SAMIANIAH PARKER'S POV:
Nagising ako sa isang silid pero hindi ko alam kung nasaan ako naroroon. Pero infairness maganda ang silid na ito kulay puti ang lahat ng bagay na nasa paligid, nakarerelax para sa akin.
Shst! Wala akong maalala sa huling pangyayari bakit ang sakit ng katawan ko? Para naman akong binugbog. Bakit kaya... Bakit kaya may gustong maghanap kay Cosima, gayong matagal na niyang nilisan ang underworld? Wala na rin akong balita sa taong iyon. Masiyado siyang maingat pagdating sa kaniyang tunay na katauhan dahil hindi namin malaman-laman kung sino nga ba siya sa likod ng mala-kulay ginto na may halong itim na maskarang iyon. Pero nanaisin ko bang masilayan ang tunay niyang wangis? Gayong sa ginto na may itim na kulay palang ng maskarang iyon ay lubha na siyang nakakatakot? Marinig pa nga lang ng iba ang kaniyang ngalan ay nanginginig na sila, kung hindi lang din niya ako kasapi ay marahil ay ganoon din ang aking mararamdaman kahit na medyo naging malapit kami sa isat-isa ay sa tuwing magtatama ang aming mga mata’y nanginginig ako, hindi ako madaling matakot o masindak pero pagdating sa kaniya ay nagiging bangag ang aking buntot. Nauuna ang takot kapag siya ang aming nakakaharap.
“How are you?”
Napabaligkwas ako nang marinig ko ang boses na iyon... Boses ng lalaking mahal na mahal ko, hindi ako puwedeng magkamali kilalang-kilala ko ang boses na iyon kaya naman nilingon ko kung saan nanggagaling ang napakagandang tinig na iyon kahit na mababakas mo ang inis dito.
“K-Keats? Paanong...”
Hindi ko namalayan na kanina pa pala siyang nakaupo sa may gilid habang pinagmamasdan ako. Seryoso itong nakatitig sa akin hindi ko kayang makipag-eye contact sa kaniya dahil para akong hinihigop pababa. Busy ako kaiisip kay Cosima, at sa taong gusto siyang hanapin isang malaking kahangalan ang kaniyang nais na kalabanin ang reyna ng mga mafia. Na naging sanhi upang hindi ko maramdaman ang presensya ng napakaguwapong nilalang na ito na nasa aking gilid.
Nakasisindak ang mga titig ni Keats, pero mas lalong nagpaguwapo naman ito sa kaniya, hayst kahit ganiyan niya ako titigan ay kinikilig pa rin ako sa kaniya bakit ba kasi ang guwapo niya? Gusto ko tuloy angkinin ang mapupula niyang labi at hindi ko mapigilang hindi tumitig doon.
Keats: “Why?” tanong niya na mababakas ang pag-alala.
“Huh? W-What are you talking about?”
Hindi ko siya maintindihan ano ba ang gusto niyang iparating?
Keats: “Would you? Would you stop pretending! Bakit mo ako tinakasan? Iniwan?”
“Tinakasan? Hindi... Hindi ganoon, Keats,” nanlulumo kong ani.
Keats: “Then explain it to me! Baliwala lang ba talaga ako sa iyo, huh? Iyong nangyari sa atin wala lang ba sa iyo iyon?” mahinahon ngunit may diin niyang wika na halatang naiinis siya.
Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan nang dahil sa akin. Mahal na mahal ko ang lalaking ito kaya nga nakaya kong ibigay o ialay ang sarili ko nang walang pag-aalinlangan at pagsisisi.
Keats: “We are very compatible that night, we enjoyed it right? The deep kisses, moaned of each others,” naramdaman kong uminit ang aking pisngi dahil sa sinabi niya hindi ko maipagkakaila na sobrang nagustuhan ko iyon, ang maangkin ng isang Keats Parson, ay sobrang sarap sa pakiramdam. “Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Biglang kang naglaho tapos makikita ka lang bigla-bigla ni Manang Lieza, na nasa labas ng mansyon habang walang malay. What happened to you?” pabago-bago ang emosyon nitong pinapakita sa akin pero ang gandang taglay ng kulay asul nitong mata ay nananatiling kaakit-akit.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat-lahat ng bagay na tinatago ko. Nawala ako hindi dahil sa ayaw ko sa kaniya o gusto ko siyang takasan ayaw kong madamay siya sa gulo ng buhay ko lalo na at may humahabol sa akin nang mga nakalipas na araw. Hindi ko alam kung paano nila ako natuntun o paano nila nalaman ang tunay kong katauhan gayong sobrang ingat namin pagdating sa bagay na iyon—paglihim sa aming sekretong katauhan.
Keats: “1 month kitang hinanap! Alam mo ba iyon? Wala lang ba talaga ako sa iyo? Madali ba akong Kalimutan? But I gave everything that night for able for you to not forget me, is it not enough?” may pagkadesmaya nitong ani.
Anong not enough ang pinagsasabi nito? Nge, halos hindi na nga ako makalakad at halos hanap-hanapin ko iyon dahil sa sarap niya at galing sa kama.
“Mahal kita mahal na mahal kita Keats, kaya huwag mong sabihing balewala ka lang sa akin kaya nga nakaya kong ialay ang sarili ko sa iyo dahil mahal kita kahit na... Kahit na walang tayo,” wala sa sarili kong wika.
Bigla itong napatigil nang banggitin ko ang katagang ‘mahal kita’. Lumapit ito sa akin at niyakap ng mahigpit ramdam na ramdam ko ang pangungulila niya sa akin. Na miss ko rin siya ng sobra-sobra, ang mainit niyang yakap, ang napakabango niyang amoy, ang guwapo niyang mukha, lahat ng tungkol sa kaniya.
“Ikaw ang kauna-unahanag lalaking inalayan ko sa sarili ko at magiging huli rin.”
Keats: “Then prove it to me, honey. And I am willing to court you, to marry you. Magsimula tayong muli. Mahal kita, Ms. Parker."
Halos mawalan ako nang lakas nang banggitin niya ang mga katagang iyon, kahinaan ko talaga ang lalaking ito.
Pinipigipan ko lang talaga ang hindi kiligin pero ang totoo ay ang puso ko ay naglulundag na sa saya
“Eh? We don't need to start over again. May nangyari na nga sa atin tapos magpapakipot pa ba ako? Just trust, love me unconditionally sapat na sa akin ang mahalin mo ako at mahal kita pero dapat ako lang, huh?” medyo nahihiya kong ani, ang lantod ko talaga pagdating sa kaniya.
Keats: “Okay, you don’t need to worry dahil araw-araw naman kitang liligawan maramdaman mo lang ang pagmamahal ko sa iyong wagas. Don’t leave me again, just stay by my side; don’t run away... I can’t afford to lose you. Araw-araw kong ipararamdam sa iyo ang pagmamahal ko. At pangako ikaw lang... Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo, Ms. Parker.”
Keats: “I’ll wait until you’re ready to tell the truth for what happened on you for past one month. I know you are not totally ready for that thing, but make it sure na hindi dahil sa ibang lalaki ang dahilan. Ayaw kung may kaagaw o kahati ako gusto ko iyong akin ay akin lang, madamot ako! And please honey, don’t leave me again,” nagmamakaawa nitong ani.
Hinalikan ko ito sa kaniyang mapupulang labi bilang tugon. I am speechless I don’t know what to say. Ang mahalaga sa akin ay totoong mahal ko siya at mahal niya ako.
Kailangan ko iyon gawin dahil sa sobra-sobrang pula na ng mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Aba! Hindi lang dapat ako ang kikiligin ngayon.
Halatang nagulat siya sa ginagawa ko pero kalaunan ay gumanti rin siya ng halik, napakalambot ng mga labi niya kahit kailan ay hindi nakakasawang halikan.
Keats: “I love you, honey.” Sabay halik sa aking noo at niyakap ng mahigpit.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti akalain mo ang dating parang mga pusa at daga ay ngayon ay nagmamahalan na? Pero alam ko na hindi pa nagtatapos ang lahat dito may malaki pa akong problemang dapat haharapin.
“I love you so much, I won’t leave you again. So, you do not need to please me just to stay on you. And like what you’ve said ikaw lang din ang mamahalin ko habang buhay maging sa kamatayan. I’ll stay no matter what, my love.”
Nakita ko itong ngumiti ang guwapo-guwapo niya talaga tapos lumabas pa iyong mga dimples niya. Buti na lang sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya ay sa akin siya nahulog at ako ang pinili niya.
“Pregnant, woman?”
Biglang umugong ang mga salitang iyon sa aking taenga. Buntis nga ba ako? Pero paano niya nalaman? Sino kaya ang taong iyon? Bukod kay Cosima, ay sobrang nakakatakot ang presensya niya halos tingin ko sa aking sarili ay malalagutan na ako ng hininga dahil sa ngisi niyang malademonyo. Nakakakilabot siya ang tumitig lang sa mga mata niya ay sobra ng nakakatakot hindi ko nanaising makita muli ang taong iyon. Sana nga ang aming landas ay hindi na mag-cross dahil tinapangan ko lang ang aking sarili nang akin itong makaharap, napakabilis niya ring gumalaw ni halos hindi ko manlang nasundan ang bawat kilos niya noong kami ay naglaban.
Pero sino kaya ang nagligtas sa akin mula sa mga taong iyon? Wala akong matandaan. Paano ako nakarating sa bahay nila Keats? Paano niya nakayanang talunin o takasan ang mga bantay doon? Ano ba talaga ang tunay na nangyayari. Hindi kaya si Keats, ang nagligtas sa akin? Pero... Sa reaksyon at paano niya ako kausapin kanina ay malamang hindi siya iyon.
Bigla akong napahawak sa aking bibig nang bigla akong makaramdam na para ba akong nasusuka.
Keats: “Honey, are you all right?” rinig kong tanong ni Keats, na halatang nag-aalala pero hindi ko na ito pinansin at mabilis na nagtungo sa banyo.
Marahil kayang totoo ang sinasabi ng lalaking iyon?
To be continued...