig ni Whitney.
“Maka-Perlas ka naman, wagas! Palayasin kaya kita dito? Aba, bahay ’to ng Lola ko, ’no? Ano ba kasi ang sadya mo, SPO1 Juntilla?!” nakapamaywang na aniya na akala mo ay galit.
But Jhyne knows her so much. She knows her strategies kaya’t imbes na patulan ang pagsusungit kuno nito ay hinarap niya ito at patay-malisyang ibinaba ang kilay.
“Ibaba mo na iyan, Perlas, baka sumabit ang pandesal diyan. Nandito lang naman ako para imbitahin kayo ng lunch sa bahay. Alam mo namang town fiesta ngayon dito sa Sta. Catalina. And guest what, Perlas?” pambibitin pa nito. Alam na alam niyang naiinis ito kapag binibitin.
“Kapag hindi ka pa tumigil sa pambibitin sa akin, palalayasin na talaga kita, SPO1—”
“Masyado kang pormal, Perlas. Ikaw ang inirekomenda ko na star of the night mamayang gabi. Alam ko namang iyan ang gustong-gusto mo. Kahit hindi ka makauwi sa inyo basta makakanta ka. You’ll be the one to sing in the stage with The Pioneer Band kaya big break na ito sa iyo. Ay mali pala, Perlas, kasi international singer ka rin,” patay-malisyang aniya pero halos mapaso siya nang hindi niya napaghandaan ang paglambitin nito sa kanya na madalas nitong gawin kapag may nagagawa siya para dito.
“That’s what friends are for, Perlas, kaya umayos ka diyan. Gusto mo pa yata akong mapaso, eh.” Kunwaring napasimangot si Jhyne.
“Love na love talaga kita, SPO1. Naku.” Abot hanggang tainga ang ngiti ng dalaga.
Tuwang-tuwa naman si Aling Naty habang nakamasid sa dalawa. Naisip niya tuloy, paano kapag nangyari na mga apo niya ang mga ito? Baka mas maingay pa ang mga ito.
SA kabilang banda, dahil maagang bumiyahe ang mag-amang Clyde at Rey with their convoy ay naiwasan nila ang traffic kaya’t maaga silang nakarating sa siyudad ng Vigan.
“Daddy, ano’ng meron?” tanong ni Clyde noong papasok na sila ng Sta. Catalina at napansin ang mga dekorasyon.
Saglit namang nag-isip ang opisyal at parang inalala ang petsa.
“Oh, I almost forgot, son. Pero ’di bale, magpa-order na lang tayo mamaya. Town fiesta ngayon ng Sta. Catalina, anak, kaya ganyan. Dapat pala bumaba din ang Papa T mo at ang Mama Yana ninyo. I’m sure katakot-takot na sermon na naman ito,” sagot ni Rey.
“Paktay ka niyan, Daddy. Alam mo naman si Mama Yana, mas gusto pa yata dito sa probinsiya kaso nandoon naman ang work nila ni Papa. Masurte ako dahil on leave ako, eh ’di bongga,” kantiyaw pa nito sa ama.
“Kaya nga, anak, eh. Pero ’di bale. Ang mahalaga masaya ka kaya masaya na rin ako. I’m happy to have a brave son like you,” tugon ni Rey.
“Thank you, Dad. Pero huwag ka nang mag-emote, maaga pa, eh. Baka sabihin ni Mommy, pinaiyak kita,” sagot ni Clyde sabay halakhak kaya’t nahawa na rin ang daddy niya.
Hindi nakaligtas sa kanilang paningin ang mahihinang tawa ng isa sa tauhan ni Rey na nagsilbing tagamaneho nila.
He knew it. He will enjoy his vacation in the province. He loves to stay here, too. Alam niyang someday, hindi lang bakasyo ang sasadyain niya rito. Someday he will be working in the province!