KABANATA 9

1694 Words
BELLE’S POV: Nasa may secret room ako ngayon habang inaalam ko kung sino ang ulo sa likod ng pagkidnap kay Parker, hindi puwedeng nagkataon lang ito narinig ko rin na binanggit niya ang ngalang Cosima. Marahil ay tungkol ito kay Cosima, kung kayat kinidnap siya. Lalo na at konektado siya kay Cosima, magaling sila dahil nalaman nila kung sinong tao ang nasa likod nang ngalang, Samianiah Parker. May natatandaan akong espada na may nakapalibot na dragon na kulay puti ang tattoo na nasa batok ng mga taong iyon. Minadali kong e-niresearch iyon at hindi nga ako nagkamali maraming lumabas na resulta pero puro kulay berde ang lumalabas at walang kulay puti. Kung ganoon isa lang ang ibig sabihin nito... *Cellphone’s ringing* Biglang naagaw ang aking atensyon nang tumunog ang aking cellphone. Miyoe: “Master, tumatawag ang inyong kapatid na si Master Keats.” Sabay abot ng cellphone sa akin. Keats: “Hello, bunny? Can I ask a favor?” wika nito na nasa kabilang linya. “Yeah! Sure, kuya,” maligalig kong ani rito. Keats: “Paki-hatid naman iyong documents ko na nasa lamesa nakalimutan ko kasing dalahin at 20 minutes na lang ay magsisimula na iyong meeting ko. I don't have an extra time. I need to prefer.” “O sige-sige, papunta na riyan, Sir!” natatawa kong ani. Keats: “And one more thing baby bunny, iyong pinapahanap ko pala sa iyo last time huwag mo ng ituloy dahil nakita ko na siya. Hmmm... O siya, I’ll wait you here in my office, ingat sa pagmamaneho.” Dali-dali na akong nagbihis at hinanap ang mga documents ni kuya, sa lamesa. Is he talking about Sam? Hayst, whatever. Napaka-simple lang ng suot ko ngayon naka-pajama at naka-jacket hahatid ko lang naman itong documents. Pansin ko ring masaya si kuya, buti naman kong ganoon. Little thing he didn’t know ako rin naman ang nagligtas sa babaeng mahal niya. **†** Limang minuto lang ang tinagal ng aking pagmamaneho papunta sa office ni kuya. Pagkapasok na pagkapasok ko ay pinagtitinginan ako nang mga employees paano ba kasing nakaligtaan kong alisin ang helmet na nasa ulo ko. Or baka naman dahil sa suot ko? Hayst bahala nga sila riyan. Pinapasok na rin ako kaagad ni Manong guard, dahil sa kilala rin naman niya ako noon pa man dahil matagal na itong nagtatrabaho sa kompanya ni kuya. “Good morning po, Ma’am Leau!” Ngumiti na lang ako rito bilang tugon. Buti na lang talaga at sanay na si Manong, sa hindi ko pag-alis ng helmet dahil hindi rin naman ito ang kauna-unahan na ginawa o nagawa ko ito. Papunta na ako sa may elevetor dahil alam kong na sa taas pa ang office ni kuya nang biglang... “What the hell, bstch!” Nanggagalaiting wika ng isang babae. Problema ba ng babaeng ito kasalan naman niya kong bakit siya nasubsob dahil sa natapilok siya tapos gusto niyang isisi sa akin ang katangahan niya? Tumayo ito kaagad at aakmang itutulak niya ako nang umiwas ako dahilan para masubsob siya ulit sa tiles. Nagsitawanan naman ang ibang employees, parang gustong-gusto nilang napapahiya itong babaeng kaharap ko. Siguro ay dahil sa ugali nitong nabubulok, gaya na lang ng ginagawa niya ngayon sa akin. Nakatingin ito ng matalim. “What? You wasting my time.” I rolled my eyes, kahit hindi naman niya iyon kita. “How dare you?! Hindi mo ba alam na I am the secretary of this company!” “Then? Should I need to throw a party?” walang emosyon kong ani na mas lalo pang nagpainit sa ulo niya. Susuntukin na sana niya ako pero mabilis kong nasalo ang kamay niya. “One wrong move again, bstch! And I swear you will meet, Satan for good. So, much better get out on my way! Or else... Manghihiram ka ng mukha sa aso!” may diin kong bulong rito habang binabaon ko ang aking kuko dahilan para manginig siya sa takot. Kaya naman mabilis itong pumagilid. “Good dog. And one more thing, this company doesn’t needs you, it never suits you so better find another job!” pagabol ko pang wika. Ang ayaw ko sa lahat ay ang papansin at isisisi sa iba ang katangahan nila. Tinuloy ko na ang naudlot na pagpasok ko sa elevator pero biglang nakita ng mata mo ang guwapong lalaki na nakatayo na kung saan ay kanina pa palang nakatingin sa akin. Buti na lang at naka-helmet ako at nagsara na rin ang elevetor hindi niya nakitang tumitingin din ako sa kaniya. May advantage din pala itong helmet na ito. Pero grabi naman makatingin ang lalaking iyon sa akin. Nakatitig habang nakangisi. Pero napakaguwapo niya buti na lang at hindi ko iyon kahinaan, hindi nga ba? Naiiba siya sa lahat. Matangkad, maputi, he has a sexy body, ang lakas din dating niya. May kakaiba rin sa kaniyang aura; not good nor bad. Nang bumukas ang elevetor ay may bumungad sa akin na naghahalikan, kaya naman tinakpan ko aking mga virgin eyes pero sa totoo lang ay kitang-kita ko rin naman talaga. Sarap kitilan ng buhay ang mga ito nasa trabaho tapos naglalaplapan? Masarap ba iyon? Huh? Huh? Mukhang naramdaman nila ang presensya ko kaya mabilis silang naghiwalay at nag-ayos ng mga sarili. Sa wakas at narating ko na rin ang office ni kuya Keats, kumatok ako bago pumasok pero laking gulat ko nang madatnan ko ang lalaki na kanina lang ay nakatitig pa sa akin sa baba. What the fvck? May lahi siguro itong bampira ang bilis nakarating? Nauna pa kay sa sa’kin. Tinitigan lang ako nito habang papalapit ni ayaw na niyang ikurap ang kaniyang napakagandang mga mata. Guwapo siya—sobra. Matangos ang ilong, kissable lips, makapal ang kilay at mahahaba ang pilik mata—he’s definition of perfect but what about the attitude? But nevermind ’cause he is not my type... Hindi nga ba? Keats: “Thank, God! You came!” Kung maka-thank God, naman ito akala mo ay nawala ako nang ilang years. Inabot ko na kay kuya, ang documents niya. “Sige, uuwi na ako kuya Keats, if you need something just call me.” Aalis na sana ako nang bigla itong magsalita—ang lalaki. “Hindi ko alam na may kapatid ka palang babae, Keats. Hindi mo naikwento,” wika nito, kay ganda rin ng kaniyang tinig. Keats: “Thanks, bunny! You can go.” “Nah. Don’t mention it kuya.” At sabay lakad ko paalis at hindi alam kung ano pa ang pinag-usapan nila. **†** Kararating ko lang ngayon sa mansyon. Ang mga titig niya sa akin ay hindi ko pa rin makalimutan, napakaseryoso na parang naguguluhan at may inaalala. Pero bakit parang nakita ko na ang mga matang iyon? Noon pa man pero saan nga ba? “Hey! Bunso, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Biglang sulpot na tanong ni kuya Jeter, na nagpabalik sa aking namamayapang ulirat. A kala ko ba ay pumasok na ito sa trabaho? Bakit nandirito pa sa mansyon? “Akala ko ba pumasok ka sa trabaho mo? Bakit nandito ka pa?” nakataas kilay kong tanong. Jeter: “Para yatang ayaw mo akong makasama, bunso ah?” kunwaring nasasaktan niyang ani. “Nag-leave muna ako sa hospital,” dagdag pa nito. “Nagleave? Aysus. Okay lang naman kahit hindi ka pumasok or magleave dahil sa iyo naman iyong hospital ikaw kuya, palusot ka pa. Baka may ka-date ka ah?” Wika ko habang sinusundot-sundot ko ang kaniyang tagiliran. Jeter: “Bunso, stop HAHAHAHAA nakikiliti ako.” “So, bakit ka nagleave? May problema ka ba?” Jeter: “Gusto lang kitang makasama, kain tayo sa labas gaya no'ng ginagawa natin no'ng nag-aaral pa tayo,” nangyayaya nitong ani, sabagay namiss ko na rin iyon. “Game! Basta libre mo lahat, huh?” natatawa kong ani. Tinitigan naman ako nito saka niyakap ng mahigpit. “Ngapala kuya, nasaan sila kuya, Beaur at Kaizer? Puwede ba natin silang isa—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumulpot ang kumag. Kaizer: “Miss mo na ako kaagad? I’m here, bunso!” Jeter: “Hindi talaga nagpalibak ang binansagang ‘the walking cctv’, ‘the great monkey’ na ito." Bardagulan na naman ang kasunod nito mayamaya. JETER’S POV: Kanina pa akong hindi mapakali dahil hindi ko nadatnan sa mansyon si Belle, I tried to contact her but it’s can not be reach. Saan ba siya nagsuot at hindi manlang siya nagpaalam? Mas kinakabahan pa ako kapag naririto siya. Bumalik ako sa sala at laking pasasalamat ko nang makita ko itong nakaupo habang malalim ang iniisip. Pero saan siya dumaan gayong hindi ko naman siya nakitang dumaan sa may gate? Nevermind the important thing is, she’s here and safe right now. Nilapitan ko ito at mukhang hindi niya naramdaman ang aking presensya. Pinagmasdan ko siyang maigi hindi ko kakayaning mawala si Belle, nawala na sila Mama't Papa. I’ll never let it happened again ang mawalan ng mahal sa buhay ulit. Nag-leave na rin muna ako sa hospital para mabantayan siya, may isang empleyado naman ako doon na tiyak na mapagkakatiwalaan ko habang wala ako. Halos hindi na magkadaunggaga ang cellphone ko dahil sa mga tawag at text na narerecieve ko sa mga anonymous no. simula nang dumating itong si Belle. Hindi ko dapat ipagsawalang bahala iyon lalo na at ang pinakamamahal kong kalatid ang damay, hindi ako nag-aalala kila Beaur, Keats, at Kaizer, dahil alam naman nila kung paano protektahan ang kanilang mga sarili pero si Belle, babae siya at hindi pa namin naturuan kung paano ito makipaglaban ni kahit nga lamok ay nagdadalawang isip pa kung papatayin niya o hindi. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang takot kong ito pero ramdam kong may masamang mangyayari. Sana nga lang ay mali ang pakiramdam na ito dahil hindi ko kakayaning mawala ang kapatid ko. Habang nag-iisip ako ay napunta ang aking mga mata sa mga kapatid ko na masayang nagkukwentuhan sina Belle, at Kaizer. Himala at hindi umipal itong si Kai. Pero habang nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ay may narinig kaming putok.... Putok ng isang baril. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD