ANG hindi alam ng mga tao ay nakatalon si Jhyne mula sa jeep at nagpagulong-gulong bago pa man ito sumalpok sa kahoy sa tabi matapos itong nawalan ng preno dahil sa pagkakabaril ng gulong nito. Hawak ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang bagay ay nagawa niyang iligtas ang sarili sa pagsabog ng sasakyang iyon. Hindi niya maiwasang mapadaing sa tuwing humahambalos siya sa may kataasang bangin kung saan siya nataon na tumalon. Masuwerte pa rin siya na kahit sumabog ang sinakyan niyang jeep ay nakatalon siya, kahit pa na sabihing walang kasiguraduan kung mabubuhay pa siya dahil sa mga sugat niya, idagdag pa ang kahihinatnan ng pagbagsak niya. Ramdam niya ang pagbagsak niya pero iyon na rin ang pagkawala ng malay niya pero bago pa tuluyang nawala iyon ay napangiti pa siya. “I