CHAPTER 4 - THE TIGRESS

2286 Words
“ANAK naman ng! Sir naman. Akala ko ba okay na ang usapan na off ko ang araw na ito pero bakit bigla kayong bumaliktad?” Halos mapamura ang dalagang si Jhyne dahil sa pagkainis. “SPO1 Juntilla, isa kang alagad ng batas kaya dapat huwag mo nang itan—” “F*ck you, demon! Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka!” singhal ng dalaga sa isa niyang kasamahan. “Watch your words, SPO1. Speaking of bad words is not good lalo na kung may kasama kang walang-kamuwang-muwang,” aniya pa nito na mas ikinausok ng ilong niya. “Tama na iyan, SPO1 Juntilla, Saavedra. Huwag n’yo nang pahabain iyan,” pagitna ng hepe sa mga ito na halatang nagkakainitan na, which is ayaw niyang mangyari. Parehong asset ng departamento ang mga ito. Ang kaibahan nga lamang nila ay ang prinsipyo, devotion at strategies nila sa trabaho. "Kaya ko lang naman pina-cancel ang off mo today dahil gusto kong ikaw ang maging in charge sa peace and order sa celebration ng pageant tonight,” aniya ng boss niya na ikinaismid ng kasama nito na hindi nakaligtas kay Jhyne. “Puwede naman po na si Saavedra ang italaga mo, sir. aAam ko namang iyan ang gustong-gusto niyan.” ‘Kung makaismid, wagas. Sarap sapakin,’ nais sanang idugtong ng dalaga pero muling nagsalita ang boss nila. “Are you refusing your job now, SPO1 Juntilla? Saavedra has a job too and he can’t do what you can do as you can’t do what he can. I know both of you had the capabilities in working but will you please stop smirking to each other, or else both of you will be suspended. That’s an order!” ani ng boss nila. “Permission to leave, Sir!” nakasaludong ani Jhyne dahil mas gusto pa niyang iwanan ang mga ito kaysa masapak niya nang tuluyan ang lalaking kinaiinisan niya. “Bago kita sagutin, SPO1 Juntilla, I will repeat. No off for today and you’ll be having a double duty, okay?” pag-uulit pa ng boss nila. “No choice, sir. I will!” nakasaludong sagot ni Jhyne. “Go on, Miss Juntilla. You may go now and thank you for cooperating,” nakangiting tugon ng boss nila. Nag-about face ang dalaga at nagsimula nang lumakad pero nang napatapat kay Saavedra ay nakaisip siya ng kalokohan para kahit papaano ay makaganti siya rito. Maangas kasi ang binata kaya naiinis siya dito. Sinadya niyang apakan ang paa nito saka tuloy-tuloy na lumabas, hindi na inalinta kung umaaringkingking ito sa sakit. “What’s happening to you, Saavedra?” dinig pa niyang tanong ng boss nila. “Wala, Sir. Naipit lang ang paa ko, sir,” dinig din niyang sagot nito. “Gag*! Hindi ka lang tarant*do. Maangas ka na nga, sinungaling ka pa!” ngitngit na himutok ng dalaga pero tumuloy na siya sa paglabas. Dumiretso na lamang siya ng uwi kaysa naman mapag-initan pa niya ang mga alipores ng kinaiinisan niya. Ang grupo nito pa naman ang isa sa kung bakit ayaw niya sana sa departamentong iyon. Pero dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho ay nagtitiis na lamang siya. ‘Ay sh*t! Kung minamalas nga naman, oo! Si Perlas, ano na lamang ang sasabihin noon kapag nalaman niyang hindi ko siya masasamahan?’ “Anak ng puny*ta naman!” Nadagdagan ang inis niya nang maalala ang kaibigan, dagdag pa na may muntik na siyang mabangga ng motorsiklo niya kaya siya napamura. Naantala na naman ang kanyang pag-uwi dahil sa letseng lalaki na muntikan na niyang mabangga. ***** Sa tahanan ng mga De Luna. . . “LOLA, puwede ba akong mamasyal diyan sa tabing-dagat? Nakakabagot pala ang nasa leave, walang magawa," tanong ni Clyde sa abuela. “Oo naman, apo ko. Wala namang nagmamay-ari sa dagat, ah. Lahat tayo ay puwedeng pumunta diyan. Pero wala ka pang isang linggo dito, nababagot ka na?” tugon ni Aling Naty sa apo na animo’y isang paslit na nagpapaalam. “Eh, wala naman kasi akong ginagawa, ’La. Paggising ko sa umaga nakahanda na ang almusal ko, pagbaba ko naman dito sa hardin, nakadilig ka na rin ng mga halaman mo. Ano ako, senyorito?" kakamot-kamot sa ulong tugon nito na ikinangiti ng matanda. “Wala ka talagang ipinagkaiba sa ama mo. Lumakad ka na nga, apo. Puwede ka rin namang mamasyal sa Vigan pero mas maganda sana kung may kasama ka para may makausap ka habang namamasyal para hindi ka maboring,” aniya na lamang ni Aling Naty saka muling hinarap ang mga bulaklak. “Ikaw na lang kaya, Lola? Ikaw naman ang boss ng mga bulaklak na iyan.” “Hep, hep, hep! Huwag ang halaman ko ang pagdiskitahan mo, apo. Doon ka muna sa tabing-dagat, baka mamaya pagbalik mo puwede nang ako ang kasama mo,” pigil nito nang akmang pipitasin ng apo ang isang bulaklak. “Si Lola talaga, oo. Para isang bulaklak lang, eh,” ani Clyde pero hindi pa rin ito napigilan ng matanda. Dahil pumitas pa rin siya ng bulaklak saka patakbong lumabas ng gate nila na kung hindi pa nag-menor ang dumaang motorsiklo ay baka sa ikalawang pagkakataon ay nadali ang binata. Akala niya ay hindi na ito titigil dahil nagdere-deretso lamang ito pero ipinarking lang pala nito ang motor saka humabol sa kanya. “Hoy, mamang hindi ko alam ang pangalan. Wala akong balak makasagasa ng tao ah, kaya’t kung gusto mong magpakamatay, doon ka sa highway sa Vigan para maraming sasakyan. Dahil kung dito ka lang sa barangay, hindi ka mamamatay, bagkus mapipilayan ka lang!” ngitngit nito sa kanya saka muling lumakad pabalik sa motor na hindi man lang hinintay ang paliwanag niya. Pero nagulat siya nang muli itong nagsalita na hindi niya namalayang nasa harap niya itong muli. “Para kwits tayo, mamang hindi ko alam ang pangalan, akin na lang iyang hawak mong white rose. Thank you!” sabi nito sabay kuha sa pinitas niyang bulaklak ng lola niya na dahilan kung bakit siya tumakbo palabas. Tuloy, hindi na naman siya nakapagsalita dahil dito, na kung hindi pa nagsalita ang kapitbahay nilang matanda ay hindi pa siya natinag sa kinatatayuan niya na nakatingin sa dalagang muntik makasagasa sa kanya at nanguha sa white rose niya. “Aba’y nandito pala ang apo ni Naty. Kumusta ka na, balong?” pukaw nito sa kanya. “Ay ikaw pala, Lolo Berting. Mano po, Lolo,” sagot niya rito sabay abot sa palad nito. “Kaawaan ka ng Diyos, apo. Mukhang nadali ka ni SPO1 Juntilla, ah.” “Sino po, Lolo?” takang tanong niya sa matanda. “Aba’y sino pa kundi ang muntik nang makasagasa sa iyo at nanguha sa rosas na hawak mo.” “Kaya pala kung makaasta nang gano’n, alagad pala ng batas. Ang taray niya, parang tigre. Sayang, maganda pa naman,” bulong niya na hindi naman nakaligtas sa kausap. “Oo, apo, alagad iyon ng batas. Isang matinik at walang sinasanto ang taong iyon. Nagtataka lang ako kung bakit galit sa iyo. Akala niya siguro magpapakamatay ka. Huwag kang magalit doon, baka nagkataon lang na mainit ang ulo niya kaya gano’n. Mabait iyon, apo.” “Hindi naman po ako galit, lolo—” “O, apo, nandiyan ka pa pala? Akala ko ba pupunta ka diyan sa tabing-dagat?” putol ng lola niya sa kanya. “Ay, Kaka Berting, nandiyan pala kayo? Bakit ’di ka pumasok?” baling nito sa kausap ng apo nang mapansin niya ang matanda. “Next time na lang, Naty. Napatigil lang ako dahil sa apo nating iyan. Siguro namitas sa mga halaman mo kaya napatakbo dito sa labas. ’Ayun, muntik masagasaan ni SPO1 Juntilla. Ang masaklap pa doon, eh kinuha pa nito ang bulaklak na hawak ni Clyde,” pagkukuwento pa ni Lolo Berting. “’Ayan, apo. Kung hindi ka lang sana nanguha, eh disin sana’y hindi ka tumakbo. ’Ayan, muntik ka na namang bata ka,” sermon ni Aling Naty sa apo. “Lola naman, eh. Paano pati halaman, ayaw mong ipagalaw sa akin. Pero okay lang iyon, Lola. Hindi naman ako nasagasaan ng tigresang iyon. Paano, Lolo Berting, Lola, diyan muna ako sa tabing-dagat. Parang may mga mangingisda pa diyan,” ani Clyde sa mga matatanda at hindi na hinintay ang sagot ng mga ito. Lakad-takbo na lamang ang ginawa niya para maabutan ang mga mangingisda. This is what he wants in his father’s place. Malapit ito sa dagat at puwede silang makipagsabayan sa mga ito. Kilala sa buong Sta. Catalina ang Papa niya kaya’t maski siya ay kilala na rin ng mga ito. “Magandang umaga po sa inyong lahat. Puwede po bang makisali sa inyo?” pukaw ng binata sa mga ito na busy sa paghatak sa fish net. “Kuya! Ikaw nga, Kuya Clyde! Akala ko nakalimutan mo na kami rito, ah," ani ng isang binatilyo na binitiwan ang taling hawak para makalapit sa kanya. “Hindi naman puwedeng mangyari iyon, Dado. Busy lang ako sa trabaho kaya hindi ako nagagawi dito,” tugon niya rito. “Kumusta ka na, Clyde anak? Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo sa Tabuc, Kalinga. Mga hayup din ang ilan sa mga kasama mo, ’no?” sabad naman ng isa sa mga ito. “Kaya nga, Tito Dolpo. Pero nakakulong na ang dati kong superior. Naka-leave din po ako kaya puwede po ba akong makisali sa inyo?” sagot ng binata. “Ay baka mabinat ka, ’tol, huwag na. Panoorin mo na lang kami, mahirap na,” sabad ng isa ring kasamahan ng mga mangingisda. “Ayos na ako, ’Tol Jess. Salamat sa pag-aalala pero kaya ko na ito,” tugon ni Clyde sa binatang kasing-edad niya pero dahil sa klase ng hanapbuhay nito na sa dagat lagi ay parang nadoble ang edad nito. “Sa makina ka na lang, anak, para hindi mabigat. Tama naman si Jess, baka matubigan ang sugat mo,” ani rin ng isa na marahil ay kaedad ng ama niya. Hindi na umangal si Clyde sa suhestiyon ng mga ito. Siya na ang humawak sa manibela ng bangka habang ang mga kasamahan nila ay hawak ang mga fish net at ilang kagamitan ng mga ito sa dagat. Hindi nga nagtagal ay marami na silang nahuling isda samantalang ilang araw na rin na halos wala silang huli lalo na kapag may nauuna sa kanila. “Maraming salamat sa iyo, ’Tol Clyde. Ang suwerte mong sumama sa amin, ah. Tingnan mo oh, ang daming isda samantalang kaninang madaling-araw pa kami dito pero hindi kami pinalad na makakuha ng marami,” masayang pasasalamat ni Jess sa binata na ayaw magpatawag ng Sir dahil hindi naman daw siya guro. “Eh, bakit sa akin ka nagpapasalamat, ’tol? Saka nagkataon lang iyan na kasama n’yo ako ngayon. Aba, hindi n’yo nga ako pinahawak ng lambat, eh,” sagot ni Clyde. “Tama ang sinabi ni Jess, anak. Ilang araw na rin kaming lugi, ngayon lang ulit kami pinalad at kasama ka namin kaya alam naming suwerte ka sa amin. Maraming salamat, anak,” ani Mang Dolpo na sinang-ayunan din ng mga kasama nila. Hindi na umimik ang binata lalo at tuwang-tuwa ito sa mga fresh pang isda na nahuli nila, patunay lamang na gumagalaw pa ang mga ito na animo'y tao na tumatalon-talon pa mula sa banyera. “Ang dami naman nito, Tata Dolpo, eh kami lang naman ni Lola sa bahay. Sa inyo na lang po iyan, nakaupo nga lang ako sa harap ng manibela, eh,” ani Clyde nang iniabot ng matanda ang ilang kilong isda sa kanya. “Palagay ko naman, ’tol, may ref kayo kaya hindi iyan masisira, kaya umuwi ka na para maluto iyan ni Lola Naty. Sigurado ako, ’tol, hinahanap ka na n’on,” nakatawang ani Jess dahil sa reaksiyon ng binata. Tubong Ilocos ito pero laking siyudad naman kaya hindi na nakapagtataka kung aliw na aliw ito sa buhay na isda. Marami pa ang sabi nito sa ilang kilo lamang na ibinigay nila samantalang mas marami sa kanila ayon na rin sa mga ito. Sa bagay, pare-parehas sila ng hati mula sa nakuha nilang isda, nagtabi lang sila ng ilang piraso na malalaki para may maiuwi. “Oo nga pala, mataaas na ang araw. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sana imbitahan n’yo ulit ako sa mga susunod na mga araw. Ang saya-saya sa pakiramdam. Sige, mauna na po ako, baka nag-aalala na talaga si Lola,” ani ng binata at lakad-takbong lumayo sa mga nakasamang pumalaot. “Sana lahat ng mga alagad ng batas at anak mayaman na tulad niya ay may ginintuang puso. Parang si Tito Rey lang na down to earth pa rin kahit may mataas ng katungkulan sa gobyerno,” sabi ng isa sa mga mangingisda na nakatingin sa binatang papalayo sa kanila. Halos hingalin na si Clyde nang makarating sa bahay nila. Nasa gate pa lamang siya ay nagsisigaw na siya. “Lola! Lola! May dala akong isda! Lola!” Agad namang lumabas ang matanda dahil sa narinig na sigaw ng apo na akala niya’y dumiretso na sa Vigan para mamasyal mag-isa pero basang-basa naman ito at may hawak na cellophane na may lamang isda. “Lola! Ano ba, eh nilalamig na ako, nasaan ka ba?” muli ay sigaw ni Clyde na hindi agad napansin ang paglapit ng abuela niya. “Makasigaw ka naman, wagas. Sino ba kasi ang may sabi sa iyong pumunta ka sa dagat ha, bunso?” taas-kilay na aniya ni Whitney sa pinsan niya. Lumingon naman ang binata para sagutin sana ang Ate Whitney niya, but he stood still when he saw someone. The tigress! The one who almost hit him and who took away his rose! At kasama ito ng Ate Whitney niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD