ISANG araw, habang pauwi si Clyde galing sa trabaho, his cell phone ringed continuously. Pero nang sagutin niya ito ay siya namang pagdaan ng isang sasakyan na animo’y ibon sa bilis sa pagtakbo at huli na para umiwas si Clyde. Kung gaano kabilis ang sasakyan na inutusan ng sinumang Poncio Pilato na babangga kay Clyde ay gano’n din kabilis tumalon ang binata mula sa owner-type jeep na service niya. Para saan ba at nasa NBI siya kung lalampa-lampa siya. Lumaki siyang iniidolo ang ama at ang Papa T niya kaya’t bata pa lamang siya ay sanay na siya sa mga gano’ng bagay. Hindi na niya pinansin ang tumilapon niyang cell phone bagkus ay binunot niya ang kabilaang baril na nakasukbit sa kanyang baywang. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang putok para sa mga nasa loob ng sasakyan. Hindi pa siya nakon