YAMIENISHAL PARSON LACIOUN'S POV:
Kanina habang nasa labanan kami ni Belle, na kung saan pinapatay ang mga tauhan no'ng Martyrs, na iyon ay parang lamok lang sa kaniya. Gaano na ba talaga siya kalakas ngayon? Matagal ko siyang nakasama pero hindi ko pa rin malaman-laman kung paano siya mag-isip o gumalaw para bang ang lahat ng galaw niya ay planado kahit na hindi naman. Sobrang hirap niyang sabayan ang layo-layo nang agwat namin. Paano ko ba siya masasapawan?
Halos hindi ko na rin maibuka ang bibig ko habang kaharap ko siya kanina kapag nakikita ko palang ang maskara niya o ang bloody red eyes niya ay nanginginig na ako sa takot na para bang ibang tao iyong kaharap ko at nang pumunta sa dilim si Belle, ay awtomatikong nagiging gold ang gitna ng mga mata nito. Sigurado akong hindi iyon contact lenses, hindi talaga dahil hindi naman siya gumagamit non.
Pero kapag wala siyang maskara ay nakauumaling siyang titigan sobrang ganda't amo ng mukha niya ang mga mata niyang kulay berde ay napakaganda. Sino nga ba ang matinong taong mag-iisip na isa siyang reyna ng mga mafia na sa kabila ng napaka-inosente at ganda niyang mukha ay libo-libo na ang kaniyang napapatay? Ano nga ba ang mararamdaman nila kuya, kapag nalaman nila na ang pinakamamahal nilang kapatid ay isang mafia? Kahit na huminto na siya matagal na ang panahon pero nang bumalik siya sa Pinas, ay naging malapit na naman siya ulit sa gulo. May pumalit na ba kaya sa puwesto niya? Pero imposible iyon dahil nakasisiguro akong walang makapapantay kay Cosima.
Belle: “What?"”
Bumalik ang aking ulirat nang marinig ko ang maganda niyang tinig na may halong nakapangingilabot. Naramdaman niya siguro ang aking presensya na nakatitig sa kaniya, tsk! Hindi manlang ako pinag-aksayangang balingan ng tingin at patuloy lang sa pagmamaneho. Sabagay ano nga ba ang bago roon?
“Daan tayo sa mall?”
Belle: “Where?”
Mabilis din kaming nakabalik sa Maynila, dahil sa helicopter niya ang ginamit namin papuntang Davao, at pablik sa Maynila.
“Sa PARSON? Sa mall... Niyo?”
Belle: “Okay.”
Naks, himala at hindi umipal itong babaeng ito at pumayag na ganoon lang kadali ano kayang nakain niya? Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Nagpatuloy lang si Belle, sa pagmamaneho ayaw kong basagin ang katahimikan hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Pumunta lang kami sa Davao, nang walang nakuhang impormasyon, pero... Wala nga ba? Hindi ganoong tao si Belle, na aalis nang walang nakukuhang impormasyon lalo na at medyo malayo-layo ang lugar na iyon dito sa Maynila. Buti na lang talaga at hindi nagkamali ng banggit si Martyrs kun’di mas lalo lang siyang mahihirapan buong pamilya niya ang susunod sa kaniya.
Belle: “Ano bang bibilhin mo?”
“Hmmm... Wala g-gusto ko lang mag-mall?”
Hindi na ito nagsalita pa at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaneho buti na lang at hindi na ito sobrang bilis gaya noong papunta palang kami sa bahay ni Martyrs, kulang na lang talaga ay paliparin niya ang kotse niya halos limang beses kaming papalit-palit ng kotse ni hindi ko alam ang dahilan niya.
She stopped her car in a parking lot here in Mall, kahit saang parte ng Mall, na ito ay bungad na bungad ang pagmumukha ni Kaizer, bakit ba ako pinaparusaan ng Panginoon, at biniyayaan ako ng sobrang guwapong mga pinsan, not one but four handsome cousins! My Mom, and Belle's Father are siblings silang dalawa lang ang magkapatid.
Belle: “I'll wait you here,” seryoso nitong ani habang hindi pa rin ako nililingon.
“Hindi ka sasama?”
Belle: “Yeah.”
“But I wan—”
Belle: “Kapag sinabi kong hindi hindi no more buts, Yam,” walang kaemo-emosyon nitong ani.
Bumaba na ako sa kotse at hindi na siya kinulit pa hindi naman nadadaan iyon sa ganoong bagay. Hayst ano nga ba ang bibilhin ko sa mall? Ang dapat na ginawa ko ay dumeretso sa condo or sa mansyon para makapagpahinga pero ang ginawa ko ngayon ay nagpunta sa mall?
Nilibot-libot ko na ang paningin ko pagkapasok na pagkapasok ko sa mall, hahanap na lang ako ng bagay na puwedeng bilhin.
Napatigil ang aking atensyon sa isang maliit na bagay.
Wahhhh!!! Ang kyut ni Pikachu!
Dali-dali akong nagtungo sa mga pinanglalagyan ng mga stuff toys, tsngina! Hindi ako puwedeng maunahan isang piraso na lang iyong nakikita kong natitira.
I'm coming my Pikachu! Nauulol talaga ako kay Pikachu, ang kyut lang kasi.
Aakamang kukunin ko na sana nang may nakasabay akong kamay na umablot din ng laruan na iyon.
Dali-dali kong iniangat ang ulo ko para makita kong sinong hsyop iyon.
“Hala? Ksnginang mukha iyan?” bulong ko sa kawalan pero sapat na para marinig ng lalaking kaharap ko. “Bakit ang guwapo ba?” pagapapatuloy ko sa aking isipan.
“Mommy, I want that stuff toy,” wika ng isang bata na sumulpot kung saan habang hila-hila ang laylayan ng damit ko.
“What the fv—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may isang napakabangong kamay ang tumakip sa bibig ko.
“Wife, your mouth has no filter don’t mention that word in front of our child,” wika ng umagaw ng stuff toy sa akin.
Aba! Psta? Kailan pa ako nagkaroon ng anak at asawa? Eh, eh? Gusto ko lang naman kunin si pikachuuu!
**†**
BELLE’S POV:
Naka-iglip na ako ng isang oras pero ni anino ni Yam, ay hindi ko pa rin nakikita saan ba siya nag-suot at hindi pa bumabalik? Ang sabi ko ay dalian niya pero 2 oras na ang nakalilipas sa ngayon pero wala pa rin siya! Ang kumag na iyon.
Sinubukan ko siyang tawagan pero can not be reach. I have no choice kun'di sundan siya sa loob ng mall, pipinggutin ko talaga ang taenga ng babaeng iyon.
Nang makapasok ako ay hindi ako nakawala sa mga titig ng mga tao na punong-puno ng pagkakamangha at inggit dapat kasi nag-suot ako ng mask or hood para hindi pansin ang mukha ko.
Tsngina sa lawak ba naman ng mall na ito ay aabotin ako ng siyam-siyam buti sa na kung hindi nakapatay ang cellphone ng bruha dahil madali ko lang ito mate-trace up kung sakali man.
Kapag hindi ko pa siya mahanap sa last floor na ito ay iiwa—
“Couz! Hereee!” napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pangit niyang boses kaya naman dali-dali kong siyang nilingon.
Naglakad na ako papunta sa puwesto niya letsugas na babae ito at nakagawa pang mag-stay dito sa Mang inasal?
Hinila ko ng bahagya ang tainga niya. “Sana sinabi mong magtatagal ka di—”
“Hi pwo! Twita gwanda?” someone's cutted my words.
May isang napakakyut na little minion ang bigla nalang sumulpot sa likuran ni Yam, what the hsll? Kailan pa naging mahilig sa bata itong babaeng ito? As far as I know walang hilig ito sa bata dahil nasasapawan “daw” ang kakyutan niyang taglay.
“Mwammy? Who she is?”
What the fvck? Mommy? Kailan pa nagkaanak itong babaeng ito?
Yam: “She's your tita Bell, sweety.”
“Eh?”
Yam: “I'll explain it to you later, couz. Pati nga ako ay nagulat dahil NAGKAROON AKO NG ANAK AT ASAWA!” may diin nitong ani.
I dunno kung matatawa ako o maiinis dahil sa pinaghintay niya ako ng sobra dalawang oras pero iyong pagmumukha niya ay halatang ginipit na.
Imupo ako at pinagmasdan si Yam, habang buhat-buhat na iyong bata nasa tingin ko ay nasa tapat na taong gulang palang. Kung pagmamasdan mo ng maigi ay iisipin mong mag-nanay nga ang dalawa dahil sa closeness nila at saya na gumuguhit sa kanilang mukha. Napakakulit din ng bata at game na game makipaglaro kay Yam.
“Dadaaa!” biglang sigaw ng bata.
Sobrang bigat na ng katawan ko kaya hindi ko na ito nagawa pang lingonin ngunit habang papalapit ito ay naa-amoy ko ang kaniyang bango. Hindi na ako magtataka kung guwapo ito.
“Youzkien, baby, stop being abranchious to your Mommy,” boritong ani ng lalaki na nasa likuran marahil ay sobrang nakukulitan sa bata.
Tinapon ko ang aking tingin sa lalaking nagsalita na ngayon ay nasa harapan ko na. Tama nga ang hinala ko napakaguwapo nito, maganda ang katawan, mabango, matangkad, at maputi, kay ganda rin ng kaniyang kulay kayumangging mata pero hindi ko maipagkakailang na mas nakalalamang iyong taong nakabanggaan ko iyong lalaking na sa opisina ni kuya, na panay titig sa akin. Anyway, I loved the way he stared at me. Wait... Bakit ko nga ba iniisip ang kuringkong na iyon? May kasalanan pa siya sa akin dahil kinuhan niya ako ng litrato!
“Dadaaa, we’re having fun of Mwammy, she will goin' home with us, ’di ba? ’Di ba?” he asked while pouting. Ang kyut ng batang ito ang lusog-lusog buti hindi nangangalay itong si Yam, kabubuhat.
Ngayon ay si Yam, naman ang tinapunan ko ng tingin sobrang pula na ng pisngi niya. Ksngina! Is she blushing because of this fvcking guy? Nakakatawa ang itsura niya parang kamatis.
Nagkatinginan ang dalawa bago magsalita si Yam, “Baby Youzkein, may importante pa kasi akong aasikasuhin did you see that girl? [she's pointing me] may pupuntahan kami ng Tita mo. So, hindi ako makakasama sa inyo ng Dada, mo.”
Ang ngiting kanina na nakaguhit sa napakakyut niyang mukha ay nawala. “Hmm... Okay po.”
Magsasalita na sana ako nang bigla na namang magsalita ang lalaki na tinawag ng bata na 'Dada' ksnginang mga tao baka nakakalimutan nilang nandito pa ako nakatayo!
Titig na titig siya kay Yam, na may kislap sa mga mata I can see it on his beautiful shade gray eyes. Hmm... What is really happening to this two shitty earthlings?
“You don't need to worry baby Youzkein, your Mommy, will visit you next monday, hindi ba hon?” wika nitong may ngiti sa mapupula niyang labi habang ang bibig ni Yam, ay nakaawang marahil ay hindi niya alam kung paano ipa-process ang narinig ng kaniyang mga tainga.
“Loyin?” wika ng isang pamilyar na boses na nasa likuran ko, damn bakit bumibilis ang t***k ng puso ko?
Damn, damn, may sakit yata ako?
To be continued...