MAKARAAN ng ilang araw, kahit kulang sila sa kagamitan ay nagawa pa rin nilang maging stable ang kalagayan ng walang-malay na dalaga dahil halos kompleto sila sa bundok: may doktor, may pari, may mga alagad ng batas, may mga politiko, kaya hindi naging mahirap sa kanila ang gawan ng paraan ang agarang paggaling nito. It was a bright Sunday morning na kahit sila-sila lamang sa bundok ay hindi nila kinaligtaan ang manalangin sa Poong Maykapal. “Hmm . . .” dinig nilang ungol ng panauhin nila. Pero dahil nasa final blessing na ang pari ay tinapos muna nito ang panalangin bago sila lumapit sa dalaga. “Doc, come here, gising na siya,” tawag ng pari sa doktor na nasa kabilang banda pa rin kung saan sila nagsagawa ng misa. Sa narinig ay hindi na nagdalawang-isip ang mga ito. Agad silang luma