KABANATA 11

1423 Words
BELLE’S POV: Sinusundan ko ngayon si kuya Beaur, dahil mayroong tao na nakabuntot sa kaniya. Sa bar siya dumeretso kaya naman dali-dali akong nagtungo doon at nakita ko ring pumasok iyong nakabuntot kay kuya. Naka-disguise na rin ako puro black ang suot ko. Well, this is one of my favourites, I need to find out kung bakit niya binubuntutan ang kapatid ko. Pagpasok na pagpasok ko sa bar ay nakita ko kaagad si kuya, na nakikipagharutan sa mga babae, hayst. Kailan ba magbabago itong lalaking ito? Pagkatapos lang maloko ng isang gold digger na babae ay nagkaganiyan na. Sinabihan ko na pero ayaw paring makinig. Umupo ako at nag-order ng inumin, juice lang ang inorder ko para hindi ako malasing since mababa lang ang aking alcohol tolerance. Well, this is not my cup of tea. “Ma'am here is your order,” wika ng isang lalaki na sa mga 20+ pa ang edad guwapo ito at matangkad, maganda rin ang pangangatawan kung tutuusin iisipin mong isa siyang modelo at hindi nagtatrabaho sa bar. Nilibot ko ang aking paningin, pero hindi ko na makita iyong lalaki na nakabuntot kay kuya. Pinagmasdan ko si kuya Beaur, enjoy na enjoy itong nakikipagkulitan sa mga babae. Hindi ko alam kong talagang magkambal itong si kuya Jet at Aur, magkaibang-magkaiba ng ugali pati rin pala ng itsura. Bigla akong napatingin sa mga kababaihan na biglang pumasok, ang mga aura nila ay maitim Natatakot din sa kanila ang bawat tao na kanilang nadadaan na kulang na lang ay lumuhod na sa kanila. Bigla akong nacurious lalo na nang makita ko ang mga tattoes nila, napangisi ako nang mapagtanto kong may kapareha ito. Who gave them an authority to used that kind of tattoo? Pero mas lalong nakuha ang aking atensyon ng isang babae na nakasuot ng gold na may halong itim na kulay ng maskara. Mas maitim ang kaniyang aura sa ibang kababaihan ngunit hindi naman nakakasindak para sa akin. I know she’s the bullshit leader. Pero bakit parang may ginagaya siya? Sinulyapan ko ulit si kuya Beaur, at saka gi-on ang speaker para marinig ko ang mga pinag-uusap nila kahit wala naman itong kakwenta-kwenta may nilagay akong maliit na sticker para marinig at matunton ko ang location niya kung sakali mang may mangyaring hindi maganda. Binalik ko ang atensyon ko sa mga babaeng bagong pasok sinundan ko ang isa sa kanila na pumunta sa restroom. Well, this night is my lucky night. Hinintay kong makalabas ito. Nang nakalabas ito ay mabilis kong hinila at saka tinarget ang kaniyang maliit na ugat sa leeg, iyon ang mabisang paraan para mawalan sila ng malay o mamatay. Well, of course I used gloves para walang fingerprint na maiwan. Wala namang masiyadong pinagkaiba ang damit ko sa suot niya kaya iyong mask na lang niya ang kinuha ko at ang itim na hood niya. Bigla akong naalarma ng hindi ko na ito nararamdang humihinga, I grabbed her wrist bone immediately para malaman ko kung buhay pa ito. “Opz, masiyadong mahina iyon but still namatay ka pa rin? Well, sorry for being too strong my dear.” Pinasok ko na ito sa cubicle hindi ko alam na mas lalo pa pala akong nagiging malakas kung tutuusin pitik lang naman iyon. Hindi rin naman ako nababahala since alam ko na ang taong ito ay marami ring pinatay at ang iba ay inosente. I immediately contact Miyoe, para mai-hack niya ang cctv sa high-class bar na ito—bar ng mga mayayaman. At siguro bar na rin ng mga mafias, gangster o anupaman. Sinend ko na sa kaniya ang ngalan ng bar, “Hack the cctv of this bar, remove my photo, Miyoe. Clean my mess.” Miyoe: “Piece of cake, master,” she said. “Good,” mabilis kong binaba ang telepono maasahan talaga siya sa mga bagay na katulad nito. I am very thankful that I made her, successfully. Nang makalabas na ako sa comfort room ay mabilis akong sinalubong ng isang matandang lalaki at ginaydan patungo sa ibaba ng bar. Oh, I see. May special treatment pala rito. May secret bar pala sa ibaba ang bar na ito kung saan tanging mga mafias, gangster, lang ang puwede rito. Malaki, magarbo at maganda puro nakamaskara ang mga tao rito. “D-Dumeretso na lang po kayo,” takot nitong ani ng matandang naghatid sa akin. Mabilis akong hinila ng isang babae na sa tingin ko ay kasamahan ng babaeng napatay ko ng hindi sinasadya. “Tangsna mo! Saan ka galing, pasalamat ka at hindi napansin ni Queen, ang pagkawala mo kung hindi ay napugutan ka na ng ulong hayop ka,” masiyadong matalas ang dila nito pasalamat siya at na sa mood ako kung hin'di baka siya ngayon ang pinaglalamayan. Napangisi ako pero alam kong hindi niya iyon nakita dahil sa maskara na aking suot. Tumaas din ang aking kilay hindi dahil sa takot kun'di dahil sa binanggit niya ang salitang 'Queen' si Cosima, lang ang kilala kong reyna. Pero hindi kaya nagtakda sila ng panibagong reyna? But that is too impossible. “Hey!” pagkuha ng attention ng isang matandang lalaki. “To night is a special night, who knows na bibisita pala rito ang kinatatakutan ng lahat ng mafias? Gangster at assassin? Ang pinakamatalino at magaling sa lahat! Okay hindi ko na patatagalin pa ito. Please, help me welcome! The Queen, of all mafias... COSIMA!” Nagsitayuan ang mga tao at bahagyang lumuhod kay Cosima, habang pumalakpak. Masyadong mayabang ang pagpapakilala sa kaniya. “Tch. Mga hampas lupa, mahihinang nilalang!” walang alinlangan nitong ani. Medyo nakararamdam na rin ako ng inis, sino siya para gamitin ang ngalang 'Cosima'? Kung tutuusin ay wala siya sa kalingkingan ng tunay na 'Cosima'? Isa lang siyang basura kong tutuusin, walang nakakatakot sa pagkatao niya maliban sa ngalan na kaniyang dala-dala na hindi rin naman sa kaniya. May maganda ring dulot ang pagsunod ko kay kuya Beaur, dahil nalaman ko na may isa palang tao na sinisira ang ngalan ni 'Cosima' isang bagay na pagsisisihan niya habang buhay pa siya. Tinitigan ko ito ng mabuti, pinagmasdan ko kung paano siya kumilos ang saya-saya niya habang tinatawag na mahina ang mga taong nasa harapan niya—pero bakit ramdam kong peke lamang ang sayang pinapakita niya? Ang pang-iinsulto niya?Kaya pala pansin kong mayroon siyang ginagaya, dahil iyon pala ay si Cosima. Tsk, ang akala mo naman ay kung sino e... Nang-aagaw lang naman ng ngalan ng may ngalan para siya ay katakutan, sinisira mo lang ang ngalang 'Cosima' but that’s okay, just enjoy being praised by someone, being feared by that name; enjoy being Cosima, for the meantime pero kapag oras na naningil ang tunay na may-ari ng ngalan na iyan manginig ka na sa takot. Natatawa ako kung paano siya tratuhin ng mga tao rito. Habang pailing-iling ako ay biglang nagtama ang mga mata namin ng isang lalaki na nasa itaas habang ito ay nakaupo. Hindi maipagkakailang nakakasindak ang kaniyang aura, ang mga titig niya na kung mahina ka ay mas mabuti pang huwag kang tumitig rito dahil parang hinihigop nito ang iyong kaluluwa kahit sobrang ganda ng kaniyang mga mata ay huwag mag-papalinlang, nakamamatay ang kaniyang presensya but not on me. Hindi tatalab sa akin ang mga titig niya. Nakipaglaban, nakipagtitigan ako dito ng walang emosyon, na kalaunay ay umiwas din siya ng tingin, gusto niyang basahin ang iniisip ko, I guess, but not on me boy, you’ll regret. And knowing my darkest secrets can cause your early death. Napailing at ngisi ako nang umiwas ito ng tingin maybe he can't handle it anymore the intense feeling between on us—ang makipagtitigan sa akin Hindi ko siya kaagad napansin dahil nasa itaas siya at sa naobserbahan ko sa kaniya ay hindi siya iyong tipo ng tao na madaling masindak o matakot. Hindi siya takot sa pekeng Cosima, unlike those people na nasa aking tabi at harapan ay kulang na lang ay sambahin at halikan ang mga paa nito. Ang mga mata niyang nangangalit ay walang kinatatakutan. It turns me on. Siguro ay na sa 20+ palang siya, kasing edad ko maganda ang kaniyang tindig, kung ako lang siguro iyong tipo ng babaeng madaling maakit ay siguro ngayon ay hahabulin ko na siya na parang isang baliw na aso. Nahuhuli ko rin siyang nangnanakaw ng tingin sa akin at sa tuwing nangyayari iyon ay tinitigan ko siya. “Tsk, mahinang nilalang.” Pero bigla akong natigilan, ang mga titig na iyon, hindi ako puwedeng magkamali siya ang tao na iyon. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD