BELLE’S POV
Ang sexy pakinggan ng kaniyang tinig, tila ba nakikipagkarera ang aking puso sa bilis ng pintig nito, may sakit ba ako? Hindi ko ito maaring maramdaman sa isang stranghero. Pero bakit sa presensya niya ay nasasabik at ganoon na lamang kabilis ang pintig nitong puso ko?
“Hey! My best bud, Lenwon!” wika ng lalaking tumawag kay Yam, ng honey. At kasabay noon ang pagyakapan ng bawat isa sa kakilala—yakapang panlalaki.
Nanatiling blanko ang aking expression hindi ko dapat ipahalata na ang puso ko ay nagwawala dahil sa kaniyang presensya. Nakita ko siyang lumingon sa aking kinaroroonan na kung saan ay nagtama ang aming mga mata. Nakipagtitigan ako reto, at lumaban naman siya pero kalaunan ay umiwas din ng tingin.
Hindi ba niya ako naalala? Dahil sa kaniyang titig ay tila pinag-aaralan nito ang buo kong pagkatao. Buti na lang at magaling akong tao sa pagtatago ng emosyon, o expression bagay na hindi niya natatagalan kapag nakikipagtitig siya sa akin.
“That girl [pointing his one finger on me] who is her?” biglang tanong nito sa kakilala na kung saan ay mas lalo pang nagpabilis sa t***k ng aking puso.
Tumayo ako upang umalis na dahil napagod ako sa byahe, at alam kong ganoon din si Yam, hindi lang niya alam kung paano ba makakaalis sa lugar na aming kinatatayuan.
“Let’s go, Yam!” wika ko sa aking pinsan.
Pero habang palakad na ako paalis ay may isang palad na humawak sa aking siko, tila ba may kuryenteng dumaloy rito dahil sa init nito. Bigla akong napahawak sa aking puso, bumilis ito nang bumilis lalo na at nang maamoy ko ang pabango nitong tila tinatangay ako—ang bango-bango niya.
“Hey, lady! I know you, this is not the first time we met, right?” ang tinig niya ay tila nang-aakit sobrang lambing nito.
Lumingon ako rito nilaban ang kaniyang presensya, at ang mapahamak kong puso. “Then, what’s the matter, boy?”
Kitang-kita ko ito habang kinagat ang pang-ibaba niyang labi, at sabay ngisi, psta? Mas lako itong sumiksi dahil sa kaniyang ginawa hindi ko tuloy maiwasang hindi tumitig sa kaniyang labi na maninipis at pulang-pula.
“Do you know each other, Lenwon?” tanong ng kaniyang kakilala.
Hindi ko na hintay ang kaniyang sasabihin at hinila ko nang mabilis si Yam, hindi pwedeng tumagal ako rito dahil puso ko at mata ko ay gusto akong ipahamak. Tila kinain ko ang aking mga salita na hindi ko siya magugustuhan! Sino nga bang tao ang hindi magkakagusto sa isang iyon? Ang wangis niya ay perpekto. Kahit si Yam, ay hindi maisara ang bunganga nang masilayan niya ito.
Naglakad at naglakad lang kami hanggang sa kami ay makalayo, kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Yamien.
“Ano ang binili mo at ang tagal mo?” pagbasag ko ng katahimikan na namamayani sa amin sa loob ng kotse ko.
“Mahabang kwento,” pabulong nitong ani.
“Whatever.”
Nagmaneho na lang akong tahimik hanggang sa makarating kami ng Mansyon, pero hindi mawala-wala sa aking isipan ang lalaking iyon, Lenwon ang kaniyang ngalan. Ang mga mata niyang magaganda ay pamilyar na pamilyar sa akin, saan ba? Saan ko ba nakita ang taong iyon? At tila ayaw akong tantanan ng utak kong malikot kaiisip sa kaniya?
“Bunsoo!” bungad na sigaw ni kuya Kaizer, na malaking ngiti ang pinapakita habang ang dalawa nitong braso ay malapad na nakabukas—gusto niyang yakapin ko siya.
Pagod ang katawan ko dahil sa biyahe pero hindi ko dapat iyon ipahalata at baka hindi sila titigil katatanong sa akin kung saan ako galing.
“Nag-enjoy ba kayo ni, Yam? Sa pinuntahan ninyo? wika nito habang ako ay yakap-yakap at hinahaplos-haplos ang aking buhok.
Ngumiti ako rito ng kay-tamis, “Oo, kuya! Sayang at hindi ka nakasama,” pagmamaang-maangan kong ani rito.
Rinig ko naman ang simpling pagtikhim ni Yam, na tila ba nanunukso dahil sa aking sinabi.
“Next time kapag hindi na ako busy, bunso sasama ako sa inyo ni Yam,” masigla nitong ani sa akin.
“Sige kuya, pasok na muna kami ni Yam. Magpapahinga lang kaming saglit bago kumain,” aniya.
Hinalikan ako nito sa noo, at pagkatapos ay umalis na kami ni Yam, upang pumasok. Bakit pa nga ba ako hinintay ng bruhang ito? At hindi pa dumretso?
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng mansyon ay bumungad sa amin si kuya Keats, at Sam na masayang nagkikipag-kwentuhan. Natigil lamang sila nang kami ay kanilang nakita.
“Hey, bunny? Where have you been?”
Ngumiti ako rito at lumapit sa kaniya upang yakapin. “Pumasyal lang kami ni Yam, kuya. Pinasyal ko lang siya dahil matagal siyang nawala rito sa Pinas,” pagsisinungaling ko rito na kaagad namang sinang-ayunan ni Yam.
Ginulo nito ang aking buhok. “Okay, did you enjoy?”
“Oo naman,” wika ko at binalingan ng tingin si Yam, na kaagad namang tumango at ngumiti kay kuya bilang tugon.
“Sige na kuya, pahinga lang kami muna ni Yam, para kasing nagkakasiyahan pa kayo ng my loves mo,” pag-aasar kong ani na siya namang pagbilis ng pamumula ng pisngi ni Sam.
“C’mon, bunso don’t do this.”
Bigla akong napatawa sa kaniyang sinabi, alam kong pinipigilan lang niyang hindi kiligin. Alam na alam ko kung gaano niya ito kamahal.
“Okay, hands up!” wika ko habang palayo ako sa kanila at sumunod naman si Yam.
Sumulyap pa muna ako kay Sam, bago tuluyang umalis sa kanilang kinaroroonan. Hindi na ganoon ang titig niya sa akin noong una niya akong nakita sa kaniyang kuwarto. Isang kamalian na hindi ako gumamit ng contact lenses upang hindi makita ang tunay na kulay ng aking mata—ang kulay berde. Buti na lamang at tanging miyembro ko lang ang nakakita sa tunay na kulay nito pero kahit ganoon ay tila ipapahamak ako nito dahil sa hindi ako nag-iingat.
“Psstt. Belle?”—Yam.
“What?”
“Ramdam mo rin ba ang kakaibang presensya noong babae? Parang may mali sa kaniya.”
Marunong rin pala itong makiramdam, “Not here, Yam. Baka may makarinig sa atin.”
“Grabi ang laki-laki ng mansyon ninyo! Nakakapagod lakarin buti na lang at may elevetor! Bakit kasi ganito beh, kalawak?” pagiiba nito sa usapan dahilan para mapatawa ako.
“You know her, Yam,” pagiiba ko ng usapan para magulo ang isip niya.
“Huh? Sino!?”
Nginitian ko lang ito saka nagtungo na sa aking silid upang magpahinga, bahala kang mag-isip riyan, Soulless.
To be continued...