KABANATA 7

1511 Words
BELLE'S POV: Nagising akong may raramdamang nakayakap mula sa aking likuran habang hinahaplos-haplos ang aking buhok. Ganitong-ganito siya noong bata pa ako kapag gusto niya akong patahanin sa pag-iyak at kapag gusto niya akong matulog, na miss ko ang gawain niyang ito sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at humarap sa kaniya. “Hmmm... Kagigising ko lang kuya Jeter, pero gusto mo bang ulit akong patulugin?” Nakatingala kong ani rito. “At saka matanda na rin ako you don’t need to do this.” Jeter: “Good morning.” Sabay halik sa aking noo. “Gising ka na pala. Hindi kasi kita kayang gisingin kanina dahil sa sobrang himbing ng tulog mo kaya tinabihan na lang kita na miss ko ring gawin ito sa iyo.” Nakangiti nitong ani. “At anong sinasabi mong matanda ka na? Huh? You’re still our baby, our Princess. Hinding-hindi ako magsasawang gawin ito sa iyo at mahalin ka. Mahal kita, mahal na mahal bunso, mahal ka namin,” may diin niyang ani. Bigla naman akong nagulat nang marinig ko ang boses ng isa ko pang kapatid. “What the hell! Naunahan akong gisingin si Belle?” Bigla akong napabaligkwas dahil sa rinig kong sigaw ni kuya Kaizer, hayst ang lalaking ito talaga. Nakanguso pa ito habang nakatingin sa akin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako, “Good morning, bunso.” Sabay halik sa aking pisngi. Wala pa rin talagang nagbago sa trato nila sa akin, ang sweet pa rin nila kaya nga mahal na mahal ko ang mga kumag na ito. Kaizer: “Malapit ng kumain kaya halika ka na. At ikaw JETER! Lumabas ka na sa silid na ito.” Nakapamaywang nitong ani kay kuya Jet. Jeter: “Tsk, sipain ko kaya iyang pagmumukha mo?” Kaizer: “Rinig mo iyon, Belle? Nakakatakot siya hindi ba?” Habang tinuturo si kuya Jet. “Hindi na ikaw ang nakilala kong Jeter! Nagbago ka na! Hindi na ikaw siya.” Sabay buhat nito sa akin patakbo palabas sa aking silid. “Momo iyon, bunso! Hindi iyon si Jet!” dagdag pa niya. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa kalokohan niya. “Kuyaaa! Ibaba mo ako hindi pa ako nakapanghilamos at toothbrush!” Kaizer: *Nilapit ang ilong malapit sa bibig ni Belle* Kaizer: “Mabango pa rin naman hininga mo kaya okay lang iyan baka abutan tayo ni kuya Jet.” “May muta pa ako! Ano baaà!” Kaizer: “It's okay, not a big deal. I can remove it.” “Kuyaaaa hindi na ako bata! Ibababa mo ako o ibababa mo ako?” Kaizer: “O?” Kaizer: “Kidding aside. Okay, okay. Kiss mo muna ako sa pisngi.” Sabay palobo sa kaniyang pisngi at nilapit ito sa akin. “Magkabilang pisngi ko, uh?” Hayst demanding, kiss lang pala ang gusto e. Hindi ako nakararamdam ng awkwardness dahil sanay na sanay na ako na ganito ang trato nila sa akin na parang baby pa rin, prinsesa nila kuno kahit na 23 na ako ay wala paring pagbabago sa trato nila sa akin. Kaya naman hinalikan ko na lang ito sa pisngi para tumigil na. Masaya akong napalaki nila Mama at Papa, sila kuya ng buong pagmamahal hindi ko man naabutan si Mama, ay masaya pa rin ako dahil hindi ako pinabayaan ng mga kapatid ko. Lahat ng pagmamahal ay binuhos nila sa akin. Kaizer: “Bumaba ka na mayamaya pagkatapos mong manghilamos at mag-toothbrush.” Nakangiti nitong ani sabay baba sa akin. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend o asawa nila kuya, siguraduhin lang nila na hindi nila sasaktan ang mga kuya ko kun’di patay sila sa akin. Tumango na lang ako bilang tugon. At saka bumalik sa aking silid. Nadatnan ko sa aking silid na inaayos ni kuya Jet, ang unan at kumot ko. Hayst ang swerte ko talaga sa mga kuya ko. Maswerte din kaya sila sa akin? O baka naman gulo lang ang hatid ko sa kanila? “Kuya, ako na riyan manghihilamos lang ako.” Sabay pasok ko sa aking banyo. Jeter: “It's okay. I'm almost done,” rinig kong wika nito. Hindi na ako nakipagtalo pa hindi rin naman siya susunod pagdating sa bagay na iyon. **†** Nang makatapos akong manghilamos at mag-toothbrush ay dumeretso na ako sa kusina alam kong hinihintay na rin nila ako. Hindi ko mapigilang hindi singhutin o amoy-amuyin ang masarap na amoy na niluluto ni kuya Beaur. Kahit na hindi ko pa nakikita kung sino ang nagluluto ay alam kong si kuya Beaur, na iyon dahil siya lang naman ang pinakamahilig magluto sa aming magkakapatid at sobrang sarap pa. Natatakam tuloy akong tikman ang luto niya since napakatagal na no’ng huli kong natikman ang luto nito. Napangiti ako nang mapagtanto ko na nasa likuran na pala ako ni kuya Beaur, hindi ko namalayan dahil sa kasisinghot ko sa masarap na amoy ng pagkain habang nakapikit pa ang mga mata ko. Niyakap ko siya habang nakatalikod parati ko itong ginagawa noon kapag nakikita ko siyang niluluto ang paborito kong champorado. Naramdaman kong nagulat ito, “Good morning kuya Beaur,” malambing kong ani rito. Humarap siya sa akin at niyakap ng mahigpit at saka hinalikan sa noo. “Magandang umaga, kumusta ang tulog ng maganda kong kapatid?” “Ayos lang naman po.” Tumalikod ito at binalik ang atensyon sa kaniyang niluluto habang ako ay nanatiling nakayakap sa kaniya. Beaur: “Mabuti kong ganoon. Na miss ka namin ng sobra at buti naman at naisipan mong bumalik sa Pilipinas, ang boring kasi kapag wala ka rito. And I also planned na sundan ka sana roon.” Ramdam kong nakangiti ito habang nagsasalita. Pagdating talaga sa akin ay hindi niya tinatago ang sayang nararamdaman niya. Sabagay lahat naman sila, pero kung ibang tao ang kanilang kaharap ay iisipin mong hindi sila marunong ngumiti na tila bang isang tigre na anumang oras ay susunggaban ka. Habang yakap-yakap ko si kuya Beaur, ay may bigla na lang akong naramdamang presensya sa aking likuran at mabilis na yumakap sa akin. Hayst, alam ko na kung sino ito. “Ikaw bunso, ah! May favoritism ka sa aming apat, nagtatampo na ako sa iyo.” Bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at umupo malapit sa may lamesa. Aakamang kakalas na sana ako sa pagkakayakap kay kuya Beaur, nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at ibinalik sa pagkapulupot sa kaniyang baywang. “Hayaan mo iyang ugok na iyan. Kung mag-isip akala mo naman ay ikaw pa ang matanda sa kaniya.” Hayst kung tratuhin ako nila kuya ay akala mo limang taon gulang pa rin ako. Sinulyapan ko si kuya Kaizer, nakapatong ang isang kamay nito sa lamesa at sa kamay niyang iyon ay doon niya pinatong ang kaniyang ulo habang nakatingin sa aming nakabusangot. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay mabilis niyang pinaikot ang kaniyang mga mata. Bigla akong napatawa kaya naman kumalas ako sa pagkayakap kay kuya Beaur, at pumunta sa tabi niya. Bigla kong nakalimutan ang sinabi ni kuya Beaur, na pabayaan siya. “Ohh! C’mon kuya Kaizer, you rolled your eyes? For what?” natatawa kong tanong dito at sabay upo sa tabi niya. Kaizer: “Tsk.” “Umamin ka nga sa akin kuya, bakla ka ba?” Tinitigan lang ako nito ng walang emosyon. Parang bata naman ito e. Sa mga titig niya ay alam ko na ang sagot sa tanong ko. “So, nagtatampo ba talaga ang damulag na iyan?” Sabay sundot-sundot sa kaniyang tagiliran. “Tsk. Sa aming apat na kapatid mo ako lang yata ang hindi mo namiss.” nakapout nitong ani. “Ang cute mo riyan, kuya.” Sabay kurot sa magkabilang pisngi niya. “Namiss kaya kita, kayong lahat.” Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. “Para ka namang bata, mahal na mahal ko kayo at pantay-pantay lang ang tingin ko sa inyo.” Kaizer: “Sige na nga bati na tayo.” “Bakit nag-away ba tayong dalawa?” pang-iinis kong ani rito. Kaizer: “Kapag ako nagka-girlfriend hindi ko ipakikila sa iyo, sige lang awayin mo lang ako.” Nakabusangot nitong pahayag. “Aysus, baka naman boyfriend? HAHAHAHA biro lang. Nga pala nasaan si kuya Keats? Siya lang ang hindi ko nakita kanina?” pag-iiba ko ng usapan. Kaizer: “Nasa guess room siya inaasikaso iyong bisita niyang babae.” “Bisitang babae?” Beaur: “Nakita ni Manang Lieza, na walang malay iyong babae na nasa labas ng pintuan. We don't even know kung paano siya nakapasok sa gate dahil hindi naman siya nahagilap sa cctv camera, something is weird right? But nevermind.” Beaur: “What about you, Kaizer? Baka naman alam mo dahil ikaw ay isa sa mga walking cctv, hindi nga ba?” pang-iinis na wika ni kuya Beaur. Kaizer: “Tch. Whatever!” Hayst araw-araw na yata akong ngingiti dahil sa mga kapatid kong ito. Pero... Tama ba? Tama kaya ang naging decision ko? O baka naman nilalapit ko lang sila sa kapahamakan? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD