BELLE'S POV:
Nasa tapat ako ngayon ng kuwarto ni kuya Jeter, feeling ko kasi kahit na kinakausap niya ako ay nagtatampo pa rin siya sa akin. Kailangan kong humingi ng tawad.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa niya ang guwapo kong kuya, naka-topless lang ito pero ayos lang sanay naman akong ganito sila. Katatapos lang yata niya maligo.
“K-Kuya...”
Jeter: “Hmmm?”
“I'm s-sorry, I know galit ka sa akin, I screwed up. I'm very sorry kuya... Bati na tayo please? Iyong totoong bati na sana?” nakapout kong ani.
He chuckled. His dimples appeared momently high on his both cheeks, ang guwapo talaga ng kapatid ko.
Jeter: “Lemme correct you bunso, I’m not pissed-off, okay? I am just worriedly at you...You disappeared for a while. Akala ko ay may nangyaring masama sa iyo. I can't afford to lose you... You know that. Mawala na ang lahat sa akin huwag lang kayong mga kapatid ko, huwag lang ikaw.” He brushed my hair out of my face with his fingers and tacked it on my left ear. He stared to me for a while. “Mahal na mahal ko kayo, kahit na nasa legal age ka na ay ikaw pa rin ang baby namin, nothing changed on that thing.” He grabbed my face gently, planting a kiss on my forehead.
I froze for a while dahil biglang nasagi sa isip ko kung ano ang lihim kong pagkatao, baka madamay pa sila sa gulong kakaharapin ko. “Hey, bunso? You okay? Still on me?” kuha nito sa aking atensyon na nagpabalik sa aking ulirat.
“Kain tayo sa labas? Gaya ng kahilingan mo?” I asked and smiled sweetly on him.
Jeter: “Nice, magbibihis muna ako if you don't mind.”
“Proceed, I don't mind at all, kuya Jet.”
Jeter: “Saglit lang ito.” Sabay pasok niya sa kaniyang kuwarto.
I can feel someone’s presence; someone’s staring on me. I turned my gaze immediately, I saw kuya Kaizer, he was staring on me so serious but he changed his expression after he realized that I caught him staring on me.
Acting so weird, huh? Parati kong napapansin itong isang itong palihim akong tinititigan.
Ngumiti ito sa akin at mabilis na naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. Bakit ba titig na titig siya sa akin? Pero hindi ako nagpahalatang napapansin ko ang bawat palihim niyang titig sa akin, kung nakamamatay lang ang kaniyang titig ay siguro ay pinaglalamayan na ako ngayon. Hindi ko mabasa-basa ang iniisip niya dahil mabilis nagbabago ang expression niya tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Kaizer: “Hey, bunso. Can I?”
“Hmm? What do you mean?”
A sweet smile formed on his pinkish lips.
Kaizer: “Lalabas kayo ni kuya Jet, hindi ba? Sama ako.” Naka-pout nitong ani habang hawak-hawak ang kabila kong braso. “I heard you both sharing small talks about eating out side. Don't lie I heard it.”
Hayst wala talagang naiitago o hindi naririnig sa loob ng mansyon o sa labas man itong the walking cctv na ito. “Nakinig ka sa usapan namin ni kuya, ano?”
Tumango ito at mabilis akong niyakap. “It was an unintentional, dadaan lang sana ako pero narinig ko kayong nag-uusapan kaya nakinig na lang ako. Chismiss ang lumalapit sa akin bunso HAHAHAHAHA.” tumatawa ito habang pinapalo ako. Aba! Nananakit ang walking cctv na ito?
“Bawal kang sumama, remember? Baka pagkaguluhan tayo.”
Kaizer: “Puwede akong mag-disguise remember?” nakangiti nitong ani.
Kaizer: “Sasama ako whether you—”
Jeter: “No, you can't Kaizer, kami lang ni Belle,” pagputol na wika ni kuya Jet, kay kuya Kai, na biglang sumulpot.
I tapped kuya Kaizer’s head. “Next time na lang tayo kuya Kaizer, na tayong dalawa lang. Isa pa masiyadong mabango ang ngalan mo sa media baka pagkaguluhan ka 'di ba? Ang sobrang pagiging guwapo at sikat ay hindi rin maganda minsan kuya, try mo rin maging pangit,” natatawa kong ani.
Kaizer: “Tsk, unfair! May paboritism ka talaga bunso!” He rolled his eyes.
I laughed for what he did. Itong damuhog na ito, hayst.
Jeter: “Come here, Belle. Alis na tayo.”
Niyakap ko kaagad si kuya Kaizer, at hinalikan sa pisngi. “I swear, babawi ako sa iyo kuya.” At mabilis na tumakbo papunta kay kuya Jeter. Kita ko pa itong nakabusangot HAHAHA ang cute niya talaga.
Jeter: “Where do you wanna go?”
“Hmm... Ikaw na lang ang mag-decide kuya.” Nakangiti kong ani sa kaniya.
Hindi na ito umimik, we enjoyed sharing small talks to each other.
Parang alam ko na kung saan papunta ang daan na ito.
Dumeretso na ito sa parkingan ng mall, seriously? Sa mall na ito niya ako dadalhin? Hayst.
Jeter: “What kind of face is that, bunso?”
“Of course, it’s very obvious a pretty face of mine, kuya.” I sarcastically said.
A soft chuckled came out to his mouth. “I know you are beautiful baby Princess, nasa lahi natin iyan, but you said earlier na ako na ang bahala kung saan tayo pupunta, right?”
“Yes, but... Hindi ko alam nasa mall ni kuya Beaur, mo ako dadalhin baka makilala tayo ng mga nagtatrabaho riyan at may pa-special treatment pa.”
Jeter: “You don't need to worry, ako na ang bahala.”
Sinundan ko ito ng tingin habang naglalakad papalayo sa akin. Hayst, sana pala ay pinasama ko na lang si kuya Kaizer.
**†**
Ang akala ko ay hindi ko mae-enjoy na kumain at maglaro sa mall na ito, but I was definitely wrong.
We enjoyed playing around dahil may mga laruan dito na puwedeng laruin kahit matatanda na, we also enjoyed the foods dahil masasarap ito. Madalas ay hindi kami nakakawala sa mga titig ng mga babae, I know naiinis sila sa akin dahil may gusto sila kay kuya. Iyong iba naman masaya kaming nakikitang magkasama ni kuya, kinikilig pa nga.
“Ang gaganda at guwapo, bagay na bagay sila.”
“Omg! Sobrang ganda ni ate girl! Sana ganiyan din ako kaganda.”
“Ang pangit naman ng girl hindi sila bagay.”
“Echoserang ito! Ang ganda kaya ni girl kahit talampakan nga niya hindi mo kayang pantayan.”
“Inaakit siguro no'ng babaeng manang na iyan si Dr. Parson, ang pangit-pangit mas maganda pa ako sa kaniya.”
Iilan lamang iyan sa maririnig mong bulong-bulungan nila.
Napako ang tingin ko sa babaeng nagsabi sa akin ng pangit. I caught her staring on me, pero ramdam kong natakot ito dahil sa matalim kong titig nakalaunan ay nginisian ko at mabilis siyang umalis kasama ang mga alipores niya maybe she is not expecting na lilingunan ko siya akala ko ay isa siyang payaso dahil sa kapal ng make-up niya. Some of them ay kilala si kuya, kaya ganoon na lang ang inis nila nang makitang may kasama itong babae. Dahil si kuya yung tipo ng taong hindi mahilig makipag-usap o makisama sa babae.
“Food Street tayo mayamaya, kuya. Can we?” I asked. Alam kong hindi niya narinig ang pinagsasabi ng mga babae dahil nasa ibang bagay ang atensyon niya.
Jeter: “Of course, anyway turn aroud bunso.”
Hindi na ako nakipagtalo pa at tumalikod na ako.
Medyo nagulat ako nang may sinabit si kuya, sa akin na isang napakagandang kwintas.
Halos hindi na maalis ang ngiti na nakapinta sa aking mga labi.
“Ang ganda, kuya.”
Jeter: “Thanks, you like it. Always wear that, kung ayaw mong magtampo ako sa iyo,” pagbibiro nitong ani.
“Of course you gave it to me.” At niyakap siya ng mahigpit. “Thank you for being one of best kuyas.”
“Thank you, for the love and care kuya, I’d always appreciate it.”
Jeter: “Don’t mention it! I’ll do anything for you, to all of you.” At hinalikan ako nito sa noo.
“Wait, punta muna ako sa restroom. I need to pee.”
Jeter: “I'll wait you here. Kakain pa tayo ng isaw.”
“I'll be back, I'll make it quickie.” Sabay takbo.
**†**
Mabilis kong nilabas ang phone ko nang maramdaman ko itong nag-vibrate. I know it's Miyoe, she sent a message. I used another phone—for Miyoe’s and other secret transactions only. Ang phone na iyon ay para lamang sa mga secret conversation, files etc. mas mabuti na iyong maingat. Ito ang rason kung bakit nagpaalam ako kay kuya Jeter, hindi niya puwedeng malaman ang sekreto ko, too early for that thing. And telling who really I am is not part of my plan.
“What the hell, woman! Are you blind?” rinig kong sigaw ng isang lalaki sa akin after naming magkabanggaan at mapaupo siya sa tiles.
“Tch. You again?” bulong ko sa hangin. Pero may part sa akin na masaya dahil muli ko siyang nasilayan.
To be continued...