CHAPTER 5 - RIDING IN TANDEM

2085 Words
“SAMA ka sa amin, Bunso, para hindi ka ma-boring dito,” pukaw ni Whitney sa pinsan nang nagkayayaan ang magkaibigan na mamasyal sa siyudad ng Vigan. Vigan City is one of the most beautiful cities in the whole world. It is a UNESCO world heritage city. “Sino’ng kasama natin, Ate?” sagot ng binata. “Ako, may angal ka?” taas-kilay na sagot ni Jhyne. “Nagtatanong lang, Miss Tiger. Malay ko ba kung may mga date pala kayo, eh ’di na-OP ako,” sagot naman ni Clyde. “Tayo-tayo ang mag-date, ’insan. Ayaw mo n’on, dala-dalawa ang date mo?” Whitney said, giggling. “Ate naman. Gusto mo na yatang mawala ang lahi ng mga De Luna, ah. Kung dalawa ang date ko, baka sabihin ng mga ladies out there na babaero ako kahit ni isa ay wala pa akong nagiging kasintahan,” angal ni Clyde. Pero batok lang ang napala niya sa bunsong anak ng Papa T niya—si Whitney, ang Yana liit. “Sorry for the word, ’insan. pero baliw ka ba? Pinsan mo ako kaya hindi tayo talo. Iyan kasi, hindi mo na hinaluan ng social life ang buhay mo kaya wala kang kaalam-alam sa mga ganyang bagay. It’s a friendly date, gets mo?” nakapamaywang na saad nito sa kakamot-kamot na pinsan. “Ano ba kasi ang naisip mo at niyaya mo pa ang taong iyan? ’Ayan tuloy, nagsimula na ang palabas sa plaza. Tara na nga, may duty pa ako bukas kaya limitado ang oras ko,” supla naman ni Jhyne sa kaibigan. Nagsisimula na naman siyang mainis sa lalaki. Hindi niya malaman kung ignorante ba ito o sadyang walang-kaalam-alam sa mga social life. “Napakamainitin ng ulo mo, Miss Tiger. Tatanda ka niyan ng maaga. Sa bagay, mas matanda naman kayo sa akin ni Ate Whitney.” "Lumakad na kayo, mga anak, kaysa naman mag-asaran kayo diyan. Clyde apo, iyong owner ang gamitin ninyo, huwag sa iisang motor at mahirap na. Mas mabuti na iyong owner, kaysa kayong tatlo,” sabad ni Aling Naty sa mga ito. “Ay salamat, Lola. Ito kasing si Pinsan eh, masyadong inosente." Hagikgik pa ni Whitney. “Hindi ko naman kasalanan iyan, Ate, kung talagang wala akong hilig sa mga ganyan. Ikaw talaga, oo. Pakikuha ang jacket ko sa kuwarto ko at ilalabas ko ang owner para magamit natin,” ani na lamang ni Clyde. Totoo naman kasi ang sinabi ng pinsan niya. Masyadong boring ang buhay niya dahil simula’t sapul ay naka-focus na sa pag-aaral ang isipan niya at noong nagtapos siya ay itinuon naman niya ang atensiyon niya sa trabaho, lalo na noong nadestino silang magkakaibigan sa Tabuc, Kalinga. “Dahan-dahan lang, apo, sa pagmamaneho,” bilin ni Aling Naty sa mga ito bago sila umalis. “Opo, Lola. Huwag mo na akong hintayin, Lola. Matulog ka na po. May susi naman po ako,” tugon ng binata at pinausad na ang owner-type jeep sakay ang dalawang dalaga na wala na yatang katapusan sa pagsasalita. SAMANTALA, sa grupo ng mga taong nagkakasiyahan sa plaza sa siyudad ay bahagyang tumalilis ang apat na lalaki para makapag-usap nang maayos. “Ano’ng balita sa usapan natin, mga p’re,” halos pabulong na tanong ng isang lalaki. “Ang sabi ni Boss, nandito na daw ang target pero hindi pa raw namataan kung nasaan banda ito,” tugon ng lalaking kausap nito. “Incomplete report naman kasi iyan, p’re. Dapat eh alam na kung nasaan siya para mas mabilis ang pagtumba sa kanya.” “Matanong ko lang, p’re. Ano daw ang kasalanan ng ipinapatumba niya?” tanong sa dalawa ng isa pang lalaki. “Para ka namang bago diyan, oo. Kailan pa nila sinabi sa atin ang kasalanan ng mga pinapatumba?” naiiling naman na ani ng ikaapat na lalaki. “Basta umayos lang tayo, mga p’re, lalo na ang mga galaw natin. Mahirap na, baka may makapansin pa sa atin,” paalala naman ng isa. Magsasalita pa sana ang isa pero siya namang pagsasalita ng emcee kaya lumapit na silang muli sa may stage. "Total nandito na po ang panauhing pandangal natin, puwede na po nating ipagpatuloy ang naudlot na programa. Pero bago ang lahat, nais ko munang ipakilala sa inyo ang ating guest speaker for tonight. Let’s all welcome, Alex Alcantara, one of the members of the famous band in town during their generation. Sir, kindly step forward, please?” masayang ani ng emcee. Alex Alcantara is a member of The Notorious Band but since that he’s the one who’s available and from Ilocos Sur, he became the representative of the group. And besides, their children is the successor of the band. It’s just happened that the theme of the program for that night is “How to Handle a band Group?” At ang The Notorious Band ay isa sa pinakamatagal nang banda sa bansa kaya sila ang napiling mag-guest. “I will just make it short, mga kaibigan, dahil alam kong excited na kayong mapakinggan ang mga paborito ninyong mga mang-aawit. I can only say that you need to respect each other to have the best bonding for the band for the rest of your life. You need to love each other too, dahil hindi lang grupo iyan kundi isang pamilya. You need to have faith and trust for each other. At kung nasa inyo ang lahat ng iyan, I’m surer than sure na magtatagal ang samahan ninyo. That’s all and thank you,” ani ng panauhin nila. Sa gitna ng kasiyahan ay walang mag-aakalang may napipintong peligro. Walang mag-aakalang ang ilan sa mga manonood ay mga hired killer. Nagpatuloy lang ang programa, ang “Awitan sa Bayan.” SA kabilang banda, halos mahilo na ang binata sa kasusunod sa mga kasama niya. “’Insan naman. Para kang hindi alagad ng batas, ang kupad mong lumakad,” reklamo ni Whitney. “Ate naman. Para iyon lang, eh. Ang daming tao. Saan ba tayo pupuwesto?” ani Clyde. “Dito lang sa tabi-tabi, ’dre. Talasan mo ang pakiramdam mo, ha? Mamaya niyan eh mawala ka pa sa tabi namin, aba’y lagot na ’pag nagkataon,” tugon ni Jhyne. “’Insan, dito ka sa tabi namin. Aba’y kahit lalaki ka, kung mawala ka eh ako ang lagot kay Mama Dennise,” hagikgik pa ni Whitney sa pinsan na inosenteng-inosente ang dating. Sa kabilang panig naman ng plaza ay may kausap sa cell phone ang isa sa apat na lalaki. “Hello, boss, ano po’ng kulay ng damit niya? Ano, may kasama siya? Paano kung pumalag sila? Sige, boss. Pero alam na, boss, doble din ang bayad kapag doble ang trabaho.” Pagkababa nito sa cell phone ay agad itong tumimbre sa mga kasama. “Mga pare, pera na ’to. Nandito lang pala sa malapit natin, eh.” “Saan diyan, ’dre?” “Huwag kayong magpahalata. Siya ’yong nakamaong with white T-shirt. May kasama na isang lalaki at isang babae,” sagot nito "Sundan ninyo, mga p’re. Umikot sila, eh. Huwag ninyong hayaan na mawala sa paningin ninyo. Ihahanda ko lang ang motor ko. Ikaw din, pare, ihanda mo na iyang motor ninyong dalawa at paikutan natin sila.” Gano’n nga ang ginawa nila. Pero ang hindi nila alam ay nakatunog si Jhyne. “Perlas, ilayo mo ang pinsan mo rito,” bulong ni Jhyne dito. “Pero, friendship, hind—” “Basta ilayo mo ang pinsan mo dito, ngayon na!” “Ano’ng pinagbubulungan n’yo diyan, Ate?” sabad ni Clyde pero hindi ito pinansin ng dalaga dahil mas umigting ang hinala niya sa apat na lalaki. “Sige na, Perlas, lumayo na kayo—” Hindi na ito natapos ni Jhyne dahil ang dalawang motor ay mabilis nang dumaan sa kanila. “Dapa!” sigaw ni Jhyne sabay tulak sa dalawa kaya siya ang tinamaan ng dalawang sunod-sunod. Agad nakabawi si Clyde mula sa pagkabagsak. “Give me your gun, now!” sigaw rin nito at hindi na hinintay ang sagot ni Jhyne dahil hinablot niya mula rito ang hawak nitong baril saka lumingon. Sakto namang may paalis na motor kaya nilapitan niya ito. “Boss, pahiram saglit. Hahabulin ko muna ang mga gag*!” paalam niya sa may-ari ng motor, hindi man lang hinintay ang sagot nito kung papayag ba o hindi. Agad niya iyong pinatakbo. “Hey! Come back! Ang motor ko!” dinig pa niyang sigaw ng may-ari ng motor pero hindi na niya ito pinansin dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya ang mga hinahabol. “Ano’ng nakain noon at humabol pa?!” May tama na nga ng bala si Jhyne, ang iba pa ang iniisip. “Bruha! Si ’Insan pa iniisip mo, may tama ka na nga, eh! Huwag kang mag-alala, kapwa mo alagad ng batas iyon. Halika na, dalhin na kita sa ospital para maagapan iyan,” kabadong ani Pearl na hindi alam kung kanino hihingi ng tulong dahil kanya-kanyang layas ang mga tao dahil sa komosyon. “Utang na loob, Perlas. Kung nakinig sana kayo kanina, eh ’di sana hindi kayo nadamay. Hindi nga ako napuruhan ng mga hayup, ang pinsan mo namang inosente ang nanganganib. Eh ’di kargo de konsensiya ko naman. Kahit alagad pa iyan ng batas, eh alam ba niya ang pasikot-sikot dito?” Nakuha pang sumagot ni Jhyne na talaga namang kumakagat na ang kirot ng sugat niya. “Ay, huwag kang mag-alala sa pinsan kong iyon, bruha. Anak iyon ni General De Luna kaya siyempre tagadito rin sila. At malakas pa sa kalabaw iyon kaya huwag kang mag-alala, kaya na niya iyon.” Hindi na sumagot ang dalaga dahil kahit masakit ang sugat niya ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung sino ang nag-utos sa mga ito. Riding in tandem ang labas ng nangyari. Iyon nga lang ay hindi siya namatay! But in her mind, kung sinuman ang may pakana sa riding in tandem na palpak ay humanda na sa kanya. ‘Ililibing ko kayo nang buhay, mga puny*ta kayo! Magtutuos tayo! Hindi kayo marunong lumaban nang patas, mga hayup!’ sa nanlalabong paningin ng dalaga ay nakuha pa niyang magngitngit sa isipan. Pero dahil may tama siya at marami nang nawalang dugo sa kanya ay hindi na niya namalayang nawalan na siya ng ulirat. Hindi na nalaman ni Jhyne ang pagdala sa kanya ng kaibigan sa ospital. Her friends asked for help to carry her to the tricycle na nagdala sa kanila sa pagamutan. “I really hate blood, I swear,” bubulong-bulong pang sambit ng kaibigan habang yakap siya but all of those were out of her knowledge. ***** NAALARMA ang apat na kalalakihan nang mapansin nila ang isa pang motor na humahabol sa kanila. “Mga p’re, kanya-kanya na muna tayo! May nakasunod!” “Lintik na babaeng ’yon! Madulas ang bala sa kanya, sumablay pa!” Nagsisigawan sila habang nagmamaneho. Pero bago pa sila tuluyang makalayo ay naunahan na sila ni Clyde. “Crime is everywhere! Ito ang para sa inyong lahat!” bulong ng binata. Itinigil niya ang motor at ikinasa ang kalibre kuwarenta y singkong baril saka pinaputukan ang gulong ng mga motor na hinahabol niya. Bull’s-eye! Tumilapon ang mga ito dahil sa nawalan sila ng kontrol kaya’t hindi na siya nagsayang ng panahon. Hindi man niya teritoryo ang Ilocos pero it’s a call of duty kaya ginawa lang niya ang kanyang tungkulin bilang alagad ng batas. “Pasensiyahan na lang tayo, mga kapatid, but I need to do this.” Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang nakarolyong tali ng tarpaulin sa motor na hiniram niya kaya’t pinagdugtong-dugtong niya ito at itinali ang mga sugatang lalaki. “Sorry po, Sir. Puwede po bang tulungan n’yo ako?” tanong ni Bunso nang makita ang isang mama na may sasakyan. “Ano’ng nangyari?” tanong ng mama nang makababa ito ng sasakyan. “Riding in tandem po ang mga ’yan at nanggulo sila sa plaza. Pulis ho ako.” Sabay pakita niya ng kanyang tsapa. “Where are we going to take them? Sa ospital o sa headquarter’s?” tanong naman nito. “Sa presinto na lang, sir, para mai-turn over ko sila saka ako papuntang pagamutan,” sagot ni Clyde dito. “Sige, Iho. Tara na,” tugon ng mama. Matapos mai-turn over ni Clyde ang mga ito ay bumalik siya sa plaza at nagtanong kung saang pagamutan dinala ang dalaga. Mabuti na lang at ang napagtanungan niya ay ang tumulong din sa dalawa kaya hindi siya nahirapan para sumunod sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD