DAHIL sa sunod-sunod na krimen sa buhay ni Clyde ay napagdesisyunan ng binata na balikan ang lahat. Gusto niyang makasigurado kung tama ba ang nasa isip niya. Tama naman ang mga magulang niya na alagad siya ng batas pero huwag daw siyang gumawa ng hakbang na ikasisira ng pangalan niya, lalo ng daddy niya. “Take it as a challenge, anak. Huwag mong ilagay sa mga palad mo ang batas,” sabi nga nito sa kanya when he drafted to him his plan. Isang araw, bilang panimula sa kanyang plano ay minabuti niyang bumalik sa tahanan nina Jhyne. “Napadalaw ka, anak? Kumusta ka na? Nabalitaan namin ang nangyari sa iyo sa trabaho mo,” ani Mang Ricky. “Okay lang po ako, Mang Ricky. Kung maituturing na masamang damo ang pumapatay ng mga salot sa lipunan at nagbibigay-parusa sa mga nagkasala ay masamang da